Share

Chapter 4

Yaya Seling had to stay in the hospital for seven days and Tor made sure she would get all the care that she needs. Pagbalik nito, dapat ay nabawi na niya ang mans'yon kay Rosanna. Half-day lang siya ngayon sa clinic dahil personal siyang pupunta sa munisipyo para magbayad ng property tax pati na ang accrued penalties. For twenty years, Rosanna got away with everything. Pero ngayon ay sisiguraduhin niyang pagbabayaran nito ang lahat. And it's going to be... very painful.

Maagad siyang pumasok sa clinic para matingnan ang mga pasyente. From nine in the morning to one in the afternoon ay hindi siya titigil para magbreak. Sa bayan na siya kakain para ma-accommodate ang mga pasyenteng nadagdag. He didn't need money, but he needs to prove his business is legit so he cut down his fees in half. Ayaw niyang magsuspetsa ang mga tao lalo na ang mga lihim niyang kaaway na nandito siya para ipaghiganti ang kaniyang ama.

Ten minutes before they open, naisipan niyang pumunta sa coffee shop. Pakiramdam niya ay kulang ang ininom niyang kape kanina. Tor went in the coffee shop and the chime made a sound. Nakita siya ni Jacklyn at kaagad itong ngumiti. May pagkaway rin ito na para bang nakakita ng artista. Pinigil ni Tor ang matawa at baka ma-offend ito. Maybe he is just really happy to see him.

"Good morning, Doc! Buena mano ka namin ngayon, "sabi nito sa kaniya nang makalapit siya sa counter.

"Good morning. Can I have a large black coffee, please? Iyong katulad nang tinimpla mo para sa akin the last time."

"Tamang tama. Fresh ito, Doc. Katatapos ko lang magbrew." Ipinagsalin siya nito sa cup. Habang naghihintay ay palinga-linga siya sa paligid. "Tumikhim ang babae. "Kung si Ma'am Iris ang hinahanap mo ay wala siya rito ngayon. Magpapasukat 'yon ng traje de boda niya sa bayan. Alam mo ba 'yong Ching's Bridal?" Tumango si Tor kahit hindi niya alam kung saan 'yon. "Doon siya pupunta mamayang ala una y media. Malapit lang 'yon sa may city hall. Kaunting lakad lamang ay naroon ka na." Inilapag nito ang kape sa harap niya at aabutan niya ng bayad pero umiling ito. "Sabi ni Ma'am, huwag kang pagbayarin. It's on the house raw kasi gusto ka niyang tulungan. Ibinilin pa nga sa akin na dalhan kita ng meryenda mamaya pati 'yong dalawang staff mo kaya pupunta ako sa clinic. Nagpabake rin siya ng muffins na extra para sa mga pasyente mo para may kinakain habang naghihintay."

Tor was overwhelmed with the things he's hearing. Why is Iris being kind when she's supposed to be mad at him for leaving without a word?

"Ang bait ni Ma'am ano?" Ngumuso si Jacklyn. "Hindi sila bagay ng jowa niya pero secret lang natin. Umiyak nga si Ma'am Iris noon e."

Tor sipped his coffee. Kailangan na niyang bumalik sa clinic dahil tapos na ang sampung minuto niya, pero hindi niya maihakbang ang mga paa palabas. Gusto niyang malaman kung bakit umiyak si Iris. Nobyo niya 'yong pakakasalan niya. Ayaw ba niyang mag-asawa? Hindi naman siguro tatanggi si Octavio sa anak ng gobernador.

"Bakit siya... umiyak?"

"Kasi nakipag-break na si Ma'am Iris doon sa jowa niya noon. Nahuli niya 'yong may kahalikan sa bayan, pero pinatawad niya. Nang umulit uli, tinuluyan na niya. Nahuli niya sa hotel e. Alam mo na, nagtotorjakan." Napangiwi si Tor. Ngayon ay alam na niya kung ano ang ibig sabihin ni Jacklyn nang sambitin nito ang torjak.

Nakaramdam siya ng galit kay Teofilo. Bakit nito nagagawang lokohin ang isang katulad ni Iris? She's a catch. Maganda. Mabait. Mayaman. Edukada. Matulungin. Any man would be lucky to have her. But then he thought about his plans, at wala siyang pinagkaiba kay Teofilo. Mas malala pa siya dahil balak niya itong paibigin at kapag hulog na hulog na ito ay saka niya iiwan. The rest of his plans were... it's— Hell. Hindi niya maituloy ang sasabihin.

"Tapos 'yon, mga dalawang buwan na siguro ang nakararaan. Nabalitaan na lang namin na engaged na sila. Nag-announce si Gov e kasi tuwang tuwa siya na ikakasal na 'yong anak niya. Akala nga namin si Teodoro, 'yong panganay niya kasi single pa 'yon. Mukhang harmless pero tingin ko, pareho lang 'yong magkapatid." Napatingin sa kaniya si Jacklyn at na-realize na naparami na ang kwento. "Naku, pasensiya na Doc. Napadaldal na ako. Sige po at dadaan ako roon mamaya para sa bilin ni Ma'am."

"Salamat sa kape." Pagkatapos niyang magpasalamat ay tinungo niya ang pinto at lumabas na. Nakasalubong pa niya ang dalawang customers na papasok. Hindi niya kilala ang mga ito pero titig na titig sa kaniya. Pinagdamutan niya ang mga ito ng ngiti.

Karamihan sa mga pasyente niya ay mga bata na inuubo at sinisipon. Uso ang trangkaso dahil papasok na ang tag-ulan. He worries about dengue dahil madawag na ang damuhan at maraming stagnant water sa paligid. Nang tumayo siya para mag-inat ay sinilip niya ang lobby. There were a few more patients pero matiyaga ang mga itong naghihintay. The muffins helped at maging ang pag-aalburoto ng mga bata ay nabawasan. Naisip ni Tor na makipag-ugnayan sa mga local farmers at mga local bake shops para may pagkain ang mga pasyente habang naghihintay. It's nothing big— merienda lang naman. At least, may pangbalanse siya sa mga masama niyang ginawa simula nang bumalik siya sa Pilipinas.

He left at one and found himself driving towards the city hall, pero nakita niya si Iris na bumaba mula sa kotse. Ipinagbukas pa ng driver ang babae at wala itong ibang kasama. He remembered her having friends back then. Ano'ng nangyari at wala itong kasama kahit isa? It would be nice to have someone to talk with and exchange ideas about a wedding dress. At least, ganoon ang mga pinsan niya noon kay Uncle Fidel nang ikasal.

Tor parked the car not too far from the shop and took a deep breath. He shouldn't be doing this right now, pero hindi niya mapigilan ang sarili. Pumasok siya sa shop at nakita niyang may kausap si Iris sa cellphone. She turned around to find Tor behind her and her eyes widened.

"I'll call you back." Ibinaba nito ang tawag. "What are you doing here? Ikakasal ka rin ba?" She looked confused and Tor smiled. A real one, this time.

He shook his head. "I was... going to ask if you would like to go out on a date with me."

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Gel C
Love this! More!
goodnovel comment avatar
Jonacris Arellano Tagudin Delacruz
Ayan Ang tor eh walang keme direct to the point...
goodnovel comment avatar
manika36
yown.. walang paligoy.. hehehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status