Home / Romance / SANDALING KAPILING KA / CHAPTER 3- UNANG PAGKIKITA

Share

CHAPTER 3- UNANG PAGKIKITA

Author: YNAH MENDOZA
last update publish date: 2026-05-14 20:08:37

YOHANN

        Pagkatapos akong pakawalan ng mga tanod at humingi ng despensa ni Manong Antonio dahil sa ginawa ko raw na pagnanakaw ng mga dala-dalahan ng ale ay isinama niya ako sa maliit na turo-turo stand niya.

        "Maupo ka muna dyan, at ipaghahain kita ng mainit na sabaw at kanin." Bilin nito sa akin at muling isinuot ang apron na hinubad nito kanina ng makipag-usap ito sa mga tanod.

        Simple lang ang tindahan niya at tipikal itong stand na makikita sa kahabaan ng Divisoria. Pamaya-maya ay bumalik ito na may dalang isang mangkok na umuusok ang laman nitong sabaw. Pagkapos nitong ilapag ang mangkok sa mesa ay sunod naman nitong binalikan ang kanin at pitsel ng tubig.

        "Oh heto, kumain ka na muna bago ka umuwi sa inyo."

        Sinulyapan ko ang kanin na dala niya, sunod ay tiningnan ko ang reaksyon ng mukha nito. Nakangiti ito na parang wala akong ginawang anumang bagay na masama kanina.

        "Salamat na lang po pero uuwi na lang po siguro ako at masyado nang nakakahiya sa inyo."

        "Sus, ang batang ito oo... Huwag ka ng mahiya at kumain ka na muna. At isa pa, kakilala ko si Andres na tiyuhin mo." Nagulat ako ng sabihin niya ang pangalan ni Tiyo Andres.

        "Paano nyo po nakilala ang tiyuhin ko?" kahit na nahihiya ako ay nakuha ko pa ring siyang tanungin.

        "Matagal na siyang nagpapabalik-balik dito sa Divisoria at matagal na rin kaming magkakilala. Nasaan na nga pala siya at bakit hindi mo kasama?" Muli nitong hinubad ang apron na suot at ipinatong sa likod ng upuan na kinauupuan nito.

        "May sakit po siya ngayon kaya hindi ko siya nakasama sa pagtratrabaho."

        "Ganun ba, sabi ko kasi sa kanya ay sasamahan ko siyang ipatingin ang bukol niya sa leeg kaso puro tanggi ang alam na gawin.Wala daw siyang pera, sayang daw ang araw na puwede pa siyang maghanap buhay kasya magpagamot." Napapailing nitong kuwento sa akin.

        Matigas din kasi ang ulo ni Tiyo Andres kaya hindi ko rin masisisi si Mang Antonio kung bakit nito nasabi ang ganoong bagay dito.

        "Pasensiya na po kayo kay tiyo, ganoon lang po talaga minsan iyon."

        "Sus, okay lang iyon at matagal ko nang kilala ang tiyuhin mo kaya kabisado ko na rin ang ugali niya. Teka at ipagsusupot ko siya ng lugaw para maiuwi mo sa kanya at makain niya." Muling tumayo si Mang Antonio upang kumuha ng sinabi nitong lugaw. Ako naman ay kahit na nahihiya ay sinimulan ko na ring kainin ang nilagang baboy na ulam na inihain niya para sa akin at mainit na kanin. Wala akong nakuhang pagpag kaya tiyak na magugutom ako kung hindi ko kakainin ang mga ibigay niya sa akin.

        Habang kumakain ako ay may isang dalaga na babae ang biglang sumulpot sa tindahan ni Manong Antonio. Isinara muna nito ang payong na gamit galing sa init at saka nito ipinatong sa ibabaw ng isang mesa.

        "Tatay!" hiyaw nito na ikinagulat ko. Tatay?  Anak ba siya ni Manong Antonio?

         "Oh anak, nandyan ka na pala…bakit maaga ka atang umuwi?" Salubong nito sa kadarating lang na dalaga. Nagmano pa ito kay Manong Antonio pagkatapos nitong ilapag naman sa upuan ang mga dala nitong gamit at bag.

        "Halfday lang po kami Tay' at may meeting daw po ang mga teachers namin." sagot nito kay Mang Antonio.

        Naka uniporme ito kaya malamang ay galing ito sa ekswelahan. Mas bata itong tingnan kaysa sa akin. Mayroon itong mahabang buhok na kulay itim, maputi ang balat nito sa karaniwang mga babae na nakikita ko sa lugar, maganda ang mukha nitong parang isang anghel lalo na kapag ngumingiti ito habang kausap ang ama nito.

        "Siya nga pala, Martina ito si Yohann pamangkin ni Andres." Binaling nito ang tingin sa akin at saglit na huminto ang pagtibok ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kaba, kaba na parang hindi ko mapigilan sa bilis ang takbo ng puso ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata dala siguro ng kabang nararamdaman ko.

        "Hi," ito ang unang bumati sa akin. Alanganin ko siyang nginitian din at binati.

        "H-hello..."

        "Saluhan mo na kaya siyang kumain Tin, saglit at ikukuha kita ng pagkain."

        "Busog pa po ako Tay', nagmiryenda po kasi kami nila Jessie kanina bago umuwi.Tutulungan ko na lang po kayong mag-urong, marami na po bang urungin?" Sinundan nito ang ama sa kusina habang nagsasalita at naiwan akong nakatulala sa kawalan.    

        Bago ako pinaalis ni Manong Antonio ay ibinilin niya sa akin na pakainin ko ng mabuti si Tiyo Andres, maging ang pambili ng gamot sa lagnat nito ay binigyan din niya ako para maibili ko raw ng iinuming gamot si tiyo.

        "Salamat po Mang Antonio."

        "Walang anuman yun, kapag may kailangan pa kayong mag tito ay magsabi lang kayong dalawa at huwag kayong mahihiya."

        Gusto ko siyang yakapin para maiparamdam ko sa kanya ang pasasalamat ko dahil naging isang anghel siya na tumulong sa aming ni Tiyo Andres.

        Ang buong akala ko kanina at tuluyan na akong makukulong buti at tinulungan niya ako at pinakain pa. Sana balang araw ay matumbasan ko ang kabutihang ginawa niya para sa aming dalawa na mag tiyo.

        Nagpaalam na ako ng tuluyan sa kanya upang mapakain at mapainom ko ng gamot si Tiyo pag-uwi ko ng bahay. Saglit ko munang sinulyapan si Martina na nakatalikod habang may nakasuot na earphone sa mga tainga nito at nag-uurong ng mga plato. Hindi niya ako napansin na umalis.

         Pagdating ko ng bahay ni tiyo ay agad ko siyang tiningnan. Nahiga pa rin siya sa papag na pinag-iwanan ko sa kanya.

        Naisipan kong magparikit muna ng apoy para maiinit ang lugaw na uwi ko galing kay Mang Antonio at baka pagkatapos kong iinit ito ay magising na siya. Nailagay ko na sa isang mangkok ang lugaw na mainit, kumuha ako ng isang basong tubig para makainom na rin ng gamot si tiyo pagkatapos nitong kumain.

        Sinilip ko uli siya at mahimbing pa rin siyang natutulog. Kung hahayaan ko siyang matulog ay lalamig naman ang lugaw kaya minabuti ko siyang lapitan at gisingin.

        Inayos ko ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan at sinalat ko ang kanyang noo. Hindi na ito gaanong mainit hindi katulad kanina.

        "Tiyo...tiyo, gising na po kayo at may uwi po akong lugaw galing kay Mang Antonio." Hinimas ko ang kanyang isang braso, hindi pa rin siya sumagot. Kinabahan ako bigla…

        "Tiyo..." Niyugyug ko ang kanyang mga balikat para subukang gisingi pero hindi siya sumagot. Ilang beses kong ginawa ang pagyugyug sa kanya pero hindi na siya kumilos.

        Muling nagbalik ang sakit na pinagdaanan ko mula sa pagkawala ng aking mga magulang. Sakit na walang katumbas, na ang puso ko ay halos gustong tumigil na sa paghinga dahil sa pighati na nararanasan ko.

        Bakit kailangang paulit-ulit akong makaramdam ng ganitong sakit? Hindi pa ba sapat ang mga magulang ko at pati ang Tiyo Andres ko ay kailangan ding mawala sa buhay ko? Hagulgol na walang tigil ang ginawa ko. Para na akong manhid sa lahat ng sakit at ang tanging gusto ko na lang mangyari ng mga oras na iyon ay maglaho na mundong ginagalawan ko ngayon, kung saan...wala ng lungkot, pait at sakit.

        Katulad ng nangyari sa akin ng mamatay si Nanay ng nakaraang buwan ay tinulungan din ako ng kapitan at mga konsehal ng lugar kung saan kami nakatira ni Tiyo para magkaroon siya ng disenteng burol. May mga sinasabi ang ibang tao sa akin pero hindi ko maunawaan ang mga iyon, sarado ang isip at puso ko sa mga sinasabi nila. At wala akong nararamdaman ng mga sandaling iyon kung hindi kapighatian.

        Nang mailibing si Tiyo Andres ay muli akong tinanong ng isang tauhan ng DSWD.

        "Ano na ang balak mo ngayon Yohann? Sa pagkakaalam namin ay wala ka ng mga magulang at ang taninging kamag-anak mo na lang ay si Mang Andres pero nawala na rin siya."

        Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Ano na nga ba ang mangyayari sa akin? Saan na ako pupunta ngayon na wala na ang kaisa-isang taong kamag-anak ko? Napayuko ako at muli ay isang masaganang mga luha muli ang bumuhos sa aking mga mata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SANDALING KAPILING KA   FINALE

    YOHANN Magkayap kami ni Martina habang nakatitig sa tahimik na mga bituin sa langit. Ang sarap titingan ng mga ito sa malayo na para bang mga maliliit na ilaw na sinabog sa kalangitan. Nagniningning ang mga ito katulad ng nararamdaman namin ni Martina sa sandaling kapiling namin ang isa't isa. “Yohann…” Narinig kong tawag ni Martina sa pangalan ko. “Hmm? Why, sweetheart?” Hinaplos ko ang malambot at mabaha niyang buhok. “Bakit nandun ka sa bahay ng sumakit ang tiyan ko?” Curious nitong tanong sa akin. Inasahan ko na itatanong nito ang bagay na'yun pag-uwi namin ng bahay. “I always make sure that I see you everyday even if your not here beside me.” Seryoso kong sabi sa kanya. Aaminin ko na nakalimutan ko kung gaano ko siya kamahal dahil sa selos. Ang buong akala ko ay niloloko niya ako kasama ang Warren na'yun. Hindi ko matanggap na hindi niya akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. “Ibig sabihin ay araw-araw kang na

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 50- PAGYAKAP SA KATOTOHANAN

    MARTINA Halos magdadalawang buwan na rin ng magpaalam ako kay Yohann para lumayo sa kanya. Sa lumang bahay ako tumira kung saan naging komportable ako dahil alam kong kahit paano ay naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni tatay. Masasabi kong naging magaan ang pakiramdam ko ng nakalipas na dalawanng buwan. Hindi nagparamdam si Yohann sa akin katulad ng pangako nito na maghihintay ito sa pagbabalik namin na mag-ina sa bahay namin. Tahimik kong pinagmasadan ang mga pasibol pa lang na bulaklak sa mga paso na nakahilera sa hagdan ng bahay namin. Hinimas ko ang tiyan kong nagsisimula ng magkalaman. Namimiss ko ang guwapong mukha ng daddy mo anak, maski ang amoy niya…gusto ko siyang maamoy ulit. Natatawa kong kausap sa anak namin. Bakit ko nga ba pinapahirapan ang sarili ko na makasama ang lalaking mahal ko? Dahil sa takot? Pag-aalinlangan? Oh sadyang hindi ko lang naintindihan sa umpisa na kapag nagmahal ka ay kasama na doon ang sakit at pa

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 49- PAGHIHIWALAY NG LANDAS

    MARTINA Nakatulog ako sa kahihintay kay Yohann kagabi. Umasa akong uuwi ito NG bahay at dito ito matutulog pero hindi iyon ang nangyari. Umasa ako at nabigo sa huli. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga posibleng bagay na maaaring mangyari kagabi habang magkasama si Yohann at Mariz. Pati ang sangol sa sinapupunan ko ay naapektuhan na ang mga nararamdaman ako ngayon na kagagawan ng ama nito. Hindi ako dapat magpatalo sa mga negatibong nararamdaman at naiisip ko ngayon. Dapat akong magpalakas at lumaban para sa anak ko,sa anak namin ni Yohann. Dahil sa nakikita kong sitwasyon namin ni Yohann ay mas mabuting protektahan ko ang anak namin sa sinapupunan ko at magagawa ko lamang ang bagay na'yun kung hindi ko muna sasabihin sa kanya ang katotohanan. Nagpasya akong gumayak para magpatingin sa doctor. Buti na lang at binigyan ako ang isang card ni Yohann para magamit sa mga pang gastos ko. Magwiwithdraw ako ng pera para gamitin sa

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 48- PAG-AALINLANGAN

    ALBERT We ate our dinner in one of the luxurious restaurants in the Metro. Finally, I got her. I have this feeling that she also likes me. I'm so happy to have her at the least expected time of my life. “You like this?” tanong ko sa kanya ng makita kong ubos na ang pagkain sa plato niya. Tumango siya kaya pinaglagay ko siya ng meat sa plato niya. I ordered a lot para makakain siya matapos naming magsolo sa bahay nito. Yes, palagi kaming nasa bahay niya pagkatapos naming mamasyal oh may puntahang ibang lugar. Pinaalala ko sa kanya ang huli naming pagkikita sa ibang bansa at nagulat siya ng sabihin ko sa kanya ang eksaktong araw at petsa kung kailan ko siya nakilala sa pamamagitan ni Yohann. Tumawa kami pareho habang inaalala ang ilang bagay pati ang pagkagusto niya kay Yohann na nagdulot sa akin ng selos. “That was before, okay? Ikaw na ang gusto ko ngayon.” Sagot ni Bridgitte sa akin na kinalungkot ko. “Gust

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 47- SELOS

    BRIDGITTE Halos ilang minuto ko ng pinagmamasdan ang lalakeng nasa tabi ko ngayon habang pareho kaming nakahiga at walang saplot ang katawan. It’s been a week since may mangyari sa amin at naulit pa iyon ng maraming beses. I don’t know but I keep asking myself why I suddenly let these things happen. Maiintindihan ko pa ang unang beses na may nangyari sa aming dalawa pero ang maulit ito ng maraming beses at pumayag ako ay hindi ko maintindihan talaga ang personal kong dahilan kung humantong kami sa ganitong sitwasyon. I never imagined my life being with other man except Yohann. But because of that unplanned scenario, all things were suddenly changed. Alipin ako ngayon ng emosyon na hindi ko maipaliwanag. Napukaw ang mga iniisip ko ng biglang umungol si Albert sa tabi ko na parang naalimpungatan. He automatically search for me by his hand at doon niya ako muling niyakap at walang kahirap-hirap na hinila palapit sa tabi niya ng

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 46- PAGMULAT SA KATOTOHANAN

    MARTINA Nagdalawang isip ako kung tatawagan ko si Warren oh hindi. Malamang na paalis na ito papuntang Leyte. Siya na lang ang pag-asa ko para makaalis sa poder ni Yohann at kalimutan ang lahat sa aming dalawa. Pero isipin ko pa lang na isuko siya sa babaeng gusto ng mga magulang nito para maging asawa ay tuluyan na akong nanghihina. Mahal ko siya at hindi ko kayang makita na may iba sa buhay niya. Pinunasan ko ang mga luhang lumasdas sa mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Kasalukuyan akong nasa kuwarto namin ni Yohann at nagkulong dito. Hindi ko inaasahan ang ganitong sakit dahil sa mga nakita at narinig ko mula sa pamilya ni Yohann. Wala itong kalam-alam sa mga pinagsasabi ng mga ito laban sa akin. Asawa niya ako, sa mata ng Diyos at batas ako ang may karapatan sa kanya at hindi kung sino mang babaeng gusto ng mga magulang nito para sa kanya. Iyon ang dapat kong gawin, ang manatili sa tabi nito at maghinta

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 39- PAGKAGULAT

    ALBERT I immediately stood up when I saw Bridgitte being embarrassed in front of Yohann and Martina. I don’t know but I felt a stinging pain in my heart when I saw her in that situation. Mabilis akong sumunod sa kanya ng walang ano-ano ay umalis siya ng bahay ni Yohann dahil

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 36- KABA

    MARTINA Hindi nagbiro si Yohann ng sinabi niya na aayusin namin ang nalalapit naming kasal sa huwes. Agad naming inasikaso ang ilang papel na kailangang ipasa sa munisipyo para makasal kami agad sa lalong madaling panahon. Parang nagmamadali na hindi ko maintindihan si Yohann na

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 34- PAGNINIIG

    MARTINA Halos paliparin n ani Yohann ang kotse nito habang nasa biyahe kami. Pareho kaming nangingiti kapag nasusulyapan namin ang bawat isa na nakatingin. Para kaming bagong kasal na excited na umuwi sa sarili naming bahay at kulang na lang ay magtago sa kuwarto ng ilang araw para mas

  • SANDALING KAPILING KA   CHAPTER 33- NAG-AALAB

    MARTINA Sa isang simpleng restaurant kami kumain na tatlo. Hindi masyadong pansinin ang restaurant na ito pero marami ang mga taong kumakain ng mga oras na iyon. Filipino delicacies ang karaniwang niluluto sa restaurant na pinuntahan namin kaya naexcite ako sa mga inorder ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status