Share

CHAPTER 47: DRAGONS

HISTORIA’S POINT OF VIEW,

Ilang araw na ang nakalilipas simula nang makalabas ako ng Laboratory. Simula nang makabalik ako sa klase ay naging ilap na sa akin ang mga kaklase ko, pati na rin ang mga estudyanteng madaraanan ko. Ang iba pa ay nakikitaan ko ng takot sa mga mata.

Napansin ko rin na ilang araw nang wala si Ashley sa klase. Wala akong mapagtanungan dahil sa tuwing lalapit ako sa mga kaklase ko ay umiiwas sila sa akin. Sina Alexa, Persia at iyong tatlong lalaki lang ang kumakausap sa akin pero ayaw naman nilang magsalita tungkol kay Ashley.

Kahit ang mga alipores niya ay takot na takot sa akin, may kinalaman ba ako sa pagkawala ni Ashley sa klase? Ni wala akong naririnig na usapan tungkol sa kaniya, ang dating maingay na section namin ay naging tahimik na.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, hindi ko pa nalalaman kung bakit ako napunta sa laboratory. Gusto nila na hintayin ko ang Head Mistress upang siya ang magpaliwanag ng lahat sa a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status