Maagang pumasok si Quinette dahila may espesyal na lakad si Don Miguel. Ibinilin na muna niya ang kanyang anak kay Rhiane. Mabuti na lamang at day-off ngayon ng kanyang bestfriend. Inihanda na niya lahat ng mga gamot na dadalhin at maging mga dokumento na maaring kailanganin sa negosyo ng Don. Simple lang ang kanyang suot nakabestida lamang siya, dahil dadaan namn daw sila sa boutique ng anak nito bago pumunta sa event na dadaluhan nila. Nakaready na lahat ng bumaba na si Don Miguel agad niya itong binati.
"Goodmorning po Don Miguel." Nakangiti niya pagbati.
"Morning, ano ready na ba ang date ko ahh..." Pagbati at tanong ng Don.
" Opo ready na po lahat sir Don..." Pagsagot naman ni Quinette.
"Renz tara na aalis na tayo, pero dadaan muna tayo sa RM Boutique ahh para maayusan ang maganda kong date." Pag-utos ni Don Miguel sa kanyang driver.
" Masusunod po sir, ihanda ko lang po ang sasakyan." Agad na pagsunod ng driver na si Renz.
Matapos ihanda ni Renz ang sasakyan ay agad na silang umalis at huminto sa RM Boutique. Sinalubong sila ng mga empleyado ,yumuko at bumati ang mga ito kay Don Miguel. Ang isang babae naman na may edad pero napakaganda at tingin niya ay ito ang manager ng boutique. Nag-usap ang dalawa at may binulong sa babae ang Don.
"Sige na Quinette sumunod ka na kay Gemma para maayusan ka na. Sa pantry lang muna ako habang maghihntay sayo. Sila na bahala sayo Hija." Pag-utos niya kay Quinette.
"Opo sir Don, salamat po." Ani ni Quinette.
"Tayo na po mam..." Nakangiting sabi ni Gemma sa kanyang magiging modelo ngayon.
Dumating si Randell sa kanilang Boutique, maghahanap kasi siya ng kanyang susuotin sa anniversary event ng kanilang kasosyo. Nakita niya ang kanyang ama na nagkakape sa pantry kaya nilapitan niya muna ito para makipagkwentuhan at kamustahin na din ito.
"Daddy..." Pagtawag niya dito.
"Oh anak ko... " Pagbati at niyakap niya si Randell.
"Ano po ginagawa niyo dito at kamusta naman po ang pakiramdam niyo." Pinapa-ayusan ko ang magiging date ko sa event anak. Yung personal nurse ko at maayos naman ako anak magaling ang bagong hired ko na nurse." masayang sabi ni Don Miguel sa kanyang unico hijo.
"Ah... mabuti naman po at magaling siya, bakit naman po kailangan mo pang paayusan pwede naman po na pinagsuot niyo na lang sana ng kanyang uniform as nurse." Nagtatakang tanong ni Randell sa kanyang ama.
"Para may thrille anak... hahah.. aasarin ko lang yung mga kumag kong kaibigan. At para hindi masayang ang ganda ng nurse ko. Makikita mo siya mamaya." Pakindat na sabi ni Don Miguel at natawa naman si Randell sa inaakto ng kanyang ama. Lumapit si Gemma sa kanila at nagsabi na handa na date ng kanyang daddy.
Bumukas na ang kurtina ng fitting room at niluwa ang isang diyosa... Sobrang namangha ang mag-ama sa magandang binibini na nasa kanilang harapan. Sobrang titig ni Randell sa babaeng nasa kanilang harapan, sigurado siya nagkita na sila nito. Ang ganda ng hubog ng katawan at kulay nitong morena ang lalong nagpapaakit sa katangian ng dalaga. Animo isang modelo ang nasa harapan nila.
"Sir Don parang hindi ko po kayang suotin to sa event mamaya. Masyado po yatang mahalay..." Nahihiyang sabi ni Quinette.
"No...Hija bagay na bagay sayo... " Pagpuri ni Don Miguel...
"Daddy ano bang ginagawa mo sa nurse mo, hindi naman siya modelo para pagsuotin ng mga ganyang damit." Pagsaway ni Randell sa kanyang ama.
"Siya ang date ko Randell at creation ng mommy mo yang suot niya. Bagay na bagay sa kanya ang gawa ng mommy mo." Ani ni Don Miguel.
Napatulala si Quinette sa lalaking katabi ni Don Miguel ng binanggit nito ang pangalan na Randell at gusto na lamang niya lamunin siya ng lupa.Hindi niya inaasahan na magkikita sila ng binata at anak pa pala ito ni Don Miguel. Hindi na makagalaw ng maayos si Quinette dahil sa pagkakatitig sa kanya ng binata na para ba siyang hinuhubaran. Yung mga titig ni Randell na may nais sa kanyang sabihin.
"Miss pasensiya ka na sa Daddy ko, maari kang magpalit ng kumportable at gusto mong damit. " Paghingi ni Randell ng paumanhin sa dalaga.
"Hindi pwede Quinette, tatanggalin kita sa trabaho pag magpapalit ka. Yan ang gusto kong suotin mo dahil ang namayapa kong asawa ang gumawa ng damit na yan." Mapilit na sabi ni Don Miguel.
"Sige po Sir Don isusuot ko po ito, pasensiya na po kayo." Ani ni Quinette.
"Good... Mauuna na ako sa sasakyan. Pakibilisan mo na lang baka malate tayo." Utos ni Don Miguel kay Quinette.
Nauna na si Don Miguel sa sasakyan, naiwan naman silang dalawa ni Randell. Nilapitan agad ng binata ang matagal na din niyang hinahanap. Ang dahilan ng paghihiwalayan nila ni Andrea at kung bakit hindi natuloy ang kanilang kasal. Mas lalo itong gumanda at sexy,gusto niya ito yakapin at halikan sa labi. Pero alam niya na may asawa at anak na ito. Pero may nabuong plano sa kanyang isipan para kahit paano ay gumanda ang kanyang pakiramdam.
"Quinette pala ang pangalan mo binibini, naalala mo pa ba ako..???" Seryosong tanong ni Randell kay Quinette.
"Hindi ko po kayo kilala sir, pasensiya po.." Pagtanggi ni Quinette na kilala niya ang binata.
"Talaga ba??? sa Stag party ng kasal ko na hindi natuloy dahil sayo. Hindi mo ba talaga maalala o ayaw mo lang aalahanin ahhh...???" Naiinis na tanong ni Randell.
"Sorry po sir baka kamukha ko lang po, bago lang po ako dito sa maynila." Kinakabahan na sabi ng dalaga.
"Imposibleng makalimutan mo ako, dahil sa akin mo unang pinagkatiwala yang perlas mo..." Nakangising sabi ni Randell at unti-unting lumapit sa dalaga.
Sa sobrang kaba ay napaatras si Quinette habang palapit sa kanya si Randell ay natalisod siya sa isang estante at nahila niya ang braso ng binata. Kaya sila ay natumba papasok sa fitting room, nadaganan siya nito kaya naglapat ang kanilang mga labi at nagkatitigan ang kanilang mga mata. Dahil sa pananabik at humaling ni Randell kay Quinette ay h******n niya ang dalaga ng marubrob at puno ng pananabik. Dahil hindi alam ni Quinette ang gagawin ay tinugon na lamang niya ang halik ng binata. Nang matauhan si Randell ay dinilat niya ang kanyang mga mata at binulungan niya si Quinette.
"Naalala mo na ba ang halik nating pinagsaluhan, walang pinagbago masarap ka pa rin kahit hindi ka marunong humalik." Nang-aasar na sabi ni Randell.
"Bastos!" Inis na sigaw ni Quinette sa binata.
"Nakakatawa naman na may asawa at anak ka na ganyan ka pa rin humalik." Nakangising sabi ni Randell.
"Bahala ka sa gusto mo ng isipin, wala akong pakialam sayo mister." Inis na titig ni Quinette sa binata.
"Talaga kaya ba hindi mo ako kilala dahil babae ka ng daddy ko. Mas malaki ba siya magbigay ng pera huh???" Pang-iinsultong sabi ni Randell kay Quinette,
"Oo tama... Ano naman sayo ngayon??? Mas masarap magpaligaya sa kama ang iyong ama kesa sayo mister." Ganting pang-iinsulto din ni Quinette.
Nilabanan niya ang pang-iinsultong tingin ni Randell. Kaya ng wala na siya narinig na sasabihin pa ang binata ay tinalikuran na niya ito at naglakad na palabas sa lugar na iyon. Sobrang kinabahan si Quinette pero kailangan na niyang maging matapang para hindi siya basta maliitin ng sino man. Katulad ni Randell na mapanghusga.
Si Randell naman ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Quinette sa kanya. Lalo siyang nainsulto ng sabihin nito na mas magaling ang kanyang ama sa kama. Nakatayo siyang nakatulala pa rin sa kawalan.
Hindi niya akalain na magsasalo sila ng kanyang ama sa iisang babae...
Mabilis na lumipas ang ang mga araw at isang taon na kaarawan ngayon, ng anak nila Randell at Quinette na si Quiara Rain. Ginanap lamang ang selebrasyon sa pool ng mga Gomez, Pool Party ang napili nila mag- asawa. Magaling na din ang kanilang anak, naoperahan na ang butas nito sa puso kaya napakasaya nila mag- asawa. Nanganak na din ang bestfriend ni Quinette na si Rhiane at lalaki ang baby nila Atty. Carl Suarez. Nag- engaged na din ang abogado kay Rhiane kaya malapit na din ikasal ang mga ito. Mag- uumpisa na ang pool party kaya mabilis na binihisan ni Quinette ang kanyang mga anak. Si Randell aman ay inasikaso ang kanilang mga bisita."Mahal ko... Marami na tayong bisita, ready na ba ang ating birthday princes...?" Masayang tanong ni Randell sa kanyang asawa."Oo mahal ko, inaayos ko a lang ang gown ni Quiara Rain... Tingnan mo ang ganda ng little mermaid natin..." NAkangiting sabi ni Quinette." Oo nga... mana talaga kay tatay nuh..." Paglalambing na sabi ni Randell."Hmmp... Wala
Bago pumunta ng ospital sila Randell at Quinette at pumunta muna sila sa presinto para kamustahin ang kaso laban kila Andrea at doktor Jandro dahil sa pag- dukot sakanilang anak. Gusto din nilang maka- usap na mag- asawa si Andrea. Pero nakiusap si Quinette na gusto niya munang makausap mag- isa si Andrea. Kaya nandito siya para hintayin ito. Nang makalapit ito sa lamesa at kinauupuan ay nakatitig lamang ito sa kanya at halatang hindi masaya sa pagdalaw niya."Kamusta na Andrea... nagulat ka ba nandito ako para bisitahin ka. May dala ako sayong pasaalubong, huwag kang mag- alala walang lason yan at wala akong balak na maging katulad mo na masamang tao." Mataray na sabi ni Quinette."Anong problema mo...??? Bakit nagpunta ka poa rito, naiirita lang ako sa mukha mong mang- aagaw ng fiance." Pang- iinsulto ni Andrea sa kanya."Ehhemm... Hanggang ngayon hindi ka pa rin pala maka- move on ahh... Ako ang pinakasalan at inanaka , dalawa na nga eh at muntik mo pang patayin ang isa naming anak
Ngayon araw na makakalabas ng ospital si Randell, pero si baby Quiara Rain ay mako- confine pa rin nang isang linggo dahil lumalaki ang puso ng sanggol. Kaya dapat pang obserbahan ng mga doktor, malungkot man na balita. Hindi pa rin nawawalan nang pag- asa na gagaling din ang kanilang anak. One month old na ito bukas kaya sa ospital na lamang sila magsese- celebrate at ipinalipat na nila sa private room kaya maninitil pa rin sila sa ospital hanggang sa gumaling ang kanilang anak. "Masaya ako mahal ko na magaling ka na at maayos na ang kalagayan mo. Pero malungkot pa rin dahil hindi pa rin okey ang anak natin na si baby Quiara Rain." Malungkot at naiiyak na sabi ni Quinette sa kanyang asawa."Mahal ko Quinette... ngayon pa ba tayo mawawalan ng pag- asa, kinaya natin na bawiin siya kay Andrea at mailigtas. Ang diyos lang ang nakakaalam kung kailan tayo dapat sumuko, ipaparamdam niya sa atin yun. Pero sa ngayon hangga't pinag- kakatiwala niya sa atin si baby Quiara Rain. Alagaan natin si
Napaluhod sa harap ng kama, at habang yakap ni Quinette ang bangkay ng kanyang asawa."Mahal ko...! Randell... nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan diba...??? Mahal na mahal kita Randell, paano na ako mabubuhay nang wala ka mahal ko...! Isama mo na din ako..." Sigaw ni Quinette habang humahaguhol ng iyak."Misis... maaari bang tumabi ka muna, sino ba ang iniiyakan mo diyan ah. Di ba asawa mo si Randell Gomez." Pagtatakang tanong ng doktor kay Quinette."Opo... diba siya po itong nakabalot sa kumot na puti dok...???" Pag -tatakang tanong ni Quinette sa doktor at nagkasalubong pa ang kanyang mga kilay."Mahal ko..., Quinette buhay pa ako, lumipat na ako ng private room kaya iba na ang pasyente diyan kinuha ko lang itong naiwan ko na celphone." Pagtatakang tanong ni Randell sa asawa pero natatawa na kinikilig siya sa mga sinabi nito, dahil narinig niya lahat. Kaya naman tumayo na siya kahit nahihirapan siyang humakbang at niyakap ang kanyang asawa na naka- salampak sa sahig."Akala k
Nagpunta na sila Rhiane at Quinette sa nursery room para dalawin at makita ang kanyang anak na si Quiara Rain. Sobra siyang nasasabik dahil magiging una nilang pagkikita mag- ina, nasasabik siyang mahawakan at mayakap ang kanyang sanggol na nawalay sa kanya ng dahil sa kasamaan ni Andrea. Smilip muna sila labas ng pintuan. Itinuro sa kanya ni Rhiane ang kanyang anak, at bumilis ang tibok ng kanyang puso, ito na ba ang lukso ng dugo na sinasabi nila. Nilapitan na nila ito at mahimbing na natutulog ang sanggol, pero bahagyang dumilat ang mga mata. Marahil naramdaman nito na nasa tabi siya na kanyang nanay. Umiyak ito ng napaka- lakas. "Baby Quiara Rain... nandito na si nanay Quinette mo. Napaka- ganda at puti mo anak ko." Naiiyak na sambit ni Quinette sa kanyang anak. Umiyak ng malakas ang sanggol kaya nataranta sila ni Rhiane."Naku... beshie naramdaman niya sigiro na nadito ang kanyang mommy kaya umiyak ng malakas si baby Quiara para buhatin mo." Saad ni Rhiane kaya binuhat nito si b
Napaupo na lamang sa silya si Quinette dahil nanghina ang kanyang mga tuhod nang marinig ang sinabi ng doktor na kailangan maoperahan si Randell dahil nasa delikado itong sitwasyon."Mrs. Gomez... Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan muna natin siya masalinan ng dugo bago maumpisahan ang kanyanmg operasyon." Paliwanag ng doktor kay Quinette."Ako po pwede ako mag- donat ng dugo sa kaibigan ko dok." Pagpresinta ni Atty. Carl Suarez."Sige papapuntahin ko ang isang nurse dito para madala kayo sa lab at matest muna ang mga blood donors bago mag- donate ng dugo sa pasyente." Sagot ng doktor."Ako din po willing mag- donate." Saad ni Rhiane."Mauuna na ako hija..." Paalam ng doktor kay Quinette."Beshie... huwag ka na malungkot at masyadong mag- alala diyan. Kailangan siya operahan para matanggal ang bala sa kanyang dibdib at kami na bahala mag- donate ng dugo sa kanya." Paliwanag ni Rhiane at niyakap muli ang kanyang bestfriend."Oo nga Quinette kailangan mong lakasan ang lo