( IRESH POV )Palabas na kami ng elevator. Kasama pa rin namin ang batallion ni Boss. Nang makarating na ako sa desk ay inilapag ko na ang aking mga gamit. Pupunta ako sa coffee machine para kay Sir.“Wait Ms. Dimatibag. Pakitimpla rin ang mga bodyguards natin,” sabay kindat nito sa akin. Tumaas ang kabilang kilay ko. Bahagya pang nangingiti ngiti ang mga bodyguards. Nilingon ko sila at agad naman tumingala ang iba sa taas na tila may tinitingnan.Ang ilan ay sa ibang direksyon tumingin. Iniiwasan ang pandidilat ng mga mata ko.“Teka, mag stay ba sila dito? I mean, hanggang dito ba naman? Napakarami nila. Eh maging coffee girl nalang kaya ako!” reklamo ko.“Yes, kaligatasan mo ang pinag uusapan dito,” sagot nito. Akma sana akong sasagot kaso sumibat na si sir, bigla niyang ibinagsak ang pintuan.Wala naman akong magawa. Imbis na magbunganga ay ginawa ko na lamang. Pagkatapos mabigyan ng coffee lahat ay nagtungo naman ako sa loob ng office ni Boss saka inilapag ang kape sa lamesa."Ms
Sa rooftop. Tapos ng kumain si Iresh. Nakatanaw siya sa malawak na syudad mula sa kinatitirikan ng building ng LUCENAS CORPORATION COMPANY. Napakaganda ng tanawin. Ang liliit ng mga bahay. May mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Maraming tao sa labas. Ngunit bawat isa ay may kuwento. Alam niya sa sarili niya na may iba sa mga taong nakikita niya na masaya, yung iba ay nahihirapan at ang iba ay may pinagdadaanan. Every window has its own story ika nga.Nagmuni-muni siya. Iniisip niya kung talaga bang binalikan sila ng ama niya. Kahit matatag siya ay hindi pa rin niya maiwasan mangulila sa amang, ni minsan ay hindi man lang niya nasilayan.Umaasa siyang, totoo ang mga sinasabi ni Mr. Baigon. Na hindi sila nito inabandona. Pero kahit totoo man iyon, ay hindi pa rin nito makakasama ang namayapang ama.Sumungaw ang mga luha sa mga mata niya." Maganda ang tanawin nuh? Nakakarelax sa utak," sambit ng boss ni Iresh na ikinagulat ng dalaga.Manapa ay di niya sukat akalain na magtutungo ito
( IRESH POV )Why did I allow him to kiss me?! Nagmukha akong cheap or should I say...., EASY TO GET! NO WAY!Sabay kalampag sa lamesa ko. Wala na ang mga bodyguards na nakalinya kanina dito sa hallway. Buti naman at natauhan si boss. Imposible naman kasi na may kikidnap sa akin dito sa loob. Inihilamos ko ang aking palad sa sobrang kahihiyan. Sa tuwing naiisip ko ang naganap sa rooftop, para akong binubuhusan ng ice bucket.I dunno if he's telling the truth or should I say, binola bola lang niya ako. Ehhhhhhrrrtt....!!! "Of course Iresh, you should consider that as lies. Wala naman dapat akong asahan doon. Youdon't care about him, self okay?!" sambit ko sa aking sarili. "Is there anything wrong?" tanong sa akin ni kumag na di ko namalayan na nadito na siya ulit sa likuran ko. Nakakainis talaga. "Yes Sir!" Ngumiti ito na parang may ipinapaalala sa akin. That sexiest mistake that I haven't done for my past life. "Ikaw Sir!" asik ko rito. "Ako? Bakit?" "Ikaw? Bakit!? Of course,
(FRANK POV)NAIHATID ko na si Iresh sa kanilang bahay. Senermunan pa siya ng kaniyang ina kaya palihim akong natatawa. Paano ba kasi, kung anu-ano ang sinabi ng kaniyang ina.𝑭𝒍𝒂𝒔𝒉𝒃𝒂𝒄𝒌...“Anong nangyari sa palda mo?” tanong ng ina ni Iresh.“Ah eh, napunit po nung umupo ako.”“Ano? Bakit? May blade ba doon sa upuan mo? Kahit kailan talaga di ka nag-iingat. Dalaga ka na pero nagdudugyot ka pa. Hay naku! Di ka na nahiya kay Sir Frank.”“Ma naman!” nahihiyang saway sa kaniyang ina.“O ano ngayon? Kahit ilang beses na kitang pagsabihan e di ka pa rin nadadala!”“Bibili nalang ho ako ng bago.”“Oo tapos punitin mo ulit!”Nag walk out na siya at ibinalibag ang pintuan ng kaniyang kuwarto. “Pati yan sirain mo!” pahabol ng kaniyang ina. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Ganiyan talaga pag di pa nagkaka-boyfriend. Hayyyy kung may manliligaw sana sa kaniya. Di sana, nag-aayos siya," baling niya sa akin. Nangiti nalang ako sa tinuran niya. Mukhang nagpapahiwatig. Di na ata ako mahi
“Hey! Tama na yan Luis. May problema ka ba? Napapasobra ata ang inom mo? Hindi ka naman ganyan,” ani Tyler sa kasama matapos nitong anyayahan magpunta sa Bar.Hindi niya sukat akalain na sasama ito ng ganun kadali dahil kilala niya si Luis. Hindi basta basta sumasama sa Bar. Lumagok muli si Luis ng tiquila.𝑭𝒍𝒂𝒔𝒉𝒃𝒂𝒄𝒌...Habang kumakain sa rooftop sina Iresh ay nasa kabilang building si Luis. Gamit ang telescope ay kita n'ya kung gaano kasaya ang mga ito sa pananghalian. Nang makita nito ang pagmumukha ni Iresh pagkaharap ay napatigil siya.Pinagmasdan niya ng mabuti ang dalaga. Pamilyar ang mukha niya. Bumalik sa alaala nito ang batang babae na kasa kasama niya noong bata pa ito.Nasa pre-school siya noon at tanging si Mr. Madrigal ang mismong nagpapa-aral sa kaniya pagkatapos siya nitong ampunin. Dahil sa pagiging tahimik nito ay madalas siyang tampulan ng pambu-bully. Pero ipinagsasawalang bahala lang iyon ni Luis. Ayaw niyang magka problema sa kaniya ang butihing Madriga
HABANG papalayo ang sasakyan sa warehouse ay tumungo ang sasakyan sa taas ng bundok.“Saan na naman tayo pupunta?” tanong ni Iresh. “Just wait and see.”Masyado nang masukal kasi ang tinatahak nilang landas.𝘈𝘯𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘭𝘢𝘬 𝘯𝘪 𝘉𝘖𝘚𝘚? 𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘦 𝘮𝘢𝘺 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯. 𝘕𝘰 𝘯𝘰 𝘯𝘰 𝘐𝘳𝘦𝘴𝘩. 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢 𝘣𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘨-𝘪𝘴𝘪𝘱?Lumingon si Frank kay Iresh at may bahid na nakakaluko sa kanyang ngiti.𝘚𝘦𝘦? 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘯? 𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢. 𝘈𝘯𝘰 𝘯𝘢? 𝘔𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰? 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘣𝘢?“Sir, bababa na ako.”“O, bakit?”“Hindi mo kasi sinasabi kung saan tayo pupunta.”Napatawa ng mahina si Frank dahil sa itsura ni Iresh.“Andito na tayo. Para kang timang,” he chuckle.“Dito lang kayo. Kami lang ni Ms. Dimatibag ang bababa.
PAGKAPASOK ni Iresh sa office ay agad na niyang inilagay sa table ang dalawang tasa ng kape. Aalis sana siya ng pigilan siya ni Frank.“Samahan mo ako.”“A-ako po?” nabubulol pa nitong sagot.“Hindi. Yung table ang sasabay sa akin.”“Tsk, kita niyo naman na nagbreakfast ako kanina,” reklamo ng dalaga.“Wala ng pero pero, umupo ka na.”Wala ng nagawa si Iresh kung hindi ang sumunod nalang. Bago siya makaupo ay may kumatok na sa pintuan kaya pinagbuksan niya ito.“Grabfood po.”Kinuha ni Iresh yun. Marami rami din iyon kaya nagtataka niyang inilapag sa lamesa ang naturang agahan.“Lets eat.”“Ano pa nga ba ang magagawa ko?”“Sekretarya ka pero ang dami mong angal,” naiinis na sabi ni Frank.“CEO ka naman pero ang wierdo mo, ” sagot ni Iresh.Kumuha si Frank ng tinapay saka isinubo sa bibig ni Iresh ang pagkain. “Ayan, kumain ka na muna ng matakpan yang bibig mo.”Nginuya naman yun ni Iresh. Habang kumakain ay nagkakasulyapan pa sila.“Oh, Ano tinitingi tingin mo?” saad ni Iresh.“Ikaw r
HINDI malaman ni Iresh kung ano ang magiging reaksyon niya sa gustong sabihin ni Frank.“Ano ba yun? Mag-utos ka na para magawa ko na!” naggagalit galitan ito upang maibsan ang pangambang nadarama niya.Tahimik lang si Frank. Wari'y napepe sa sasabihin. Pag ganitong seryuso na silang dalawa ay hindi niya maunawaan ang kaba. Kapag dinadaan daan lamang sa pang-aasar ay madali lang niyang masabi ang mga katagang I LOVE YOU.Dahil nabahag na naman ang buntot nito ay iniba niya ang sanang sasabihin niya.“Yung about kay Samantha na noo'y sasabihin ko—” Hindi natapos ni Frank ang sasabihin dahil dinugtungan na ng dalaga ang sasabihin.“Alam ko na ang tungkol diyan. Simula ng maka meeting natin ang asawa niya ay halata na sa binabatong pang iinsulto sayo. Idagdag pa ang mga marites sa kompanya. Minsan pinag-uusapan ang tungkol sa inyo noon ni Ma'am Samantha,” paliwanag ni Iresh.Napatango naman si Frank. Seems that he no longer need to explain about his past with Samantha.“That's why I avoi