KINABUKASAN, katulad ng dati ay isinabay si Abby ng binata papasok sa trabaho. Mula umalis sa mansyon ang dalawa, ay halos hindi man lang nag-uusap ang mga ito at magsasalita lang kapag magtatanong. Hindi tuloy mapakali si Abby at kinakabahan dahil alam niyang anumang oras ay kakausapin siya ng lalaki tungkol doon. She's not ready to tell her dark secret, especially not to Kairi. Because apart from her ex-boyfriend Jake, no one else knows her secret. “How's your work? Wala bang gumugulo sa'yo?” Mula sa labas ng bintana ng sasakyan, dumako ang tingin ni Abby sa lalaki na kasalukuyang naka-focus lang sa pagda-drive. Napamaang siya. “H-Huh?” Pumalatak si Kairi sa babae at saka inis na nagsalita. “Do I really have to repeat what I say twice when I talk to you?” Napapahiya namang inalis ni Abby ang paningin sa lalaki sa ibinaling sa labas ng bintana. “Sorry, may iniisip lang kasi ako.” “Tungkol na naman sa crush mo?” tanong ni Kairi na bakas sa tinig ang iritasyon. Sa sinabi ay
“DID you mistake me for your crush that's why you acted like that?” Tila naging bangungot ang masayang panaginip na iyon nang marinig ni Abby ang pamilyar na boses ng lalaki. At hindi nga siya nagkakamali, dahil pagdilat niya ay ang masamang mukha ni Kairi ang nakatingin sa kan'ya. Hindi pala kama kundi matipunong dibdib nito ang inaalala niyang niyayakap niya. “Ay bakla ka!” sa gulat ay bulalas ni Abby saka nandidilat ang mga mata na napaatras palayo sa lalaki. Pero dahil hindi niya tinitingnan ang kanyang nilalakaran, kaya naman natisod siya sa sarili niyang mga paa. Napapikit na lang si Abby at hinintay na lang niyang bumalibag siya sa marmol na sahig nang biglang isang matipunong bisig ang pumulupot sa kanyang baywang at sinalo siya sa akmang pagkakahulog. “You're so clumsy!” bulalas ni Kairi habang masama ang mukha nakatingin sa dalaga. Samantala, akala ni Abby ay sa cliché romance drama lang nangyayari ang eksenang iyon—na madudulas ang bidang babae at sasaluhin naman
“WHAT did you say?” Maang namang napatingin si Abby sa lalaki. “Huh? Walang akong sinasabi, K-Kuya Kairi.”“Then, who's the handsome man you are talking about?”Lihim na kinurot ni Abby ang kanyang sarili dahil sa kagagahan na namang nagawa. Bakit ba kasi ang hilig niya mag-inner thoughts habang kaharap si Kairi? ‘Letse ka talaga, Abigail!’ lihim sita sa sarili.“H-Huh? W-Wala 'yun...” sagot ni Abby saka yumuko sa dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. “Y-Yung coworker ko 'yun...na crush ko.” Walang siyang choice kundi magsinungaling, dahil kapag hindi n'ya ginawa iyon ay iisipin ni Kairi na ito ang crush n'ya. Ayaw ni Abby na malaman iyon ng lalaki lalo pa't balak niyang humingi ng tulong dito.Hindi naman maintindihan ni Kairi kung disappointment o inis ang naramdaman niya nang marinig ang sinabi ng dalaga. Maging si Kenji ay nabura ang ngiti sa labi dahil ang buong akala n'ya ay ang anak niyang si Kairi ang tinutukoy nito. Kanina pa n'ya kasing nahuhuli ang dalaga na patingi
“HUH? Anong sinabi mo?” nauutal na tanong ni Abby sa pag-aakalang guni-guni lang n'ya ang narinig. Halos mabingi rin siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.“I said, you're more beautiful when you're simple. Just be yourself,” pag-uulit ni Kairi.As an attorney, he's just used to being straightforward and honest because that's what's important in his job. Kaya pati sa personal niyang buhay ay nadadala rin n'ya ang ugaling iyon. Karamihan nga sa mga nakakakilala sa kan'ya at mga kaibigan ang nagsasabi ng hindi raw maganda ang ugali niyang ito, pero dahil nakasayan na niya iyon kaya hindi na niya mababago pa.Samantala, bigla namang naglaho ang sama ng loob ni Abby dahil sa narinig. Pakiramdam din niya ay nag-init ang kanyang pisngi ng mga sandaling iyon. “T-Talaga?” kunwari niyang tanong na pilit itinago ang kilig na nararamdaman.“As an attorney, I only speak the truth,“ sagot naman ng binata.Hindi malaman ni Abby kung matatawa siya sa lalaki dahil habang sinasabi iyon ay napakasery
SA ilang taong pagtatrabaho ni Abby sa bangko bilang accountant, bakit yata ngayon lang siya na-excite sa pag-uwi? Like maya't-maya siya tumitingin sa wall clock para tingnan ang oras. Napansin na nga rin iyon ng coworker niya na si Kim kaya grabe ang panunukso nito sa kan'ya. “Sissy, may date ka ba? Bakit tingin ka ng tingin sa oras?” pagbibiro nito sa kan'ya. “Huh, date? Wala 'no,” pagtanggi niya na totoo naman. “Gusto ko lang makauwi ng maaga,” pagdadahilan pa ni Abby habang panay ang tipa sa computer. “Really? Tingin ko excited ka lang na sunduin ng gwapo mong driver eh,” bira pa nito sa kan'ya. Sa narinig ay naihinto ni Abby ang ginagawa saka binalingan ang kausap. “Wala naman akong car, bakit ako magkakaroon ng driver?” natatawa niyang sagot para itago ang kabang nararamdaman. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Siguro ay nai-tsismis na ni Mang Lucio sa mga ito na may naghatid sa kan'ya kanina. “Sus! Don't deny, Abigail. Sobrang gwapo ng boyfriend mo tapos ide-den
“H-HUH? B-Bakit mo naman ako susuduin pa, Kuya Kairi? It's okay, it's not your obligation—” “Keiko asked me to pick you up. So give me your number because I'm late for work,” iritableng putol ni Kairi sa sinasabi ng babae. Wala naman ibig sabihin ang pagsundo niya rito, pero nakiusap ang kapatid niyang si Keiko na gawin niya iyon dahil nag-aalala ito sa safety ng babae. Nalaman din niya mula rito ang totoong sitwasyon ng dalaga at ang dahilan kung bakit ito pansamantalang nakapisan sa kanila. Hindi naman iyon abala ay Kairi dahil nagkataon na iisa lang sila ng way patungo sa law firm at sa banko kung saan ito nagtatrabaho. Besides, nasa iisang bahay lang sila umuuwi kaya mas magiging convenient para rito na sunduin niya. “G-Ganon ba? Okay,” napapahiyang sagot naman ni Abby. Kulang na lang ay lamunin siya ng lupa dahil sa pagiging assumera niya. ‘Gaga ka talaga, Abigail. Nakakahiya ka!’ Lihim na kinastigo ni Abby ang sarili. Hiningi lang naman ang number niya ay kung anu-ano
KINABUKASAN, magkakaharap na dumulog sa dining table para sa breakfast sina Abby, ang best friend niya, si Tito Kenji at ang Kuya Kairi nito. Ang dalawang sobrang cute na anak ng kanyang best friend ay natutulog pa kaya hindi nila kasabay sa almusal na iyon.Hindi magawang tumingin ni Abby sa lalaki dahil hiyang-hiya pa rin siya kaya habang kumakain ay para siyang tangang nakayuko lang at halos dumikit na ang mukha sa plato.“Hija, what's wrong? Ayaw mo ba ng pagkain?” puna ni Kenji sa dalagang si Abby nang makita niyang nakayuko lang ito at tulala.Napilitang nag-angat ng tingin si Abby dahil sa sinabing iyon ng matanda. Ayaw niyang isipin nito na bastos siya o kaya naman ay nag-iinarte sa pagkain. “H-Hindi po, Tito Kenji. May naalala lang po ako,” sagot niya na may pilit na ngiti sa labi.“Tungkol ba kagabi? Don't worry, hindi naman big deal 'yun para kay Kairi. Right, son?” saad naman ni Kenji sabay tingin sa anak na tahimik lang na kumakain.Dahil sa narinig ay wala sa sariling
“BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.” Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina. Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop. Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress. “Well kahit ako naman magagalit,” pagb
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala