Mag-log inELARA POV Naramdaman ko ang biglang paglamig ng aking buong katawan habang nakatitig sa mga mata ni Adrian. Ang bilis ng kanyang pagtayo mula sa examination table, ang halos hindi niya pag-inda sa bago niyang tahi na sugat sa braso, at ang kitang-kitang matinding pag-aalala at kaba sa kanyang mukha habang nakatitig sa sasakyan ni Genevieve sa screen lahat ng iyon ay parang patalim na dahan-dahang sumaksak sa aking dibdib.Bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya? Bakit tila nawala ang lahat ng sakit sa katawan niya nang makitang nasa panganib ang babaeng iyon? Mayroon ba silang nakaraan na hindi ko alam? May lihim ba si Adrian na pilit niyang itinatago sa akin?Gusto kong magtanong. Gusto kong sumigaw at demanding na ipaliwanag niya sa akin kung bakit ganoon na lamang ang epekto sa kanya ng babaeng iyon. Ngunit habang nakikita ko ang gulo sa paligid, ang tumutunog na sirens sa kumpanya, at ang walang-katapusang pag-atake ng mga tao ni Victor, biglang napagod ang puso ko.Ipinikit ko
Elara’s POVMatapos ang aming matinding pag-aaway sa aking opisina, hindi ko kinausap si Adrian sa buong hapon. Bumatak ang malamig na pader sa pagitan naming dalawa. Nanatili ako sa aking silid habang siya naman ay bumaba sa ground floor reception area para ipagpatuloy ang pag-inspeksyon sa mga bagong security scanners.Subalit ang tahimik kong galit ay mabilis na napalitan ng matinding kaba nang biglang umalingawngaw ang sirens at alarm sa buong Montrell Tower!BEEP! BEEP! BEEP!" Misis Montrell! Bumaba po kayo agad sa clinic!" sigaw ni Lucas sa pamamagitan ng intercom, ang boses nito ay puno ng matinding panic. " May pumasok na dalawang armadong tauhan ni Victor sa loading bay! Sinubukan nilang barilin ang isa sa mga female junior HR staff natin na nag-aayos ng shipment files! Pinrotektahan po siya ni Boss Adrian!"Napatayo ako mula sa aking upuan. Ang galit at selos na nararamdaman ko kanina ay mabilis na napalitan ng nakakatakot na lamig sa aking dibdib." Anong nangyari kay Ad
Elara’s POVAng biglang paglitaw ng mukha ni Victor sa LED screen at ang banta sa ilalim ng podium ay naging isang malaking panlilinlang lamang muli isang sikolohikal na laro upang matakot ang media at magsanhi ng gulo sa Montrell Tower. Bago pa man makapag-panic ang sinuman, mabilis na na-intercept ng security team ni Adrian ang linya, pinalabas ang mga reporters, at napatunayang walang totoong bomba sa ilalim ng stage.Subalit matapos ang insidenteng iyon, mas lalong naging mahigpit at nakakatakot ang seguridad sa paligid ng kumpanya. Araw-araw ay abala si Adrian sa pagpupulong kasama ang mga international partners at security consultants upang masigurong hindi na ulit makakapasok ang impluwensya ni Victor sa kahit anong pasilidad natin.Nakatayo ako sa ikalawang palapag ng executive lounge sa Montrell Tower, may hawak na folder para sa mga bagong mga papeles ng aking fashion atelier. Balak ko sanang surpresahin si Adrian sa kanyang pribadong glass-walled conference room para sabay
Elara’s POVIlang araw matapos ang aming napakasaya at tahimik na bakasyon sa Caribbean, nakauwi na kami sa Maynila. Ngunit ang kapayapaang iyon ay mabilis na nabasag nang sumunod na linggo.Isang panibagong atake ang isinagawa ng kampo ni Victor ngunit sa pagkakataong ito, hindi baril o cyber hack ang ginamit nila, kundi ang mismong pwersa ng media at stock market.Isang bagong tauhan ni Victor na nagpanggap bilang isang "anonymous high-ranking executive" ng Montrell Enterprises ang nagpakawala ng isang pekeng medical report at maling balita sa mga pangunahing news networks sa Asia at Europe. Ayon sa balita, si Adrian daw ay may malalang terminal illness at kasalukuyang nakakulong sa isang ICU, kaya't hindi na umano nito kayang pamunuan ang kumpanya.Sa loob lamang ng apat na oras mula nang lumabas ang balita, nagkaroon ng matinding takot sa financial market. Ang stock price ng Montrell Enterprises ay bumagsak ng labinlimang porsyento, at ang mga investors ay nagkakagulo na sa labas
Elara’s POVMatapos ang nakakataranta at nakakatakot na cyber attack sa aming database, nakita ko kung paano muling nagdilim ang mundo ni Adrian. Araw-araw siyang nakatitig sa mga monitors, hindi halos natutulog, at paranoid na nagbabantay sa bawat galaw ng security team. Alam kong kapag hindi siya nakapagpahinga, ang matinding stress at galit ang mismong papatay sa kanya bago pa man makaganti si Victor.Kaya naman, nang walang nakakaalam sa kumpanya maliban kay Lucas, nag-organisa ako ng isang lihim na bakasyon para sa nalalapit na kaarawan ng aking asawa.Rumenta ako ng isang dambuhala at napakaluxury na superyacht sa gitna ng karagatan ng Caribbean. Sa gitna ng malawak at kulay-asul na dagat, walang satellite network na pwedeng pasukin ng hackers nang hindi namin nalalaman, at walang armadong tauhan ni Victor ang makakalapit nang hindi nakikita sa radar mula sa limang milyang distansya. Ligtas na ligtas ang buong pamilya."Elara... anong kalokohan 'to?" tanong ni Adrian habang nak
Elara’s POVMabilis na lumipas ang tatlong araw ng aming stay sa New York. Sa tulong ng aking nakahandang portfolio at ng walang-patid na tahimik na suporta ni Adrian habang nakatitig sa akin mula sa malayo, naging opisyal at matagumpay na napirmahan ang makasaysayang kontrata sa pagitan ng aking fashion house at ng kilalang luxury retail giant sa Manhattan.Nang matapos ang aming mga huling pagpupulong at pakikipag-usap sa mga international investors, agad na kaming lumipad pabalik ng Pilipinas gamit ang private jet ni Adrian. Walang pwesto para sa matagalang pagliban; pareho naming gustong makauwi agad sa aming mga anak na sina Lex at Angel.Subalit ang pananabik at saya na aming nararamdaman sa pag-uwi ay mabilis na napalitan ng malamig at nakakaratay na tensyon sa mismong ikalawang araw ng aming pagbabalik sa Maynila.Nakatayo ako sa gitna ng master bedroom habang sinusuklay ang aking buhok matapos maligo, samantalang si Adrian naman ay nakaupo sa gilid ng kama at nakikipaglaro sa







