Share

259. Hindi madali

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2024-10-17 20:18:00
MABILIS na pinahid ni Hazel ang luha sa pisngi. ‘Wag kang iiyak’ ito ang sinisiksik niya sa isip niya ngayon ngunit hindi niya magawa. Katulad kanina, parang tubig na rumagasa ang luha niya sa pisngi habang nakatingin sa screen ng telebisyon.

Magkasama na naman sila—at sa ibang bansa pa. Gusto niyang isipin na nagkataon lang na magkasama ang dalawa. Pero paano maipapaliwanag ang ilang beses na pagkikita ng mga ito? Nagkataon nga lang ba ito? O b-baka nagkikita talaga ang dalawa?

“Hazel.” Untag ni Steve sa lumuluhang dalaga. Gusto man ng binata na tanungin ito kung bakit ito umiiyak, nanatiling tikom na lamang ang kanyang bibig, muli ay ipinatong niya ang suit sa ulo nito para matakpan ang luhaan nitong mukha.

‘Frank Evans at Yassie Samonte.’

Hindi kaya….

Kumuyom ang kamao ni Steve ng may hinala na namuo sa kanyang isipan. Nakita niya ang initials ng suot na kwintas ni Hazel.

F&H. Ngayon ay alam na niya ang ibig sabihin ng initial sa suot nitong kwintas. Damn! Sa dinami-dam
SEENMORE

LIKE 👍

| 21
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
gumising kna Hazel niloloko Ka lng ni Frank Thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
nkakainis ka frank minahal ka naman n hazel siguro may dahilam n frank diba sbi ng ate n hazel ind n cia magkakaanak baka c hazel ang gamitin nila pra magkaanak cla
goodnovel comment avatar
Sasaki Yuzuki
Cge na po author sana matuklasan na ni hazel na ginamit lang siya ni frank at sana umalis na siya sa puder ni frank at bumalik na siya sa lolo nya para mkapaghiganti kay frank at sa ate nya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   397. WAKAS ♥️

    “Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   396.

    Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   395.

    [Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   394.

    Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   393.

    Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   392.

    “Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status