Share

CHAPTER 4

"By the way guys, ba't hindi tayo magpakilala isa-isa para makilala tayo ni Mr. Parker." Suggest ng isa sa mga kaklase namin na mukhang excited pa ngang mauna.

Nag simula naman silang magpakilala lahat hanggang sa ako na ang susunod, nilibot ko ang paningin ko at kita ko na ang buong atensyon nila ay nasa akin.

"What?" Bagot kong tanong sabay tinaas ang kilay ko. Hindi naman ako nag agree sa pinagsasabi ng mga 'to eh.

"Magpakilala ka na miss." Saad nong Xenon at nag tama naman ang mga mata naming dalawa.

Required ba talaga na magpakilala?

"Kailangan pa ba 'yon." Tanging sabi ko at binaling ulit ang tingin sa condom na hawak ko.

"You know what, you look familiar..." Unti-unti siyang humakbang palapit sakin hanggang sa nasa gilid ko na siya.

Napataas naman ang kilay ko ng unti-unti kong maalala iyong mukha niya.

"Oh, I remember. Ikaw yung babaeng muntik ko nang masagasaan kase di tumitingin sa dinadaanan niya at..." Napatingin siya sa kamay ko na may hawak-hawak na condom.

"Hawak mo parin 'yan? Condoms are not allowed in this classroom! Naiintindihan mo ba Miss...Vergara?" Nakita niya siguro 'yong ID ko kaya nalaman niya ang apilyedo ko.

Nag kibit balikat lang ako at nilagay sa bulsa 'yon.

Pakialamero, wala naman akong matandaan na bawal pala ang ganito dito sa school? Tsk, pake ba niya? Gagawin ko kong anong gusto ko, walang makakapigil sakin! Saka 20 years old na naman ako kaya ano pang bawal huh? Hindi ako minor ano, nagpapatawa ba siya?

"Okay tumayo ka dyan at magpakilala ka na." Nakapamewang niyang saad.

Tinignan ko iyong mga kaklase kong mga babae na nakatitig sa lalaking 'to, para bang na ga-gwapohan sila.

Tumayo ako at tinitigan ko ng mabuti iyong mukha niya at dahan-dahang tumango. Okay lang mukha parin naman tawag dyan.

"Miss? Sabi kong magpakilala di ko sinabing titigan mo ako." Ani nito.

Dinig ko naman iyong tawa ng mga kaklase ko dito.

Kita niya na naman siguro itong ID ko kase may mata sya diba? Saka tinawag nya pa nga ako sa pangalan ko kaya bakit ko pa kailangan mag introduce yourself?!

"I'm Mary Jean Vergara..." Bagot kong saad at umupo na ulit. "Happy?" Dugtong ko.

Umiling lang siya. "Okay, umpisahan na natin ang klase." Yon lang pala eh, tang*na talaga may mga ID naman kaming suot saka kitang-kita naman iyong mga pangalan namin sa ID kase naka caplock pa nga yan tsk!

"Mary may ballpen ka ba?" Napatingin ako sa katabi kong lalaki.

"Ano?" Tanong ko. Ano bang sinasabi nito, di ko narinig.

"Ballpen!" Napalakas ang pag sabi niya kaya lumingon sila sa gawi namin.

"Anong bang pinag uusapan niyo dyan Miss Vergara?"

"Ballpen daw, manghihiram siya." Sabay tinuro itong katabi ko. Pansin kong bigla siyang napayuko, nahiya siguro.

Binigyan naman siya nang ballpen ni Xenon. Tsk, bait-baitan ah.

Busy na busy sa pagsusulat iyong mga kaklase ako, habang ako nakatingin lang sa sinusulat nitong katabi ko.

"Ang boring naman!" Mukhang napalakas yata pagkasabi ko non kase nabaling sakin ang atensyon nilang lahat.

"May sinasabi ka Miss Vergara?" Taas kilay nitong tanong sakin. Tinaasan ko rin siya ng kilay at saka umirap.

Kinuha ko iyong bag sa likuran ko at nilagay 'yon sa arm chair, pagkatapos ay ginamit ko iyong pang unan at pinikit ang mga mata.

Gulat ko namang minulat ang mata ko ng naramdamang may biglang pumitik sa tainga ko.

Inis akong tumayo at matalim siyang tinignan sa mata. "Bwes*t, problema mo ba huh?!"

"Nag kaklase ako tapos matutulog ka?" Hindi ba siya makakapag klase kapag natulog ako?! Saka pake niya ba kung matutulog ako! Inaano ko ba siya, hindi naman ako naghihilik kapag natutulog eh.

"Bakit sino bang pumipigil sayong mag klase? Diba wala naman?"

"Ganyan ka ba makipag tungo sa mga nakatatanda sayo Miss Vergara?!"

"Pake mo!" Kinuha ko iyong bag ko at lumabas ng classroom.

"Miss Vergara bumalik ka dito!" Nagulat ako ng may biglang humila sa kamay ko kaya napaharap ako...

"At sinong nag sabi sayong pwede kang lumabas ng classroom ng ganon-ganon lang Miss Vergara!"

"A-Ano ba!" Pilit niya ako hinila pabalik don sa loob at ako naman ay pilit na tinatanggal iyong kamay niya.

Narinig ko namang nag ring ang bell kaya mabilis kong inagaw iyong kamay ko at tinignan siya ng masama.

Oh, ano? Balak mo pa akong pabalikin dyan sa loob eh, nag ring na iyong bell.

Bahagya kong binangga iyong balikat niya bago sya nilagpasan ng tuluyan.

Tsk! Sino ba siya sa inaakala nya?! Pinapalabas nya pa talaga kanina na wala akong modo makipag usap eh, talaga namang... medyo wala nga talaga akong modo pero marunong din naman ako gumalang kahit kunti ano.

_

Nilibot ko ang paningin ko para mag hanap ng mau-upuan, may nakita naman akong bakanteng table kaya nag lakad ako papunta doon. Nang akmang uupo na sana ako kaso may bumangga sakin at inunahan ako don.

Nakangisi akong binalingan nong apat na lalaki, na ngayoy nakaupo na don. May isa pang bakanteng upuan sa tabi nila kaya balak ko sanang umupo nalang don pero inusog nong lalaki ang tray at lumipat don sa upuan.

Napakunot ang noo ko ng makilala ang isang kasama nilang lalaki, siya iyong bumato sakin ng bola.

Kanina ko pa lang nakita iyong mga pagmumukha nila, mga baguhan yata saka mukhang mas matanda lang ako ng 1 year sakanila.

"Ako ang nauna, umalis ka dyan." Diin kong sabi pero tinawanan lang nila akong apat.

Malakas kong nilapag iyong tray sa table at hinawakan ko ang braso nong isa nilang kasama at hinila siya patayo para ako ang umupo don sa inupuan niya.

"Abay, walangya!" Hindi ko pinansin iyong lalaking nasa tabi ko at iyong dalawa na nasa harapan ko.

Susubo na sana ako kaso biglang tinabig ang kamay ko dahilan para mahulog 'tong kutsara na hawak ko. Inis ko namang hinampas iyong table sabay tumayo.

"Away ba hinahanap niyo?!"

"Away? Pasensya na Miss di kami pumapatol sa babae at saka kahit naiinis ako sayo kanina dahil sa pag-bato mo ng bola sa mukha ko eh, pasalamat ka kase nakapag timpi ako."

Natawa naman ako ng pagak sa sinabi niya. "Wow, ang bait mo ah. So, dapat ba mag pasalamat ako? Bakit sino bang nag sabing mag timpi ka? Oh, baka naman natatakot ka lang. Bakla ka siguro ano?"

Kita ko namang sumeryoso bigla iyong mukha niya at tumayo na rin siya.

Pansin kong sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili. "Tumigil ka na miss, baka patulan pa kita." Seryosong wika niya na ikinangisi ko.

"Subukan mo nga." Hamon ko sakanya.

"Tsk, pabayaan mo nalang 'yan pre, wag mo nang patulan magiging kawawa lang yan." Saad nong kasama niya kaya umupo ulit siya.

"Kumain nalang tayo." Tinulak pa ako nong lalaki at inagawan ako ng upuan.

Napahawak ako sa batok ko dahil sa inis.

"Umalis kayo dyan." Gigil kong sabi pero di nila ako pinakinggan.

"SINABING UMALIS KAYO DYAN!!" Umalingaw-ngaw naman iyong sigaw ko dito kaya lahat ng atensyon ay nabaling samin.

"Bwes*t! Nakakarindi na iyang boses---" di ko na siya pinatapos mag salita dahil mabilis ko siyang sinuntok sa pisngi.

"F**k!"

"Mga baguhan pa kase kaya di nila alam iyong ugali ni Mary."

"Hay nakakaawa sila, medyo may etchura pa naman silang apat. Sayang bet ko sana iyong nasa gitna oh."

"Kasalanan din naman nila yan, si Mary nakauna pero inagawan nila. They deserve it."

Dinig kong mga usap-usap nila dito.

"Hindi ako pumapatol sa babae--" sinuntok ko siya ulit pero sa ilong na. Napadaing naman siya at hinawakan iyong ilong niya, nanlaki ang mata niya ng makitang dumugo 'yon.

"Sh*t! Sh*t!"

"Sumusobra ka na Miss!" Hinawakan nong lalaki ang balikat ko kaya mabilis kong tinabig iyong kamay niya at dinapuan ng kamao ang pagmumukha nito.

Susugod na sana iyong isa pero di pa siya nakakalapit sakin ng tuluyan ay mabilis akong umikot kasabay non ang pag angat ng paa ko at lumanding 'yon sa mukha nya.

"ANONG NANGYAYARI DITO?!" Nakita ko iyong Xenon mula sa di kalayuan, matalim siyang nakatitig saamin.

"Halika ka dito hindi pa ako nakakaganti sayo!!" Sinampal ko siya sa pisngi kahit ang paningin ko ay don kay Xenon na papalapit sa gawi namin.

"Putang*na ka talagang babae ka!!" Akmang susuntukin na niya ako ay may sumagang sa kamao niya, unti-unti ko naman nilingon 'yon Xenon na nasa gilid ko ngayon.

"Tama na yan!" Awat niya pero di siya nagpapigil, pilit syang lumalapit sakin at hinila niya pa ang kamay ko.

"Ano ba kayo! Hindi na kayo mga highschool student para sa ganyanan!"

Dahil sa inis ay sinuntok ko siya ulit... pero ang suntok na 'yon ay sa iba tumama. Nakailag kase ang bwesit na lalaking 'yon.

Napatingin nalang ako don kay Xenon na ngayoy nakahawak sa pisngi niya na nasuntok ko.

"KAYONG LIMA PUMUNTA KAYO SA GUIDANCE OFFICE NGAYON NA!!"

"Masakit?" Tanong ko sakanya.

Nakahawak parin kase siya sa pisngi niya at para bang napapadaing parin ng kaunti.

"Tsk, mahina lang naman 'yon eh." Bulong ko sa sarili.

"Hindi ka man lang ba mag so-sorry Miss Vergara?!!"

"Para san? May nagawa ba akong kasalanan?" Inosenteng tanong ko.

Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko, pinagtanggol ko lang naman ang karapatan ko. Ako nga ang nauna don sa bakanteng table eh, tapos inagaw nila pero okay nalang sana ako don medyo kaya ko namang makapagtimpi kase may isa namang bakanteng table sa tabi nila. Wala akong pakialam kong hindi sila komportable na kasabay nila akong kumain pero 'yong ginagawa nila sakin eh, para bang minamaliit ako kase babae lang ako.

Akala ko ba lady's first?! Tang*na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status