تسجيل الدخول
Ang bawat patak ng luha mula sa mga mata ni Yohann ang nagsilbing palatandaan ng lungkot na lumulukob sa kanyang puso ng mga oras na iyon. Siya lamang at ang kanyang Tiyo Andres ang tanging nasa harapan ng puntod ng kanyang ina.
Namatay ito dahil sa sakit sa baga, katulad ng sa kanyang ama ay hindi ito naagapan. Isang taon pa lang ang nakakalipas ng mawala ang kanyang ama dahil din sa isang sakit.
Itinaas niya ang kanyang ulo mula sa langit habang walang humpay pa rin ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.
Bakit napakalupit ng tadhana sa kanya? Kasalanan ba ang humiling ng isang kumpleto at masayang pamilya? Buong buhay niya, wala siyang nakita at narinig kung hindi ang hirap ng buhay pero tiniis nila ang lahat ng iyon. Pero ngayon...paano niya haharapin ang hirap ng buhay kung mag-isa na lang siya?
Para saan pa ang pagsusumikap niya para mag-aral at mabuhay kung ang mga taong mahal niya ay wala na sa mundo?
Napaluhod si Yohann mula sa lupa at ni isang salita ay wala itong narinig mula sa kanyang tiyuhin kung hindi ang paghagod ng magaspang at marumi nitong kamay sa kanyang likod.
Ang buhay ay masyadong malupit para sa mga taong mahihirap at walang kakayahang mabuhay ng marangal. Kahit ipilit na itanggi ay kusang hahalik ang mga labi ng mga taong mahihirap sa lupa upang ito ay amuyin at ipaalala kung anong klase ng mundo ang kanilang ginagalawan.
"Yohann, dapat na tayong umalis, ang ulan ay nagbabadya na." Narinig niyang sabi ng kanyang tiyuhin habang nakamasid ito sa kanya. Muli ay nilingon niya ang puntod ng kanyang mga magulang na magkatabi.
Gusto niyang humiyaw, magmura upang ilabas ang sakit na kinikimkim niya sa mundo. Walang isang salita ang makakapag paliwanag ng sitwasyon niya ngayon. Isang talunan at walang patutunguhan ang buhay na hinaharap niya. Iyon ang nasa kanyang isipan.
Hinila siya mula sa braso ng kanyang Tiyo Andres ay napilitan siyang tumayo mula sa putikan at kalugmukan na kanyang pinagdaraanan.
"Makakaya mong harapin ang bukas,Yohann. Nandito lang ako para samahan at tulungan ka," kahit hirap sa pagsasalita ang kanyang tiyuhin dahil may bukol ito sa lalamunan ay pilit niyang inintindi ang sinabi nito. Pilit niyang isiniksik sa kanyang isipan ang mga sinabi nito upang kahit sa mga salitang iyon ay magkaroon siya ng lakas upang maglakad papalayo sa lugar na iyon na naging isang lugar ng kasawian para sa kanya.
Pagdating nila ng bahay ay pinagmasdan muli ni Yohann ang paligid. Isang kapirasong kuwarto na halos tirhan na ng iba't ibang klaseng ipis at daga dahil sa hitsura nito.Iyon na ang magiging tahanan niya simula ngayon.
"Pasensya ka na sa bahay ko Yohann ha, maliit ito at masikip pero ang prinsipyo ko...kahit na sa isang kasing laki lang ng kahon ako nakatira ay mas okay na kaysa ang magpakalat-kalat ako sa daan at sa huli ay aalipustahin lang ako ng mga matang nakatingin sa akin."
Bigla siyang napatingin sa kanyang Tiyo Andres… Inunawa ni Yohann ang sinabi nito at alam nitong hindi magiging madali ang pagdadaanan nito habang nasa puder siya ng kanyang Tiyuhin pero handa siyang gawin ang lahat para manatili siyang buhay sa kasalukuyang mundo kung saan ang lahat ay malupit at mapanghusga.
"Ayos lang po ako Tiyo. Kaya ko pong magtsaga."
"Talaga? Abay mabuti yan, huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang buhay natin ay may simula at wakas, kaya habang tayo ay nasa gitna pa ng paglalakbay ay gawin mo na ang lahat ng makakaya mo para maiba ang landas na tinatahak mo. Kung ang mundo mismo ang nagdadala sayo sa sitwasyong hindi mo nakikita ang magagadang nangyayari, ikaw na ang gumawa ng paraan para tuluyang makaalis sa sitwasyong iyon bago ka pa tuluyang malugmog."
Alam ni Yohann na sa edad ng kanyang Tiyo Andres ay marami na itong karanasan sa buhay. Mga karanasan na lalong nagpahirap sa sitwasyon nito at hindi nito nakayang lagpasan at iwasan kaya nanatili itong nakatali sa kahirapan at lungkot ng buhay.
"Magsisikap po ako Tiyo Andres,pagkatapos ay magtatagumpay at aalis tayo sa lugar na ito." Pangako niya sa sarili, iyon ang pangakong gaano man kahirap ay susuungin niya para lamang magkatotoo.
"Oh siya, iayos muna ang mga gamit mo para tayo ay makakain na at makapagpahinga. Sabi nga nila, bagong araw...bagong pag-asa." Nakita ni Yohann kung paano ang mga linya sa noo ng kanyang Tiyuhin ay lumubog mula sa pagkakangiti nito sa harap niya. Nagsilbi iyong pag-asa na ang buhay ay hindi nararapat na bigyang ng tuldok dahil lang sa kapighatian kung hindi ito ay nararapat ding harapin dahil sa bagong pag-asa na dala ng bagong umaga.
Kinabukasan ay isinama siya ng kanyang tiyuhin upang maghanap ng pagpag sa kahabaan ng ka Maynilaan. Ito raw ang magiging pagkain nila para sa tanghalian.
Hindi niya inakala na sa paraang iyon ay lalong mamumulat ang mga mata niya sa katotohanan kung gaano kahirap ang buhay.
Mula sa truck na dumating na kumukulekta ng mga tirang pagkain sa mga restaurant ay inutusan siyang umakyat ng kanyang Tiyo Andres sa taas ng nito.
"Kailangan mong makipag-unahan sa kanila Yohann kung hindi ay wala tayong kakainin sa tanghalian." Turo ni Tito Andres sa mga batang marurungis na bigla na lang nag sidatingan ng makita ng mga ito ang parating ang truck ng basura.
Tumango siya at kumilos para gawin ang pinag-uutos ng kanyang tiyuhin. Umakyat siya sa mismong dumpbox ng truck at kumuha ng isang black bag ng basura. Iniabot niya iyon sa kanyang Tiyo Andres. Pagkabukas ng supot ay agad na bumungad sa kanyang ilong ang amoy ng pinagsama-samang pagkain sa iisang supot. May tira-tirang karne at isda, mayroong din ilang butil ng mga gulay.
"Kunin mo ang mga piraso ng karne na yan Yohann, puwede pa nating hugasan at iprito yan." Napatingin siya sa mga halo-halong tirang pagkain na parang isang bagay na paulit-ulit na magpapaalala sa kanya kung ano ang sitwasyong kinasasadlakan niya ngayon.
Muli ay sinunod niya ang kanyang Tiyo at isa- isa niyang kinuha mula sa plastic bag ang mga tirang karne. Halos mahalukay na nila ang buong laman ng plastic bag na iyon para makahanap ng tirang karne na puwede nilang iuwi at kainin.
Pagdating nila sa bahay ay agad siyang inutusan ng kanyang Tiyo Andres na maligo habang piniprito nito ang mga karne na nakuha nila sa pamamagpag.
Pagkapaligo niya ay niyaya na siyang maupo nito sa kulay itim na lamesa nito na sa katagalan ay umuuga na ang ilang paa at pati ang kahoy na upuan na ginagamit nila ay lumalangitngit na rin kapag sinubukan mong maupo.
"Sanayin muna ang sarili mo sa ganitong buhay Yohann.Kung matututunan mong tanggapin agad ang buhay na mayroon tayo ngayon baka mas madali kang makakagawa ng paraan para makaahon ka sa kahirapang tinatamasa natin ngayon," saglit siyang napahinto ng marinig niya ang sinabing iyong ng kanyang Tiyo Andres.
Paano mo nga ba sasanayin ang sarili mo sa isang sitwasyon na kahit minsan ay hindi mo pinangarap? Oh maging ninais na mangyari sayo buong buhay mo?
Sinumpa niyang hindi ang kahirapan ang magpapatapos ng buhay niya. Gagawin niya ang lahat para makaalis sa buhay na kinagisnan niya at pilit na nagpapaalala sa kanya kung bakit namatay ang kanyang mga magulang.
YOHANN Gumayak ako ng maaga para pumasok sa trabaho. I usually visited my own hospital located in Taguig. Simula ng magkaroon ako ng pagkakataon para makapagtayo ng isang hospital sa tulong ni Saldy Ortega. Ito ang ama ni Brigitte na tumulong sa akin na makapag-aral hanggang makatapos ng Medicine sa college. Hindi ko naramdaman sa mag-asawa na kailanman ay sinumbatan nila ako dahil sa pagtulong ng mga ito sa akin. They have been helping me since the day that I chose to lived with them. Even their daugther, Bridgitte treated me with the same respect as her parent did to me. Kaya lumipas ang maraming taon na hindi ko napapansin, its been fifteen long years when I left that place where I first met Martina. Hindi siya nawala sa isip ko simula ng makilala ko siya. I clearly remember her angelic face, and feminine side. Ang boses nito na malambing at tila palaging bumabalik sa pandinig ko ang siyang ala-ala na iningatan ko hanggang sa ngayon. There
MARTINA Pagkauwi ko galing ng trabaho ay namili pa ako ng mga stocks na pagkain sa bahay. Buti na lang at kahit papaano ay nakakaraos kaming mag-ama sa araw-araw kahit na mahirap ang sitwasyon namin. Hindi pa rin tuluyang gumagaling sa sakit sa puso si tatay at malaking halaga ang kakailanganin namin para sa operasyon nito. Saan akong kamay ng Diyos kukuha ng milyong pera para mapagamot ang sakit ng Tatay? Palagi na lang tumatakbo sa isipan ko ang sitwasyon ni Tatay at kung paano ko siya matutulungan. Sa huli ay nanghihina lang ako sa katotohanang hindi ko matulungan ang sarili kong magulang dahil sa kahirapan na dinadanas namin ngayon sa buhay. Bitbit ko ang ilang supot ng mga gulay at prutas na binili ko sa divisoria, pati ang kaunting karne at mga delata ay nakipagsisiksikan ako sa maraming tao. Balak kong dumaan muna sa simbahan ng Quiapo para magdasal bago tuluyang umuwi sa bahay. Ito na ang nakasanayan kong gawin palagi simula ng magsimula ako
YOHANN Ang sabi nila, gaano mo man planuhin ang buhay mo, mangyayari at mangyayari pa rin ang inilaan sayo ng kapalaran at Diyos sayo. Katulad ng nangyari sa akin, labing limang taon na ang nakalipas. Hindi ko inakala na maiiba ang aking tadhana dahil sa isang pangyayaring hindi ko makakalimutan. Ibinaba ko ang hawak kong baso ng alak sa isang round table na nasa gilid ng rillings ng balcony. Kasalukuyan akong nakatanaw sa malawak na lupain ng mga Ortega sa Laguna. Biglang bumalik ang mga ala-ala ko fifteen years ago. "Hijo..." Napalingon ako sa isang babae na isa sa mga tauhan ng DSWD. Hindi ako agad nakasagot at nanatili akong tahimik habang tinitingnan ko ang tuluyang pagsasarado ng nitso ni Tiyo Andres. "Kailangan ka munang sumama sa amin ngayon dahil minor de edad ka pa." Doon na ako napatingin muli sa kanila. Ano ang magyayari kapag sumama ako sa kanila? Umiling ako sa kanya at nagsalita."Kaya ko pong mag-isa. Magtratrabaho n
MARTINA "Teka...teka," awat ko kay Warren ng binuhat nito ang mga bottled water na dapat ilagay sa malaking cooler para lumamig. "Ano?" Magkasalungat ang mga kilay ko ng lingunin si Martina. Kanina pa ako nabibingi sa kakadaldal niya, kulang na lang ay maging announcer ito sa radyo sa dami ng paalala nito sa akin habang inaayos ko ang mga paninda sa grocery store ni Tita Cora. "Dahan-dahan naman kasi sa pagbubuhat at baka mabagsak ang mga yan at sumabog ang laman. Hindi naman kasi ikaw ang mapapagalitan kapag tumapon ang mga laman nyan."Nakanguso kong sintemyento sa kanya ng padaskol-daskol lang nitong buhatin ang isang malaking box na may lamang mga bottle water. "Kaya ko, okay? Basta huwag ka lang maingay d’yan at magagawa ko ng tahimik ang mga trabaho dito." Sungit! Inis kong sabi sa sarili ko. Kung hindi lang talaga ito pamankin ng mismong amo ko...malaman na nabatukan ko siya kanina pa. Napa presko...mayabang, hays. Wala pang tanghali
MARTINA Malalakas na busina ng mga sasakyan, mainit na panahon at mga ingay na nagmumula sa iba't-ibang bibig ng mga tao ang naririnig ko mula sa bintana ng jeep na sinasakyan ko. Papunta ako ngayon sa Balintawak para pumasok sa trabaho ko. Simula ng atakihin si Tatay sa puso ay hindi ko na siya hinayaang pang magtrabaho, dahil doon ay napilitan na rin akong huminto sa pag-aaral. Nasa first year college na ako noon ng huli akong tumungtong sa paaralan. Ayaw akong payagan na huminto ni Tatay sa pag-aaral pero sa huli ay naisip niya rin na hindi kami mabubuhay kung hindi ako magtratrabaho kaya simula noon ay naging sanay na rin ang katawan ko sa ganitong sitwasyon. "Ma-ma...para na po sa tabi." Narinig kong sabi ng isang lalake kaya napakapit ako sa bakal na hawakan ng jeep ng mabilis na huminto ang driver ng jeep para ibaba ang isa nitong pasahero. Hinawakan kong mabuti ang dala kong lunch box para protektahan na mahulog ito. Araw-araw akong nagbabaon ng pag
YOHANN Pagkatapos akong pakawalan ng mga tanod at humingi ng despensa ni Manong Antonio dahil sa ginawa ko raw na pagnanakaw ng mga dala-dalahan ng ale ay isinama niya ako sa maliit na turo-turo stand niya. "Maupo ka muna dyan, at ipaghahain kita ng mainit na sabaw at kanin." Bilin nito sa akin at muling isinuot ang apron na hinubad nito kanina ng makipag-usap ito sa mga tanod. Simple lang ang tindahan niya at tipikal itong stand na makikita sa kahabaan ng Divisoria. Pamaya-maya ay bumalik ito na may dalang isang mangkok na umuusok ang laman nitong sabaw. Pagkapos nitong ilapag ang mangkok sa mesa ay sunod naman nitong binalikan ang kanin at pitsel ng tubig. "Oh heto, kumain ka na muna bago ka umuwi sa inyo." Sinulyapan ko ang kanin na dala niya, sunod ay tiningnan ko ang reaksyon ng mukha nito. Nakangiti ito na parang wala akong ginawang anumang bagay na masama kanina. "Salamat na lang po pero uuwi na lang po siguro ako at masyado nang







