MARYCOLEMakalipas ng isang buwan.."Ate Cole meron po naghahanap sa'yo," sabi ni Rina sa akin. Nasa k'warto kasi ako nagpapahinga. Katatapos lang din namin magtanghalian ni Rina."Sino?" matipid kong sagot kay Rina."Magulang po ni Ms. Nadine, Ate Cole," napatingin ako kay Rina baka nagkamali lang ako ng dining sa sinabi nito. Napaisip ako kung kaya ko ba silang kausapin. Ngunit nanaig ang binubulong ng isip at puso ko, haharapin ko sila upang maging malinaw ang lahat."Sige susunod ako Rina. Sandali pinapasok mo ba sila?""Yes Ate," aniya."Ok sige lalabas na ako,"Nang makalabas si Rina, napa buntong-hininga ako. Dahan-dahan pa ako bumangon upang lumabas. Siguro naman maganda ang sadya nila at hindi ako aawayin. Simula ng madukot ako ni Nadine, hindi na ako lumalabas ng bahay kung hindi lang kasama si Rowan. Lalabas man ako meron mga nakabuntot na bodyguard sa akin. Nagkaroon kasi ako ng phobia sa nangyari lalo pa hindi pa ako nakakapagsilang. Ayaw kong ilagay sa peligro ang buhay
MARYCOLEAfter three yearsI was smiling as I watched Marianne and Rowan play on the playground in front of our house.Napakabilis ng panahon mahigit dalawang taon na ang panganay namin ni Rowan na si Marrianne. At ngayon ay two months ko na rin dinadala ang pangalawa naming anak. Sana raw ay lalaki na, sabi ng asawa kong atat magkaroon ng anak na lalaki. Kasi kapag hindi raw lalaki ay paspasan daw na maghahabol ulit siya.Sa ilang taon naming pagsasama ni Rowan. Masasabi kong napaka s'werte ko dahil binigyan ako ng asawang mabait, g'wapo at mahal ako. Hindi ko masasabing perfect ang pagsasama namin dahil meron din minsan tampuhan, ngunit lahat ng iyon ay madali namin nasolusyunan basta naroon lagi ang tiwala at pagmamahal namin sa isa't isa.I took a long sigh, and at the same time, I couldn't stop giggling when Marrianne started running and ordered her father to chase her.Ang tagal kong nakatayo hindi kalayuan sa kanilang dalawa. Pinagmamasdan lang ang mag-ama ko at kung hindi pa l
MARYCOLE“Wow! Sarap ng almusal natin, Mom,” saad ng bagong sulpot na isa sa kambal kong anak na si Mattheus. Niyakap pa ako mula sa likuran ko at pinupog ako ng halik sa pisngi ko.Nasa harapan pa ako ng kalan tinatapos ko ang pagsasandok ko ng sinangag na kanin. Nakangiti ako ng lumingon sa kaniya pagkatapos ginusot ko siya sa kaniyang buhok.Maaga talaga kung ito ay gumising kaysa roon sa kambal nitong si Matthias at Ate Marrianne nito.“Morning ‘nak," wika ko sa kaniya.“Morning, Mommy,” malambing nitong sagot sa akin. Humigpit pa ang pagkakayakap nito bago ako bitiwan ngunit nasa tagiliran ko naman pinanonood ako sa ginagawa ko.“Mommy tulungan na po kita,” alok nito sa akin.“Magaan lang naman ito ‘nak. Mabuti pa ay umupo ka na lang at antayin na matapos ako sa ginagawa. Last na rin naman ito kaya ayos lang,”“Ako na lang po ang kukuha ng mga plato, Mom,” Hindi nito inantay ang sagot ko at lumapit na sa dish cabinet.Kambal ang sumunod kay Marrianne. Si Mattheus at Matthias. Nat
MARYCOLEPagkalipas ng ilang taon…Pagsapit ng limang taon ni Nadine sa kulungan ay lihim na nagkaroon ito ng relasyon sa warden na bantay sa selda nito. Kaya nga lang nalaman ng asawa nag-eskandalo kaya nilipat ang warden sa ibang correctional. Nakakaawa nga si Nadine dahil nagbunga iyon ng batang babae at ito ay si Lorelei.Nang isilang si Lorelei ibinigay ni Nadine sa mga magulang nito ang anak, kaya lumaki ito sa Lolo at Lola nito. Nitong huling taon sana ni Nadine sa kulungan ay dinapuan si Nadine ng Dengue sa kulungan. Akala nito ay pangkaraniwang trangkaso lang matagal na pala niyon iniinda ni Nadine, pababalik lang. Hindi lang nagsasabi sa kaniya Ina dahil ayaw na nito madagdagan ng pasanin ng Ina nito. Iyon nagpalaki pa nga sa anak niya ay mahirap na. Ayaw na raw nito dagdagan ang pasakit na ibinigay niya noon sa kaniyang Mama at Papa. Dapat ay makakalaya na sana ang dalaga. Ito naman ang nangyari kinuha rin ito sa itaas.Ang akala ko kung ano ang kailangan nito sa ospital at
MATTHIAS MARTINEZ: MY POSSESSIVE KUYALORELEI“Argh…antok pa ako,” malakas na tili ko ng umagang iyon dahil sa lakas ng aking alarm sa headboard ng aking kama.Gusto ko pa sana matulog kaya nga lang Friday pa lang ngayon kaya napilitan akong bumangon dahil alas singko na ng madaling araw. Kailangan kasi 6:30 ay bumibiyahe na ako patungo sa Saint Francis University, kung saan ako nag-aaral ay kasalukuyan na akong grade 10. Seven thirty ang first subject ko dangan nga lang dapat 15 minutes before 7:30 naroon na ako sa school campus.Binilisan ko ang pagligo at ng matapos akong magbihis sinuklay ko lang ang hangggng baywang na tila nirebond kong buhok at hindi na ako tumingin sa body mirror ng k'warto ko. Nilapitan ko ang backpack ko sa study table ko upang kunin at lumabas ng k'warto ko.Tumakbo ako pababa sa magara naming hagdan dahil kakain pa ako ng almusal. Dami kasing binigay kahapon na assignment ng mga titser namin at take note ngayon agad ang deadline kaya pinilit ko iyon tapusi
LORELEI“Bakla…grabe ang hot talaga ni fafa Matthias mo. Girl, kapag ako naging jowa niyan naku day–pipikotin ko na agad aba mahirap ng maagaw pa ito ng iba,” parang uod sa sobrang likot na salubong sa akin ng kaibigan kong si Ricky.Inantay ako nito sa parking lot kung saan ay palaging akong doon hinahatid ni Kuya Matthias. Classmate ko itong si Ricky simula noong grade 7 pa ako. At hindi rin kami nalipat ng section palibhasa ay pareho palagi ang grade namin kaya hind kami naghiwalay ng section.“Oi ‘yong tili mo bakla! Handa ka na bang malaman ng madlang pipol na may tinatago ka?” pabulong kong saad sa kaniya.Si Nanay Rina at si mommy ang nakakaalam na bakla si Ricky. Bawal kasi ipagkalat at bibitayin ito patiwarik ng kanyang Daddy na Mayor sa kabilang City. Kung lilitaw nag super sireyna niyang pagkatao.Sometimes I felt sorry for him because he couldn't reveal his true personality to his parents. Kailangan nitong magkunwari na totoong lalaki dahil nga sa iniingatan ang pangalan n
LoreleiDali-dali kong inilabas ang payong ko na laging dala-dala sa loob ng bag ko sa tuwing papasok ako sa eskwelahan. Kaya nga lang sa sobrang lakas ng ulan hindi ‘yon sapat kahit may bubong ang corridor patungo sa guard house. Kaya hindi pa man ako nakakarating doon ay basang-basa na ang buo kong palda. Kung kanina ay sa laylayan lang ang basa ngayon ay halos umabot na sa baywang ko.Mas preno-protektahan ko kasi ang backpack ko dahil mababasa ang mga gamit ko sa loob kung mababasa ‘yon ng ulan.I can't help but be annoyed with my Kuya Matthias dahil sa hindi niya pagsundo sa akin.Hindi lumipas ang thirty minutes dumating si Kuya Mattheus, sakto lang nakarating na ako sa guard house. Subalit basang-basa na ako dahil sa ulan maliban lang sa bag ko. I saw anger on his face subalit ng kausapin ko, kumalma ng kaunti ang sobrang madilim niyang mukha.“Dammit! Masasapak ko talaga ang dumbass na iyon,” naririnig kong bubulong-bulong ni Kuya Mattheus, pagbaba niya ng kanya kotse. Sinulya
Lorelei“Lorelei buksan mo itong pinto ano ba?!” malakas nitong katok sa labas.No way! Pagkatapos mo akong tiisin roon sa waiting shed at nabasa ng malakas na ulan may gana ka pang magpakita. Bulong ko lamang iyon sa akin sarili.Hindi ko iyon kayang sabihin sa kaniya. Lalo naman wala akong karapatan ng sumbatan ito. Sino lang ba ako Isang sampid sa pamilya.“Dammit!” narinig kong sigaw nito sa labas at mukha pa ‘ata tinadyakan ang pinto sa inis siguro nito dahil hindi ko siya binubuksan. Nawala ng ingay sa labas. Buti naman ay umalis na rin ang ugag na iyon. Hirap intindihin ng ugali nito. Nag-antay pa ako ng ilang sandali ng wala naman kumakaluskos nagpasya akong lumabas ng kwarto ko.Gusto ko rin pumunta ng kusina at nauuhaw rin ako. Hindi na ako kakain magtimpla na lang ako ng gatas at muling babalik dito sa k'warto ko.“Kuya Matthias!” tili ko ng nasa pinto pala ito nakaupo habang nakayupyop sa mga hita nito. Ang gago talaga nito.Hmmp bakit hindi ‘ata gumagalaw ang tukmol. Nap