Sa loob ng marangyang at malawak na mansyon ng mga Evans, nagsiksikan ang mga bisita, pawang mga kilalang personalidad at mga mahahalagang tao sa bansa. Ang malaking bulwagan, na pinalamutian ng mga mamahaling kristal na chandelier at mga gintong estatwa, ay nagsisilbing perpektong lugar para sa pagtitipon. Ang mga pader ay natatakpan ng mga mamahaling pintura, habang ang sahig ay gawa sa makintab na marmol. Ang hangin ay puno ng halimuyak ng mga bulaklak, at ang musika mula sa isang live orchestra ay nagbibigay ng eleganteng ambiance sa lugar. Lahat ay naghihintay sa pormal na anunsyo tungkol sa nalalapit na kasal ng binata, ang kilalang anak ng pamilya sa bansa, ang mga Evans.
"Raven, gawin mo akong pinakamaganda ngayong gabi. Gusto kong hindi maalis ni Alexander ang tingin sa akin kapag nakita niya ako," pakiusap ni Freya kay Raven, ang kanyang matalik na kaibigan na siyang nag-aayos sa kanya ngayon upang mas maging maganda at kaakit-akit. Mahinahon na natawa ang kaibigan si Raven at may panunudyong sinagot siya. "Huwag kang mag-alala, Freya, sigurado naman ako na ikaw ang pinakamaganda sa paningin niya kahit hindi ka mag-ayos. Saka kailan ka pa naging ganyan kaduda sa ganda mo? Nasaan na ang 'Freya' na mataas ang self-confidence pagdating sa mga bagay-bagay?" Kinagat ni Freya ang labi upang pigilan ang pag-alpas ng ngiti sa labi. Tama si Raven. Hindi siya naging ganito kaduda sa sarili at taglay niyang ganda. May tiwala siya sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa at sa sarili niya, ngunit hindi pagdating kay Alexander. Kapag ito ang usapan, nawawala siya sa sarili at hindi makapag-isip nang tuwid. Ang epekto nito sa kanya ay kakaiba at hindi maipaliwanag ang eksaktong pakiramdam. Katulad ngayong araw... ang araw na ito ay nagmistulang kakaiba sa kanya. Sa sobrang saya niya, para siyang lumulutang. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Ang alam lang niya ay napakasaya niya at walang salitang makapaglalarawan ng kanyang emosyon. Ito na ang araw na matagal na niyang hinihintay: ang anunsyo tungkol sa kanilang nalalapit na kasal ni Alexander Evans. Ang thirty-year-old niyang fianće, ang CEO ng Evans Industry. Nakangiting tiningnan niya ang repleksyon niya sa salamin. Suot ang V-neck black long dress, litaw ang maputi at makinis niyang kutis na kumikinang sa tama ng liwanag ng mga ilaw. Pinili niyang magsuot ng kulay itim dahil ito ang paboritong kulay ni Alexander. Gusti niyang sa kanya lamang ito titingin... gusto niyang sa kanya lamang ang atensyon nito buong gabi. "Relax ka lang, Freya, okay? Tingnan mo ang sarili mo, anumang sandali ay para kang hihimatayin sa kaba. Ikaw ba talaga ang kaibigan ko?!" Napapangiti at napapailing na sabi ni Raven. "Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig." Tukso pa nito. Tumingin siya sa salamin. Namumutla siya sa labis na kaba at saya. "Masisisi mo ba ako? Sino ba'ng hindi? Pangarap ko ito matagal na at ngayong araw ay magkakatotoo na." Sa salamin nakikita niya pa ang pagkinang ng kanyang mga mata dahil sa labis na kaligayahan. Inalalayan ni Raven ang kaibigan na bumaba ng hagdan upang maghintay na sa ibaba. Nang makita ng ina ni Alexander si Freya ay umismid ito at inikutan ng mata ang dalaga. Bakas ang pagkadisguto sa mukha nito kasama ang kaniyang asawa. Mahinang siniko ni Raven si Freya. "Wag mo nang pansinin ang magulang niya. Ang fiance mo ang intindihin mo. Na'riyan na siya!" Nagliwanag ang mukha ni Freya. Pero ang kaligayahan sa puso niya ay parang kandilang nalusaw, kasabay ng pagkabura ng ang kanyang ngiti nang dumating si Alexander nang hindi nag iisa. The famous actress Olivia was draped in his strong arms. As they walked, a smile played on her lips, and they acted intimately in front of the crowd. Alexander's handsome face remained emotionless as he walked with Olivia. Dumaan ang binata ng hindi tinapunan ng tingin si Freya, nilagpasan siya ng lalaki na para bang isang hangin. Sumikip ang dibdib ni Freya. Nanlalamig siya. Sa gitna, tumayo ang dalawa... sa mata ng babaeng kasama nito, si Olivia, ay nakabalatay ang walang katumbas na kaligayahan na kanina ay nasa kanya pa. "Good evening, ladies and gentlemen," Alexander said, his voice flat and his expression emotionless. "Tonight, I have a joyous announcement to share." Kinuha ng binata ang kamay ng babae, hinalikan ito sa harapan ng lahat. "Olivia and I are getting married. We are thrilled to celebrate this special moment with all of you and look forward to sharing our love and commitment together." Pagkatapos ng anunsyo, si Olivia mismo ang tumingkayad upang halikan ang labi ni Alexander. Hindi lang ang katawan ni Freya ang namanhid sa kanyang nakita at narinig, maging ang puso at isip niya. Kumalat agad sa paligid ang bulungan. Lahat ay nabigla dahil hindi si Freya, kundi si Olivia ang pinakilala ni Alexander sa lahat. Siya dapat ang kasama ni Alexander... siya dapat ang nasa kanyang tabi... pumatak ang mga luha ni Freya. Sobra siyang nasasaktan... Sa gitna ng karamihan, nakikita niya ang mga nakangiting mukha ng mga tao na tila walang kamalay-malay sa sakit na nararamdaman niya. Ang kanilang mga tawanan ay parang mga karayom na tumutusok sa puso ni Freya, nagpapaalala sa kanya ng kanyang pagkapahiya at pagkabigo. Ang bawat tawa at pagbati ng lahat sa dalawa ay parang pangungutya sa kanya. Ang sakit! Ang mga kulay ng mga damit ng mga tao, ang mga nakangiting mukha, ang mga masayang pag-uusap, ang mga kulay ng mga bulaklak na nakapalibot sa kanya ay tila nagiging malabo, at ang mga tunog ng musika ay tila nagiging isang malakas na ingay... nabibingi si Freya sa matinding sakit. Kanina, nagbibigay kulay at kasiyahan lalo sa kanyang paligid ang mga magagandang kulay ng ilaw ng mga chandelier, pero ngayon ay para siya nitong binubulag... nanlalabo ang mata niya, wala na siyang makita... basta ang tanging nadarama niya nalang ay walang katapusang sakit. Hindi matanggap ng isip at puso niya ang nangyayari. Pakiramdam niya ay tinraydor siya ng lahat. Walang tigil sa pag agos ang luha ni Freya. Sobrang naninikip ang dibdib niya, hindi masukat na sakit ang nararamdaman niya. "B-bakit, Alexander?" Malinaw at maayos ang kasunduan nito at ng kanyang magulang. Nagkakaunawaan silang dalawa katulad ng normal na magkasintahan... kaya bakit ito ginawa ni Alexander sa kanya? Ano ang dahilan ng binata para ipahiya ako at saktan ng ganito sa harapan ng lahat?“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni