Share

CHAPTER 49: DREAM

HISTORIA’S POINT OF VIEW,

Umuwi ako sa dorm room ko at nagkulong. Hindi maproseso ng utak ko ang mga narinig ko kanina. 

Paano nagawa ni Kuya Angelo ang bagay na iyon? Paano niya nagawang mang-agaw ng babaeng may boyfriend na? 

Napasabunot ako sa aking buhok at sinubsob ang mukha ko sa unan. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin, ang dapat kong paniwalaan at kung ano nga ba ang tama.

Ang daming bagay ang gumugulo sa utak ko at iyong iba ay hindi pa rin nareresolba. 

Sa sobrang pagmumuni ay hindi ko na namalayan na nilamon na ako ng antok.

Nagising ako at bumangon sa higaan, tinignan ko ang orasan na nakakabit sa dingding at alas diyes na pala ng gabi. Kinusot ko ang mga mata ko habang kinakapa ng mga paa ko ang tsinelas ko sa sahig.

Himala at hindi ako nakararamdam ng gutom kahit na nalipasan ako nang pagkain. Tumayo ako sa kama at nagtungo sa kusino upang kumuha ng tubig dahil nakararamdam ako ng pagk

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status