Share

Kabanata 4

Author: KYOCHIEE
last update Last Updated: 2025-10-25 11:48:42

Kabanata 4: Hickey

Dire-diretso lang ang lakad ko palabas ng gusali. Ni hindi ko pinansin ang pagsalubong sa akin kanina ni Boss sa may bulwagan. Pumara na ako ng taxi at umuwi na sa apartment.

“Oh? Ba’t ang shungit ng awra natin? Hindi ka pinautang?” Sha asked as she opened the gate for me.

Umiling lang ako at nilagpasan siya. Nakita ko ang bahagyang pagtataka sa mukha niya pero tahimik lang siyang sumunod sa akin sa loob.

“Ugh!” I hissed as I dropped myself onto the sofa.

“Ayy, high blood ang atake natin, ’te? Ano ba’ng nangyari?”

Inis kong nilingon si Sha na para bang sa kaniya ako galit. Nginiwian niya ako saka naupo sa tabi ko.

“Nainis lang ako. Sana hindi na lang ako pumunta doon. Badtrip!”

“Hm…” Tumango siya, tila naintindihan ang pinaghuhugutan ko kahit wala pa man akong sinasabi. “Eh, ’di hindi ka nga pinautang?”

Sumandal siya sa backrest ng sofa at umiling-iling. She probably thinks I am mad at Boss.

“Hayaan mo na ’yon. Kailan mo ba kailangan ng dats? Baka puwede kong kausapin ’yong wrestler kong boylet. Shala ’yon, ’te, kaya sure akong makakautang tayo doon.”

Problemado akong napapikit nang maalala sina Mama dahil sa tanong niya.

Buwisit na drug lord na ’yon! Kung sana hindi siya biglang sumulpot doon at nag-offer pa ng ganoong kahalayan, nakautang na sana ako kay Boss.

Patawarin mo ’ko, Niko, pero kuhang-kuha talaga ng kuya mo ang inis ko.

“Ano, ’te? When mo ba kailangan? Ite-text ko na sa boylet kong ’yon.”

Nabaling ulit ang atensyon ko kay Sha. Hawak na niya ang kaniyang cellphone, tila handa na ngang i-text ang kung sinumang tinutukoy niyang wrestler.

“Wala pa namang sinasabi si Mama kung kailan dapat ako magpadala, pero alam mo naman ’yon. As much as possible, kailangan makapagpadala na ako,” sagot ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sana nga, utangan ako ng boylet ng babaeng ’to. Sisipagan ko pa lalo sa trabaho nang mabayaran ko rin agad.

Tinanguan ako ni Sha at nagsimula nang magtipa sa kaniyang cellphone. Kinalma ko ang sarili matapos kong sumandal din sa sofa.

Bigla ko na naman naalala ang drug lord na ’yon.

Sana iyon na ang una’t huling pagtatagpo namin. Naiinis ako sa kaniya, pero hindi ibig sabihin noon ay gugustuhin ko nang mainis sa kaniya nang matagal. Kapatid pa rin siya ni Niko, kaya para iwas-gulo na rin, hinihiling ko na sana sa mga oras na ito ay natauhan na siya. Natanto na rin sana niya na kabastusan talaga sa kapatid niya ang gusto niyang mangyari.

Pero… hinayaan ko siyang halikan ako kanina.

Kusang lumukot ang mukha ko at napaayos bigla ng upo. Kung bakit ba naman!

Malandi ka, Sunny! Bakit hindi ka man lang nagpumiglas?! Oo, nagpumiglas ka pero hinayaan mo pa rin siya! Hinintay mo pang bumaba sa leeg mo ang halik niya bago ka natauhan?! Anong klaseng pag-uugali ’yon?!

Napakapa ako sa leeg at pinakiramdaman ang bandang pinagdiskitahan ng sumpain niyang labi.

Mabilis akong tumayo at humarap sa nakasabit na salamin sa tabi.

“Fvck!” Bigla akong napamura nang makita kong may bakas doon ng kaniyang halik.

Ang kampon ng satanas na ’yon! Talagang nilagyan pa ako ng— ugh!

Naghanap ako ng wet tissue at sinubukang punas-punasan ang bandang iyon. Nalingunan ko sa salamin si Sha nang tumayo siya sa inuupuan at kuryosong lumapit sa akin.

“Ano ’yan, chikinene?” usisa niya.

Pasimple kong tinabunan ng buhok ang leeg ko pero ang babae, hinawi niya lang iyon at tinitigan pa ng maigi. Now she looked even more curious than before.

“Nakipagchukchakan ka kanina? Kaya ba inis na inis ka?”

Binalik ko ang pagkakatabon ng buhok ko sa leeg at tinapunan siya ng tamad na tingin.

“Mukha ba akong makikipagchukchakan sa tabi-tabi?” I asked flatly. “Ano lang ’to, um… lamok.”

Malaking lamok na nang-iiwan ng chikinene kamo! Buwisit na ’yon!

“Aysus!” Malisyoso niya akong sinundot sa tagiliran. “Nagpa-extra service ka na, ’no?”

“Ano ka? Hindi, ’no!” depensa ko.

Nirolyohan ko na siya ng mata nang paningkitan niya ako, halatang tinatak na sa utak na nakipagchukchakan nga talaga ako. Tsk.

“Mag-bestify tayo kaya sige na. Umamin ka na,” pangungulit pa niya.

Tinalikuran ko na lang siya at iniwan sa tapat ng salamin. Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa. Balak pa ata niya akong kulitin ulit kaso hindi na natuloy dahil biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

“Si wrestler, tumatawag,” deklara niya. “Sagutin ko lang.”

Umalinsunod ang mata ko sa pigura niya nang pumasok siya sa kusina at doon na nakipag-usap.

Sana, totoong papautangin na ako. Pakiramdam ko pa naman ay nakabuntot sa akin ang kamalasan ngayong araw.

Wala kasing magandang nangyari ngayong araw. Mabuti na lang, to the rescue agad itong si Sha.

May pagkataklesa, mahadera, at pagkamataray siya pero grabe talaga siya magmahal at magmalasakit, hindi lang bilang kaibigan, bilang tao rin.

Hindi man ako nakautang kay Boss kanina, handa naman akong tulungan ng babaeng ’yan. Sapat na ’yon para masabi kong kahit papaano ay may magandang nangyari din sa araw na ito… siguro.

"Nandiyan na pala siya sa labas. Papasukin ko lang, ha?" bigla siyang sumulpot mula sa kusina.

Usually, kapag ganitong may pinapapasok siyang iba, lalo na kapag client niya, awtomatiko na akong umaakyat sa kuwarto. Pero dahil ako naman talaga ang may kailangan sa tinutukoy niyang wrestler, nararapat lang na manatili ako at makipag-usap doon.

Nagmadali na si Sha papunta sa labas kaya tumayo na rin ako para i-welcome ang lalaki niya maya-maya lang.

Dumaan pa kasi ako saglit sa salamin para tingnan ang sarili kong ayos. I made sure my straight hair completely covered the hickey that drug lord left before I joined Sha at the gate.

Naabutan ko siyang binubuksan na ang gate. Tumayo ako sa tabi niya at hinanda ang banayad kong ngiti nang sa wakas ay nabuksan na niya ang gate.

Kaso agad din iyong napawi nang makita kong hindi lang isang tao ang pinagbuksan namin ng gate.

"Ayy, may kasamang chupapi!" parang tangang tili ni Sha.

Literal na lumukot ang mukha ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Zale.

The fvck is he doing here?!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SLAVE OF THE DRUG LORD (SPG/TAGALOG)   Kabanata 12

    Kabanata 12: HateNagpatuloy na ako sa paglabas at piniling magkulong sa kuwartong pinanggalingan kanina. Wala pang ilang minutong nakakalipas ay nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan.May hinala na akong baka si Sha iyon, at dahil inis pa ako sa kaniya ay hindi ko na siya pinagbuksan.Si Niko... siya ang naiisip ko ngayon.Ano na kaya ang naiisip niya tungkol sa nangyayari sa akin ngayon?Galit ba siya, o ‘di kaya ay nalulungkot kasi wala siyang magawa para iligtas ako rito?Siyempre, nalulungkot siya ngayon... ganoon ako kaimportante sa kaniya, e.Siguro kung buhay pa siya, malabong mangyari ito sa akin.Hindi sana ako magkakaproblema sa pera. Bukod doon, baka wala akong kontratang pinirmahan kanina.O kung gawin man ‘to sa akin ng kapatid niya kahit buhay pa siya, panigurado magagalit siya nang matindi sa satanas niyang kuya kahit hinahangaan niya iyon.Para kasi sa kaniya, ako ang nangunguna sa priority niya bago ang lahat. Iyon lang, at hindi niya maiwan-iwan ang kinalakhan na nil

  • SLAVE OF THE DRUG LORD (SPG/TAGALOG)   Kabanata 11

    Kabanata 11: First LadyInagaw ko na lang pabalik ang papel kay Sha at diretsong pinermahan iyon. Pumalakpak naman ang bruha sabay yakap sa akin nang mahigpit."I'm so proud of you na talaga! Sa wakas, madidiligan ka na!"Tinulak ko siya at sinamaan ng tingin. Pero ang loka, tiningnan lang ako nang inosente na para bang mali pa na ganito ang naging reaksyon ko sa bulalas niya.Ano ba’ng ini-expect niya? Na papalakpak din ako sa tuwa dahil magiging parausan na ako ng dati niyang kaklase?! Kalokohan.Paano ako maniniwalang dati siyang alagad ng batas kung itong mismong sitwasyon ko ay pinapalakpakan pa niya?"Uy, anong problema?" nag-aalala niyang tanong nang mas lalo pang tumalim ang tingin ko sa kaniya. "Sobrang happy ko lang para sa’yo, kasi sa totoo lang... naaawa na ako sa’yo. Alam ko kasi ang pakiramdam ’pag walang dilig—""Ano?!" Napatayo na ako. "'Yan talaga ang nasa utak mo?!"Napahawak na siya sa dibdib, waring nagulat sa pagtaas ng boses ko."Eh, ano ba dapat?" she replied, c

  • SLAVE OF THE DRUG LORD (SPG/TAGALOG)   Kabanata 10

    Kabanata 10: ClassmateParty A: Zale GallardoParty B: Chayo WangTerms and Conditions:1. Party B agrees to comply with all personal requests of Party A, at any time and in any place.2. Party B shall not engage in intimate relations with anyone other than Party A.3. Any refusal to comply will result in Party B paying Party A a penalty of ₱50,000,000 (Fifty Million Pesos) immediately.4. Party A guarantees the safety and financial support of Party B’s family as long as this contract is honored.5. Party B acknowledges that signing this contract is voluntary and binding, with no exceptions.Effective immediately upon signature.Signature – Party B: _______________________Signature – Party A: _______________________Paulit-ulit kong binabasa ang nakasulat sa hawak kong papel. From the terms, the language, and everything, I understood it, but I still tried to find a loophole so I wouldn’t have to sign.Napapabuntong-hininga na lang ako at napapahigpit ng hawak sa gagamiting ballpen."

  • SLAVE OF THE DRUG LORD (SPG/TAGALOG)   Kabanata 9

    Kabanata 9: AgreementNalipat ang atensyon namin ni Sha sa mga armadong guwardya nang may isa sa kanila na naglakad palapit sa gawi namin. Inabutan nito ng dalawang pistol si Zale, na tinanggap naman agad ng satanas. Umalis din agad ang guwardya at bumalik sa mga kasama.Nakasunod lang ang tingin namin ni Sha kay Zale nang balingan niya ulit kami.“You can use these to kill them all,” kaswal niyang sabi, sabay abot sa amin ng dalawang pistol."Hoy, brod. Aanhin namin 'yan?" komento agad ni Sha.Katulad ko, gulat din siya at nakatingin sa baril na nakalahad sa harap namin. Ang pinagkaiba lang namin ay hindi ko nagawang makapagsalita.What the hell is he thinking?!“In order for you to leave this place, you can use them to shoot. I’ll give you a one-minute head start before I let my men shoot back,” he explained as if it were the most natural thing in the world."Huh? Bakit kailangan may ganyan?" usisa ni Sha, nilingon pa ako.Mula sa dalawang baril, umangat ang tingin ko sa mukha ni Za

  • SLAVE OF THE DRUG LORD (SPG/TAGALOG)   Kabanata 8

    Kabanata 8: KillHuminga ako nang napakalalim saka ko pinakatitigan ng mariin si Sha. Katulad kanina, bakas na bakas pa rin ang tuwa sa kaniyang mukha."Baliw ka ba?!" sigaw ko na sa mukha niya.Nawala ang abot-hanggang-tainga niyang ngiti at napalitan ng pagkakatikom ng bibig."Tuwang-tuwa ka pa na kinidnap tayo?! Really, Shanchi?!" dugtong kong sigaw na mas lalong ikinatahimik niya.Minsan ko lang siya tawagin sa buong pangalan kaya alam kong alam na niyang naiinis na naman ako sa kaniya.Bahagya kong nalingunan ang pagsenyas ni Zale sa mga katulong na lumabas na. Agad naman silang sumunod."M-May ganito palang pag-kidnap?" nauutal na tugon ni Sha. "Huwag ka namang KJ d’yan, oh."Pikon ko siyang tiningnan."I can’t believe you!" singhal ko pa. "’Di porket pinasuot ka na ng mamahaling damit ay hindi na kidnapping ito. Wala tayong malay noong dinala nila tayo rito!"Nangunot ang noo niya, saka nilingon ang tahimik na nakatingin sa aming lalaki."Totoo ’yon, Brod Zale?" tanong niya sa

  • SLAVE OF THE DRUG LORD (SPG/TAGALOG)   Kabanata 7

    Kabanata 7: Golden CagePagmulat ko ng mga mata, unang bumungad sa akin ay isang hindi pamilyar na kisame.Imbes na ang may kalumaan na naming kisame ni Sha, bagong-bago at puting-puting kisame ang nakikita ko ngayon. It was also framed with gold linings that glimmered under the soft light of the chandelier above me.Ilang beses akong kumurap-kurap, inaakalang baka nananaginip lang ako. Pero totoo nga ang nakikita ko ngayon.Ang huli kong naaalala ay may naramdaman akong itinusok na parang karayom sa leeg ko, dahilan upang mawalan ako ng malay.Nilibot ko ang paningin sa hinihigaang kama. It was a king-sized bed with silk sheets that smelled faintly of lavender and money. Ang ganitong klaseng kama ay tanging ubod ng yaman lang ang may kakayahang magkaroon.Seryoso, nasaan ako?Sunod kong ginawa ay pinakiramdaman ko ang sarili. Bukod sa nalilito ko pa ring utak kakaisip tungkol sa kinaroroonan ko, wala naman akong maramdamang kakaiba sa buong katawan ko. Walang masakit sa akin, at wala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status