Share

SEDUCING MY PROFESSOR  PS#3: XENON PARKER
SEDUCING MY PROFESSOR PS#3: XENON PARKER
Author: Pseudonym

CHAPTER 1

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Napabangon ako kagad ng makitang si Alyana 'yon.  

[Xenon?] 

Her voice...damn, I miss her!

"Hmm?" Napahawak ako sa dibdib ko. 

Damn! She always makes my heart beats fast even though wala naman siyang ginagawa? Marinig ko lang boses niya o nakikita siya parang baliw na 'tong puso ko.

[Bakit wala ka sa birthday ni Tita Stella kahapon?] Takang tanong ni Alyana sa kabilang linya.

"Hmm, may ginawa lang kase akong importante. I don't know if I should tell you this uhm, inilipat ako sa isang University."

[Oh, talaga? College student parin ba tuturuan mo don?]

"Yeah--"

[Alyana sino iyang kausap mo?!] Dinig ko ang boses ni Stephen sa kabilang linya.

[Si Xenon--oyy ano ba Stephen! Akin na yan!] bigla niya nalang binaba iyong linya.

Napatawa nalang ako ng mahina, seloso talaga kahit kailan. Napailing nalang ako sabay huminga ng malalim at tumingala.

Kahit masakit, tatanggapin ko kung para kay Stephen ka talaga Alyana. Kung sakanya ka talaga sasaya, masaya na rin ako para sa'yo at pati narin sa magiging anak ninyong dalawa.

Nabanggit ni Flyn sakin na buntis pala si Alyana, pero kahit ganon nandito ka parin lagi sa puso ko Alyana, walang papalapit sa pwesto mo dito sa puso ko. 

Ikaw lang iyong babaeng mahahalin ko, kahit iba naman ang mahal mo. But it doesn't matter if you're already Stephen's property, because no one can stop me from loving you... from afar.

Napatingin ako ulit sa phone ko ng biglang may tumawag, agad ko itong sinagot ng makitang si mama iyon.

"Hello, ma?"

[Hello? Xenon anak, may gagawin ka ba ngayon? Kung wala pumunta ka muna dito sa bahay.] 

Hindi ko na tinanong kung bakit, dahil gusto ko din namang makita si Mama. "Sige po Ma, papunta na ako diyan." Binaba ko na iyong linya at naligo muna, pagkatapos kung mag bihis ay umalis na. 

_

Pinindot ko iyong doorbell at kaagad namang may nag bukas non.

"Xenon, anak!" Mabilis akong niyakap ni Mama, niyakap ko din siya pabalik.

"May problema ba ma?"

"Halika muna don sa loob, may bisita tayo at gustong-gusto ka na niyang makita." Wika ni mama at hinila ako papasok sa bahay. Nagtataka ko namang tinignan si Mama at sumunod nalang sakanya.

"Sino ba ya--Ling?" Nagulat ako nang makita siya.

"Wǒ xiǎngniàn nǐ Xenon!" (I miss you Xenon!) Humakbang siya papalapit sakin at niyakap ako, balak pa niya sana akong halikan sa pisngi kaso agad akong umiwas.

She's Ling Huang my ex fiancée, haft chinese and haft filipino. Hindi natuloy 'yong kasal dahil umayaw ako, nong time na 'yon ay nakilala ko si Alyana at ayaw ko namang magpakasal sa babaeng hindi ko gusto. Na-realized kong baka pagsisihan ko lang sa huli kapag itinuloy ko pa ang kasal na yun.

"I... I miss you too." Saad ko rin at pilit na ngumiti. 

It's been 4 years, and I feel uncomfortable right now. Nahihiya ako sakanya at sa mga magulang niya dahil nga sa nagawa ko noon.

"Nahihiya ka ba sakin?" Natatawa nitong tanong sakin.

Marunong siyang mag tagalog kase dito siya lumaki, but then nong nag 15 years old siya ay bumalik sila sa Macau, and 2 years lang ang nakalipas bumalik na naman sila dito sa pilipinas.

"Tita, aalis nalang ako! Ayaw ko namang mailang si Xenon dahil sakin." Parang nag tatampo nitong sabi.

"No, it's okay!" Pigil ko sakanya. 

Hindi ko naman siya nagustuhan noon, I just think of her as a good friend. I treated her like a sister, and that's all. But her, I didn't thought that she thinks of me more than just a friend.

Umupo muna kaming tatlo. Si Flyn sigurado akong magkasama na naman sila John, may sarili namang bahay si Flyn pero minsan dito siya umuuwi at ganon din ako.

"Nabanggit ni Flyn sakin na ikakasal na si Alyana at saka magkaka-anak na sila ni Stephen. So, ano na anak? Wala ka pa bang planong mag asawa? Tignan mo iyong kapatid mo magkaka-anak na kulang nalang ikasal sila ni Camille." Wika ni mama napakamot nalang ako sa batok nang parang iba iyong tingin ni Mama sakin ngayon.

Wait lang, anong sabi ni Mama? Magkaka-anak na silang Camille at Flyn? Nagkabalikan ba sila? Ba't yata walang nababanggit si Flyn sakin tungkol don?

"Kung pu-pwede ituloy nalang natin iyong kasal ninyo ni Ling?" Nag buntong hininga ako at sinulyapan si Ling na ngayoy parang naiilang na ngumiti.

"Ma, di pa ako handa mag pakasal. Honestly wala pa sa isip ko yan, siguro di na ako mag a-asawa." 

Yun na ang desisyon ko dahil kung hindi si Alyana ang mapapangasawa ko, mabuti pang tumandang mag-isa.

"Mahal mo parin ba si Alyana?" Mahinang tanong ni mama sakin at napatingin si Ling sa akin.

Lagi kung na ku-kwento kay Mama si Alyana at gusto niya rin naman si Alyana para sakin, kaso nga lang diba ang tingin nito sakin hanggang kaibigan lang. Parang kuya pero it's okay, kase kong kuya ang tingin niya sakin it means mahalaga ako sakanya at special, kase ako lang ang naging kaibigan niya na lalaki. Napaka swerte ko na sa part na nakilala ko si Alyana, na dumating siya sa buhay ko.

"Always, she's my first love, and she's going to be my last, even though we're not meant to be. But she will always be here in my heart." sabay tinuro ko iyong puso ko.

Hindi ako nahihiyang lakasan iyong boses ko, gusto ko din namang malaman ni Ling kung sino ang nilalaman nitong puso ko. At hindi ko ikakahiya na nag mahal ako sa babaeng di ako kayang mahalin pabalik.

"Tā shì yīgè xìngyùn de nǚhái." (She is a lucky girl.)

"But it's okay Xenon. Mawawala din 'yang si Alyana sa puso mo, ako ang bahala diyan." Kinindatan niya ako at pilyang ngumiti sakin.

Mabait si Ling pero ang pinaka di ko gusto sakanya ay ang ugali niyang ganyan. Kilalang-kilala ko Ling, siya ang tipo ng babae na di tumitigil hanggat hindi nakukuha ang gusto niya.

"Kapag ikaw nagka gusto na sakin, tuloy ang kasal." Malakas niyang sabi at nakita ko namang natawa si Mama nang mahina.

Napailing nalang ako at tumayo. "Mauna na ako Ma! Bye, I love you." Hinalikan ko si mama sa pisngi.

"Děngdài," (Wait,)

"Ihatid mo naman ako sa bahay namin." Nakanguso nitong sabi sakin at kinurap-kurap pa ang mga mata.

Is she trying to be cute?

Napatingin ako sa pintuan ng biglang dumating si Flyn. Palihim naman akong napangisi. 

"Mom-- what the Ling?! Mas lalo ka yatang pumangit!" Tawa nitong asar.

"Sira ka talaga Flyn! Lagi mo nalang akong inaaway!" Binatukan niya pa ito sa ulo.

"Flyn ihatid mo nga si Ling sa bahay nila." Sabi ko at nag lakad paalis.

"Bakit ako??" Dinig ko pang tanong niya pero di ko na iyon pinansin.

Gusto ko sanang kausapin si Flyn pero sa susunod nalang siguro kapag wala na itong si Ling.

Pumasok na ako sa kotse at pinaandar ang engine. Sa kalagitnaan ng pag mamaneho ko ay mas isang babaeng muntik ko nang mabangga dahil di tumitingin sa dinadaanan niya. Mabilis akong lumabas ng kotse kase dahil sa gulat niya ay natumba siya.

"Miss okay ka lang?" Tanong ko at tutulungan sana siyang makatayo pero winaksi niya ang kamay ko.

"Hindi ka ba marunong tumitingin sa dinadaanan mo?!!" 

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, she's wearing a white pajama? And also a white t-shirt. I think she's below 18 years old.

Napahawak ako sa ulo ko at nagtaka siyang tinignan. Diba dapat ako ang mag tanong niyan sakanya? Siya kaya itong di tumitingin sa dinadaanan niya. Iyong mga mata niya ay nakatoon lang sa...

What the--

Nanlaki ang mata ko ng may makitang isang condom sa may paanan niya, mabilis niya naman itong kinuha.

"Oh, anong tinitingin mo? Gusto mo ng ganito? Eh, di bumili ka!" Pinanlakihan niya pa ako ng mata at pinandilatan.

Natulala ako saglit habang nakatitig sakanya na papalayo sakin, kita ko pang sinusubukan niyang ihipan 'yon.

"What the f**k?"

Alam niya kayang condom iyon? Kala niya ba balloon 'yon? Saka kung mag salita siya eh, parang ka-edad lang kami. 

Ba't walang mga mudo ang mga bata ngayon. Di yata naturuan ng maayos na asal ng mga magulang niya.

Bigla akong natauhan at na-realize na nakaharang pala iyong kotse ko sa daanan. Nag madali na akong pumasok sa loob ng sasakyan at pinaandar iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status