Matapos ang apat na taon ng pagsusumikap, pagtatapos ni Veronica Smith sa kursong Business Administration sa isang unibersidad sa Basilan ay isang malaking tagumpay. Hindi lamang siya isa sa pinakamatalino at pinakamagandang dalaga sa kanilang bayan, kundi siya rin ay tinuturing na pinakamabait, palaging handang tumulong sa mga nangangailangan. Nang malaman na magna cum laude siya, ang buong pamilya ay halos mag-iyak sa tuwa. Subalit, sa kabila ng tagumpay, ang pinakamalaking layunin ni Veronica ay hindi ang pansariling kapakinabangan kundi ang makaalis sa hirap at matulungan ang kanyang pamilya.
"Baka ma-scam ka dun, anak," ang sabi ng kanyang ina habang abala sa paghahanda ng pagkain para sa kanilang maluwalhating hapunan. "Magingat ka sa Manila. Marami riyan ang manloloko." Nakatulala si Veronica sa isang maliit na kahon ng mga gamit, ang kanyang mga mata punong-puno ng determinasyon. Ang mga alalahanin ng kanyang ina ay hindi hadlang sa kanyang mga plano. Nais niyang mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya, kaya’t nag-apply siya sa iba't ibang kumpanya online bago pa man siya lumuwas. Laking tuwa niya nang matanggap siya bilang Junior Analyst sa Hearts for Life Company, isang malaking IT firm sa Manila."Mag-iingat ka ha, anak," paalala ng kanyang ama habang pinipiga ang kanyang kamay.
Sa kabila ng mga babala, hindi nag-atubili si Veronica. Puno ng pag-asa, humakbang siya papunta sa bagong buhay sa Manila. Ang lungsod na para bang isang imahen ng bago at mas magaan na buhay, isang buhay na maaaring magbigay ng sagot sa lahat ng sakripisyo at hirap ng kanyang pamilya.
Pagdating sa Manila, ang unang impresyon ni Veronica ay ang napakalaking kaibahan mula sa kanilang tahimik na probinsiya. Ang magulong kalsada, ang mga matataas na building, ang matinding ingay ng mga sasakyan, at ang mabilis na takbo ng buhay. Lahat ng iyon ay nagdulot ng kaba sa kanyang dibdib. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, nandoon ang matinding determinasyon na magsimula ng bagong buhay.
Habang naglalakad papunta sa Hearts for Life Company, nakatagpo siya ng isang matandang babae na tila nahihirapan. Ang matanda ay naglalakad ng mabigat, ang kanyang mga mata ay malabo at tila malapit nang mawalan ng malay dahil sa init ng araw.“Lola, ok lang po ba kayo?” tanong ni Veronica, agad na nilapitan ang matanda nang makita itong humihingal at tila malapit nang mawalan ng malay.
"B-baka po may heatstroke," wika ni Veronica na agad na binuksan ang kanyang tumbler ng tubig at ipinainom ito sa matanda.
Sa mga sumunod na sandali, tumawag siya ng taxi at ipinakita ang hospital na malapit sa kanila. Nakiusap siya sa driver na madaliin ang biyahe. Mabilis na dinala ng taxi ang matanda sa isang malapit na ospital, at doon ay agad na tinulungan siya ng mga doktor.
Pagkatapos maagapan ng mga doktor ang kondisyon ng matanda, humarap ito kay Veronica at nagsalita ng may matinding pasasalamat.
"Salamat, iha. Kung hindi ka tumulong sa akin, malamang wala na ako ngayon," ani ng matanda. "Single ka ba, iha? Kasi, para sa akin, napakaswerte ko nakatagpo ako ng tulad mo, maganda ka na, mabait pa. Gusto ko sanang mapangasawa ng apo ko na si Jarred Heart."Nagulat si Veronica at napahinto. "Huh? Lola, baka po dala lang po ng pagkahilo ninyo 'yan. Hindi ko po kailanman inisip na may ganitong bagay."
Pero nagbago ang ekspresyon ng matanda, at nakita ni Veronica ang matinding saya sa mata nito. "Hindi, iha. Ikaw na nga ang gusto ko maging apo ko. Hinding hindi ako makakapayag na hindi kita maging bahagi ng pamilya namin."
Nagkamot si Veronica ng ulo at halos hindi makapaniwala. "Naku, Lola, parang hindi ko yata matanggap 'yan. Huwag po kayong mag-alala, ako po ay narito lang para tumulong."
Samantalang si Jarred Heart, ang apo ng matanda, ay abala sa isang board meeting sa Hearts for Life Company. Nang marinig ang tawag mula sa lola, sinagot niya agad ang telepono.
"La, napatawag po kayo? Is anything wrong? I'm in a board meeting," tanong ni Jarred, ang CEO ng kumpanya.
"May nangyaring masama sa akin. Pumunta ka dito sa hospital," wika ni Venus, ang matanda.
"Okay la, going na ako. Don't worry," mabilis na sagot ni Jarred bago nagtakda ng isang desisyon sa kanyang board members. "Our meeting is adjourned now, we’ll do this tomorrow," malamig na sinabi ni Jarred.
Samantalang si Veronica, pagkatapos matulungan ang matanda, ay nagdesisyon na tawagan ang HR ng Hearts for Life at ipaalam na hindi siya makararating dahil may emergency.
"Ok lang po kayo, Lola?" tanong ni Veronica habang tinutulungan si Venus na magpahinga sa kama.
"Teka, iha, halika muna saglit dito," tinawag siya ng matanda.
"Po, Lola?" tanong ni Veronica, medyo maguguluhan.
"Anong pangalan mo, iha?" tanong ni Venus.
"Veronica Smith po," sagot ni Veronica.
"Ang ganda ng pangalan mo, iha. Sing ganda mo. Nababagay kayo ng apo kong si Jarred. Wala siyang asawa, at 30 na siya. Magugustuhan mo siya, I’m sure. Mabait ang apo ko, iha," sabi ni Venus na may matinding ngiti sa mukha.
Pagkatapos ng ilang minuto, biglang pumasok si Jarred sa kwarto ng matanda.
"La, ok ka lang ba?" tanong ni Jarred, nagmamadali.
"Ah, ito si Veronica, ang batang nagligtas sa buhay ko," sabi ni Venus habang ipinakilala ang dalaga kay Jarred.
Si Jarred, na naguguluhan, ay tumingin kay Veronica at nagkamot ng ulo. "Hindi ko yata maintindihan, la."
Ngunit hindi na nakapagpigil si Venus at sinimulang ipatong ang kamay ni Jarred sa kamay ni Veronica. Nagkatinginan silang dalawa, at hindi nila alam kung anong nangyayari.
"La, huwag ka naman magbiro," saad ni Jarred, ang kanyang tinig puno ng pagkabahala. "Ano nangyari sa'yo?""Apo, na-heatstroke ako sa daan at nahimatay," sagot ni Venus, ang mga mata'y parang matalim na matalim. "Buti na lang sinagip ako ni Veronica at dinala ako sa hospital. Kung hindi, baka hindi mo na makita ang napakaganda mong lola."
"Kumusta na pakiramdam mo, la? Wait, tatawag ako ng doctor..." takot na saad ni Jarred, pero pinigilan siya ni Venus.
"Ok na ako, apo," sagot ni Venus, ang boses matigas. "Kakaalis lang ng doctor. Pero bago tayo magpatuloy sa ibang usapan, tutal sinagip ni Veronica ang buhay ko, dapat ibigay mo ang buhay mo sakanya. Niligtas ako ni Veronica, kaya dapat pakasalan mo siya, para masuklian ang kabutihan at pagsagip niya sa akin. Hala, sige na, magpakasal na kayo."
Diretso ang tono, walang espasyo para sa damdamin.Natigilan si Veronica sa sinabi niya. Ang mga salitang iyon ay parang hangin na malamig na biglang dumampi sa kanyang puso. Pinilit niyang ngumiti, kahit na ramdam niya ang bigat sa dibdib.“I understand, Jarred,” mahinahon niyang tugon, pilit pinapakalma ang sarili. “I was just hoping that maybe… you could…”Naputol ang mga salita niya. Nakagat niya ang labi, pilit na hindi magpahalata. “But coming from you, I know the answer na.”Ang boses niya ay magaan, pero ang mga mata niya ay nagsusumigaw ng sakit. Parang isang alon na tinatago ang bagyo sa ilalim.“Good,” sagot ni Jarred, hindi man lang tumingin sa kanya. “At least malinaw tayo.”Nilingon niya ang dagat, at sa isang iglap, parang nagbago ang lahat. Ang init ng hapon ay tila naging malamig, at ang liwanag na pumapasok sa silid ay tila may bahid ng lungkot.
Ang tunog ng tubig mula sa shower ay umaalingawngaw sa kabilang silid, pinupuno ang katahimikan. Ngunit sa isip ni Veronica, ang bawat patak nito ay parang tunog ng mga salitang hindi nila masabi sa isa’t isa mga salitang kasing-init ng singaw ng tubig na bumabalot ngayon kay Jarred.Lumapit siya sa bintana, binuksan ang mga kurtina, at sinalubong ng hangin mula sa dagat. Ang langit ay naglalagablab sa kulay kahel at ginto palatandaan ng dapithapon sa paraiso. Sa kabila ng tanawin, pakiramdam niya ay may bagyo sa dibdib niya, isang halong saya, kaba, at sakit.“Bakit ba ganito…” mahina niyang sabi, halos hindi marinig. “Ang dali kong madala sa kanya, kahit alam kong hindi dapat.”Luminga siya sa kama, kung saan nakalatag ang mga puting kumot na parang ulap simbolo ng kaginhawaang dapat ay masaya, ngunit ngayon ay parang paalala ng distansya nila. Sa tabi ng unan, nakapatong ang maliit na gift card na iniwan ng resort: “Welcome, Mr. and Mrs. Hearts May your stay be full of love and
“Apo! Ay naku, buti sinagot mo agad. Alam mo bang three hours ahead ang Philippines sa Maldives?” masiglang bati ni Madam Venus, halatang nasa mood. “So, mga apo ko, nagustuhan n’yo ba ang regalo ko? Dapat pag-uwi n’yo, may laman na ‘yan ha! Excited na akong magka-apo!”Halos malaglag ni Jarred ang cellphone. “Lola naman!” namumula niyang sagot, sabay iwas ng tingin kay Veronica na abala pa sa pag-aayos ng maleta.“Apo, basta i-enjoy n’yo ang stay n’yo d’yan ha,” tuloy ni Madam Venus na parang walang naririnig. “At saka, nakapack sa maleta mo ‘yung vitamins na pampagana. Yung red bottle, huwag mong kalimutan inumin!”“Lola! Nakakahiya ka talaga!” halos pasigaw na sabi ni Jarred, namumula na ang tenga. “Buti na lang hindi mo ‘to sinabi habang nasa airport kami!”“Eh bakit? Mag-asawa naman kayo, ‘di ba?” balik
Ang liwanag ng araw sa Maldives ay tila kakaiba—malambot, halos ginintuang yakap ng araw na dumadampi sa balat. Paglabas nina Jarred at Veronica sa arrival gate, sinalubong sila ng banayad na hangin na amoy alat at bulaklak, habang ang mga palad ng mga staff ay nag-aabot ng lei na gawa sa puting orkidya. May tunog ng mga alon sa di kalayuan, at ang paligid ay parang eksenang hinugot mula sa isang pelikula.“Welcome to Maldives, Mr. and Mrs. Hearts!” masiglang bati ng resort hostess, sabay kaway ng mga tauhan na may hawak na puting tela, sumasayaw sa simoy ng hangin.Sandaling natahimik si Veronica, bago ito napangiti ng mahina. “Hearts?” mahina niyang bulong, halos mapatawa. “That’s new.”Ngumiti si Jarred, may halong hiya at kaswal na kumpiyansa. “Thank you,” sabi niya sa staff, sabay abot ng kamay ni Veronica. “Mr. and Mrs. Hearts. I kinda like that.”“You would,” balik ni Veronica, pero hindi maitago ang ngiti.At sa pagitan ng tawanan at ng mainit na simoy ng hangin, may sandaling
Tahimik na tahimik ang buong opisina. Tanging ang mahinang tik-tak ng wall clock at ang ilaw mula sa laptop screen ang nagbibigay-buhay sa silid. Nakaupo si Honey Dee, halos hindi gumagalaw, ngunit ang mga daliri niya ay mariing nakahawak sa cellphone.Paulit-ulit niyang tine-text at tinatawagan si Jarred.“Jarred, where are you? Bakit hindi mo ako sinama?”Call failed.“Pick up, please!”Out of coverage area.Ilang ulit. Paulit-ulit. Hanggang sa naramdaman niyang unti-unting tumataas ang init sa kanyang pisngi, at ang dibdib niya ay bumibilis ang kabog.Pinilit niyang huminga ng malalim, ngunit sa bawat ring na walang kasunod na sagot, parang may humihigop sa pasensya niya.“Flight daw?” bulong niya sa sarili, may halong pangungutya. “Business trip?”Inikot niya ang swivel chair at tumingin sa malaking salamin ng bintana ng kanyang opisina—kitang-kita niya ang sarili, maganda, elegante, pero ngayon, may luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata.“Hindi mo ako niloloko, Jarred…” mah
Samantala, sa himpapawid…Tahimik ang business class section ng eroplano. Si Veronica ay nakatingin sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga ulap na tila kumikilos nang mabagal. Sa bawat paglipas ng sandali, lalong bumibigat ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga susunod na araw—isang “honeymoon” na hindi totoo, sa piling ng lalaking pilit niyang iniiwasan mahalin.Si Jarred naman ay nakasandal, nakapikit ngunit halatang gising. Ramdam niya ang distansyang namamagitan sa kanila kahit magkatabi sila. Minsan, gusto niyang magsalita, pero natatakot siyang mali ang lumabas sa kanyang bibig.“Comfortable ka ba?” tanong ni Jarred, basag ang katahimikan.Bahagyang napalingon si Veronica. “Medyo. Ikaw?”“Okay lang.” Maikli, pero ramdam ang awkwardness sa tono.Tumahimik silang muli. May stewardess na lumapit, nag-aalok ng inumin. “Would you like something to drink, sir, ma’am?”“Water lang,” sabay nilang sabi, halos magkasabay, kaya’t pareho silang napatingin sa is