공유

CHAPTER 23:

작가: GennWrites
last update 최신 업데이트: 2025-06-03 21:27:33

“I HAVE a crush on you. But don't worry, it's just a crush. Well, who doesn't? Bukod sa sobrang gwapo mo, may mabuti ka pang puso...”

Since childhood, sanay na si Kairi na makarinig ng mga confession sa iba't-ibang mga babae. Hanggang sa nag-highschool siya at nag-college ay lagi siyang nakakatanggap ng confession mula sa kanyang mga classmates at schoolmate. Pero sa lahat ng iyon ay wala siyang nagustuhan maliban kay Naomi.

Si Naomi na tinaguriang “Campus Beauty” sa Tohoku University— ang top 1 university sa Japan kung saan siya nag-aral ng law. Schoolmate niya ang babae na nag-aaral naman ng kursong medicine. Nag-confess ito sa kan'ya at nang araw ding iyon ay naging sila. Dahil ang totoo, matagal na niyang gusto si Naomi pero hindi lang niya maamin sa babae dahil torpe pa siya noong time na iyon.

Ngayong nakatanggap muli ng confession si Kairi mula sa isang babae ay nanibago siya. Hindi niya malaman kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba habang nakatingin dito. Para siyang buma
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (10)
goodnovel comment avatar
JulietDimol vlogs
Another chapter pls..
goodnovel comment avatar
Charie Garcia
I guess c kairi Yun ...kawawa ja nman Abby, in ignore lang feelings mo huhu....more update please
goodnovel comment avatar
Sabel Descutido Bercero
more chapter plzzzzz
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 25:

    “WHAT?” iritableng tanong ni Kairi nang makitang nakangisi ang gago niyang kaibigan sa kan'ya ng mga sandaling iyon pagkatapos nitong sabihin na gusto nitong ligawan si Abby.“Wala naman. Kitang-kita ko kasi sa mukha mo na parang galit ka, bro. Nagseselos ka ba?” nakangising tanong pa ni Seiichi.“What? At bakit naman ako magseselos kung liligawan mo siya? Go on, I have nothing to do with her.”“Really? Sigurado ka ba d'yan?”“Fuck off! Kung wala ka nang gagawin, lumayas ka na. Marami pa akong gagawin,” pagtataboy ni Kairi sa kaibigan saka kumuha ng magazine at binato rito.Mabilis naman ang naging reflexes ni Seiichi at nasalo niya ang ibinato nito sa kan'ya. “Okay, sabi mo eh!” tatawa-tawang sagot niya saka tumayo na at lumabas ng study room.Naiwan naman si Kairi na iiling-iling habang nakatingin sa mga files tungkol sa patong-patong na kasong isinampa niya kay Henry Scott tulad ng rape, physical abuse, at grave threats. Hindi pa kasama doon ang iba pang kaso nito tungkol sa drug c

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 24:

    LAHAT ng kapulisan sa Metro Manila Police District ay nagulat nang isang puting SUV na walang plaka ang huminto sa harapan ng kanilang presinto at ilaglag sa kalsada ang isang lalaking naka-posas at para bang wala nang buhay.Dahil hindi inaasahan ang mga kapulisan ang eksenang iyon ay hindi kaagad nila nasundan ang puting SUV nang pinaharurot ng mga ito ang sasakyan paalis sa lugar.“Sundan n'yo ang puting SUV na 'yun at 'wag hayaang makatakas. I'll call the police on standby in nearby areas to conduct a checkpoint!” utos ng hepe ng pulisya.“Copy, Sir!”Sakay ng mga service car ay mabilis na tumalilis ang mga pulis at sinundan ang puting SUV. Ang iba namang natira ay kaagad sinaklolohan ang lalaki na kasalukuyang nakabulagta sa kalsada. Ang buong akala ng mga naroon ay patay na ang lalaki, pero nang lapitan nila nito ay nagulat sila nang makitang si Henry Scott iyon.“S-Si Henry Scott ang taong ito, chief!”Nanlaki naman ang mga mata ng hepe nang makitang si Henry Scott nga ang lala

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 23:

    “I HAVE a crush on you. But don't worry, it's just a crush. Well, who doesn't? Bukod sa sobrang gwapo mo, may mabuti ka pang puso...”Since childhood, sanay na si Kairi na makarinig ng mga confession sa iba't-ibang mga babae. Hanggang sa nag-highschool siya at nag-college ay lagi siyang nakakatanggap ng confession mula sa kanyang mga classmates at schoolmate. Pero sa lahat ng iyon ay wala siyang nagustuhan maliban kay Naomi.Si Naomi na tinaguriang “Campus Beauty” sa Tohoku University— ang top 1 university sa Japan kung saan siya nag-aral ng law. Schoolmate niya ang babae na nag-aaral naman ng kursong medicine. Nag-confess ito sa kan'ya at nang araw ding iyon ay naging sila. Dahil ang totoo, matagal na niyang gusto si Naomi pero hindi lang niya maamin sa babae dahil torpe pa siya noong time na iyon.Ngayong nakatanggap muli ng confession si Kairi mula sa isang babae ay nanibago siya. Hindi niya malaman kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba habang nakatingin dito. Para siyang buma

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 22

    “ANAK, nar'yan ka na pala. Kanina ka pa ba d'yan? Bakit hindi ka pumasok?”Parang natuklaw ng ahas si Abby nang mga sandaling iyon nang marinig ang tinig ng kanyang Nanay Letisha. Tatalilis na sana siya para tumakas dahil parang naglo-loading pa ang kanyang utak matapos marinig ang mga sinabi ni Kairi. “K-Kararating ko lang po, nay. T-Tatanungin ko lang po sana kayo kung tapos na kayong mag-impake...” nauutal namang sagot ni Abby na malikot ang paningin habang magkahugpong ang namamawis na mga kamay.Hindi niya kayang tingnan sa mga mata si Kairi ng mga sandaling iyon dahil hiyang-hiya siya at feeling niya ay daig pa niya ang nagtapal ng makapal na blush-on dahil sa sobrang pula ng mukha.Pinagmasdan naman ni Letisha ang kanyang anak na may nakakalokong ngiti. Ang totoo, kanina pa niya napansin na nakatayo sa labas ng pinto ang kanyang anak. Nagkunwari lang siyang hindi ito nakikita nang sa gayon ay marinig nito ang sasabihin ng binata. Kilig to the max tuloy si Letisha lalo pa nga'

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 21

    “I SAID, what did you say?”Natutop ni Abby ang kanyang bibig habang nanlalaki ang mga bilugang mata nang lumingon siya sa likuran at makita ang madilim na anyo ni Kairi. Hindi na niya kailangan pang itanong kung ano ang tinutukoy nito dahil mukhang narinig nito ang sinabi niya kay Nanay Purisima.“H-Hi! D-Dumating ka na pala, K-Kuya Kairi...” bati ni Abby sa lalaki na sinamahan ng pilit na ngiti.Pasimple niyang kinurot ang sariling palad dahil sa kagagahang nagawa. Bakit ba kasi hindi n'ya kayang pigilan ang pagbuka ng matabil niyang bibig? 'Yan tuloy ay napahamak na naman siya ng wala sa oras.“Yes, and unfortunately, narinig ko ang mga sinabi mo,” tugon ni Kairi na may himig pagkainis sa tono habang nakatingin kay Abby nang mataman. “Why do you tend to say things you know nothing about?”Napayuko si Abby dahil sa kahihiyan ng mga sandaling iyon. He's right. Alam niyang mali ang magkalat ng kwento na wala naman siyang alam. Ang tanga-tanga talaga niya. Sana isinaisip na lang n'ya a

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 20

    SAKAY ng private Jet ay mabilis pa sa alas-kwatro na narating ni Kairi ang Nagasaki, Japan kung saan sila nag-usap ni Naomi na magkikita. Pagdating niya sa restaurant na kanilang meeting place, kaagad niyang nabistahan si Naomi na tahimik na nakaupo sa isang table at bakas ang lungkot sa mga mata.Mabilis at malalaki ang hakbang ni Kairi na pumasok sa restaurant at nilapitan ang dating nobya. Nang makita siya nito ay awtomatikong nagliwanag ang mga mata nito na para bang nakakita ng tagapagligtas sa katauhan ni Kairi.Kabaliktaran naman ni Naomi, sa halip na matuwa ay matinding galit ang naramdaman ni Kairi nang makita ang itsura ng ex-girlfriend. Namamaga ang labi nito, may black-eyed sa kaliwang mata, at may pasa sa mga braso. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang pinagbuhatan ito ng kamay ng kung sino.“Who did this to you?!” galit pero puno ng pag-aalalang tanong ni Kairi sa babae nang makaupo sa harapan nito. He couldn't help but caress her bruised face. He felt sorry for his ex-

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status