Share

CHAPTER 3

Pansin kung di siya makatingin sakin ng deretso. "Oh, alam ko na. You want to be my Daddy's mistress, am I right? Oh, I mean new wife pala." Tumawa ako ng pagak. 

Nagulat naman ako ng sinampal niya ako sa pisngi. Ilang segundo lang ay mukhang nagulat rin siya sa ginawa nyang pag sampal sakin.

"S-Sorry..."

"Ni isang beses hindi pa ako sinaktan ng Mom ko tapos ikaw? Ganon na lang basta-basta?! Sh*t, I already told you that you're not my mom kaya wag kang umasta nang ganyan!!" Bulyaw ko sakanya.

"Wag kang mangarap kase hindi ako makakapayag na palitan mo ang pwesto ng mom ko, dahil kahit patay na ang mom ko walang papalit sakanya naiintindihan mo ba 'yon!!?" Parang uusok na iyong ilong ko dahil sa galit.

"Kung naiintindihan mo ang sinabi ko lumabas ka na dito sa kwarto ko at kung di mo naiintindihan, lumabas ka parin dito!! Labas ngayon na!!" Sabay tinuro ko ang pintuan, dahan-dahan naman siyang humakbang patungo doon at lumabas.

"Bwesit na babaeng 'yon!!" Naiyokom ko nalang ang kamao.

Napatingin ako sa picture frame, 9 years old pa ako at kasama ko si Mommy pati narin si Daddy.

"Kita mo ba yon Mom? Sinampal niya ako?! Kung nandito ka lang papagalitan mo siya diba? O di kaya papaalisin? Tsk, malamang hindi kase sobrang bait mo sa lahat... m-mom, alam mo bang di maganda araw ko ngayon??"

"S-Sumagot ka naman, miss na m-miss na kita." Agad kong pinahiran iyong luha ko sa pisngi.

"B-Bakit kase iniwan mo ako dito... alam mo bang wala nang nag mamahal sakin? Yang si Daddy laging busy! Lagi siyang wala dito sa bahay, halos kasama ko dito araw-araw ay iyong mga katulong tapos nandito pa yang Helen na s****p, dagdag mo pa iyong kalandian niya! Balak niya yatang palitan ka, pero wag kang mag alala kase di ako makakapayag na palitan ka niya!"

Humiga ako sa kama at niyakap ang picture frame, pinikit ko iyong mata ko. Di ko naman maiwasang hindi mapahikbi.

"B-Bakit k-kase ikaw pa iyong nawala!" Patuloy lang ako sa paghikbi hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.

_

"Bumangon ka na dyan Mary..." Minulat ko iyong mga mata ko ng marinig ang boses ni Helen. 

"Mary," ramdam ko ang kamay nito sa balikat ko at niyuyugyug 'yon para magising ako kahit gising na naman talaga ako pero sadyang hindi ko pa minumulat ang nga mata ko dahil sa pagkainis.

"Sino bang nag sabi sayong pwede kang pumasok! Di ka ba marunong kumatok ha? Tang*na ba't ba ang kitid ng utak mo! Palibhasa wala kang pinag-aralan kaya di mo naiintindihan iyong mga sinasabi ko sayo!!" Kinusot-kusot ko ang mata ko at deretso siyang tinignan sa mata.

"Kanina pa kase ako kumakatok sa pintuan pero mukhang tulog na tulog ka pa." Kalmado nitong saad.

"Nag dadahilan ka pa talaga!" Inirapan ko siya at bahagyang binangga sa balikat bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Kita ko namang may nakahanda nang pagkain don sa lamesa, agad akong umupo doon sa upuan. Susubo na sana ako kaso nabaling ang tingin ko sa mga katulong na nakapalibot sakin at nakatitig lang sa akin.

"Pati ba naman sa pagkain ko babantayan niyo ako? Wag kayong mag alala titirhan ko kayo, di ko mauubos 'yan lahat."

"Hindi naman sa ganon Madam Mary--"

"Tahimik, sinabi ko bang mag salita ka?! Gusto mo bang matanggal sa trabaho?"

"H-Hindi po." Utal nitong sagot at iniyuko ang ulo.

"Sige na, mag linis kayo don sa pool ako na ang bahala dito." Kunot noo akong napatingin kay Helen.

Oh, kung mag salita kala mo siya iyong nag pa-pa-sweldo. Inipit ko iyong buhok ko sa tainga ko pagkatapos ay sinadyang hinulog iyong kutsara sa sahig.

Agad naman siyang lumapit sakin at kinuha 'yon. "Kukuha nalang ako ng bago." Saad niya at pagbalik ay may dala ulit siyang kutsara.

Inabot niya 'yon sakin pero tinabig ko ang kamay niya kaya nahulog 'yon sa sahig. "Ano ba Mary!" Malakas niyang sabi sakin.

"Sinisigawan mo ako?" Tumayo ako at hinarap siya.

"Pasensya na, umupo ka nalang dyan at kukuha ako ng panibagong--" 

"Kung kumuha ka nalang kaya ng panibagong katulong na ipapalit sayo? Mas okay 'yon diba?"

"Mary!"

"Oh, bakit may angal ka?! Mas okay nga iyon kase hindi na kita makikita dito!" 

"Tumigil ka na." Kalmadong sabi niya.

"Wala naman si daddy dito kaya ilabas mo 'yang tunay mong ugali! At saka bakit naman ako titigil? Sino ka ba para patigilin ako!? Alam mo bang kapag nakikita kita, naaalala ko ang nangyari dati!"

"Walang may gusto non, Mary."

Napatawa ako saglit. "Wala nga ba?!!" 

"Kung mag salita ka parang wala lang sayo ah! Eh, ikaw ang dahilan kung bakit namatay iyong Mom ko! Kung tumingin ka sana bago ka tatawid sa kalsada, kung di ka sana ta-tanga-tanga eh, di sana buhay pa ang Mom ko! Dahil sayo namatay siya dahil sa pag ligtas niya sayo!! Kung tutuosin di ka namin ka ano-ano, katulong ka lang naman dito, pasalamat ka kase sobrang bait ng Mom ko! Sinakripesyo niya iyong buhay niya para maligtas ang hampas lupang kagaya mo!!"

"Siguro sinadya mo talaga 'yon para makuha mo ang Dad ko! A-Akala mo di ko alam? A-Akala mo ba hindi ko nakita noon na naghalikan kayong dalawa!! A-Ang ba-baboy niyo alam mo ba 'yon? H-Hindi na kayo naawa sa M-Mommy ko! Ang kapal ng mukha mo, hindi ka na nahiya!!"

Para naman siyang nagulat sa sinabi ko.

"ANO? KALA NIYO TALAGA WALA AKONG ALAM!! HINDI NA AKO BATA PARA HINDI MAINTINDIHAN 'YANG MGA PINAG GAGAWA NIYONG DALAWA!!"

"M-Mary..." hinawakan niya ang kamay ko at pilit ko naman iyong inalis.

"Wag na wag mo akong hahawakan, nandidiri ako sayo!" Sabi ko at aalis na sana pero biglang tumunog iyong tyan ko.

Sinulyapan ko iyong mga pagkain sa mesa at napalunok naman ako. Gusto kung umalis pero gusto ko rin namang kumain. 

"S-Sige kumain ka na dyan... maiwan muna kita dito." Saad niya at umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag kase sa wakas di ko na kailangang umalis at makakakain narin ako ng mapayapa.

Nagsimula na akong sumubo ng kanin at biglang napahinto ng mapatitig ako sa daliri ko na may sing-sing.

"Mommy." Di ko mapigilang sambit at tumulo na naman ang luha ko.

Simula nong nawala si Mommy, di ko maalala kong kelan ako huling ngumiti at tumawa ng totoo. 

Dahil sa Helen na iyon! Siya talaga ang may kasalanan! Wala na siyang ginawang tama sa pamamahay na to.

Nakakainis siya! Hindi ko man lang magawang paalisin siya dito, kung hindi lang sila may relasyon ng daddy ko malamang matagal ko na syang napaalis dito sa bahay. Pero dahil kay daddy imposibleng mapaalis ko siya dito dahil lagi lang naman siyang pinagtatanggol ng mabait kong ama.

_

"Ayokong pumasok!" Maktol ko sabay humiga ulit sa kama.

Bigla niya namang hinila iyong kamay ko at pilit na pinapabangon ako. "Ano ba Dad! Inaantok pa ako!" Inis kong sabi.

"MARY JEAN VERGARA!!"

"Oo na! Bwes*t!" Irita kong sabi bago inirapan at pumasok na sa banyo.

"Yang bunganga mo huh!" Pahabol niyang bulyaw sakin.

Tsk, mabuti pa ngang pumasok sa school kesa naman dito sa bahay na nakikita si Helen!!

Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nag bihis. Pagkalabas ko ng kwarto ay dinig na dinig ko ang tawa ni Daddy.

"Kumain ka muna dito--"

"Ayoko, wala akong gana... nakakawalang gana." Sabay nilingon si Helen na nasa gilid niya lang. Dikit ka ng dikit ah, parang linta lang! Kala mo naman may mang-aagaw sa Daddy ko sayo, tsk! Pinaglihi ka sa ahas!

"Umupo ka na at kumain dito!" Sabay tinuro pa iyong upuan.

"Ay, nako po wag na! Baka maka distorbo ako sainyo nakakahiya naman, sige lang mag landian kayong dalawa." Wika ko sabay tinalikuran sila.

"Mary Jean!" Hindi ko siya pinakinggan, tuluyan na akong umalis.

Kayo nalang kaya kumain niyang Helen na 'yan, total mukhang mas masaya ka pa ngang kasama mo siya at mas may time ka pa sa katulong na 'yon! Di niya man lang naisip kung anong mararamdaman ni mommy.

Oo nga pala dahil patay na si mommy kaya wala na siyang pake, ganyan ba talaga? Basta't patay na ang isang tao ay mawawalan ka na ng pake?! I mean, ganon ba kadali mawala ang pagmamahal mo sa isang tao kapag namatay? Ni hindi ko man lang nakita si dad na umiyak nong namatay si mommy, ni hindi ko siya nakita na nag luksa sa pagkamatay niya tanging ako lang. Oh, baka naman noon palang gusto na ni daddy 'yang Helen at palihim iyong relasyon nila! Mga walang hiya talaga!

"Aray!!" D***g ko ng may tumamang bola sa ulo ko.

Matalim ko namang tinignan kong sino ang nag bato sakin ng bola.

"Sorry Miss--arayy ko!!" D***g niya din ng mabilis kong binato sa mukha niya iyong bola.

"Oh, tinitingin-tingin niyo dyan huh?!" Tanong ko don sa mga estudyanteng nakatitig sakin pero agad din namang umiwas ng tingin.

"Sh*t! Pre dumo-dugo iyong ilong mo!" 

Bagay lang yan sakanya este di ko naman sinadyang lakasan yong pagkabato ko eh.

"What the!" Di ko na sila pinansin.

Nag lakad nalang ulit ako patungong section namin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may isa namang pamilyar na lalaki ang pumasok dito sa classroom namin.

Nag kibit balikat nalang ako at kinuha ko iyong condom na nasa bulsa ko at simulan 'tong laro-laro-in gamit ang hintuturo.

"Good morning everyone! I am Xenon Parker your new professor."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status