••••••• “I DIDN'T see it, bro. Ang intern sa department ni Dr. Montenegro ang nagpakalat ng tsismis na 'yon. She saw her this morning and thought she was here to see Dr. Montenegro...” Nakasimangot na tumitig si Lalaine sa lalaki at masama pa rin ang loob sa pag-aakusa nito. Matapos naman marinig ni Knives ang sinabi ni Eros ay nakaramdam siya ng guilty. “It's my fault. Don't be angry,” hinging-paumanhin ni Knives sabay kamot sa ulo. Hindi naman basta-basta mapapalagay ang loob ni Lalaine sa paghingi ng paumanhin ng lalaki. Ni hindi nga niya alam kung apology ang ginawa nito o ano. Hindi n'ya basta mapapatawad ang ginawa nitong pamamahiya sa kan'ya kanina. Nang makita naman ni Knives na galit pa rin ang babae ay hinawakan niya ito sa baba at bahagyang pinisil. “How about I give you compensation? Anong gusto mo? Tell me.” Sandaling nag-isip si Lalaine nang may maalala. “Si Ms. Divine, mabait siya sa'kin at hindi n'ya ako pinababayaan sa Debonair. P-Pwede bang mo siyang parusahan
••••••••BITBIT ang kape, walang lingon-lingon na mabilis na naglakad si Lalaine paalis sa lugar na iyon, at kulang na lang ay liparin niya ang kalsada palayo sa dalawang tao. Hindi rin maintindihan ni Lalaine kung bakit ba siya tumatakbo ng mga sandaling iyon. Basta ang alam lang niya ay gusto niyang makaalis na sa lugar na iyon dahil parang sinasakal siya.Meanwhile, Knives' gaze fell on the petite woman walking quickly away. And although she was far from him and had her back turned, he knew who it was.Hanggang sa pinukaw ng kasamang babae ni Knives ang kanyang atensyon. “Mr. Dawson, are you listening to me?”Hindi sumagot si Knives, sa halip ay mabilis siyang tumalikod at iniwan ang babaeng kasama. Tumawid siya sa kabilang kalsada kung saan naka-park ang kanyang sasakyan at sumakay doon. Minaniobra niya ang kotse patungo sa direksyon kung saan dumaan si Lalaine.Tulala naman habang naglalakad si Lalaine patungo sa direksyon kung saan naka-park ang company car ng Debonair. Mabigat
••••••••••“BAKIT? Bakit ka nagpapaliwanag sa...akin?”Hindi alam ni Knives kung ano ang isasagot sa babae. Sa buong buhay niya, hindi siya nagpapaliwanag sa mga tao tungkol sa mga bagay-bagay at sa mga desisyong ginagawa niya. Pero hindi maintindihan ni Knives ang kanyang sarili kung bakit 'di niya kayang makita na malungkot si Lalaine habang pinagmamasdan niya ito.“Maybe because...I want to sleep with you?” sagot naman ni Knives sa tanong na iyon ni Lalaine.Tila tinutusok ng maliliit na karayom ang dibdib ni Lalaine ng mga sandaling iyon. Ano pa ba nga ang aasahan niya rito? Laruan lang naman talaga ang tingin nito sa kan'ya at hindi bilang isang babae.“Ah gano'n ba?” ani Lalaine saka tumayo at humarap sa lalaki. “K-Kumain ka na ba? W-Wala kasi akong pagkain ngayon. Hindi ako nagluto,” ani Lalaine sa lalaki na pilit nilalabanan ang sakit ng puso na nararamdaman.“Then cook for me,” kaswal na sagot naman ni Knives saka pinag-ekis ang mahahabang binti at matamang tumingin kay Lala
••••••• NANG mga sumunod na araw, hindi na muling hinanap pa ni Knives si Lalaine. Na para bang bigla itong nabura sa kan'yang mundo. Katulad ng dati, pagkatapos ng trabaho ay dumidiretso si Lalaine sa kanyang apartment para mag-review. Inuubos lang niya ang kanyang oras sa pag-aaral at hindi na siya nag-iisip pa ng kung anu-ano. Biyernes, ginabi ng uwi si Lalaine dahil pinag-overtime siya sa trabaho. Alas-nuebe na ng gabi iyon at wala na siyang masakyang bus pauwi, kaya naman napilitan siyang sumakay ng bullet train. Nang dumating ang tren ay kaagad na sumakay si Lalaine subalit isang lalaki na nakasumbrero ng itim ang bumangga sa kan'ya. Mabilis naman itong humingi ng sorry kaya ngumiti na lang si Lalaine bilang sagot at dumiretso sa bakanteng upuan. Hindi maintindihan ni Lalaine kung bakit, pero habang nakaupo ay siya pakiramdam niya ay may taong nakatingin sa kan'ya mula sa malayo. Nang lumingon naman siya, wala naman siyang nakitang ibang kahina-hinala. Binalewala na lan
“HELLO? Ito po ang Metro Manila Police District...”Matapos kausapin ni Knives ang pulis na sumagot ng tawag niya sa number ni Lalaine ay binalingan niya ang kanyang secretary na kasalukuyang nakaupo sa passenger's seat.“Lumabas ka na ng sasakyan, Secretary Miller,” utos ni Knives.“S-Sir?” nagtatakang tanong naman ni Liam habang nakalingon sa kanyang boss.“May pupuntahan lang ako.”Napakamot naman sa ulo si Liam dahil sa sinabi ng kanyang boss. “Pero paano si Ms. Ramos? It's not a good idea to keep her waiting, Sir.”“Go and give her a gift,” maikling turan ni Knives sa kaharap.“P-Pero paano naman po ang daddy ninyo, Sir?...” nag-aalalang tanong pa ni Liam.Ilang beses ng ni-reject ng kanyang boss ang pakikipagkita kay Ms. Ramos dahil sa trabaho. Pero binigyan ng ultimatum ng daddy nito si Mr. Dawson at kailangan nitong sundin iyon. Sa oras na malaman iyon ni Mr. Kennedy, hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa matanda.“Don't worry about it. Ako na ang bahala kay daddy.”———
“IF YOU hadn't made the mistake of calling me, I wouldn't have known that you were calling that Elijah your husband. How long will you play with me, Lalaine Aragon? Do you enjoy hurting and fooling me?”Kunot-noong napatitig si Lalaine sa lalaki, at saka mabilis na kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa side table at tiningnan ang call history. At natutop ni Lalaine ang kanyang bibig nang makita na si Knives nga ang matawagan n'ya kanina.“H-Hindi ko 'yon sinasadya. Hindi ko alam na nag-connect sa'yo ang tawag. Nagkunwari lang akong may kausap dahil sinusundan ako ng hayop na lalaking 'yon kanina,” pangangatwiran ni Lalaine sa lalaki. “N-Nagbigay na ako mg statement sa pulis at iyan din ang sinabi ko. Kung gusto mo i-check mo pa,” ani Lalaine na napaupo sa kama at napaiyak.Pagkatapos ng buong magdamag na takot na takot siya, ngayon ay ang galit naman nito ang hinaharap niya kaya pakiramdam ni Lalaine ay bigla siyang sumabog. Malakas siyang umiyak na parang ilog na walang tigil sa
NAKATULOG na ng mahimbing si Lalaine bago pa niya marinig ang sagot ni Knives. Sumulyap muna siya sa babaeng natutulog saka dinampot ang cellphone na nakapatong sa center table at tiningnan kung sino ang tumawag kanina.Tumayo siya at nagsuot nang damit nang nakitang ang daddy niya ang tumatawag kanina. Bago pa siya tuluyang lumabas ng kwarto ni Lalaine ay nilingon pa niya ito na payapang natutulog habang mahigpit na hawak ang comforter.Maingat na lumapit si Knives sa babae at yumuko saka marahang pinisil ang pisngi nito. “As you wish. Kaya maging mabait ka lang at 'wag magsisinungaling sa'kin,” bulong niya.Matapos sabihin iyon ay sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ni Knives, saka tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto at umalis sa Dawson Residence. Sa kalaliman ng gabi, binabagtas ng itim na Bugatti ang kalsada patungo sa kanilang mansyon.Si Kennedy Dawson na gising pa sa mga oras na iyon at nagtsa-tsaa ay kalmadong nakaupo sa sala at hinihintay ang pagdating ng kanyang anak.Ilang
“MAKIPAG-HIWALAY ka sa boyfriend mo. Bibigyan kita ng three days,” ani Chairman Henry saka tumayo na ay kumuha ng panyo sa bulsa upang ipahid ang daliri na nanlalagkit. Matapos niyon ay tumalikod na ito na parang walang nangyari.Ngunit bago pa tuluyang makaalis ang lalaki ay buong tapang na nagsalita si Abby. “'Di ako makikipaghiwalay kay Jake!”Nilingon ng chairman si Abby at saka ngumisi. “What did you say?” asik nito sa babae.“Ang sabi ko hindi ako makikipaghiwalay sa boyfriend ko!” matapang sa turan ni Abby. “Chairman, 'di ba nagkasundo na tayo na hahayaan mo na kami ni Jake? Kapag hindi mo kami pinakawalan, ilalabas ko ang baho mo?” pagbabanta pa ni Abby.“Really? Do you think anyone would believe someone like you? Go on! Do what you want. Hindi naman ako nagmamadali kaya bibigyan kita ng panahon na makapag-isip,” puno ng panunuyang wika ng chairman at saka nakapamulsang tumalikod na at lumabas sa lounge.Samantala, nang makita naman ni Lalaine na sa wakas ay nagbukas na rin a
KINABUKASAN, magkakaharap na dumulog sa dining table para sa breakfast sina Abby, ang best friend niya, si Tito Kenji at ang Kuya Kairi nito. Ang dalawang sobrang cute na anak ng kanyang best friend ay natutulog pa kaya hindi nila kasabay sa almusal na iyon.Hindi magawang tumingin ni Abby sa lalaki dahil hiyang-hiya pa rin siya kaya habang kumakain ay para siyang tangang nakayuko lang at halos dumikit na ang mukha sa plato.“Hija, what's wrong? Ayaw mo ba ng pagkain?” puna ni Kenji sa dalagang si Abby nang makita niyang nakayuko lang ito at tulala.Napilitang nag-angat ng tingin si Abby dahil sa sinabing iyon ng matanda. Ayaw niyang isipin nito na bastos siya o kaya naman ay nag-iinarte sa pagkain. “H-Hindi po, Tito Kenji. May naalala lang po ako,” sagot niya na may pilit na ngiti sa labi.“Tungkol ba kagabi? Don't worry, hindi naman big deal 'yun para kay Kairi. Right, son?” saad naman ni Kenji sabay tingin sa anak na tahimik lang na kumakain.Dahil sa narinig ay wala sa sariling
“BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.”Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina.Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop.Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress.“Well kahit ako naman magagalit,” pagbibiro nam
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala
“BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be