تسجيل الدخولYOHANN Gumayak ako ng maaga para pumasok sa trabaho. I usually visited my own hospital located in Taguig. Simula ng magkaroon ako ng pagkakataon para makapagtayo ng isang hospital sa tulong ni Saldy Ortega. Ito ang ama ni Brigitte na tumulong sa akin na makapag-aral hanggang makatapos ng Medicine sa college. Hindi ko naramdaman sa mag-asawa na kailanman ay sinumbatan nila ako dahil sa pagtulong ng mga ito sa akin. They have been helping me since the day that I chose to lived with them. Even their daugther, Bridgitte treated me with the same respect as her parent did to me. Kaya lumipas ang maraming taon na hindi ko napapansin, its been fifteen long years when I left that place where I first met Martina. Hindi siya nawala sa isip ko simula ng makilala ko siya. I clearly remember her angelic face, and feminine side. Ang boses nito na malambing at tila palaging bumabalik sa pandinig ko ang siyang ala-ala na iningatan ko hanggang sa ngayon. There
MARTINA Pagkauwi ko galing ng trabaho ay namili pa ako ng mga stocks na pagkain sa bahay. Buti na lang at kahit papaano ay nakakaraos kaming mag-ama sa araw-araw kahit na mahirap ang sitwasyon namin. Hindi pa rin tuluyang gumagaling sa sakit sa puso si tatay at malaking halaga ang kakailanganin namin para sa operasyon nito. Saan akong kamay ng Diyos kukuha ng milyong pera para mapagamot ang sakit ng Tatay? Palagi na lang tumatakbo sa isipan ko ang sitwasyon ni Tatay at kung paano ko siya matutulungan. Sa huli ay nanghihina lang ako sa katotohanang hindi ko matulungan ang sarili kong magulang dahil sa kahirapan na dinadanas namin ngayon sa buhay. Bitbit ko ang ilang supot ng mga gulay at prutas na binili ko sa divisoria, pati ang kaunting karne at mga delata ay nakipagsisiksikan ako sa maraming tao. Balak kong dumaan muna sa simbahan ng Quiapo para magdasal bago tuluyang umuwi sa bahay. Ito na ang nakasanayan kong gawin palagi simula ng magsimula ako
YOHANN Ang sabi nila, gaano mo man planuhin ang buhay mo, mangyayari at mangyayari pa rin ang inilaan sayo ng kapalaran at Diyos sayo. Katulad ng nangyari sa akin, labing limang taon na ang nakalipas. Hindi ko inakala na maiiba ang aking tadhana dahil sa isang pangyayaring hindi ko makakalimutan. Ibinaba ko ang hawak kong baso ng alak sa isang round table na nasa gilid ng rillings ng balcony. Kasalukuyan akong nakatanaw sa malawak na lupain ng mga Ortega sa Laguna. Biglang bumalik ang mga ala-ala ko fifteen years ago. "Hijo..." Napalingon ako sa isang babae na isa sa mga tauhan ng DSWD. Hindi ako agad nakasagot at nanatili akong tahimik habang tinitingnan ko ang tuluyang pagsasarado ng nitso ni Tiyo Andres. "Kailangan ka munang sumama sa amin ngayon dahil minor de edad ka pa." Doon na ako napatingin muli sa kanila. Ano ang magyayari kapag sumama ako sa kanila? Umiling ako sa kanya at nagsalita."Kaya ko pong mag-isa. Magtratrabaho n
MARTINA "Teka...teka," awat ko kay Warren ng binuhat nito ang mga bottled water na dapat ilagay sa malaking cooler para lumamig. "Ano?" Magkasalungat ang mga kilay ko ng lingunin si Martina. Kanina pa ako nabibingi sa kakadaldal niya, kulang na lang ay maging announcer ito sa radyo sa dami ng paalala nito sa akin habang inaayos ko ang mga paninda sa grocery store ni Tita Cora. "Dahan-dahan naman kasi sa pagbubuhat at baka mabagsak ang mga yan at sumabog ang laman. Hindi naman kasi ikaw ang mapapagalitan kapag tumapon ang mga laman nyan."Nakanguso kong sintemyento sa kanya ng padaskol-daskol lang nitong buhatin ang isang malaking box na may lamang mga bottle water. "Kaya ko, okay? Basta huwag ka lang maingay d’yan at magagawa ko ng tahimik ang mga trabaho dito." Sungit! Inis kong sabi sa sarili ko. Kung hindi lang talaga ito pamankin ng mismong amo ko...malaman na nabatukan ko siya kanina pa. Napa presko...mayabang, hays. Wala pang tanghali
MARTINA Malalakas na busina ng mga sasakyan, mainit na panahon at mga ingay na nagmumula sa iba't-ibang bibig ng mga tao ang naririnig ko mula sa bintana ng jeep na sinasakyan ko. Papunta ako ngayon sa Balintawak para pumasok sa trabaho ko. Simula ng atakihin si Tatay sa puso ay hindi ko na siya hinayaang pang magtrabaho, dahil doon ay napilitan na rin akong huminto sa pag-aaral. Nasa first year college na ako noon ng huli akong tumungtong sa paaralan. Ayaw akong payagan na huminto ni Tatay sa pag-aaral pero sa huli ay naisip niya rin na hindi kami mabubuhay kung hindi ako magtratrabaho kaya simula noon ay naging sanay na rin ang katawan ko sa ganitong sitwasyon. "Ma-ma...para na po sa tabi." Narinig kong sabi ng isang lalake kaya napakapit ako sa bakal na hawakan ng jeep ng mabilis na huminto ang driver ng jeep para ibaba ang isa nitong pasahero. Hinawakan kong mabuti ang dala kong lunch box para protektahan na mahulog ito. Araw-araw akong nagbabaon ng pag
YOHANN Pagkatapos akong pakawalan ng mga tanod at humingi ng despensa ni Manong Antonio dahil sa ginawa ko raw na pagnanakaw ng mga dala-dalahan ng ale ay isinama niya ako sa maliit na turo-turo stand niya. "Maupo ka muna dyan, at ipaghahain kita ng mainit na sabaw at kanin." Bilin nito sa akin at muling isinuot ang apron na hinubad nito kanina ng makipag-usap ito sa mga tanod. Simple lang ang tindahan niya at tipikal itong stand na makikita sa kahabaan ng Divisoria. Pamaya-maya ay bumalik ito na may dalang isang mangkok na umuusok ang laman nitong sabaw. Pagkapos nitong ilapag ang mangkok sa mesa ay sunod naman nitong binalikan ang kanin at pitsel ng tubig. "Oh heto, kumain ka na muna bago ka umuwi sa inyo." Sinulyapan ko ang kanin na dala niya, sunod ay tiningnan ko ang reaksyon ng mukha nito. Nakangiti ito na parang wala akong ginawang anumang bagay na masama kanina. "Salamat na lang po pero uuwi na lang po siguro ako at masyado nang







