Hello guys!First of all, thank you sa lahat ng mga nagbabasa ng story ni Knox at Elle. (๑♡⌓♡๑)Well, di ko na po pahahabain, baka hanggang Book 5 na lang po ito. Last na ang story ni Knox at Elle, wala na pong kasunod.At bilang gusto ko po kayo mabigyan ng magandang story, itong BOOK 5 ay hindi pareho ng TIMELINE sa mga naunang story. Bale iibahin ko po ang timeline nila kaya wag po kayong malilito kung hindi tugma sa mga natapos nang Book series sa kwento na ito. Meaning kung sa nakalipas na BOOK 4 ay may anak na doon si Knox, dito po pwedeng mabago. Basta sundan lang po ninyo ang story at wag nang isipin ang ibang series, para hindi po kayo malito.Basta i-enjoy niyo lang po. Thank you po ulit. ( ◜‿◝ )♡
CHAPTER 76 – “Miles Apart, Worlds Apart”---Europe...Malamig ang simoy ng hangin, may halong amoy ng pine at mahinang ulan. Nakatayo si Elle sa wide balcony ng bahay ng pamilya ni Nathan sa Geneva, balot lang ng manipis na sweater na halos hindi sapat para labanan ang lamig. Sa ibaba, makikita ang cobblestone streets, mga shops na nagsisimula pa lang magbukas, at trams na dumadaan nang smooth sa tracks.Pero kahit gano’n kaganda ang paligid, wala siyang maramdaman na gaanong ginhawa. May lungkot sa dibdib niya na parang hindi kayang tabunan ng bagong tanawin.Tatlong araw pa lang mula nang umalis sila papuntang Europe, pero bawat minuto ay mabigat. Simula nang iniwan niya si Knox sa harap ng bahay ni Nathan, dala-dala niya ang bawat tingin, bawat salita, at bawat yakap nito.Kanina pa siya paulit-ulit na humaharap sa salamin, hoping to see some strength sa reflection niya. Pero ang bumabalik lang sa kanya ay isang babaeng puno ng takot, guilt, at pangungulila.Sa dining hall, nakaha
CHAPTER 75 – “Goodbyes Under the Same Sky.”Tahimik ang buong bahay matapos umalis si Knox. Pero sa loob ng dibdib ni Elle, parang may naglalaban na bagyo. Nakaupo siya sa gilid ng kama sa guestroom ni Nathan, yakap ang unan, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksena kanina — ang mahigpit na yakap ni Knox, ang saya sa mata nito nang makita siya, at ang pagkabigla nito nang sabihin niya ang mga salitang pinaka-nasaktan din siya, “Mahal ko na si Nathan.”Kumirot ang dibdib niya. Hindi iyon totoo, at alam niyang iyon ang pinakamalaking kasinungalingang lumabas sa bibig niya. Pero ano pa ba ang choice niya? Kung hindi niya bibitawan si Knox sa ganoong paraan, baka hindi ito pumayag. Baka lalo lang siyang ikulong. At higit sa lahat — baka bumigay siya, bumalik sa lalaking mahal pa rin niya.Pinahid niya ang luha sa pisngi, pero parang walang katapusan ang agos nito. Ang bigat ng bawat hikbi ay parang sumasakal sa kanya. Kahit anong pilit niyang paniwalain ang sarili na tama a
CHAPTER 74 – Shattered VowsTahimik ang buong bahay matapos magsara ang pinto. Sa itaas, nanatiling nakasiksik si Elle sa likod ng guestroom door. Nanginginig pa rin ang tuhod niya, habang pinipilit pigilan ang mga hikbi. Ramdam niya pa ang pwersa ng boses ni Knox na ilang minuto lang ang nakalipas ay halos yumanig sa buong bahay.Pero kasabay ng takot, may bigat na hindi na niya kayang itago. Mula pa kanina, habang nagbabanggaan ang tinig nina Nathan at Knox, alam niyang hindi siya puwedeng manatiling nakatago. May mga bagay na kailangan niyang sabihin—hindi para sa kanila, kundi para sa sarili niya.Dahan-dahan siyang tumayo, hawak ang brown envelope na mula pa kanina ay nakapatong sa side table. Mabigat iyon sa palad niya, hindi dahil sa papel na laman nito kundi dahil sa bigat ng desisyong dala. Pinikit niya ang mga mata at huminga nang malalim.“Tapusin na natin ’to,” bulong niya sa sarili.Mabilis ang hakbang ni Elle palabas ng kwarto. Halos madapa siya sa pagmamadali, pero hind
CHAPTER 73 – “Lines Drawn”“Nathan…” halos pabulong niyang ulit. “'Wag mo akong ibigay. Hindi ko kaya.”Nathan looked at her steadily, his hand hovering near the doorknob. Kita sa mukha niya ang bigat ng desisyon dahil isang maling galaw, puwedeng sumabog ang lahat.Mula sa labas, muling kumatok si Knox. Mas malakas, mas mariin.“Cruz!” rinig nilang sigaw nito Malamig, mabigat, puno ng banta. “Open the damn door.”Nagtagpo ang tingin nina Elle at Nathan. Sa mga mata ng babae, puno ng takot at desperasyon. Sa mga mata ng lalaki, may halong galit at proteksyon.Malakas, sunod-sunod, at mabigat ang katok sa pintuan. Para bang bawat hampas ni Knox ay may kasamang galit na kayang yumanig sa buong bahay.Sa loob, humigpit ang hawak ni Elle sa damit na kanina lang niya iniimpake. Nawala ang kulay sa mukha niya, at ang mga mata niya’y mabilis na napuno ng takot. Halos mabasag ang tinig niya habang nakikiusap.“Please... ayaw ko siyang makita...”Hinawakan ni Nathan ang braso niya, mariin per
CHAPTER 72 – The Knock at the Door Halos walang tulog si Knox buong gabi. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama, nakabukas ang laptop at sunod-sunod na tawag ang ginawa sa kanyang mga tao niya. Ang mga mata niya ay mapula, nangingitim ang ilalim, at ang katawan ay mabigat pero ayaw niyang sumuko sa pagod. Kanina pa niya kinakausap ang taxi driver na sumundo kay Elle mula sa Forbes mansion. Nakaupo sila sa isang maliit na café malapit sa terminal, hawak ng driver ang sariling cup ng kape habang nanginginig ang kamay. “Sir, nagsasabi po ako ng totoo. Dinala ko lang siya sa Cubao terminal. Hindi ko na alam kung saan siya sumakay pagkatapos. Wala na akong nakuhang impormasyon,” sabi ng driver, paulit-ulit na nag-e-explain. Matalim ang titig ni Knox, nakasandal ang dalawang siko sa mesa at magkahawak ang mga kamay. “Sigurado ka?” Tumango ang driver, pawis na pawis. “Yes, Sir. Pagkababa niya, umalis na rin ako. Wala na akong kasunod.” Hinagod ni Knox ang sentido, frustrated. “Leave,“ mai