ANG LAYO ng tinatakbo ng utak niya habang nakahiga siya sa ilalim ng kama. Sino baa ng lalaking ito at ano ang ginagawa nito sa bahay nila? Imposible namang ito ang ipinagmamalaking fiancé ni Christine? Hindi naman sa nagmamaganda siyang masyado pero paanong nakakuha ng ganun kagwapong boyfriend ang babaeng iyon? Parang di bagay si Christine sa kaguwapuhang ito ng binata.
At ano bang laman ng box na ipinatago nito sa kanya? Ni hindi niya nagawang check man lamang. Engagement ring kaya iyon? Baka ng araw na iyon, nakatakda itong mag-propose sa bruhang iyon kaso’y nagkaroon ng barilan kaya di na natuloy? Baka alam nitong step-sister niya si Christine kaya sa kanya nito iyon ipinatago?
Pero nakakapgduda talaga. Ni wala pang nababanggit na boyfriend man lang ang malditang step-sister niya ng mga panahong iyon. Kilala niya si Christine, pihadong ito ang bukambibig nito kung ‘nung mga panahong iyon ay boyfriend na ito ng lalaki.
Hmm, baka naman may malaking utang dito ang step-mother niya? Ngunit kung sakali mang boyfriend nga ito ng magaling niyang step-sister, ibig sabihin lang ay walang kataste-taste ang lalaking ito. Mabuti man lamang sana kung mabait ang Christine na iyon! Hindi na nga kagandahan, napakasama pa ng ugali. Tingnan lang niya kung di ito maturn off oras na madiskubre nito ang tunay na ugali ng malditang babaeng iyon!
Hah, ano ba itong mga naiisip niya? Ang kailangan niya ngayon ay ang maipakulong ang lahat ng taong involve sa pagkamatay ng Papa niya. At gagamitin niya ang video na nakuha niya para gawing ebedensya.
Bigla siyang napabalikwas, tuloy ay nauntog siya. Nakalimutan niyang nasa ilalim nga pala siya ng kama. Nagpanic siya. Nasaan na nga pala ang kanyang cellphone. Wala iyon sa bulsa ng kanyang shorts.
Dahan-dahan siyang gumapang palabas sa ilalim ng kama.
“Who the hell are you?” Dinig niyang tanong ng baritonong tinig, dumadagundong iyon sa loob ng kuwarto kaya namutla siya sa takot.
At kung nakakamatay lamang ang tingin nito, marahil kanina pa siya nakabuglata sa sahig sa talim ng tinging ipinupukol nito sa kanya.
“Anong ginagawa mo sa loob ng bahay ko?” Muling tanong nito, kinuha nito ang baril sa drawer saka itinutok sa kanya.
Napatili siya sa sobrang takot. Naalala niya ang naganap na barilan sa coffee shop. Bad guy siguro ang lalaking ito. Baka hired killer. Baka inupahan ng madrasta niya para ipapatay siya? Kahit malamig sa kuwartong iyon ay pinagpapawisan siya.
“Sinong nagpadala saiyo dito?”
“BAKIT BA AYAW MONG MANIWALA, wala ngang nagpadala sakin dito!” Umiiyak nang sabi ng dalaga, “Napunta lang ako dito dahil nagtago ako sa pick up mo!” Paulit-ulit na sabi nito sa kanya, “Step-mother ko iyong nakatira dun sa bahay na pinuntahan mo kanina. Pinalayas ako ng step mother ko kasi binenta niya iyong bahay namin. Kung paanong nangyari iyon,hindi ko alam. Si Christine, step-sister ko! Kaya tigilan mo na ang katatanong sakin kung sinong nagpadala sakin dito! Hindi ako spy!”
Naiirita na si Jeffrey sa ingay nito. Pero hindi niya ito pwedeng basta na lamang paalisin hanggang hindi siya nakakasigurong totoo nga ang sinasabi nito.
“Eh ikaw, sino ka? Inupahan ka ba ng demonyang step mother ko para patayin ako?” Tanong nito sa kanya.
“Kung sakali mang hired killer nga ako, for sure your step mother can’t afford me,” sagot niya sa babae.
“Sabagay, mukha ngang mayaman ka,” humihikbing sabi nito habang iginagala ang mata sa paligid, “P-pero sigurado akong m-masama kang tao. H-hindi ka naman magtatago ng baril dyan kung wala kang kaaway. Pero ngayon pa lang binabalaan na kita. K-kapag nawala ako, m-maraming maghahanap sa akin!" Tila nanakot na sabi nito sa kanya.
"And so?" Matiim na tanong niya dito.
"Anong and so? Kapag pinatay mo ko, hahanapin ako ng mga friends ko, ng mga relatives ko, ng mga kapitbahay ko. . .at paniguradong makukulong ka!"
Napangisi lang siya dito saka isinuksok ang baril sa bulsa ng kanyang pantalon, "Marunong ka bang magluto?"
Tumango ito.
“Halika sa kusina, ipagluto mo ko,” utos niya sa babae. “But I’m warning you, kapag nagkamali ka, hindi ako mangingiming iputok saiyo itong baril ko.”
“Palagay mo, sa laki mong ‘yan, may gagawin akong masama saiyo?” Masungit na sagot nito sa kanya. Naiiling na lamang siya.
MANAKA-NAKANG sinusulyapan ni Sabina ang lalaki habang naghihiwa siya ng mga cherry tomatoes na ihahalo niya sa sea food pasta na lulutuin niya. Mahirap na. Baka mamaya ay bigla na lamang siya nitong barilin. Ayaw pa niyang mamatay. Kailangan pa niyang pagbayarin ang mga taong may atraso sa kanya.
“Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko, anong ginagawa mo sa bahay kanina?”
“Inihatid ko si Christine.” Tipid na sagot nito sa kanya.
Natigilan siya, “So, i-ikaw nga ang fiancé ng malditang iyon?” Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Parang napakaguwapo naman nito para magustuhan ang babalu niyang step-sister. “Okay ka lang?” Natatawang tanong niya dito.
Nangunot ang nuo nito.
“I mean. . .are you sure mahal mo si Christine?” Tanong niya rito.
Hindi ito nakasagot.
Napailing siya, “Sinasabi ko na nga ba may hidden agenda ka eh, iyong totoo, bakit mo papakasalan si Christine?”
Namula ang mukha nito. Iyong itsura nito ay iyong itsura ng isang batang nahuling may ginagawang milagro.
HINDI KUMIBO SI JEFFREY. Hindi niya kailangang ipaliwanag sa estrangherang babae kung bakit kailangan niyang pakasalan si Christine. Ngunit kung may ibang paraan lang ay hindi naman niya ito gagawin. Kahit naman madali lang sa kanyang hiwalayan ito, ayaw pa rin naman niyang maiksal sa isang babaeng hindi naman niya talagang mahal. Ngunit kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa grupo. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa fridge dahil parang nagtitindigan ang balahibo niya iniisip pa lamang niya ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib ng dalaga. God, hirap na hirap na siyang magpanggap! Hindi naman biro ang mga tantrums ni Christine kapag gusto nitong magpa-cute sa kanya. Kung makikita lang sana niyang muli ang babaeng pinagbigyan niya ng usb. Nakailang beses na siyang bumalik sa coffee shop na pinagtratrabahuhan nito ngunit wala naman siyang nakuhang information nito sa manager. Ni walang larawan ng babae. Ni wala itong resume dahil walk in
INI-ON ni Jeffrey ang password sa kanyang pintuan para masiguradong hindi siya matatakasan ng babae habang natutulog siya. “Bakit ba ayaw mo pa kong pauwiin?” Mangiyak-ngiyak ng tanong nito sa kanya. “I told you, napapagod na kong mag-drive,” aniya sa babae, “Bukas na lang ng umaga kita ihahatid. For the meantime, magpahinga ka na muna sa kabilang kuwarto,” akmang tatalikuran na niya ito nang may maalalang sabihin, “May alarm ang pintuan palabas ng bahay. Once sinubukan mong ihack ang password, mag-aalarm ito,” sabi niyang ipinakita dito ang nakasuksok na baril sa bulsa, “Alam mo na siguro ang kasunod na mangyayari,” nagbabantang sabi niya rito saka pumasok na sa kanyang kuwarto. Padarag siyang nahiga sa kama. Hindi siya mapakali. Ilang lingo na lang ay nakatakda na siyang ikasal kay Christine. Kung sana ay may paraan pa para makawala siya sa shotgun wedding na iyon. Kung mahahanap lang sana niya ang babaeng iyon, wala siyang proble
NATARANTA SI JEFFREY. Hindi niya akalaing ganito kalakas umiyak ang babaeng ito. “Miss?” “Ano, bakit hindi mo pa iputok yang baril mo para matapos na ang paghihirap ko!” Singhal nito sa kanya, “Iputok mo na!” Siya naman ang napikon, “Kapag hindi ka tumigil dyan talagang ipuputok ko nga saiyo ito!” Sigaw niya rito. Natahimik ito. Humihikbing tumingala ito sa kanya, “Gaano ba kahalaga saiyo iyong box na iyon?” Parang batang tanong nito sa kanya. “Mahalagang mahalaga. Nakasalalay ang buhay ko dun!” “Iyong phone ko rin,” sabi nitong muling napaluha, “Nakasalalay ang kinabukasan ko dun.” “Ke bata-bata mo pa, napakamalilimutin mo na!” inis na sabi niya rito, “Hindi mo ba matandaan talaga kung san mo nilagay?” “Sa dami ng iniisip ko, wala na kong matandaan.” Napahinga siya ng malalim. “Okay, pagtulungan nating hanapin ang phone mo at ang box na iyon. Ano ba kasing nandun sa phone mo? Sex sca
“SAN ka ba nanggaling na bata ka? Kagabi pa kami nag-aalala saiyo, ni hindi ka man lang nagpasabing uumagahin ka ng uwi,” Sita ni Vicky sa kanya nang makauwi siya. “Pasensya na po, Tita Vicky, may inasikaso lang ako. Saka nawawala ang cellphone ko kaya di ko na po kayo natawagan,” nahihiyang sabi niya dito. Ayaw na niyang ikwento pa rito ang mga detalye sa nadiskubre niya dahil ayaw na niyang madamay pa ito sa mga problema niya. Iyong pagkupkop sa kanya ng mga ito ay malaking bagay na para sa kanya. “Ganun ba? Gamitin mo muna iyong pinaglumaang cellphone ni Marcus para naman may magamit ka. Sa panahon ngayon, napakaimportanteng may dala ka palang cellphone.”Anang babae sa kanya, “O siya, magpalit ka na muna ng damit at mukhang kung saang lugar ka napasabak, nangingitim na ‘yang suot mong tshirt.” Napakamot siya sa ulo, “Salamat po.” Sabi niyang pumasok na sa kwarto ni Leanne at hinanap sa kanyang mga gamit ang box na hinahanap ng lalaki. Nguni
WALA PANG TEN MINUTES na tumatakbo ang sasakyan ni Jefferey ay inihinto na niya iyon sa isang tabi saka bumaba at pumunta sa likuran ng sasakyan. Napailing siya nang makitang muli dun ang babae. Pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ito, “Kailangan kong mahanap iyong phone ko,” nakikiusap ang tonong sabi nito sa kanya, “Tulungan mo kong mahanap iyon, tutulungan kitang mahanap iyong nawawala mong box.” Kondisyon nito sa kanya. Napaisip siya saka nagbuga ng hangin, “Okay. Basta siguraduhin mong maiibalik mo sakin ang box.” Ang totoo ay nakita na niya kanina ang phone nito. Ngunit titiyakin muna niyang mapapabalik sa kanya ang usb niya bago niya ibigay dito ang phone nito. Nang makarating sa bahay ay hinayaan niya itong hanapin ang nawawalang phone nito sa kusina. Actually, itinago na niya iyon sa isang safe na lugar. Hindi niya alam kung anong meron sa phone nito at masyado itong pursigido na makita iyon. Marahil ay mga nude photos? Pinamulaha
“TOTOO BA, may trabaho na ko? Ganun-ganun lang iyon, walang kahirap-hirap?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang nakaupo sa kusina ng bahay ni Jeffrey. Maya-maya ay tumunog ang tiyan niya. Hindi naman siguro magagalit ang lalaking iyon kung mangingialam na siya sa kusina. Tsinek niya kung ano ang pwede niyang lutuin. Pwede siyang gumawal ng tinola since marami namang gulay sa ref. Naiiling na inilabas niya ang manok sa freezer at carrots, luya at sayote sa chiller. Bumibili ng gulay, hindi naman lulutuin, nailing na tinanggal niya ang mga gulay na malapit ng mabulok. Pwede pa niyang isahog ang ilan duon. Iyong iba ay hindi na talaga pwede kaya itinapon na lamang niya. Nagsaing na rin siya. 7:30 ng gabi ay tapos na siyang magluto. Kakain na sana siya nang maisipan niyang katukin sa kwarto nito si Jeffrey para makapaghapunan man lang ito bago ito matulog. “What?” Tila inis na tanong nito sa kanya. “Nagluto ako ng
“SAIYO ITO?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sabina nang pasakayin siya nito sa isang magarang Rolls Royce, “Gano ka ba kayaman?” Manghang-manghang sabi niya habang tsinetsek ang loob ng sasakyan. Naupo si Jeffrey sa driver’s seat at sinimulang paandarin ang sasakyan. Bahagya siyang napaismid nang maalala si Christine. Bukod sa guwapo na, napakayaman pa kaya tiyak na hindi na talaga ito papakawalan pa ng babalung babae na iyo Tahimik lang si Jeffrey habang nagmamaneho. Naisip niyang magtratrabaho siya bilang sekretarya nito and yet hindi man lamang naiisipang itanong ang pangalan niya. Bahagya niya itong nilingon, napaka-seryoso ng mukha nito. Guwapo ngunit suplado. Very typical na ugali ng mga mayayamang napapanood niya sa mga tv programs. Maya-maya ay huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang mall, dinukot nito ang wallet nito at kumuha ng cash duon, “Bumili ka ng bagong phone, kakailanganin mo ‘yan bilang secretary ko.” sabi nitong iniabot ang lilibu
“SINO ba iyong babaeng sumampal saiyo kanina?” Bahagya lang siya nitong nilingon saka ibinalik muli ang atensyon sa pagmamaneho, “Mukhang galit na galit ah? Sino bang pinaasa mong lalaki?” Bahagya pa itong napangisi. Naasar na bumaling siya dito. Kahit mayayaman maritess rin eh. Napahawak siya sa seat belt na nakasuot sa bewang niya, “Wala akong pinaasang kahit na sino. Masyado lang silang nag-assume na. . .teka nga, bakit ba nakikitsismis ka pa?” iritadong sabi niya nang marealize na hindi niya kailangang magpaliwanag dito. Nagibit balikat ito, “I’m just curious. Ilang taon ka na nga ba?” “Twenty two. Actually birthday ko ‘nung unang araw ko sa coffee shop. ‘nung nagyari iyong gulo at pinatago mo iyong maliit na box na iyon. . .” sabi niya rito, “Ilang beses kasi akong nahinto sa pag-aaral ‘nung nagkasakit si Mommy kaya late na ko nakapag-college. At mukhang mas matatagalan pa bago ko maka-graduate,” bigla ay naikwento niya rito.