LOGIN“Excuse me, can I have a size seven on this one?” Itinaas ni Summer ang kulay silver na strappy sandals. May maliit iyong mamahaling brilyante na kumikinang kapag tinatamaan ng ilaw.
“Also, gave me my size of those dresses.” Itinuro naman niya ang sampung iba’t ibang formal and semi-formal party dresses.
Ganoon siya kung mamili. Dahil aayaw niyang magpalipat-lipat sa mga botique para lang pumili ng damit na isusuot. Sayang ang oras. Isa pa, bukod sa lahat naman ng damit ay bagay sa kaniya, subok na rin niya ang botique na iyon.
Hindi rin niya alintana ang presyo. Marami namang pera ang papa niya.
“Alright, Miss Cojuangco. Please wait here.” Iginiya siya ng saleslady sa VIP lounge na nasa likuran ng isang malaking pintuan. Mayroon doong mahabang sofa na kulay asul at bubog na center table sa gitna. Mayroon ding maliit na wine cabinet, wine glasses at mini fridge. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit nagustuhan niya ang lugar. Maaari kasi talaga siyang magpahinga habang namimili nang walang umiistorbo sa kaniya.
Regular siya sa botique na iyon, kaya kilala na siya ng mga empleyado. Isa pa, sino bang hindi nakakikilala sa nag-iisang anak ni Governor Cojuangco? Wala. Halos buong lalawigan nila kilala siya.
Sikat siya hindi lamang sa mga elite bars na pinunpuntahan niya, maging sa mga mamahaling botiques sa lugar nila, restaurants, mga events at kung saan-saan pa. With her captivating look na parang sa isang modelo, lahat ay napatitingin kapag siya na ang dumaan. Lahat ay gusto siyang makasalamuha. Lahat ay gusto siyang makadaupang palad. At lahat halos ng mga kalalakihan ay nagnanais na masungkit ang puso niya.
Yes. She may be a spoiled papa's girl, but no man captured her heart. Akala lang ng marami kabi-kabila ang karelasyon niya. Ang hindi alam ng mga ito, NBSB talaga siya.
She’s a bitch sometimes. She flirts, yes. But she never crossed lines when the feelings were getting deeper. She stopped before she got romantically involved to someone. Hindi niya alam kung bakit, pero siguro, hindi pa lang talaga siya handang magmahal.
“Here, Sir. Suit yourselves,” narinig niyang wika ng saleslady roon.
Hindi niya pinansin ang bagong dating na customer. Mas pinili niyang buklatin ang ilang fashion magazines na nasa ibabaw ng center table.
“So, you were also a regular here.”
Napaangat ang ulo niya nang marinig iyon. Sinalubong agad siya ng itim na pares ng mga mata.
Zhione Vergel.
She felt the erratic beating of her heart. Palakas iyon nang palakas na para bang gusto ng kumawala sa dibdib niya.
“Why? May dumi ba ako sa mukha?” nakalolokong tanong nito saka naupo sa tabi niya.
Tiningnan niya ang mahabang sofa, pagkuwa’y ang lalaki. “Malaki at malawak itong upuan. Puwede kang maupo nang medyo malayo sa akin,” may diing wika niya.
Ginaya nito ang ginawa niya. Ngumisi ito pagkatapos. “Why? I want to sit here. Wala namang sigurong masama. Hindi naman sa iyo ang botique na ito.” Sumandal pa ito. Idinantay nito ang isang braso sa likuran ng kinuupuan niya. Nagmistula tuloy itong nakaakbay sa kaniya.
Naningkit ang medyo singkit na ring mga mata niya. Pilit nilalabanan ang kakaibang damdaming binubuhay nito sa kaniyang dibdib.
“I want my own space, Mr. Vergel. Kaya puwede ba? Umusog ka nga.” Muli niyang itinutok sa magazine ang pansin.
Subalit, wala yatang balak na umalis doon ang lalaki. Mas lalo pa itong dumikit sa kaniya na ikinairita niyang lalo.
“What’s wrong with you?” Salubong ang mga kilay na luminga siya sa paligid. Hinanap ng kaniyang mga mata ang saleslady na kausap kanina, pero wala pa rin ito.
Tumayo siya, pero mabilis ding napaupo nang bigla siyang hawakan ni Zhione sa kamay at hinila palapit dito. Eksaktong napaupo siya sa kandungan nito.
“Hey!” napakalakas na sambit niya kasabay ng malakas ding paghampas niya sa balikat nito. Mabuti na lang at eksklusibo ang botique na iyon. Walang masyadong tao. “Ano ba! Bitiwan mo nga ako!” asik niya rito.
Ngumisi ito sa kaniya. “Why, you’re such a tigress. May itinatago ka palang tapang sa likod ng maamo mong mukha,” may halong panunudyong wika nito.
Naningkit ang kaniyang mga mata sa narinig. “Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo, Mr. Vergel.”
Bakit ba kasi ang tagal ng saleslady?! At bakit ba bigla na lang nawala ang mga bodyguards niya na palagi namang nakabuntot sa kaniya?
“Don’t try to look for your bodyguards. Pinagmeryenda ko muna sila. Kaysa naman nakatunganga lang sila rito at naghihintay sa iyo nang matagal,” anito nang mabasa ang nilalaman ng isip niya.
“How dare you to boss them around like that!”
Tumaas ang sulok ng mapanuksong labi nito. “I just told them that we are friends. Nakita naman nila kung paano mo ako kaladkarin nang gabing iyon. They knew na ikaw ang unang lumapit sa akin at hindi ako. Kaya ang alam din nila magkaibigan talaga tayo.”
“You!” Tumaas ang isang kamay niya, pero mabilis nito iyong nasalag.
“Ops! Not so fast, Summer.” At sa panlalaki ng kaniyang mga mata, bigla na lang siya nitong hinalikan sa kaniyang mga labi.
Para siyang natuod. Naestatwa. Ni hindi niya makuhang gumalaw habang nagpapakasasa ang mainit na mga labi ni Zhione sa kaniya.
She never moved nor blinked. She stared at him in the eyes wide opened. Para bang may hipnotismo ang mga mata nitong iyon na nagpalipad sa kaniyang matinong pag-iisip.
She felt his lips moved.
Slowly.
Gently.
Seductively.
Para bang hinihikayat siya nitong tugunin ang ginagawa nito.
Zhione, seductively played on her lower lip. He sucked it a bit like a sweet candy. Dahilan para masinghap siya at mapaawang ang mga labi. That gave him even more access inside her mouth.
Naramdaman niya ang panghihimasok ng dila nito sa loob ng bibig niya. He was tempting her tongue to follow his lead. And she did!
My! Zhione is the best kisser!
Naglaban ang mga dila nila sa isa’t isa. Wala man siyang naging boyfriend, but she knew enough when it comes to giving pleasure to a man.
Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Zhione sa kaniyang mga kamay. Dahan-dahang pinaglandas nito ang mga daliri sa kaniyang braso, paakyat sa kaniyang napakakinis na leeg. He did that in the most subtle way. Nagdulot iyon ng nakababaliw na sensasyong kailan man ay hindi pa niya naramdaman sa buong buhay niya.
Ang mga kamay niyang lumaya na nang tuluyan sa pagkakahawak nito ay kusang pumulupot sa may batok nito. Zhione pulled her closer to him. Ramdam na rin niya sa pisngi ng kaniyang pang-upo ang nabubuhay nitong pagkalalaki. It made her crazier even more.
They continued kissing each other. Walang gustong bumitaw sa isa’t isa. Kahit yata ang paghinga ay nakalimutan na nila. It felt like they were really made for each other. That they really belong in each other’s arms. Na kapag pinaghiwalay sila, para bang inagaw ang lahat-lahat sa kanila.
Zhione knew how to play with fire well. Isa sa reputasyon hindi naman nito itinago sa kahit na sino. Nakaaabot din naman iyon sa kaalaman ni Summer. At hindi niya masisisi ang mga kababaihang dumaan sa buhay nito.
Zhione, the devilish handsome, is a heart wrecker. Not because he is a womanizer, but because he is loved by those women knowing they will end up as one of his collections. And maybe, just maybe. . . magiging kabilang siya sa mga babaeng iyon. Halik pa lang kasi nito, para na siyang nasa langit.
Patuloy sa pagdama ang mga kamay ni Zhione sa kaniyang katawan. Naroong masuyo nitong minamasahe ang batok niya na lalong nagpapasiklab sa init na binuhay nito sa kaniyang katawan. He ran his fingers on her spine that made her shiver in delightfulness. Mas lalo pang dumikit ang katawan niya rito, feeling the heat coming from his body.
Maya-maya, naramdaman niya iyon sa kaniyang may hita. Naglandas iyon pataas hanggang sa—
Bigla siyang natauhan. Malakas niya itong naitulak kasabay ng mabilis na pag-igkas ng isa niyang kamay sapol sa pisngi nito. Katamtaman lang ang kulay ng lalaki, kaya namula agad iyon.
“What the f*ck!” Magkahalong galit at gulat ang nakalarawan sa mga mata nito.
Ngunit hindi niya ito pinansin. Dali-dali niyang hinagilap ang bag at deretsong lumabas sa VIP lounge. Mabilis naman siyang hinabol ng lalaki, pero biglang may humarang dito.
“Hi, babe! Kanina pa kita hinahanap, ah. Saan ka ba nagpunta?” anang babaeng agad na ipinulupot ang isang braso rito.
Sandali siyang sumulyap sa mga ito.
It’s Kristal Perez. Daughter of Reverencio Perez. Ang pinuno ng partido ng ama ni Zhione.
Tinaasan niya ng isang kilay si Zhione nang makitang hinabol siya nito ng tingin, saka tumalikod.
So, his latest hook up was from his circle. Well, hindi na masama. Maganda rin naman si Kristal. Hindi ito magiging modelo kung hindi.
Pero bakit may pinong kurot siyang nadama sa puso? Something that came out of nowhere.
Muli niyang nilingon ang kinatatayuan ng dalawa. At parang mas lalong pang tumindi ang nararamdaman niyang sakit. Zhione and Kristal were now kissing each other. Walang pakialam ang dalawa kung pinagtitinginan ang mga ito ng ilang mamimili roon.
Mabilis pa sa alas-kuatrong tinungo niya ang counter. “Please send to our mansion everything that I bought today, including this.” Iniabot niya ang credit card niya.
“Are you sure, Miss Cojuangco? Patapos na rin po kasi nila i-pack ang mga pinamili ninyo,” anito.
Tumango siya saka tumalikod. Wala siyang pakialam kung maging reckless siya sa mga sandaling iyon. Alam niyang nagkalat ang magnanakaw at scammers sa paligid. Pero mas nanaisin pa niyang manakawan ng pera, kaysa halik! At mas nanaising pa niyang maging reckless sa paraang mapaninindigan niya, kaysa sa isang bagay na hindi niya alam kung paano lulusutan.
Responding to Zhiones’ kisses a while ago was the stupidest action she did in her entire life. Kaya ipinapangako niya sa sarili na hindi na kailan man mauulit ang nangyaring iyon.
“Where have you been? Kanina pa kita hinahanap,” tanong ng kaniyang Papa pagpasok niya sa malaking pintuan ng kanilang mansyon.“I jogged around, Pa.” Summer wiped her sweat on her forehead. Uminom din siya ng tubig sa dalang tumbler. Hinihingal pa rin siya dahil malayo-layo rin ang tinakbo niya sa umagang iyon.“Get dressed. May pupuntahan tayo,” anito na nilagpasan siya. Halatang hindi pa rin ayos ang kaniyang ama sa nangyari noong ball. Halos kibuin-dili siya nito— na labis na talaga niyang ikinapagtataka.“Where are we going?” tanong niya nang malapit na ito sa pintuan papuntang dining.Tumigil ito. “Sa Ginintuang Kamay Foundation. It’s their founding anniversary. We’re giving them the donation we got last ball,” hindi lumilingong sagot nito.“Kailangan pa ba talaga akong sumama? Hindi ba puwe
Ramdam ni Summer na natuon sa kanila ni Zhione ang atensyon ng lahat. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makikita ang dalawang anak ng pinakamataas na opisyal ng kanilang lalawigan, na magkakaroon ng interaksyon sa isa’t isa. Kahit kasi nagkakasalubong sila noon ng binata sa mga okasyong kanilang pinupuntahan, they had never been this close to each other. Laging may mataas na pader na nakapagitan sa kanila.Tumigil si Zhione sa gitna. Humarap ito sa kaniya saka siya tinitigan. Matagal. Nanunuot iyon hanggang sa kalooban-looban niya.May pakiramdam siyang saglit na tumigil ang oras sa mga sandaling iyon at tanging sila lamang ni Zhione ang naroon. His charcoal black eyes were giving her so much pressure. She’s nervous. Parang anumang sandali ay babagsak siya sa sahig.Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. Ang mabagal nitong mga hakbang ay tila tambol na bumabayo sa dibdib niya. Pabilis nang pabilis. Palakas nang palakas.She can’t breathe. She’s not breathing at all while all eyes on
Ball night.“Hija, are you done?” anang kaniyang ama sa likod ng pintuan ng kaniyang silid.“Yes, Pa. Coming!” tugon ni Summer.Muli niyang iniikot ang sarili sa full-length mirror na nasa harapan. She’s wearing a pair of white long sleeves and slacks. Contrast to her most of the times get-up, she chose to wear a woman’s suit that will cover her whole body. Bumagay kasi iyon sa naisip niyang tema. She wanted to look sophisticated at the same time, gorgeous.She wore her lipstick in dark rose. Kaya kahit sino’y mapatitingin sa kaniya, dahil sa mapang-akit niyang mga labi na iyon. She had a pair of beautiful voluptuous lips. May kakiputan iyon, na binagayan ng maliit ngunit matangos niyang ilong. Hindi kaila na may lahi siyang chinese, lalo na at may pagka-singkit ang kaniyang mga mata.She just let her hair down. Hindi naman kasi iyong kahabaan. Mas bumagay pa nga iyon sa itsurang nais niya. She also wore just a pair of threader diamond earrings. Hindi na nga sana, kaso parang hindi ba
“Excuse me, can I have a size seven on this one?” Itinaas ni Summer ang kulay silver na strappy sandals. May maliit iyong mamahaling brilyante na kumikinang kapag tinatamaan ng ilaw.“Also, gave me my size of those dresses.” Itinuro naman niya ang sampung iba’t ibang formal and semi-formal party dresses.Ganoon siya kung mamili. Dahil aayaw niyang magpalipat-lipat sa mga botique para lang pumili ng damit na isusuot. Sayang ang oras. Isa pa, bukod sa lahat naman ng damit ay bagay sa kaniya, subok na rin niya ang botique na iyon.Hindi rin niya alintana ang presyo. Marami namang pera ang papa niya.“Alright, Miss Cojuangco. Please wait here.” Iginiya siya ng saleslady sa VIP lounge na nasa likuran ng isang malaking pintuan. Mayroon doong mahabang sofa na kulay asul at bubog na center table sa gitna. Mayroon ding maliit na wine cabinet, wine glasses at mini fridge. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit nagustuhan niya ang lugar. Maaari kasi talaga siyang magpahinga habang namimili nang walan
Isang linggo rin ang itinagal ni Governor Cojuangco sa ospital, bago ito tuluyang nabigyan ng clearance ng mga doctor nito. Ipinagpapasalamat ni Summer na walang ibang tinamong injury ang kaniyang ama, kun’di ang na-dislocate nitong braso at ang mga pasa at sugat sa mukha; na madali rin namang naghilom. Pero pinayuhan pa rin ito ng doctor na magpahinga pa ng ilang araw sa kanila.But she knew her father well. Alam niyang kahit anong sabi rito ninuman, hindi pa rin ito makikinig.That includes her.Matagal ding naging laman ng balita ang nangyaring aksidente sa kaniyang ama at kay Vice Governor. Usap-usapan pa na sinadya raw iyon ng isa pang partido na kalaban ng mga ito sa pulitika. Ilang buwan na lang kasi at magsisimula na ang pag-f-file ng kandidatura. Alam ng lahat na maglalaban sa pagka-Governor ang ama niya at si Mr. Vergel. Parehong malakas ang hatak sa publiko, kaya trigger daw ang isa pang partido.Maraming anggulong tiningnan sa insidente. Pero wala namang malinaw na lead na
Ramdam pa rin ni Zhione ang panginginig ng katawan ni Summer habang lulan sila ng sasakyan ng mga ito. Pareho nilang alam na wala rin siyang kakayahang magmaneho sa mga oras na iyon. Kaya nagmagandang loob na ang babae na isabay siya, kahit nainis ito sa kaniya kanina.Tinawagan niya ang sekretarya ng ama. Totoo ang sinabi ni Summer, naaksidente nga ito at si Governor. Parehong galing ang dalawa sa iisang event, at halos panunod din daw na umalis doon.Nawalan daw ng preno ang kasalubong ng mga itong kotse. Nagkaroon ng car collision. Naunang inararo ang sinasakyang Ford SUV ng kaniyang ama. Pagkatapos, sumalpok naman ang sinasakyan ng ama ni Summer sa likurang parte niyon. And it could have been fatal kung mabilis ang takbo ng parehong sasakyan.Hindi sinabi sa kaniya ng sekretarya ng ama kung ano ang totoong kalagayan nito. Mas mabuti raw na siya na mismo ang umalam niyon, bagay na ikinakaba niyang lalo.His family was everything to him. Malapit siya sa ama. Kaya kapag may nangyarin







