Share

CHAPTER 2

 _

Mary Jean Vergara's Pov.

"Mary bumangon ka na diyan! Kakain na!" Ramdam kong may yumugyug sa balikat ko.

Tinabig ko naman ang kamay nito na nasa balikat ko. "Inaantok pa ako!" sabi ko at tinabunan nang unan iyong mukha ko.

"Nag aantay na iyong daddy mo sa baba." Di ako nakinig sa sinabi ni Yaya. Dinig ko ang pag sara ng pinto kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Mary!" Napamulat nalang ako ng marinig ang boses ni daddy.

"Mary Jean bumangon ka na diyan!" Bumangon naman ako at matalim siyang tinignan.

"Ito na nga oh, babangon na!" Tumayo naman ako at inirapan muna siya bago lumabas ng kwarto. Kung maka sigaw kala mo naman bingi ako.

"Good morning, Señorita Mary." Bati sakin nong isang katulong namin na nasa gilid lang nakatayo. 

Huminga muna ako ng malalim bago umupo sa upuan. "Ano na naman 'to?! Nakita ko 'yan sa kwarto mo?!" 

Bagot kong tinignan si daddy at nabaling ang tingin ko sa kamay niya na may hawak-hawak na condom. 

"Akin 'yan ah." Mahinang usal ko sa sarili.

"May ginagawa ka bang kalokohan na di ko alam Mary?!!" Kalokohan? Ako gumagawa? Kailan pa?!

"Wala! Akin na nga 'yan!" Inis kung inagaw sakanya iyong condom, inipit ko naman 'yon sa garter ng pajama ko. Ang dami-dami na talagang pakialamera at pakialamero sa mundo!

"Nag b-boyfriend ka ba?!" Bigla namang naningkit iyong kilay ko sa tanong niya.

"Sa tingin mo ba nag bo-boyfriend ako ngayon!?" Tanong ko din sakanya. Mukhang plano ko na nga lang maging single habang buhay dahil sakanya! Sinira niya lahat-lahat!

"Wala ka namang alam tungkol sakin kase lagi kang wala dito sa bahay! Iba iyong inaasikaso at pinag babalingan mo nang pansin imbis na sa sariling mong anak." Dagdag ko pa sabay baling ng tingin don kay Helen.

"Kumain ka na dyan." Seryosong wika niya. Tignan mo, di nga makasagot kase totoo iyong mga sinabi ko! Ganyan naman siya lagi eh, bigla iniiba iyong topic kapag napunta don ang usapan.

Nag simula na akong kumain at siya naman ay umalis na. Sanay na naman akong lagi siyang umaalis, lagi siyang busy sa trabaho niya. Ano pa nga bang bago don tsk. 

Sanay na akong mag-isa kaya walang problema.

"San ka pupunta Madam Mary?" Nilingon ko si Helen, ka-edad lang siya ni Daddy katulong namin siya dito, middle school palang ako dito na siya nag ta-trabaho.

"Sa labas lang, di naman ako makikipag kita sa boyfriend ko kase wala naman akong boyfriend okay! Wag niyo ngang bantayan ang bawat galaw ko saka tigilan mo kakatawag saking Madam o Señorita kase nakakairita!!" 

Naiinis talaga ako sa babaeng 'yon, napaka-s****p! Bawat galaw ko sinusumbong kay daddy, kunting maling magawa ko sinusumbong kay daddy, sana naman kung gagawa ako ng mabuti isusumbong mo rin kay dad, hindi iyong puro mali ko lang. Tsk, kala niya ba di ko alam iyong tunay niyang ugali!

"Ang bilin nang daddy mo dito ka lang daw sa bahay--"

"May bibilhin lang ako." Putol ko sa sasabihin niya. Gagawin pa yata akong lumpo, ano gusto nila mag kulong ako sa kwarto kapag wala nang pasok. Grabe naman, hindi ako bata na dapat bantayan ang bawat galaw ano! Malaki na ako my gosh 20 years old na ako hindi 2 years old! Mukha lang akong bata pero matanda na ako, college na ako at hindi highschool o di kaya elementary school!

"May mga katulong naman dito, pwede namang utusan mo nalang sila." Giit niya.

Nilibot ko ang paningin ko at kita ko iyong mga katulong na nakayuko lang.

"Bakit yata umaasta ka na parang Mom ko?! Baka nakakalimutan mo kung ano ka lang dito!" Bigla naman siyang natahimik dahil sa sinabi ko.

Kapag wala si daddy nag f-feeling siya na mom ko! Tsk, kung maka-utos pa sa ibang mga katulong dito eh, akala mo naman siya iyong nag pa-pa-sweldo. Kala niya ba mapipigilan niya akong umalis, si Dad nga di ako kayang pigilan siya pa kaya! Gagawin ko ang gusto ko wala makakapigil.

Inirapan ko siya bago tuluyang lumabas ng bahay at nag simula ng mag lakad-lakad.

Bigla ko namang na-alala iyong condom na nasa gilid nitong garter pajama ko. 

Inipit ko pala 'to dito muntik ko nang makalimutan.

Sinubukan kung ihipan ng ihipan 'to at nagulat ako nang may mabangga ako.

"Ouch! Bulag ka ba huh?!" Iritang tanong sa akin nong babaeng nabangga ko, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hanep, ngayon lang ako nakakita ng unggoy na nag m-makeup.

Mababangga ko kaya siya kung bulag ako? Makikita ko kaya siya ngayon kung bulag ako?

"Tao ka ba?" Inip kung tanong.

"Malamang ano ba sa tingin mo huh!" 

Okay tama nga ako, tao siya at hindi hayop. Inirapan ko nalang siya at tatalikuran sana kaso bigla niyang hinila iyong kamay ko.

Bigla namang uminit ang ulo ko ng nahulog ang condom na hawak ko. Pupulutin ko sana iyon kaso bigla niyang inapakan.

"Problema mo?" Seryosong tanong ko.

"Di ka marunong mag sorry?!" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi." Sagot ko at hinarap siya.

"Tsk." Bumaba iyong tingin niya sa condom na inapakan niya.

"Ano yan? Makikipag kita ka ba sa jowa mo tapos..." Napatakip siya ng bibig niya habang nag pipigil ng tawa.

"Wala ka nang pake don, di ka naman siguro pinanganak para makialam sa buhay ng iba, hindi ba." Wika ko at inapakan ang paa niya bago siya nilagpasan.

Dinig kong napa-aray siya kaya napangisi nalang ako.

"Hoy bumalik ka dito hindi ka pa nag s-sorry!! Bruha ka, lagot ka sakin pag nag kita tayo ulit!!" Dinig kung sigaw niya, napapatingin naman sakin ang ibang mga taong dumadaan pero di ko na sila pinansin.

Wala na tuloy akong iihipan! Napakamot ako sa ulo at bigla kong na-alala na meron pa palang isang condom na nakaipit dito sa bra ko.

Sinilip ko ang loob ng damit ko at tinignan ko iyong bra ko kung meron at tama ako, meron nga.

Napatingin ako sa store na nasa di kalayuan, kailangan ko pang tumawid dito sa kalsada para makarating don.

Nakita kung walang masyadong sasakyan kaya nag simula na akong humakbang at ang paningin ay nasa condom..

Nagulat nalang ako ng pag tingin ko sa gilid ko ay may sasakyan na patungo sakin, dahil sa gulat ko ay bigla akong natumba.

"Aray ko! Sakit nang siko ko..." mahinang d***g ko.

"Miss okay ka lang?" Inangat ko iyong ulo ko at may nakita naman akong isang lalaki na nakatayo ngayon sa harapan ko. Naka jeans siya tapos naka black t-shirt at mukha siyang tao, malamang.

Napatingin naman ako sa kamay niya kase bigla niya 'tong nilahad, napataas ang kilay ko at winaksi 'to.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Nagtaka nalang ako kase biglang nanlaki iyong mata niya ng tumingin siya sa may paanan ko, nahulog pala iyong condom ko. Mabilis ko naman 'tong pinulot.

"Oh, tinitingin mo? Gusto mo ng ganito? Eh, di bumili ka!" Pinanlakihan ko siya nang mata at pinandilatan.

Kung makatingin kala mo naman first time niyang makakita nang ganito. Lalaki siya kaya imposible iyon diba.

Pumasok na ako don sa isang store at namili ng mga condom, iyong ibat-ibang flavor inubos kung bilhin lahat.

Napakunot nalang ang noo ko ng maalala iyong lalaki kanina, parang pamilyar siya... I think nakita ko na siya dati? Whatever! Pake ko ba don.

Lumabas na ako sa store, habang nag lalakad patungong bahay ay may nadaanan akong group-o ng mga kalalakihan, nakasandal sila don sa may tindahan iyong ibang kasama naman ay nakaupo. 

Ramdam kong may kumagat na lamok sa noo ko kaya agad kong tinampal iyong noo ko ng malakas. "Aray!" D***g ko. Napataas ang kilay ko ng nabaling lahat saakin ang atensyon nila.

"Oy! Babae pre." Lumingon ako sa likuran ko at sa gilid, wala namang ibang tao kaya ako siguro tinutukoy nila.

Ano ngayon lang ba sila nakakita ng babae? Taga ibang planeta siguro sila.

"Hi, miss anong pangalan mo?" Dahan-dahan silang lumapit sakin, pinalibotan nila ako ngayon kaya napailing-iling nalang ako.

"Bakit ko naman sasabihin iyong pangalan ko." Walang gana kong sabi. Napangisi naman iyong isa nilang kasama.

Close ba kami para sabihin ko?

"Wow, ang sungit ah!"

Hinawi ko iyong buhok na nasa noo ko at matalim silang tinignan lahat.

"Tabi! Humaharang kayo sa dadaanan ko!" Bahagya kung binangga iyong balikat mg isang kasama nila at ng hahakbang pa sana ako palakad ay may biglang humila sa kamay ko dahilan para mahulog ang dala kong cellophane na may lamang mga condom.

Napahawak nalang ako sa batok ko ng nag kalat iyong mga condom sa kalsada, narinig ko namang natatawa iyong isa hanggang sa nag-si-tawanan na silang lahat.

"Mukhang ready na ready ka na yata ah, dami nito oh!" Yumuko iyong lalaking mukhang bangus, akma niya sanang hahawakan 'yon pero napatigil siya ng mag salita ako.

"Subukan mo lang hawakan 'yan, babaliin ko 'yang mga daliri mo." Banta ko.

"SINABING WAG MONG HAHAWAKAN YAN!!" Sigaw ko sakanya at inapakan iyong kamay niya dahilan para mapa-d***g siya.

Ayaw ko talagang hinahawakan nang ibang tao iyong sa akin! Dapat talaga lagyan ko ng 'Mary's property' minsan para walang makialam kase pag ganon malalamn nila na may nag mamay-ari na sa bagay o tao na 'yan!

"Tangina ka ah!!"

"Tangina mo rin!!" Tinulak ko siya palayo at pinulot iyong mga condom na nahulog.

"Okay ka lang pre?"

"Ano ba sa tingin mo?! Apakan ko kaya iyang mukha mo!!" Sigaw niya don sa kasama.

"Hoy, babae! Halika ka mga dito! Sino ka ba para apakan iyong kamay ko huh!!" Saad niya sabay tumayo at ang sama-sama ng tingin niya sakin ngayon.

"Sino ako? Ako lang naman ang babasag dyan sa pag mu-mukha mo kapag di ka nanahimik!" Kita ko iyong pag ngisi niya dahil sa sinabi ko.

"Ang angas mo naman yata!"

Napakurap-kurap akong nakatitig sakanya habang palapit siya ng palapit sakin. Tinaas ko ang palad ko at tinitigan 'yon pagkatapos ay malakas na sinampal iyong lalaki.

"Para 'yan sa pag hawak mo sa condom ko!" Sabi ko at pinulot pa ang isang natitirang condom bago.

"Hoy! Bumalik ka dito!!" Tawag nito sakin ng nag simula na akong maglakas palayo sakanila.

"Tama na pre! Pabayaan mo nalang, inoman nalang tayo ulit."

"Anong pabayaan! Kita mo ginawa niya?! Inapakan na iyong paa ko sinampal pa ako!! Hindi ako makakapayag na di ako nakakaganti sa babaeng iyan!!" 

Nag wawala na yata iyong baliw. 

Nilingon ko sila at kita kong nag a-apoy na sa galit iyong isa, tinaas ko ang middle finger ko sakanila bago tuluyang umalis.

"Tsk, mga losers." Iling kong sabi sa sarili.

_

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" Seryosong tanong ko nang makita iyong Helen sa loob ng kwarto ko at para bang may hinahanap. Kita ko namang gulat siyang tumingin sakin.

"Nag... nag lilinis lang ako." Giit niya at pilit na ngumiti.

"Sino bang nag sabing linisin mo ang kwarto ko?" Nilapag ko sa kama iyong binili ko at naka crossed arm siyang hinarap.

"Katulong ako dito kaya dapat lang na mag linis ako--"

"Yeah, right! Katulong ka dito but it doesn't mean na lilinisin mo ang kwarto ko na walang permiso ko. Hindi ikaw ang mom ko para pumasok ka dito na walang permiso ko! You're not my Mom so, don't f**king act like you are!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status