CHAPTER 57 – “The Ride Away.”Lumalim na ang hapon, at isa-isa nang naglalabasan ang mga empleyado sa executive floor. Ang dating maingay na opisina ay unti-unti nang natahimik, na parang hudyat ng pagtatapos ng isang mahabang araw.Sa loob ng opisina ni Knox, nakaupo pa rin siya sa swivel chair. Tahimik, ngunit hindi makapag-concentrate. He could no longer focus on the papers spread out on the table. The lines and numbers seemed to blur together, dissolving into the image of Elle sitting with Nathan, laughing as they ate.Nilingon niya ang wall clock, oras na dapat sabay na silang aalis. Iyon ang kanilang daily routine. Pero nang tumayo siya at sumilip sa cubicle ni Elle, wala na ito. Nanlamig ang pakiramdam niya. Hindi siya sanay na hindi nagpapaalam si Elle. Kahit gaano ito pagod o galit, lagi itong nagsasabi.Dahil doon kaagad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Rodel.“Prepare the car. Now.”“Yes, Sir,” mabilis na tugon ng driver sa kabilang linya.Hindi na siya nag-aksay
CHAPTER 56 – “Glass Walls.”Mabilis kumalat ang usapan mula sa cafeteria. Hindi pa man natatapos ang lunch break, may ilang empleyado na agad nagkuwento sa pantry, sa hallways, at pati na rin sa group chats ng department.“Grabe, nakita niyo ba? Si Elle, secretary ni Sir Knox, kasabay kumain si Nathan.”“Bagay sila, swear. Ang chill ng vibe.”“Baka naman close lang sila.”“Eh bakit ang tapang ni Nathan kanina kay Ayah? Pinagtanggol agad si Elle. Kung hindi ka ba naman may something…”Maliit na eksena lang iyon sa cafeteria, pero parang apoy na mabilis kumalat ang tsismis sa buong finance department at executive floor.---Nasa rooftop si Knox nang mga sandaling iyon, hawak ang sigarilyo, nakatayo sa harap ng railings. Bihira na siyang manigarilyo, pero ngayong hapon, pakiramdam niya iyon lang ang makakapagpa-kalma sa kan'ya.Umihip ang hangin, dala ang init ng araw at ang usapan ng dalawang empleyado na dumaan sa may pintuan. Hindi niya sana pakikinggan, pero malinaw ang bawat salita
CHAPTER 55 – Whispers at the TableTahimik ang cafeteria pero buhay ang paligid. Maririnig ang tunog ng trays, ang pagbukas ng coffee machine, at ang mahihinang tawanan ng mga empleyado sa iba’t ibang mesa. Sa may bintana, nakaupo sina Elle at Nathan, parehong may tray sa harap. Salad at cake kay Elle, rice meal at fries kay Nathan.Habang kumakain sila, hindi napansin ni Elle ang isang pares ng mga matang nakatingin mula sa hallway. Si Knox iyon, nakatayo ilang metro ang layo, bahagyang natatakpan ng glass partition. Tahimik pero mabigat ang aura, nakatingin sa dalawa. Kumuyom ang kamao niya, ramdam ang init na gumagapang sa dibdib.Nakita niya kung paano tumawa si Elle sa biro ni Nathan. Isang magaan, natural na tawa, ibang-iba sa tipid na ngiti na madalas lang nitong ipakita sa dining table ng pamilya o sa opisina. At bawat segundo na nakikita niya iyon, parang tinutusok ang puso niya.Hindi niya alam kung anong mas masakit—ang makita ang asawa niyang ngumiti ng ganoon sa iba, o an
CHAPTER 54 – The Weight of SilenceMagkasunod lang halos dumating sina Elle at Knox sa opisina kinabukasan, pero nauna si Elle ng mga kinse minutos. Pagpasok niya sa executive floor, agad siyang bumati sa ilang staff at dumiretso sa cubicle niya. Tahimik lang siya, dala ang mabigat na dibdib mula pa kagabi.Maingat niyang inilapag ang tote bag sa gilid at agad binuksan ang laptop. May calendar invites na pumasok, ilang urgent emails na kailangan niyang sagutin, at tatlong tawag na nakalista para i-schedule. Nilabas niya rin ang notepad at sinulat ang to-do list tulad ng finalize minutes, review supplier contracts, prepare talking points para kay Knox, at coordinate sa HR tungkol sa gala guest list.Sinimulan niyang isa-isahin, mabilis ang kamay niya sa keyboard, steady ang mukha. Kahit mabigat ang dibdib, hindi siya puwedeng magpahuli. Kung secretary mode ang kailangan, secretary mode siya.Ilang sandali pa, bumukas ang elevator. Narinig niya ang pamilyar na yabag ng sapatos na mabili
CHAPTER 53 – Morning Porcelain Maaga pa, pero gising na ang buong bahay. Mula sa hallway, maririnig ang mahinang kaluskos ng mga kasambahay, ang pagtama ng porselana sa mesa, at ang malinis na tunog ng cutlery na inaayos sa dining hall. Sa master’s wing, halos sabay bumukas ang dalawang pinto. Lumabas si Elle, maaliwalas ang mukha pero may bahid ng puyat sa ilalim ng mata. Naka-white blouse siya at navy pencil skirt, malinis ang ponytail—corporate simple, walang sobra. Sa tapat, bumukas din ang pinto ng guest room. Lumitaw si Knox, naka-white shirt at charcoal slacks, may navy jacket sa braso. Crisp, calm, and cold. Nagkatinginan sila sa gitna ng corridor. Sandaling katahimikan. Tila parehong naghintay kung sino ang unang babati. “Good morning,” mahinang sabi ni Elle, pilit na steady ang tono. “Morning,” tipid na sagot ni Knox, halos walang emosyon, pero tumango ng konti bilang tugon. Kumirot ang dibdib ni Elle sa malamig na sagot nito pero pinilit niyang itago ang nararamd
CHAPTER 52 – "Shadows of Possession."Tahimik ang biyahe ng itim na SUV palabas ng Makati. Nakatitig si Knox sa city lights habang hawak ang whiskey tumbler na dala niya mula sa opisina. Nakakuyom ang panga, mabigat ang dibdib, at paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang eksena kanina. Si Elle, kasama ang bagong empleyado, at ang kabaitan nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakainis, ang ngiti ni Elle o ang pakiramdam na baka may ibang makakakita sa mga bagay na dapat siya lang ang may karapatan.Maya-maya, nilapag niya ang baso sa cupholder at kinuha ang telepono. Pinindot ang pangalan ng kaibigan.“Eros.” Mababa ang boses niya.Sa kabilang linya, rinig ang background noise ng hospital. “Knox? Gabi na ah. What’s wrong?”“Imperial Palace. Join me. I need a drink.”Tahimik si Eros ng ilang segundo bago sumagot. “Alright. Give me thirty minutes. I’ll be there.”---Pagdating nila sa Imperial Palace, sinalubong agad si Knox ng pamilyar na ambience, dim lights, jazz music sa b