“REMEMBER this, if I find out you are still seeing Lola Mathilde, I will kill you for sure." Matapos sabihin iyon ay umiling-iling si Knives na puno ng disgusto ang gwapong mukha. "Get out of my sight and never show up again," dagdag pa ni Knives saka tumalikod na kasama ang secretary nito. Si Lalaine naman ay masayang lumuluha habang sinusundan ng tingin ang mga ito habang nagpapasalamat, “Maraming salamat, Mr. Dawson. Napakabait mo. Maraming salamat..." Bagaman hindi maganda ang naging trato sa kanya ni Knives, taos-puso pa ring nagpapasalamat si Lalaine dahil pinahiram pa rin siya nito ng pera para sa operasyon ni Luke. Sa mga mata ni Lalaine, mabuting tao pa rin ang lalaki dahil tinulungan siya nitong mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid. Nang makasakay naman si Knives ng sasakyan ay umarko ang kanyang makakapal na kilay at puno ng pangungutya niyang pinagmasdan si Lalaine na tuwang-tuwa habang hawak ang pera. 'Good person?' isip-isip ni Knives nang marinig ang sinabi ng b
TINAKASAN ng kulay ang mukha ni Lalaine nang marinig ang pagbabantang iyon ni Benjamin. Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano kakayahan ng lalaki. Kayang-kaya nitong sirain ang kanyang buhay na wala siyang kalaban-laban. Naranasan na niya kung paano pag-usapan at paratangan noon kaya hindi niya hahayaan na muling mangyari iyon sa kanya.Dahan-dahang kinalma ni Lalaine ang sarili. Kung gustong makipaglaro ni Benjamin ay pagbibigyan niya ang gusto nito. Sinikap ni Lalaine na baguhin ang ekspresyon ng mukha at hinarap si Benjamin na may pekeng ngiti sa labi. Tila naman nasiyahan si Benjamin sa nakitang pagbabago ng babae. Mukhang natauhan ito sa huling sinabi niya. Sino nga namang gugustustuhing maparatangan ng hindi totoo? "That's it, baby. Walang mangyayari sa'yong masama kung susundin mo lang ang gusto ko. But before that, let me kiss you." Hindi na siya makapaghintay pa na matikman ang labi nito, subalit kumpara sa mga plano niyang iparanas kay Lalaine sa oras na pumayag ito
BAKAS ang matinding pagtataka sa mukha ni Mark na katrabaho ni Lalaine habang sinusundan ang lalaking papalayo. Sa pagkakaalam niya, ang lalaking iyon ang kanilang VIP at umorder ng napakaraming pagkain kahit wala naman itong kasama. Inutusan siya ng kanyang boss na silipin ito at alamin kung mayroon pang kailangan ang lalaki, pero pagdating niya sa VIP room ay nagtaka siya kung bakit ang mga pagkain ay naroon sa labas samantalang naka-lock naman ang pinto ng kwarto.Alam niyang si Lalaine ang nagdala nito pero bakit iniwan nito iyon sa labas? At bakit naka-lock ang kwarto ngunit napakatahimik sa loob? Doon na siya kinutuban ng masama. Kilala pa naman sa kanilang lugar na si Benjamin Scott na anak ng kanilang governor ay mahilig sa babae. In fact, marami nang mga babae ang inireklamo ito sa kasong sexual harassment pero dahil malakas ang kapit nito ay nabaliwala iyon.Iyon ang dahilan kung bakit pilit niyang kinatok ang kwarto at alamin kung ano ang nangyayari sa loob. Iniisip niyang
“WHAT are you doing?!" Dumilim ang anyo ng dean ng university na si Mr. Lee nang maabutan ang eksenang iyon sa pagitan ni Lalaine at ng guidance counselor. Huling-huli niya sa akto na magkahawak-kamay ang dalawa sa loob pa mismo ang opisina.Naroon pa naman si Mr. Knives Dawson para dumalo sa gaganaping groundbreaking ceremony ng bagong gawang gusali na donasyon mismo ng Dawson's Group Of Companies. Hindi maaaring masira ang imahe ng university dahil sa kagagawan ng mga ito.Nahintakutan naman si Mr. Martinez nang makita na naroon ang matatas na opisyal ng unibersidad, kaya ang unang pumasok sa kanyang isipan ay hindi s'ya maaaring mawalan ng trabaho.Mabilis na tumayo ang guidance counselor at nakayukong humingi ng tawad sa mga opisyal na naroroon, “I'm really sorry, Mr. Lee. Ms. Aragon said she likes me. I've rejected her many times but she keeps pestering me," pagsisinungaling ni Mr. Martinez.Nanigas sa kinatatayuan si Lalaine nang marinig ang sinabi ni Mr. Martinez patungkol sa
Imperial Hotel and Casino At the very top of the Imperial Hotel and Casino— one of the most famous hotels in the country are the VIP lounges, where the wealthiest people in society often stay here to unwind after a stressful day at work Knives Dawson sitting on a long sofa and holding a cigarette is a center of attraction, especially among women. He was sitting with his long legs crossed and his back straight, something that gave the young man a casual but sexy posture. Maski ang mga waitress na nagsisilbi sa kabilang table ay walang tigil ang pagsulyap kay Knives. Bagaman napakaraming lalaki roon na tulad nito ay kilala rin sa lipunan, bihira lang ang tulad nitong bukod-tangi ang angking kaguwapuhan. "Baby, punasan mo ang laway mo," biro ni Knox sa babaeng waitress na nakatayo sa kanyang tabi na kanina pa nakatingin kay Knives. May katabi itong magandang babae at sexy na kanina pa nakayapos sa kanya. "Nandito naman ako, sa'kin ka tumingin. Gwapo rin naman ako,"dagdag pa ni Knox
WALANG nagawa si Lalaine kundi sundin ang ipinag-uutos ni Mr. Evans. Nagsalin siya ng wine sa baso at ibinigay sa lalaki, ngunit sa halip na abutin iyon at nginisihan lang siya nito at tinanong, “Is this your first time, little girl?" Awtomatikong namula ang mukha ni Lalaine sa tanong niyang iyon kaya naman humalakhak si Knox. Sa tingin niya ay hindi nababagay ang tulad nito sa ganoong lugar, sa halip ay pag-aaral ang inaatupag nito dahil mukha itong menor de edad. Sinulyapan ni Knox ang kaibigang si Knives na tila ba walang pakialam sa nangyayari at abala lang sa pagtingin sa MacBook nito. “Give that to Knives Dawson. He's the special guest," utos niya kay Lalaine. Ang okasyon na iyon ay welcome party na ipinahanda ni Knox at Eros para sa bagbabalik ni Knives sa Pilipinas matapos ng isang-taong pamamalagi nito sa California, pero ang ungas niyang kailangan ay tila wala namang pakialam. Well, he's used to Knives' behavior because he's been like that ever since they were in colleg
NOONG dalagita pa si Lalaine, takot na takot siya sa kanyang nanay sa t'wing nakainom ito. Simula kasi ng yumao ang kanilang tatay ay nag-umpisa na itong magbisyo. Pag-uwi nito sa bahay galing sa inuman ay sinasaktan sila nitong magkapatid lalo na kung talo ito sa sugal. Ginagawa naman niya ang lahat para protektahan ang kapatid. Ang lahat ng mga latay, mga kurot, mga suntok, at sabunot na para kay Luke ay sinasalo niya dahil hindi niya kayang makita ang kapatid niyang nasasaktan dahil doble ang balik nito sa kanya. Kaya naman para kay Lalaine, ang alak ay tulad ng isang lason na sumisira sa katinuan ng isang tao.Ngunit walang pagpipilian si Lalaine, dahil sa tuwing naaalala niya ang nakababatang kapatid na nakikipaglaban para sa buhay nito ay nasasaktan siya. Handa siyang gawin ang lahat para kay Luke kahit pa ikapapahamak niya ito.Lakas loob na dinampot ni Lalaine ang bote, nagsalin sa baso, saka nakatikom ang labi na sumimsim ng alak. Ngunit masyadong minaliit ni Lalaine ang esp
KAHIT lango na sa alak, hindi pa rin nakalimutan ni Lalaine ang humingi ng pera dahil sa ginawa nitong pag-inom bagay na lalong nagpainit sa kanyang ulo. Ngunit ayaw niyang makipagtalo pa sa lasing dahil alam niyang walang saysay iyon, kaya naman sinabing niyang, “Are you really not going to let me go?” tanong niya sa malamig ngunit seryosong tinig.Mabilis namang umiling si Lalaine bilang sagot. Alam niyang langong-lango na siya sa alak subalit hindi niya hahayaag umalis ang lalaki nang hindi siya nababayaran.Ngumisi si Knives sa sinabi ng babae saka walang sabi-sabing binuhat niya ito, dahilan naman pala mapatili si Lalaine, “Ay! S-Saan mo a-ako d-dadalhin?!” nauutal na tanong ni Lalaine nang maramdaman ang braso ng lalaki na pumulupot sa kanyang bawyang.Tila naman batang paslit na kinarga ni Knives si Lalaine sa kanyang balikat at tinungo ang pinto palabas sa lounge. Ni hindi man lang nito ininda ang bigat ng babae na para bang isa lang itong papel.Ang lahat ng naroon ay hindi n
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala
“BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip
NINE MONTHS LATER...“BABY! I'm here in okay? Please calm down! Kaya mo 'yan. Malapit nang dumating si Doc Ivy!” natatarantang bulalas ni Knives habang nag-aalalang nakatingin sa asawang nakahiga sa delivery room at hawak ng mahigpit ang kanyang kamay. Pawis na pawis na ito at namumutla ang mukha ng mga sandaling iyon tanda na nahihirapan ito.“Sobrang sakit na, Knives! 'Di ko na kaya! Parang mamamatay na 'ko!” bulalas ni Keiko habang umiiyak. “Bakit ba kasi ang tagal ng doktor na 'yon?!” Napakasakit na ng tiyan ni Keiko at pakiramdam n'ya ay malapit nang lumabas ang kanyang anak sa sinapupunan. Pero bakit wala pa rin ang OB niya? Saan ba ito nagpunta?“P-Papunta na si Doc Ivy, baby. 'Wag ka nang magalit, baka mapaano ka pa pati si baby,” pagpalakalma ni Knives sa asawa pero siya naman itong abot-langit ang kaba para sa kanyang mag-ina.Ito ang unang beses na matutunghayan niyang isilang ng pinakamamahal niyang asawa ang bunso nilang anak. Noong isilang kasi nito ang kambal ay wala s