Share

AUTHOR'S NOTE!

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-06-29 22:26:23

Hi guys! Gusto ko lang pong magpasalamat sa inyong lahat na sumuporta at nagbasa ng kwento nina Abby at Kairi. Sobrang saya ko na may mga taong na-touch at na-in love din sa journey nila. Sa bawat like, comment, at oras na ginugol n’yo para basahin ang story na ’to — grabe, thank you talaga!

Hindi madali magsulat pero dahil sa inyo, mas naging worth it lahat. Sana samahan n’yo pa rin ako sa mga next stories na ilalabas ko. Abangan n’yo pa ang kwento ng pag-ibig ni Eros at Veronica na siguradong mas kikiligin kayo.

Mula sa puso, maraming salamat sa suporta! 💕

— Genn

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Dimple Anapi
Go! lang Author nandito kami naka suporta sa lahat ng gagawin mong story ng bawat character, thank you dahil ang ganda ng kwento nila kairi at abby sana kung gano kaganda yun kwento nila san mas pinaganda pa sa mga susunod na storya ng bawat isa ......
goodnovel comment avatar
Ghie Red
Sana Ms. Author mag update na rin po sa Isa mong book, paganda na rin nang paganda kwento run eh. .
goodnovel comment avatar
DAISSIRIE LAGUIDAO
thank u po ms. a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   AUTHOR'S NOTE!

    Hi guys! Gusto ko lang pong magpasalamat sa inyong lahat na sumuporta at nagbasa ng kwento nina Abby at Kairi. Sobrang saya ko na may mga taong na-touch at na-in love din sa journey nila. Sa bawat like, comment, at oras na ginugol n’yo para basahin ang story na ’to — grabe, thank you talaga!Hindi madali magsulat pero dahil sa inyo, mas naging worth it lahat. Sana samahan n’yo pa rin ako sa mga next stories na ilalabas ko. Abangan n’yo pa ang kwento ng pag-ibig ni Eros at Veronica na siguradong mas kikiligin kayo.Mula sa puso, maraming salamat sa suporta! 💕— Genn

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 57: “Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan.”

    MALAMIG ang simoy ng hangin sa Switzerland, ngunit ang init ng yakap ni Kairi ang siyang bumabalot kay Abby habang magkahawak silang naglalakad sa kahabaan ng Lake Geneva. Sa likuran nila, ang mga bundok ng Alps ay tila nagmamalaki sa ganda, at ang sinag ng araw ay marahang humahalik sa ibabaw ng malinaw na tubig ng lawa. Tahimik silang naglakad, para bang ayaw nilang basagin ang perpektong sandali ng katahimikan na sila lamang ang nagkakaintindihan.“Hindi ko akalaing ganito kaganda ang Switzerland,” bulong ni Abby habang pinagmamasdan ang mga lumilipad na ibon at ang mga bulaklak na sumisibol kahit taglamig. Doon sa bansang iyon nila napili na mag-honeymoon sapagkat pangarap ni Abby na mapuntahan ang bansang iyon noon pa.Ngumiti si Kairi at bahagyang hinalikan ang sentido ng asawa. “Mas maganda ka pa rin kaysa sa lahat ng ‘to.”Natawa si Abby, napapailing sa kilig at tuwa. “Ang cheesy mo talaga, Mr. Inoue.”“Lahat gagawin ko para lang kiligin ka araw-araw, Mrs. Inoue.”Magkahawak a

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 56: “Wedding Day: THE END.”

    WEDDING DAY...Sa kwarto ni Abby, nakaupo siya sa harap ng salamin. Suot pa rin niya ang puting robe na may burda ng pangalan niya sa dibdib. Tahimik lang siyang nakatitig sa repleksyon niya, pinagmamasdan ang mga mata niyang parang naiiyak pero hindi. Hindi dahil malungkot siya, kundi dahil sa sobrang ligaya at kaba na magkahalong bumabalot sa puso niya. The hairstylists and makeup artists were diligently attending to her, yet she scarcely felt their hands upon her shoulders and hair. All that echoed in her ears was the sound of her own heartbeat — rapid, expectant, and filled with love.Pumasok si Nanay Letisha, dala ang isang maliit na kahon. Lumapit ito sa kanya at marahang hinawakan ang balikat niya. “Anak, ito…” sabay bukas ng kahon na naglalaman ng isang lumang rosaryo. “Ito ang rosaryo na hawak ko noong ikinasal kami ng tatay mo. Sana, bitbitin mo rin sa araw na ‘to. Para alam mong kasama namin kayo ng Tatay mo sa bawat hakbang mo ngayon.”Hindi na napigilan ni Abby ang luhang

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 55: FINAL CHAPTER: “Guidance.”

    TAHIMIK ang gabi. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila dumarampi sa balat na parang may gustong sabihin— na may magbabago na bukas. Sa ilalim ng bilog at maliwanag na buwan, magkatabi sa lumang bangko sa veranda sina Abby at Aling Letisha. Ang veranda na iyon — ilang beses nang naging saksi sa mga gabi ng pagtawa, ng pagluha, ng dasal. Ngayon, muli itong saksi sa isa sa pinakamahahalagang gabi ng mag-ina.Sa harap nila, may dalawang tasang kape na kanina pa nagsisingaw ng init. Hindi na gaanong iniinom, tila naging bahagi na lang ng katahimikan. Sa paligid nila, maririnig ang tunog ng kuliglig at ang banayad na hampas ng hangin sa mga dahon ng mangga.Napatingin si Abby sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga bituin na kumikislap, at sa gitna ng katahimikan, para siyang naghahanap ng sagot. Parang doon niya gustong itanong sa sarili ang salitang , “Handa na ba talaga ako?”“Abby, anak…” basag ni Aling Letisha sa katahimikan, mahina ang tinig pero may bigat na damdamin. “Hindi ko alam k

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 54: “Month Before The Wedding.”

    ISANG buwan na lang bago ang kasal. At sa bawat umaga, parang lalong bumibilis ang tibok ng puso ni Abby. Napangiti si Abby at napailing ng marahan. "Shocks! Isang buwan na lang," usal niya sa sarili. Hindi niya alam kung anong mas nangingibabaw sa damdamin niya — kaba, saya, o ‘yung kilig na sa wakas, matutupad na ang pinangarap nila ni Kairi.Habang iniikot ng hangin ang ilang hibla ng buhok niya, tumayo siya at tumingin sa malayo. Sa bawat araw na lumilipas, pakiramdam niya mas lalo siyang umiibig kay Kairi. Sa bawat meeting tungkol sa kasal, sa bawat pagod na gabi, ramdam niya ‘yung pag-aalaga nito, ‘yung simpleng text na, “Are you okay? Kumain ka na ba? ‘Wag masyado magpuyat ha.” Lahat ‘yun, parang nagpapalakas lalo ng loob niya.————Kinagabihan, halos sabay silang napagod ni Kairi sa buong araw. Si Kairi galing sa office, may hinarap na urgent na meeting. Si Abby naman, sa dami ng tinawagan at kinumpirma para sa kasal, halos bumagsak na sa pagod. Pero bago matulog, nag-video c

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 53: “Wedding Preparations.”

    MAKALIPAS ang isang buwan matapos ang proposal, nagsimula nang gumulong ang matamis na kaguluhan ng wedding preparations nina Kairi at Abby. The excitement between them was no longer just secret thrills or stolen glances. This was the beginning of a day that would mark the start of their forever. Isang maaliwalas na hapon sa isang café sa Taguig ang unang tambayan nila para magplano. Kasama nila sina Keiko at Veronica—ang dalawa na parehong excited at masigasig sa pagbuo ng kasal ng kanilang pinakamamahal na kaibigan. Si Kairi at tahimik lang na nakikinig, habang si Abby ay nakatingin sa isang wedding magazine na nakalatag sa lamesa."Bruh, dapat dream wedding mo talaga 'to. Walang tipid sa happiness!" ani Keiko, habang may hinahagod na sketch ng mga gown idea sa kanyang notebook, parang artistang nagmamadaling magtala ng inspirasyon. Siya na sana ang gagawa ng wedding gown ng kanyang bestfriend pero dahil maraming naka-line up na projects para sa K-Fashion kaya mahihirapan siyang as

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status