Share

chapter "5"

I chose to be in his chaos. Kailangan niya ako... kailangan nila ako, kahit trabaho lang ito'y gagawin ko ang lahat para makatulong. Hindi ko hahayaang may mga taong magaya sa akin, iniwan ng buong mundo at tumayo mag-isa. Mahirap ang bagay na iyon habang may lakas ako para makatulong gagawin ko.

Dali-dali akong napatakbo palapit sa kaniya. Hinihimas niya ang paa nito, nahulog siya sa kama kakahanap sa wheelchair nito. Walang salita ang lumabas sa bibig niya, tahimik lang ito. Ano kaya ang pakiramdam na gising ka pero para lang ding tulog? Napapikit ako habang hinawakan ang magkabilaang braso nito.

"Don't move. Ako na kukuha sa wheelchair mo." Saad ko at nilibot ang paningin ko. Mabilis akong tumayo at malalaki ang hakbang papunta sa wheelchair, nilapit ko ito sa kaniya at pumwesto ako sa likuran nito.

"Alalayan kita, kaya mo bang tumayo?" Tanong ko rito pero hindi ito umimik. Bakas sa noo niya ang pagtataka. Napapikit ako ng kumuha siya ng suporta sa braso ko, mabigat siya pero pilit ko itong ininda, nakaakbay ito sa akin at ang kamay ko'y nasa beywang niya, gamit ang paa ko'y mas nilapit ko pa ang wheel chair at dahan dahan na pinaupo ito. Muntik pa akong mapasubsob ang mukha ko mabuti nalang ay nakahawak ako sa arm rest.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ko. Tinignan ko ang papel. Sa nakasulat dito'y kailangang niyang kumain para maka-inom ng gamot. Hindi siya umimik.

"Why are you doing this?" Natigilan ako sa tanong niya, napalunok ako sa kaba. Ganon ba talaga kapareho ang boses naming dalawa na maski siya'y hindi niya napansin na ibang tao ako? "This is not you. Wala kang pakialam sa akin. What's with the sudden change? Do you need something from me?" Nangangatog ang tuhod ko sa sunod sunod na tanong niya nagangapa ng sagot. Hindi ko alam na may q and a rito!

"Ah-eh... wala naman. Tinanggal ko na si Gino, ako na ang mag-aalaga sa 'yo from now on." Kinakabahang sagot ko pilit na pinipigilan na mautal.

"Gino? You never called him that way..." Nanlaki ang mata ko at tuluyang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko ito ine-expect!

"Huwag na maraming tanong, mabilis lang ang oras baka hindi ka maka-inom ng gamot sa tamang oras." Pang-iiwas ko at ginaya ang pagtataray ni Georgianna, gumana ka please! Tama talaga si manang e dapat nagpahinga ako ngayon at pinag-aralan lahat ito tuloy para akong lantang gulay.

Hindi na ito sumagot pa. Tinulak ko na ang wheel chair palabas ng kwarto. Hindi naman ito nagtataka 'di ba? Pagkarating sa nasabing hagdan ay para naman akong nalagutan ng hininga paano kami bababa? Nagpaling-linga ako para manghingi ng tulong.

"What's wrong?" Malamig na tanong nito na kinatuliro ko. Pwede bang huwag nalang itong magsalita? Kinakabahan ako lalo e. Nakita ko si Beth na nagmamadali at may kung anong tinuturo sa gilid ng hagdan, nilingon ko ito at may kung anong ipad na naka-dikit sa dingding. Anong klaseng teknolohiya na naman ito? Pinindot ko iyon at nagbago nga ang hagdan mula sa staircase ay naging smooth way. Napahinga ako ng malalim.

Tinulak ko na ito.

"I just want to say... sorry. I'm sorry." Saad ko out of nowhere hindi ko alam pero parang obligasyon kung humingi ng tawad. Pinagkakaisahan ko ang walag kamuwang-muwang.

"I don't mind it." Aniya. Natigilan ako, mukha iba ang pagka-intindi niya. I sighed. Ang bigat sa pakiramdam nito ah. Pero doon ko narealize ang sinabi niya, ganoon niya ba kamahal si Georgianna na ni isang sorry lang ay napatawad na niya agad? Tinitigan ko ang likuran ng ulo niya, maraming babae sa mundo na magkakandarapa sa lalaking ito but he chose to stay with that woman. Hindi ko alam na may ganitong lalaki pala...

Pagkababa ay bumungad agad sa amin ang apat na nag-alalang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako ng payak. Tinulak ko ito papasok sa kusina at pinwesto sa mesa.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko rito.

"Nakaluto na ako ng pananghalian kaya maupo ka na ng makakain na kayo." Mabilis na agap ni Manang at agad naman kaming nilapagan ng plato.

"Gusto ko ng menudo." Napatigil kaming lahat. Maging ako na papaupo na sana ay tumayo ako ulit. Nagkalingunan kami. "I want the one with pork liver." Dagdag pa nito at prenteng naka-upo.

"May ingredients po ba sa ref?" Agarang tanong ko na kinalaki ng mata nila at kinailing ng sabay. May mali ba akong nasabi? Pinagpapawisan na si Manang.

"You don't know how to cook." he elaborated that makes my knees weak. Una palang palpak na.

"I can watch tutorial. Marami iyon sa social media, I'm a fast learner." Kinakabahang sagot ko agad para hindi ito makahalata. Ito namang apat ay parang nakakita ng multo sa paraan ng pagbuntong hininga.

"Is that so?" Nakataas kilay nitong tanong.

I hummed. "Don't expect too much." I said at pinahalata talagang confident ako. Lumapit ako sa ref at binuksan ito, sinenyasan ko sila sa dapat nilang gawin. Kinuha ni Janice ang ipad at naghanap ng tutorial online, hinanda na rin ni Manang ang mga kakailanganin ko. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko sinerve sa harapan niya ang ulam.

"I finished it." Balita ko at napangiti nalang.

"Hmm..." Kumuha ako ng isang kutsara nito at nilapag sa kanin niya, susubuan ko na sana ito pero hindi niya binubuka ang bibig nito. Ang arte ng lalaking ito! Hindi siya bata!

"Open your mouth." Saad ko pero hindi ito nakinig. Lumabas na rin ang apat at iniwan kami pagkalabas nila ay siyang pagbuka rin ng bibig niya. Nahiya pa ang mokong. Hinintay ko ang sasabihin niya sa lasa pero hindi ito umimik.

"Water." Dali dali akong nagsalin at dahan dahang pina-inom dito. Para na rin akong may anak sa sitwasyon kong ito.

"How was it?" I asked.

"Not bad for a first timer." Napangiti nalang ako kahit hindi niya nakikita. All of my clients loved my dishes they always leave good reviews pa. I don't know bakit ako napangiti sa sinabi niya when in fact there's no reason for me to smile. "I'm still wondering with your changes. No one's around, George, be honest what is it this time?" Seryosong aniya.

I already think of it. "I just want to make up for my mistakes. I know I didn't treat you right so I'm sorry. I don't want your forgiveness because I don't deserve it pero hayaan mo akong pag-ipunan iyon para makuha ko balang-araw ang pagpapatawad mo." Saad ko, ako pa yata ang humingi ng kapatawaran sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa.

"Kailanman hindi ako nagtanim ng galit sa 'yo. I understand you, you are probably thinking a lot of things and I'm sorry for being this way, I'm sorry for being...useless." Parang kinurot ang puso ko sa sinabi nito. Bakit siya humihingi ng tawad?

Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko pero agad ko itong niyakap ng mahigpit.

"You are not useless and you will never be, tandaan mo iyan." Bulong ko. This time it's from my heart. Tama nga sila kung sino pa iyong mabait iyon pa ang sinasaktan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status