Share

Chapter 16

Namilog ang mga mata ni Abby nang makita ang mga librong babagsak sa kanya. Nabitawan ni Abby ang kanyang cellphone at sa sandaling iyon ay nagawa lamang niya ay pumikit nalang. Nakapikit ang mga mata ng dalaga at napaangat kaunti ang balikat na halatang takot ang nararamdaman niya pero may biglang yumakap sa kanya at hinarang ang sarili sa mga libro. Naramdaman ng dalaga ang init ng yakap ng isang tao na hindi niya alam kung sino.

Ilang segundo lamang ay nahulog ang mga libro patungo sa kanila. Pareho silang natumba sa sahig. Nagkakalat na ngayon sa sahig ang mga libro. Nagulat ang mga taong nasa paligid at agad lumapit para tumulong.

"Oh my!"

Napalapit na rin ang mga guard at katiwala sa pangyayari.

"Boss, okay lang po ba kayo?"

Pagkarinig ni Abby ay nabigla siya nang malaman niyang niyakap siya at pinotektahan siya ng boss nito. Idinilat niya ng dahan - dahan ang kanyang mga mata.

"Sir?"

Napakalapit ng kanyang mukha sa mukha ni Kristoff. Dahan-dahan namang idinilat ni Kristoff ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status