ZAHARA ENRIQUEZ POINT OF VIEW Nanginginig ang buo kong katawan sa takot habang nakasakay ako sa taxi. Hindi ako okay at feeling ko anytime ay mag-rerelapsed ako. Ayoko nang abalahin ang asawa ko. Wala akong balak na sabihin sa kaniya itong nangyari sa akin. Panay ang dasal ko na sana ay okay si baby. Hindi kasi pwedeng mawala siya. Siguradong malulungkot ang asawa ko at guguho ang mga pangarap ko. Siguradong ma-didisappoint ng husto si Dos. Sabik na sabik pa naman siyang magkaanak kaya hindi pwedeng mawala ang batang nasa sinapupunan ko. Pagdating ko sa ospital ay bumili agad ako ng facemask sa pharmacy para maitago ang mukha ko mula sa mga posibleng makakakilala sa akin. Pagkatapos noon ay tinawagan ko muna ang mommy ko para ipaalam na nandito ako sa ospital at kailangan niya akong puntahan dito. Sunod kong tinawagan ay ang Doktor ko. Pinaupo muna ako ng nurse habang kinukuhaan ako ng info. Hindi ko binigay ang totoong pangalan ko para kung ano't ano man ang mangyari ay wa
MARIYA MARIA POINT OF VIEW "Anak, magtago ka. MAY PULIS! MAY PULIS DOON SA MAY TINDAHAN. HINDI KAYA IKAW YUNG HINAHANAP NILA? SA TINGIN KO KAILANGAN NA NATING MAKAUWI NG PROBINSYA SA LALONG MADALING PANAHON. BAKA IPAPAKULONG KA NA NG ASAWA NG BOSS MO!" Kasalukuyan akong nag-eempake sa loob ng kwarto at biglang pumasok ang inay. Humahangos siya at sinasabing may pulis daw sa may tindahan at pakiramdam niya ay ako ang hinahanap nito. Sa totoo lang, natakot talaga ako. Punong-puno ng takot ang puso ko. Alam kong hindi papayag ang asawa ng CEO hanggang hindi ako naipapakulong. Sinira ko ang relasyon nila bilang mag-asawa at may ebidensya siya laban sa akin. Takot ha takot ako. Ngayon ko naiintindihan ang kapalit ng kasalanang nagawa ko at Lubos ko na itong pinagsisisihan. Dati problema lang namin ay makakain ngayon ay mas lumaki pa ang problema. Ayokong takasan ang mga Pulis pero hindi ko kayang makulong. Nagmahal lang naman ako pero itinatama ko na ang nagawa kong pagkakamali.
Mahirap pero hindi sumusuko si Dos at matiyaga niyang sinusuyo ang asawang si Zahara. Pilit niyang itinatama ang mga pagkakamali at inaayos ang pamilya. Nagpapakatino siya alang-alang sa magiging anak nila na ngayon ay nasa sinapupunan ni Zahara. Kahit anong hilingin ni Zahara ay ibinibigay ni Dos. Kahit anong gustong kainin ay ibinibili niya. Sobrang maalaga niya sa maselang naglilihing asawa. "Ammm... sa party. Sa Anniversary sa party kaya mo bang umattend? gusto ko kasing kasama ka. Pero kung hindi mo kaya okay lang." tanong niya Jay Zahara. Sabay sila ngayong nag-aalmusal. "Syempre, kaya ko. Sasamahan kita." sagot naman ni Zahara na palihim na kinikilig. Gusto niya ang Dos ngayon na extra sweet at caring sa kaniya. feel na feel niya ang mga efforts na ginagawa nito para sa kaniya. "Talaga?! good! very good! Gusto ko talagang ma-witness mo yung Program. So, paano, bukas na 'yon, ha? Magpahinga ka lang maghapon para kondisyon ang katawan mo bukas. Alis na 'ko. I love you!" m
I hate my self for surrendering too early. Gusto ko pa sanang patagalin ang pagsuyo sa akin ng asawa ko. Gusto ko pang makita na nagsisisi na talaga siya sa nagawa niya pero si Dos kasi yung tipo ng tao ba hindi titigil hanggang hindi nakukuha yung gusto. Mapabagay man yan o anu pa man hindi niya talaga titigilan. Marupok na kung Marupok pero sino ba naman ang ayaw na maayos pa ang pagsasama niyong mag-asawa. Humingi naman na ng sorry at nagsisi naman na. Sino ba naman ang magmamatigas pa lalo na sa katulad ng asawa ko na pinapangarap ng maraming babae. Ayoko rin naman na mapunta siya sa iba kaya kahit hindi pa ako totally healed ay pinili ko pa ring magpatawad lalo pa at magkakaanak kami. Ngayong gabi, kasabay ng pagsuko kong muli sa pagkababae ko ay kasabay rin nang pagpapatawad ko sa kaniya. Wala, eh. Marupok talaga. Kaunting lambing, kaunting i love you, bumigay na agad. Aminin niyo, hindi lang ako yung ganito. Hindi lang naman siguro ako yung lumunok ng pride dahil lang inay
JOHN DOS ENRIQUEZ POINT OF VIEW I GUESS, Things fell into places. Mariya is gone at wala nang dahilan pa para hanapin ko siya. Isa siyang malaking pagkakamali na dapat ko nang kalimutan. After we broke up, inabandona na niya ang binigay kong condo unit sa kaniya kasama ang mga binigay kong iilang alahas sa kaniya. Nabalitaan ko rin na wala na sila sa dati nilang tinitirhan. Nagpakalayo layo na siya at hindi ko na siya dapat hanapin pa dahil tinapos na namin ang kung anuman ang namamagitan sa amin. To be honest, I'm still into her. Impokrito ako kung sasabihin kong kaya ko siyang kalimutan agad. Hindi. Hindi yon Madali lalo pa at matindi talaga ang naging tama ko sa kaniya. I wanted to give her more. more love and material things kung kaya niya lang pumayag sa set up na kaya kong i-offer sa kaniya. Ibang kasiyahan ang naparanas na niya sa akin to the point na hindi ko na mahanap yon sa asawa ko. Bagay na maling mali na nangyari. Mahal ko naman siya pero hindi ko kayang makipagh
MARIYA MARIA POINT OF VIEW The moment I decided na tapusin na ang relasyon ko sa CEO ay kasama rin non na tinalikuran ko ang mga materyal na bagay na ibinigay niya sa akin. Ang mga alahas ay iniwan ko nang lahat sa condo unit. Hindi madali para sa akin ang mag-move on lalo pa at napamahal na talaga ako ng husto kay Dos. Sa kaniya ko naranasan ang lahat ng una ko. Unang karanasan sa kama at unang pagkawasak ng puso. IM A LOSER! Sa laban na ito, hindi na ako lumaban. Sa laban kasi na ito, una pa lang ay alam ko nang talo ako. Oo naging masaya naman ako sa piling ni Dos pero aanhin ko naman ang kasiyahan na 'yon kung alam kong may ibang nagdurusa dahil lang sa naging makasarili ako. Ngayon ko naiisip ang lahat ng nagawa ko. Isang mabigat na pagkakamali na habang buhay kong pagsisihan. I become a mistress once. Im a sinner. Lahat ng ito'y inihihingi ko ng tawad sa Diyos. "Patawarin mo po ako!" Hanggang ngayon ay iyak pa rin ako mg iyak dito sa loob ng kwarto. Mahal ko pa rin si D