Home / Romance / SECRET AND LIES WITH YOU / CHAPTER 6: BAGONG PANIMULA

Share

CHAPTER 6: BAGONG PANIMULA

Author: KweenMheng12
last update Last Updated: 2023-09-28 23:57:09

Bumangon ng maaga si Quinette para magluto ng kanilang almusal. Si Rhiane ay papauwe pa lamang galing sa duty nito. Siya naman ay papasok palang bilang personal nurse ni Don Miguel, pumayag naman ito na mag stay-out siya dahil may kapalitan naman siyang nurse. Pagluto niya ng mga pagkain ay agad niyang inihanda ang mga gamit ni Klyde at kanyang mga damit na din. Pagkahanda ng kanilang mga gamit ay ginising na niya ang kanyang anak para makaligo at makapag-almusal na din.

"Anak Klyde... Gising ka na para hindi ka po ma-late sa first day ng school mo..." Paggising ni Quinette sa kanyang anak. Agad naman itong bumangon at yumakap sa kanya. H******n din siya ni Klyde sa kanyang pisngi.

"Goodmorning po Nanay Quin...mwuahh..." Paglalambing ni Klyde sa kanyang nanay. 

"Goodmorning anak ko, mwuahh.." Paglalambing din ni Quinette sa kanyang bibong anak.

"Nanay sobrang excited po ako sa aking first day of school." Kumikinang ang mga mata ni Klyde na sabi sa kanyang nanay Quinette.

"Ako din excited sa bagong work ko... galingan mo sa first day mo anak ah... you can do it!!!!" Pagsuporta ni Quinette sa kanyang anak.

"Yes i can do it, Nanay!!!" Sagot naman ng munting paslit.

Sabay silang nagtawanan, naglakad na papunta sa kusina para mag-almusal at maghanda para sa kanilang first day of school at work niya. Natapos na niyang paliguan si Klyde kaya binihisan na niya ito. Ang cute ng uniform nito bagay sa bibo niyang anak. Pinicturan niya ito para gawin niyang wallpaper sa kanyang cellphone. 

"Let's go na po Nanay Quin!!!...." Malakas na sigaw ng kanyang anak at nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay.

Saka naman ang pagpasok sa gate ni Rhiane...

"Goodmorning mommyninang! it's my first day in school!!!" Masayang sigaw ni Klyde at h******n niya sa pisngi ang kanyang ninang.

"Wow very nice naman, bagay sayo ang uniform mo baby Klyde. Ako magsusundo sayo, magpapahinga lang si mommyninang ahhh..." Masaya ding sabi ni Rhiane sa kanyang cute na cute na inaanak.

"Yeheyyy... Thank you mommyninang!" magiliw na sagot ng paslit. 

"OH... Goodmorning besh, nagluto na anko ng almusal mo. Kumain ka muna ah bago ka matulog" Pagbati at paalala ni Quinette sa kanyang bestfriend.

"Salamat besh... Sige para may lakas ako sa pagsundo sa batang cute na yan..." Magiliw na sabi ni Rhiane. 

Paglabas naman nila sa gate ay bumaba naman ng sasakyan si Dr. Jandro at binati silang dalawa.

"Goodmorning my baby Quindell Klyde... wow ang pogi mo sa uniform mo ahh!" Pagbati ng doktor sa kanyang munting pasyente.

"Goodmorning Daddy Jandro!!!." Masayang sigaw ni Klyde.

"Goodmorning Doctor Jandro..." Pagbati rin ni Quinette.

" Tara hatid ko na kayo excited din ako na makita si Baby Klyde sa school." Masayang sabi ni Dr. Jandro.

"Naku huwag na po Dr. Jandro nakakahiya po hindi pa po kayo nakakapagpahinga." Nahihiyang sabi ni Quinette.

"No okey lang , pwede naman ako magpahinga mamaya pagkauwe ko."Paliwanag ni Dr. Jandro.

Hindi na nakatanggi pa si Quinette kaya sumakay na sila sa sasakyan ng doktor. Hinatid na nila si Klyde sa school nito at tuwang-tuwa sila dahil sobrang saya ng kanyang anak. Nagniningning ang mga magagandang mga mata nito. Hindi na sila nagtagal pa dahil papasok din si Quinette sa kanyang trabaho. Hinatid din siya ni Dr. Jandro sa mansiyon ni Don Miguel Gomez.

"Maraming salamat po Dr. Jandro sa paghatid mo sa amin ng anak ko." Pagpasalamat niya sa doktor.

"Wala yun Quinette... Masaya ako sa mga ginagawa ko lalo na kung para sa inyong mag-ina." Ani ni Dr. Jandro at nagpaalam na din itong umalis. 

Nagdoorbell na siya sa malaking  gate at agad naman itong bumukas, pinapasok siya ng isang kasambahay.

"Goodmorning po..." Pagbati niya sa kasambahay.

"Goodmorning din po, hatid ko po kayo sa dining room nandoon po si Don Miguel..." Pagbati ng kasambahay sa kanya at hinatid siya nito sa dining room kung san ay naroon si Don Miguel at nag-aalmusal ito. Pagdating niya doon ay agad niyang binati ang kanyang magiging bagong amo/ pasyente.

"Goodmorning po Don Miguel Gomez ako po si Quinette Ruiz ang inyong magiging personal nurse." Pagpapakilala ni Quinette kay Don Miguel.

"Goodmorning din Ms. Quinette." Pagbati din sa kanya ni Don Miguel.

Sa kanyang unang araw ay itinuro ng kanyang kapalitan na nurse na si Jenna ang mga dapat niyang gawin, at yung mga gamot na ipapainom sa tamang oras. Mabait naman ang kanyang mga makakasama at ganon din si Don Miguel. Umuwe na ang kanyang kapalitan at siya na ang sumasama sa mga lakad ni Don Miguel. Kasama siya sa pagpunta nito sa opisina at mga meetings nito. 

"Ito po ang gamot niyo Sir... tubig po..."  Pagpapainom ng gamot ni Quinette kay Don Miguel.

" Salamat Hija..." Ani ni Don Miguel.

"Hmmm new personal nurse?." Pilyong tanong ng isa sa kasyoso ni Don Miguel.

"Nope.... she's my new girlfriend..." Pabirong sabi ni Don Miguel.

"Oh how blessed you are Miguel Gomez, she's so gorgeous and sexy." Papuring sabi ni Mr. Randolf Sanchez.

"She will be my date tommorow to our anniversary." Pagmamayabang na sabi ng Don. At natawa naman ito sa naging reaksyon ng kaibigan nito.

Natawa na lamang siya sa dalawang matanda... Pilyo din kasi ang kanyang pasyente. Kinindatan siya ni Don Miguel, na ang pinaparating sa kanya ay sakyan na lamang niya ang mga sinasabi nito sa kaibigan. Nginitian naman niya ito, kinindatan din, at nahuli siya ni Mr. Randolf kaya lalo nila itong napaniwala na magkarelasyon sila ni Don Miguel. 

"Halika na baby... alis na tayo at may pupuntahan pa tayo." Natatawang sabi ni Don Miguel.

"Sige po daddy tara na kailangan niyo pa pong magpahinga" Sagot din niya. 

Natatawa naman sila habang paalis na sila sa opisina ni Don Miguel. Nakatulala naman si Mr. Randolf sa kanila at siguradong ikakalat nito ang mga napagkwentuhan nila kanina. 

"Pasensiya ka na Ms. Quinette, nakakainis kasi yung mga kasosyo ko na yan. Lahat na lang ng bago kong nurse o sekretarya ay ginagawaan ng isyu." Paliwanag ni Don Miguel.

"Okey lang po sir Don basta po ba walang magagalit at sasabunot sa akin" Nakangiting sabi ni Quinette.

"Walang-wala Hija... nagsawa na ako diyan, bakit sayo ba walang magagalit." Biro din sabi ni Don Miguel.

"Naku po... wala masaya na po ako maging single at sa anak ko na lamang po binubuhos lahat ng pagmamahal at oras ko." Seryoso niyang sagot kay Don Miguel.

"Naku huwag ka magsalita ng tapos, hindi mo alam ang mga mangyayari sa hinaharap." Nakangiting sabi ni Don Miguel.

"Kung darating man siya kailangan niya muna tanggapin ng buo ang anak ko at tatanggapin ko siya ng higit pa sa buhay ko." Nakangiti pa ring sabi ni Quinette.

"Oh siya tara na para makasama mo na ang anak mo. Pero may ipapakiusap pala ako sayo bukas...?" Pag-ayang umuwe ni Don Miguel at may ipapakiusap sa kanyang nurse.

"Ano po yun sir Don..." Takang tanong ni Quinette.

"May event kasi ako na dadaluhan bukas kailangan ko ng date at alam mo naman na may mga kailangan akong inumin na mga gamot. Hanggang gabi kasi yun kaya ipapakiusap ko sana sayo na ikaw ang date ko at gabi ka na makakauwe. Si Jenna naman ay magday-off, para kinabukasan ay ikaw naman ang mag day off." Mahabang paliwanag ni Don Miguel kay Quinette. 

"Pwede naman po sir Don kaso po wala po akong masusuot an damit. Hindi po kasi ako mahilig sa mga ganyan at wala din po talaga akong pambili ng mga mamahaling damit." Pagpayag na sabi ni Quinette.

"Walang problema dadaan na lamang tayo sa boutique ng anak ko at doon na din kita papaayusan." Solusyon ni Don Miguel.

"Sige po Sir Don.. maaga po ako papasok bukas para maihanda ang mga gamot ninyo." Pagsang-ayon ng dalaga.

Nakauwe na si Quinette at naabutan niya nanood ng tv ang kanyang anak. Si Rhiane naman ay papaalis para sa duty nito sa ospital. 

"Besh... musta naman ang first day mo, may niluto na pala akong hapunan yung sa akin binaon ko na lang..." Pagkamusta ni Rhiane sa kanyang kaibigan.

"Okey lang besh napakabait ni Don Miguel, sige magpapahinga lang ako at kakamustahin ko din ang anak ko sa kanyang first day."  Pagsagot naman ni Quinette.

" Mabuti naman besh... sige at mauna na ako ahh kasi baka malate ako sa duty ko. " Pagmamadaling sabi ni Rhiane.

"Mag-iingat ka ahhh..." Pahabol na sabi ni Quinette.

"Babye mommyninang!... Ingat po kayo." pagpaalam naman ng batang makulit at humalik sa pisngi ng kanyang mommyninang. H******n naman ni Rhiane ang kanyang inaanak at umalis na.

Nagpalit na ng damit si Quinette at tumabi sa kanyang anak na nanonood ng tv. Niyakap niya ito ito tinanong kung kamusta ang kaniyang first day sa school.

"Kamusta naman first day mo anak, mababait ba ang mga kaklase mo?" Tanong ni Quinette sa kanyang anak.

"Masaya po nanay at may star po ako. Nagcolor po kami tapos kumanta din po kami." Kwento ng batang bibo.

"Wow ang galing naman, galingan mo palagi ahhh..." Ani ni Quinette.

"Nanay nagkwento po kami kanina sa harapan tungkol sa aming pamilya. Ako lang po ang walang tatay na maikwento, kaya ang kwento ko na lang sa kanila ay sila mommyninang at daddy Jandro na aking doktor." May lungkot sa mata na kwento ni Klyde.

"Ahhh, nasa malayo lang naman si tatay mo. Busy lang siya sa kanyang trabaho." Paliwanag ni Quinette sa kanyang anak.

"Alam ko po, magkikita din po kami soon diba nanay...." Pagsumamo ng kanyang anak.

"Pangako anak amgkikita din kayo sa tamang panahon."naluluha na sabi ni Quinette.

"Yehey!!! Magkikita kami ni Daddy...." masayang sigaw ng batang si Klyde.

Tinapos na ni Quinette ang kanilang usapan, para mabawasan ang sakit na nararamdaman para sa kanyang anak. Inaya na niya itong kumain ng hapunan at natulog na sila ng maaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SECRET AND LIES WITH YOU   CHAPTER 101: WAKAS

    Mabilis na lumipas ang ang mga araw at isang taon na kaarawan ngayon, ng anak nila Randell at Quinette na si Quiara Rain. Ginanap lamang ang selebrasyon sa pool ng mga Gomez, Pool Party ang napili nila mag- asawa. Magaling na din ang kanilang anak, naoperahan na ang butas nito sa puso kaya napakasaya nila mag- asawa. Nanganak na din ang bestfriend ni Quinette na si Rhiane at lalaki ang baby nila Atty. Carl Suarez. Nag- engaged na din ang abogado kay Rhiane kaya malapit na din ikasal ang mga ito. Mag- uumpisa na ang pool party kaya mabilis na binihisan ni Quinette ang kanyang mga anak. Si Randell aman ay inasikaso ang kanilang mga bisita."Mahal ko... Marami na tayong bisita, ready na ba ang ating birthday princes...?" Masayang tanong ni Randell sa kanyang asawa."Oo mahal ko, inaayos ko a lang ang gown ni Quiara Rain... Tingnan mo ang ganda ng little mermaid natin..." NAkangiting sabi ni Quinette." Oo nga... mana talaga kay tatay nuh..." Paglalambing na sabi ni Randell."Hmmp... Wala

  • SECRET AND LIES WITH YOU   CHAPTER 100: PAGPAPATAWAD

    Bago pumunta ng ospital sila Randell at Quinette at pumunta muna sila sa presinto para kamustahin ang kaso laban kila Andrea at doktor Jandro dahil sa pag- dukot sakanilang anak. Gusto din nilang maka- usap na mag- asawa si Andrea. Pero nakiusap si Quinette na gusto niya munang makausap mag- isa si Andrea. Kaya nandito siya para hintayin ito. Nang makalapit ito sa lamesa at kinauupuan ay nakatitig lamang ito sa kanya at halatang hindi masaya sa pagdalaw niya."Kamusta na Andrea... nagulat ka ba nandito ako para bisitahin ka. May dala ako sayong pasaalubong, huwag kang mag- alala walang lason yan at wala akong balak na maging katulad mo na masamang tao." Mataray na sabi ni Quinette."Anong problema mo...??? Bakit nagpunta ka poa rito, naiirita lang ako sa mukha mong mang- aagaw ng fiance." Pang- iinsulto ni Andrea sa kanya."Ehhemm... Hanggang ngayon hindi ka pa rin pala maka- move on ahh... Ako ang pinakasalan at inanaka , dalawa na nga eh at muntik mo pang patayin ang isa naming anak

  • SECRET AND LIES WITH YOU   CHAPTER 99: PAG- ASA

    Ngayon araw na makakalabas ng ospital si Randell, pero si baby Quiara Rain ay mako- confine pa rin nang isang linggo dahil lumalaki ang puso ng sanggol. Kaya dapat pang obserbahan ng mga doktor, malungkot man na balita. Hindi pa rin nawawalan nang pag- asa na gagaling din ang kanilang anak. One month old na ito bukas kaya sa ospital na lamang sila magsese- celebrate at ipinalipat na nila sa private room kaya maninitil pa rin sila sa ospital hanggang sa gumaling ang kanilang anak. "Masaya ako mahal ko na magaling ka na at maayos na ang kalagayan mo. Pero malungkot pa rin dahil hindi pa rin okey ang anak natin na si baby Quiara Rain." Malungkot at naiiyak na sabi ni Quinette sa kanyang asawa."Mahal ko Quinette... ngayon pa ba tayo mawawalan ng pag- asa, kinaya natin na bawiin siya kay Andrea at mailigtas. Ang diyos lang ang nakakaalam kung kailan tayo dapat sumuko, ipaparamdam niya sa atin yun. Pero sa ngayon hangga't pinag- kakatiwala niya sa atin si baby Quiara Rain. Alagaan natin si

  • SECRET AND LIES WITH YOU   CHAPTER 98: MALING AKALA

    Napaluhod sa harap ng kama, at habang yakap ni Quinette ang bangkay ng kanyang asawa."Mahal ko...! Randell... nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan diba...??? Mahal na mahal kita Randell, paano na ako mabubuhay nang wala ka mahal ko...! Isama mo na din ako..." Sigaw ni Quinette habang humahaguhol ng iyak."Misis... maaari bang tumabi ka muna, sino ba ang iniiyakan mo diyan ah. Di ba asawa mo si Randell Gomez." Pagtatakang tanong ng doktor kay Quinette."Opo... diba siya po itong nakabalot sa kumot na puti dok...???" Pag -tatakang tanong ni Quinette sa doktor at nagkasalubong pa ang kanyang mga kilay."Mahal ko..., Quinette buhay pa ako, lumipat na ako ng private room kaya iba na ang pasyente diyan kinuha ko lang itong naiwan ko na celphone." Pagtatakang tanong ni Randell sa asawa pero natatawa na kinikilig siya sa mga sinabi nito, dahil narinig niya lahat. Kaya naman tumayo na siya kahit nahihirapan siyang humakbang at niyakap ang kanyang asawa na naka- salampak sa sahig."Akala k

  • SECRET AND LIES WITH YOU   CHAPTER 97: ANG AKALA

    Nagpunta na sila Rhiane at Quinette sa nursery room para dalawin at makita ang kanyang anak na si Quiara Rain. Sobra siyang nasasabik dahil magiging una nilang pagkikita mag- ina, nasasabik siyang mahawakan at mayakap ang kanyang sanggol na nawalay sa kanya ng dahil sa kasamaan ni Andrea. Smilip muna sila labas ng pintuan. Itinuro sa kanya ni Rhiane ang kanyang anak, at bumilis ang tibok ng kanyang puso, ito na ba ang lukso ng dugo na sinasabi nila. Nilapitan na nila ito at mahimbing na natutulog ang sanggol, pero bahagyang dumilat ang mga mata. Marahil naramdaman nito na nasa tabi siya na kanyang nanay. Umiyak ito ng napaka- lakas. "Baby Quiara Rain... nandito na si nanay Quinette mo. Napaka- ganda at puti mo anak ko." Naiiyak na sambit ni Quinette sa kanyang anak. Umiyak ng malakas ang sanggol kaya nataranta sila ni Rhiane."Naku... beshie naramdaman niya sigiro na nadito ang kanyang mommy kaya umiyak ng malakas si baby Quiara para buhatin mo." Saad ni Rhiane kaya binuhat nito si b

  • SECRET AND LIES WITH YOU   CHAPTER 96: BAD AND GOOD NEWS

    Napaupo na lamang sa silya si Quinette dahil nanghina ang kanyang mga tuhod nang marinig ang sinabi ng doktor na kailangan maoperahan si Randell dahil nasa delikado itong sitwasyon."Mrs. Gomez... Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan muna natin siya masalinan ng dugo bago maumpisahan ang kanyanmg operasyon." Paliwanag ng doktor kay Quinette."Ako po pwede ako mag- donat ng dugo sa kaibigan ko dok." Pagpresinta ni Atty. Carl Suarez."Sige papapuntahin ko ang isang nurse dito para madala kayo sa lab at matest muna ang mga blood donors bago mag- donate ng dugo sa pasyente." Sagot ng doktor."Ako din po willing mag- donate." Saad ni Rhiane."Mauuna na ako hija..." Paalam ng doktor kay Quinette."Beshie... huwag ka na malungkot at masyadong mag- alala diyan. Kailangan siya operahan para matanggal ang bala sa kanyang dibdib at kami na bahala mag- donate ng dugo sa kanya." Paliwanag ni Rhiane at niyakap muli ang kanyang bestfriend."Oo nga Quinette kailangan mong lakasan ang lo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status