Compartir

Chapter 23: FAMILY DATE

Autor: Rhenkakoi
last update Última actualización: 2025-12-04 21:26:18

NANG MAKAPASOK si Spade sa kuwarto ay agad niyang hinanap si Isabella, hindi niya ito nakita sa may kama. Napalingon nalang siya sa may banyo ng marinig niya ang tunog ng nagbukas na gripo, at miya-miya ay nawala na din.

Lumapit si Spade sa may banyo at naglean malapit sa may pintuan, miya-miya pa ay nagbukas na ito at lumabas doon si Isabella na bahagyang nagulat ng makita siya.

Agad napansin ni Spade ang pamumula ng mga mata nito, na agad iniiwas ni Isabella ang tingin nito at nagtungo sa may kama.

Umalis sa pagkakasandal si Spade sa may pader at sinundan si Isabella napalingon ulit sa kaniya. Akmang iiwasan siya nito nang mahawakan niya ang dalawang kamay nito at ipinaharap sa kaniya.

"Isabella.."

"Hi-hindi ko alam na masyado na pala akong nanghihimasok, nakalimutan ko kung ano talaga ang role ko bakit narito ako." ani ni Isabella habang nakayuko ito.

"I'm sorry for yelling at you, it's just...i won't justify what i did, but i'm sorry." sambit ni Spade.

"O-Okay lang kasalanan ko na
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   Chapter 34: UNBEARABLE PAIN

    SA PATHWAY NG paaralan ay tahimik si Spade na naglalakad habang buhat-buhat si Alina. Nasa may likuran naman si Isabella at nakatingin lang sa dalawa. Hindi niya alam paano kakausapin si Spade dahil unang-una, nasira ang plano nito sa pag-e-enroll kay Alina sa St. Jude, pangalawa hindi niya sinabi dito ang pagpunta nila.Napayuko nalang si Isabella at nagdesisyong sa penthouse nalang niya ito kakausapin. At dahil hindi pansin ni Isabella ang nilalakaran niya ay wala siyang ideya na nakakalayo na sina Spade sa kaniya, at napahawak nalang siya sa kaniyang kaliwang braso ng may makabungguan siya."Ano ba?! Can't you see your way?!" rinig ni Isabella na reklamo ng isang babae na pagtingin nila sa isa't-isa, ay agad napangisi ang babae sa kaniya at hindi naman makapaniwala si Isabella na ang mapangmata pang babae ang makakabanggaan niya."Look what we have here, the pretentious woman. Wait nasaan ang anak mo? Don't tell me kaya kayo pinapunta sa opisina ng head principal ay para sa scholar

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   Chapter 33: MRS VASILE

    MAGKAHAWAK KAMAY si Isabella at Alina habang sinusundan nila sa paglalakad ang registrar. Dahil sa pagtawag ni Spade ay pinapapunta sila ngayon sa opisina ng head principal, mas mainam iyon kay Isabella kaysa makasama ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang alipustahin siya dahil lang mahirap siya.Mas narealize ni Isabella na ang mga mahihirap na gaya niya ay puwedeng tapak-tapakan ng mga mayayamang tao. Kaya ngayon palang ay nalulungkot na si Isabella sa mga mahihirap na tao na nakakakilala ng mga mayayaman na inaalipusta sila dahil sa wala sila dahil sa pagiging mahirap nila."Mama, saan po tayo pupunta?" napabaling si Isabella kay Alina ng agawin nito ang atensyon niya."Sa opisina ng head principal, tumawag doon ang Daddy Spade mo at pinapapunta tayo roon." ngiting sagot ni Isabella kung saan bigla siyang natakot para kay Alina na puwedeng maka-encounter ng mga mapanghusgang mga kaklase."Alina sabihin mo lang kung ayaw mo sa school ba 'to ha." ani ni Isabella na ikinatango ni

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   Chapter 32: NEW SCHOOL OR NOT?

    PABALIK-BALIK ang paglalakad ni Isabella sa may sala habang nakaupo sa sofa si Alina at sinusundan siya ng tingin. Nakapasok na sa Lacrose si Spade pero si Isabella ay hindi parin makamove on sa paghalik ni Spade sa kaniyang noo.Walang maisip na ibang rason si Isabella kung bakit siya hinalikan ni Spade, pero nagbigay 'yun ng pagkabog ng kaniyang puso. Alam niyang hindi siya puwedeng mahulog dito, pero alam niya rin na malabo iyon dahil sa pinapakitang kabaitan nito, at gesture na hindi naman dapat nito ginagawa sa kaniya."This is wrong! Hindi dapat ako naaapektuhan ng ganito, hindi naman niya ako sa labi hinalikan. Hindi ako puwedeng mahulog sa kaniya." pagkausap ni Isabella sa kaniyang sarili ng matigilan siya ng may humawak sa laylayan ng damit niya, kung saan paglingon niya ay nakita ni si Alina na naguguluhang nakatingin sa kaniya."Ba-Bakit Alina?""Nakakahilo po kasi kayo mama, sino po bang kausap niyo?" inosenteng tanong ni Alina na ikinaupo niya sa tabi ni Alina."Pasensya

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   Chapter 31: THE WARMTH OF HER HANDS

    "Grabe palang ma-excite ang mga magulang mo, pinaghahandaan talaga nila ang engagement natin. Hindi halata sa dad mo pero kahit nonchalant ang expression niya i sense na excited din siya. Alam mo bang nakakailang na ang dad mo ang nagche-check kung okay na ang susuotin ko, tapos dumating ang mommy mo kasama ang friend niya na gay. Nag go in the flow nalang ako sa kanila, pero nakakapagod din pala." mahabang kuwento ni Isabella kay Spade na nasa walk in closet at nagpapalit ng damit nito dahil kakauwi lang nito galing trabaho.Hindi na nila ito nakasamang kumain ng hapunan, at tulog na si Alina ng makauwi ito.Nakaupo si Isabella sa kama at nakatingin sa walk in closet kung nasaan si Spade."I'm sorry about them, the thoughts of me getting married makes them excite. Akala kasi nila wala akong balak magpakasal, though that's my plan at first but when i found out about my tumor, kailangan nilang makita akong maikasal." pahayag ni Spade na lumabas na sa walk in closet.Naka pajama ito na

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   Chapter 30: DIAMOND IN HS EYES

    "Mommy! Nagkita na po ba kayo ni Daddy Spade?" pagsalubong na tanong ni Alina ng makita niya ang pagdating ni Isabella.Hinawakan ni Isabella ang kamay ni Alina at hinila ito patungong sofa, at tabi silang umupo roon."Oo nagkita na kami at kinain niya ang dala kong food.""Bakit daw po hindi siya umuwi dito kagabi?" inosenteng tanong ni Alina na ngiting ikinahaplos ni Alina sa pisngi nito."Kasi doon siya natulog sa condo ni Uncle Sandro, siguro may ginawa sila regarding sa trabaho nila." sagot ni Isabella."Naging okay ka lang ba ng umalis ako? Hindi ka ba natakot na ikaw lang dito mag-isa?" pag-iibang tanong ni Isabella na ikinailing ni Alina."Hindi po, naglalaro po ako kanina sa kuwarto habang wala po kayo. Tapos bumaba po ako para hintayin po kayong dumating." sagot ni Alina na ikinahalik ni Isabella sa noo nito."Brave girl. Gutom ka na ba? May dala akong pasalubong para sayo.""Talaga po?!"Ngiting ibinigay ni Isabella ang nabili niyang tinapay para kay Alina na ikinatuwa nito

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   Chapter 29: UNEXPECTED MEETING

    "Are you sure you can go home alone? Puwede naman kitang ihatid sa penthouse.""O-Okay lang talaga ako, Spade, kaya ko naman na bumalik sa penthouse mo. May trabaho ka pa din na dapat tapusin."Nasa may labas na sila ng kumpanya at dala-dala na ulit ni Isabella ang bento box na wala ng laman dahil naubos iyon ni Spade. Ayaw na sana ni Isabella magpasama kay Spade palabas ng kumpanya nito, pero sumama parin ito at naiwan si Sandro sa opisina nito.Masaya si Isabella dahil kinain ni Spade ang luto niya, ipinamigay nalang ni Sandro ang naiwang pagkain na dala naman ni Leticia. Pakiramdam niya talagang asawa na siya ni Spade, pero lagi niyang pinaaalahanan ang sarili niya na kasunduan lang ang magiging pagsa-sama nila, kaya kahit kumakabog ang puso niya sa tuwing kasama niya si Spade ay pilit niya iyong iniignora."I can tell to Sandro na ihatid ka.""Okay lang talaga ako, huwag mo na akong alalahanin." ngiting ani ni Isabella nang mapansin niya ang ilang mga employee ni Spade na nakating

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status