Ilang katok sa pinto ang nagpagising kay Vena. Awtomatiko niyang tinakpan ang kaniyang tenga para marinig ang walang sawang pagkatok ng kung sino man s aknaiyang pinto.
Who the hell is that? Inis na sambit niya sa kaniyang isip. Kasarapan pa lamang ng tulog niya ay iniistorbo na siya. Wala naman siyang lakad sa araw na iyon kaya hindi niya alam kung bakit may katok ng katok sa kaniyang pinto. Ilang sandali pa nga ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kaniyang silid. Gising na siya pero hindi pa nakadilat ang kaniyang mga mata. Nananatili pa rin itong nakapikit hanggang sa narinig na lamang niya ang isang tinig. “Maam Vena dumating na po si Sir Vin.” Nang marinig niya ang sinabing iyon ni Manang Sela ay kaagad na napamulat siya ng kaniyang mata at pagkatapos ay napabangon sa kaniyang kama at mabilis na tumayo at lumabas ng kaniyang silid. Halos takbuhin pa nga niya ang pababa ng hagdan sa sobrang excited niya. Paano ba naman dumating na ang Kuya Vin niya. Apat silang magkakapatid at ito ang panganay, meron pa siyang tatlong kapatid na pare- parehong mga lalaki. Siya lang ang nag- iisang unica hija ng pamilya nila at ang Kuya Vin niya ang pinaka- paborito niya sa lahat dahil ito ang pinaka- close niya. Ang turing kasi nito sa kaniya ay isa siyang prinsesa, pero kung tutuusin ay pare- parehas lang naman ang mga kapatid niya kung ituring siya pero ang Kuya Vin niya kasi ay in- ispoiled siya ng sobra. Isang taon ito sa America at hindi umuwi kaya na- miss niya ito ng sobra. “Kuya!” masayang sigaw niya ng makita niya ang kaniyang kapatid at pagkatapos ay nagtatakbo rito at yumakap. “My pretty little sister…” sabi nito at pagkatapos ay niyakap din siya. Nasa sala ito kasama ang tatlo pa niyang kapatid at ang kanilang ama. Ang tagal- tagal niyang hinintay na makabalik ito sa bahay nila at ngayon ay narito na ito sa harap niya. Isa pa ay darating pala ito pero wala ni isa man lang sa mga kapatid niya ang nakapagsabi sa kaniya. Hindi man lang siya sinabihan ng mga ito. “Laway- laway ka pa Vena.” naiilling na wika naman ni Luke, ang pangalawang kapatid niya. “Oo nga. Si Kuya lang pala ang makakapagpabangon sayo sa higaan.” natatawang komento naman ni Thirdy, ang pangatlo. “Kung makayakap ka naman kay Kuya Vin akala mo siya lang ang Kuya mo ah,” sabi naman ni Ceazar na siyang sinundan niya. Inirapan niya lang ang mga ito at pagkatapos ay tumabi sa kaniyang ama na nasa pinaka- gitnang bahagi ng sofa at pagkatapos ay niyakap ito at hinalikan niya ito sa pisngi. “Goodmorning Daddy.” masayang bati niya rito. Masayang- masaya talaga siya na sa wakas ay dumating na ang Kuya niya. “Magiging good talaga ang morning ni Daddy kung sasabihin mo na sa kaniyang pag- aaralan mo na rin ang pagpapatakbo ng kumpanya Vena.” natatawang sabi ni Thirdy sa kaniya. “Oo nga.” sabi naman ni Ceazar. Napahalukipkip na lamang siya at pagkatapos ay pinag- krus niya ang kaniyang mga kamay sa knaiyang dibdib. Mag- uumpisa na naman ang mga ito. Mamaya ay mag- uumpisa na naman siyang pangaralan ng kaniyang ama na kailangan na niya di- umanong pag- aralan ang pagpapatakbo ng kanilang kompanya dahil balang araw ay mamanahin niya ito. Ngunit ang lagi niya lamang sagot sa kaniyang ama ay hindi pa tamang oras na pag- aralan niya ang pagpapatakbo ng kumpanya nila. Besides ang dami niyang kuya na magpapatakbo ng kompanya nila kaya bakit niya pa kailangang pag- aralan iyon. Ang dapat lang sa kaniya ay ienjoy niya ang bawat araw na dumadaan sa buhay niya dahil bata pa siya. Narinig niya ang pagbuntung- hininga nga kaniyang ama kasabay ng pagbaba nito ng hawak nitong tasa sa lamesa at pagkatapos ay napatingi ito sa kaniya. Ito na nga ang sinasabi niya, mag- uumpisa na ito. “Vena my sweet princess, alam mo sa sarili mong malaki ka na…” pagsisimula niya. Siya na talaga ang nagsimula dahil memorize na memorize naman na niya ang linya ng knaiyang ama. Sa ilang taon ba naman nitong paulit- ulit nito iyong sinasabi ay naisaulo na niya. “Hindi habang buhay ay kasama mo ako, kailangan mo din talagang pag- aralan kung paano ang pagpapatakbo ng mga negosyo natin at isa pa ay dapat sa edad mong yan ay naghahanap ka na ng makakasama mo sa future mo…” sabi niya na nakapikit pa. Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahinang pagtawa ng mga kuya niya kaya napamulat siya ng kaniyang mga mata. Nakita niyang paiiling- iling lang ang Kuya Vin niya samantalang tatlo ay tumatawa lalo na si Ceazar. Nilingon niya ang kaniyang ama at nakita niyang nakatitig ito sa kaniya habang malawak ang pagkakangiti at pagkatapos ay napahawak na lamang ito sa noo at pagkatapos ay napailing. Wala naman talaga itong magagawa dahil kahit anong pakiusap nito sa kaniya ay hindi siya nakikinig, isa pa ay she’s still too young para ma- stress sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila. Gusto niya munang i- enjoy ang buhay niya bago niya harapin ang pagpapatakbo ng negosyo nila. “Princess, dapat ay nakikinig kay Daddy dahil tama naman ang sinasabi niya and yet, matanda ka na.” sabi ng kaniyang Kuya Vin na ikinasimangot niya. Akala pa naman niya ay kakampihan siya nito pero hindi siya nito kinampihan at talagang sinang- ayunan pa talaga nito ang kaniyang Daddy. Ang bilis namang nagbago ng Kuya niiya samantalang isang taon lang itong nawala at ngayon ay iba na ito. Awtomatiko namang humaba ang nguso niya dahil sa sinabi nito. “Akala ko pa naman Kuya bumalik na ang kakampi ko pero bakit parang nagbago ka na?” sabi niya rito. Napatingin siya rito at pagkatapos ay kitang- kita niya ang gulat sa mukha nito nang sabihin niya iyon at pagkatapos ay tila ba na- tense ito sa sinabi niya. Hindi niya alam kung anong oras na ng mga iyon pero sa tantiya niya ay hindi pa naman tanghali pero nakita niyang namuo ang mga pawis nito sa noo na akala mo kinabahan. Bigla siyang nag- alala dahil tila namuti din ito. “Okay ka lang ba Kuya?” sabi niya at tumayo mula sa kinauupuan niya at pagkatapos ay lumapit siya rito at sinalat ang noo nito kung mainit ba ito. “O- okay lang ako.” sagot nito sa kaniya at nginitian siya nito pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya at tinanggal sa noo nito. “Pagod lang siguro ako sa byahe, magpapahinga muna ako.” sabi nito at tuluyan na ngang tumayo mula sa pagkakaupo nito at pagkatapos ay tinungo nito ang hagdan paakyat. Sinundan niya lamang ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya pagkatapos ay bumalik sa kinauupuan niya kanina. “Bakit bigla yatang umuwi ng bansa si Kuya Vin, Daddy? Akala ko dalawang taon siya doon?” tanong niya sa kaniyang ama. Hindi niya nga pala iyon nagawang tanungin ito rito kanina dahil kung ano- ano ang pumasok sa isip niya. Isa pa ay inunahan siya ng mga kapatid niyang asarin kaya nakalimutan na rin niya iyong itanong. Napabuntung- hininga muna ito bago sumagot. “I don’t know either Vena. Nagulat din kami ng mga kapatid mo.” sabi nito sa kaniya. Napatingin siya sa lamesa ng mga oras na iyon. Bakit pakiramdam niya ay tila may kakaiba. Pero ipinilig na lamang niya ang kaniyang ulo para mawala sa kaniyang isipan ang mga bagay na iyon at pagkatapos ay bigla siyang napatayo ng maalala ang isang bagay. May date nga pala siya ngayon! Damn how did I forgot about it? Tanong niya sa knaiyang sarili habang nagmamadaling bumalik sa knaiyang silid upang maligo at mag- ayos. Ilang ulit siyang tinawag muli ng kaniyang ama ngunit hindi niya ito nilingon pa. Sinisiguro niyang ma- iinlove na sa kaniya ng tuluyan si Andrei. Ang isipin pa lang na magde- date silang dalawa ay kinikilig na siya, how much more kapag naroon na siya mismo. Napapikit siya at pagkatapos ay napa- imagine ng isang lamesa na may candle light pa at may flowers na may kasama pang malamyos na musika. How sweet! Sigaw ng isip niya at pagkatapos ay napahawak siya sa kaniyang mga pisngi. I am so excited! Bulong niya sa kaniyang isip at tuluyang pumasok sa kaniyang silid na malawak ang ngiti sa kaniyang labi.ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya.Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama.Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan.Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag sa
Halos ala-una na nga ng madaling araw nang makarating sina Andrei kung saan di umano itinago ni Ceazar si Vena. Medyo sa malayo sila pumwesto dahil baka mapansin ng mga tauhan ni Ceazar na may mga tao ngunit ang buong lugar ay pinalibutan na nila.Tanging si Cathy lamang ang lumapit sa mismong lugar dahil nga kilala naman siya ng mga tauhan ni Ceazar. Isa pa ay nakiusap ito na baka pwede raw na kausapin niya muna ito bago sila gumawa ng hakbang at may dala-dala itong maliit na chip para marinig nila ang magiging usapan nila.Kahit papano ay ayaw pa rin nitong masaktan si Ceazar sa kabila ng mga sakit na ibinigay at ang pagtalikod nito sa kanilang dalawa ng nagpanggap na si Vin. Kapag hindi ito pumayag na makipagkooperasyon ito ay tyaka sila gagawa ng hakbang. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at tumitig sa kadiliman na nasa kanilang harapan.…Napalunok si Cathy nang maiparada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng pinagtataguan ni Ceazar. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hin