Share

"UNTIL NEXT TIME"

"WHAT do you think you are doing?" ang naiinis kong bungad kay Marius nang makalapit ako sa kaniya.

Sinadya ko talagang ipakita sa kaniya ang inis na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko kasi isa akong daga na na-corner ng isang pusa at si Marius ang pusa na iyon. Pero sa halip na maapektuhan sa pagtataray na ginawa ko ay matamis pa niya akong nginitian, pagkatapos ay niyuko at saka dinampian ng simpleng halik sa pisngi bilang pagbati.

"Pauwiin mo na ang driver mo, ihahatid nalang kita kung saan mo man gustong umuwi ngayong gabi," ang sa halip ay isinagot niya sa akin saka na nagpatiuna sa pagbubukas ng pintuan ng passenger side ng kotse nito.

Noon lalong nagtumindi ang iritasyon na nararamdaman ko para sa kanya. Pero kahit naiinis ako sa kanya, bakit ba para akong wala sa sarili ko na humakbang at sumakay sa kotse nito. Pagkatapos noon ay tinawagan ko pa si Mang Poldo para sabihan itong mauna nang umuwi dahil sumama akong mag-dinner sa isang kaibigan.

"So, saan mo g
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status