LOGINKabanata 3: Kiss
Sa sobrang pagiging satanas niya, parang ginamitan niya ako ng hipnotismo dahil hindi na ako nakapagsalita. Napatitig na lang ako sa kaniya habang nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya. We sinners only do forbidden doings... Niko will understand... One hundred million... Kusa akong umatras at napailing na lang sa kaniya. "It's still no, Zale," sagot ko nang nahagilap ko na ang boses ko. He pursed his lips, studying my entire face like there was something wrong with how it was made. "Sabi ko, ayaw ko," tinagalog ko na nang hindi siya umimik. “Just name your price. I’m not taking a no for an answer,” aniya, patuloy pa ring sinusuyod ng tingin ang buong pagmumukha ko. God, he’s making me self-conscious! Dahil sa ginagawa niya ay parang gusto ko na tuloy manalamin at tingnan kung may dumi ba ako sa mukha. Nag-iwas na lang ako ng tingin at bumalik na sa harap ng pintuan. "No is no, Zale. Iyon na ang sagot ko," giit ko. "Then why?" Hinawakan na naman niya ako sa baba at kusa niyang pinaharap sa kaniya ang mukha ko. Nainis ako kaya padarag kong tinanggal ang kamay niya. Nginisian lang niya ako, matalim ko naman siyang tiningnan. Nanadya na talaga siya! "Alin ba sa no, hindi, at ayaw sa mga sagot ko ang hindi mo maintindihan?" singhal ko. “Yes, I’m a sinner, but I’m not at your level to accept your disgusting offer. Kung ikaw, kaya mong ’di respetuhin kapatid mo, puwes, ako hindi! Malinaw na ba sa’yo ’yon?" mahaba kong litanya na inilingan na naman niya. Hay naku! “Hindi mo pa rin maintindihan?” hindi makapaniwalang tanong ko. Umiling na naman siya. “All I understand is when you finally say yes,” he replied. Napapadyak ako sa inis. Ang kulit, grabe! "Ayaw ko nga, Zale! Bakit ba pinagpipilitan mo? Ano, dahil ba nagandahan ka sa akin? Sa katawan ko? Ano? Ang daming mas maganda dito. I can offer you one!" Isang iling ulit ang natanggap ko mula sa kaniya. Ano ba ’yan! “Alam mo, ikaw?” inis ko na siyang dinuro. "Ngayon lang tayo nagkita pero kuhang-kuha mo na ang inis ko. Ayaw ko nga kasi! May karapatan akong umayaw kaya ayaw ko!" Hindi siya natinag. Sa halip ay parang mas nabuhayan pa siya. "One hundred fifty million, still no?" Ugh! "Kahit isang bilyon pa ’yan, ayaw ko pa rin! Hindi mabibili ng pera ang respeto ko sa kapatid mo! Kilabutan ka nga!" Akala ko, iiling na naman siya, pero hindi. Sandali siyang napatitig na naman sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang salitang lumabas sa bibig ko. Natauhan na siguro siya. "Oh, gets mo na?" mahinahon ko nang tanong. "Ngayon, puwede na ba akong lumabas? Lumabas na si Boss, oh. Baka mamaya—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang bigla na lang siyang tumawa nang marahan. Umiling-iling pa siya, tila may kaaliw-aliw na naganap sa harap niya. Feeling ko talaga nag-droga muna siya bago pumunta dito. Tumatawa kahit walang nakakatawa? “You act as if you really loved Niko,” aniya sa pagitan ng kaniyang mga tawa. Wait, what?! Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Napaayos ako ng tayo at tinaasan na siya ng kilay. Seriously, I feel so insulted. "Anong ibig mong sabihin diyan?" I challenged, my tone sharp. One wrong word from him and I swear, I don’t care if he’s the so-called king of the underworld, but I’ll smack him right across that smug face. “Let’s be real here, Chayo,” he said, sounding so sure of himself. Parang gusto ko tuloy siyang birahin agad sa mukha. Kinuyom ko na ang kamao ko, paghahanda sa balak kong gawin sa kaniya. Bahagya siyang napangisi nang sandali niyang masulyapan ang pagkakakuyom ng kamao ko. "Hindi mo naman talaga minahal ang kapatid ko," pagpapatuloy niya, sa mukha ko na siya nakatingin. “You just loved the thrill. The money. The influence. And the life he gave you.” That’s it. Pumihit na ako at bumwelo para birahin na siya, ngunit bago ko pa maitaas ang kamao ko ay agad niya itong hinuli, sabay sandal sa akin nang madiin sa likod ng pintuan. Napatingala ako nang walang kahirap-hirap niyang idiniin ang hawak niyang kamay ko sa bandang taas ko. What the hell? "Dapat nga libre na kitang kukunin," he murmured, his voice dangerously low. “Just be grateful that I still gave you a price because of your pretty face." I glared up at him while he loomed over me. Gusto ko siyang itulak sa dibdib dahil halos magdikit na ang mga katawan namin, pero dahil sa lakas ng puwersa niya ay hindi ko magawa. Hawak pa niya ang isa ko pang kamay. Inipit naman niya ito sa likod ko. "Minahal ko si Niko!" pasigaw kong sambit. "At malaki ang respeto ko sa kaniya. Kung tingin mo ay—" "Nauna lang siya sa'yo, Chayo..." putol na naman niya. "Nauna lang siya sa'yo, pero mas higit pa sa pinaranas niyang buhay sa'yo ang kaya kong ibigay." Oh my God. Pabobo na siya ng pabobo sa paningin ko, sa totoo lang. I can’t believe this man is the one they call the most powerful in the drug empire. Parang nawawalan ng saysay ang titulo kung ganito lang din pala siya kabobo. Nagpumiglas ako sa hawak niya para makaalis sa pagkakadiin niya sa akin sa pintuan, pero mas lalo lang niya akong idiniin doon. Damn this demonic drug lord! "Ano bang gusto mong mangyari, ha?!" singhal ko, nanatiling matalim ang tingin ko sa kaniya. Bahagya niyang pinilig ang kaniyang ulo upang pantayan ang paningin ko. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. “I repeat. I need you… to be my personal sex slave,” dahan-dahan niyang tugon. "Hindi ako bingi para 'di ’yan marinig kanina pa. Ang tinutukoy ko, ano bang pakay mo sa akin para gawing parausan mo, ha? Ano, dahil din ba sa kapatid mo?" Sandali siyang natigilan. Ang kaninang suot-suot niyang nanunuyang ngisi ay nawala nang mabanggit ko ang kapatid niya. Mabigat na ang binibigay niyang tingin sa akin ngayon. I scoffed bitterly. "Tama ako, ’no?" pangungutya ko. "Gagawin mo ’kong parausan para maipaghiganti mo ang kapatid mo sa akin, kasi iniisip mo na may kinalaman talaga ako sa pagkamatay—" Natigil ako nang bigla niya akong hinalikan. Sa gulat ko ay basta na lang ako napapikit ng mariin habang ramdam na ramdam ko ang paninigas ko sa kinatatayuan ko. Agad din akong napadilat nang humiwalay siya sa akin. What the hell did he just do?! Limang segundo lang ang itinagal ng kaniyang labi sa akin, pero para na akong naubusan ng hininga sa bilis ng paghinga ko. "You fucking—" Mumurahin ko sana siya nang halikan na naman niya ako. Nagpumiglas ako, pero mas lalo lang niyang diniinan ang pagkakahalik sa labi ko, ganoon din ang pagkakasandal niya sa akin sa pintuan. Ang kamay niyang nakagapos sa kamay kong nasa itaas ay unti-unti niyang pinadausdos pababa hanggang sa tumigil ito sa balikat ko. Marahas akong napasinghap nang sunod niyang ginawa ay bahagya niyang ibinaba ang strap ng suot kong crop top. Pagkatapos ay inalis niya ang kaniyang labi sa akin at ang kaninang puwesto ng strap ng damit ko ang hinalikan na naman niya. This is so... Nagdulot ng kaunting kiliti ang halik niyang iyon, at sa hindi malamang dahilan, tinabingi ko ang aking ulo upang mabigyan pa siya lalo ng access sa leeg ko. Dahil doon ay malaya niyang pinadulas ang kaniyang halik papunta sa ilalim ng panga ko. Fuck! I hate him for doing this to me... but why does it feel so damn good? "Z-Zale... stop it, please," halos paungol ko nang pigil sa kaniya. He didn't listen. Instead, he licked it then sucked it like a vampire who thirsts for blood. Hindi ko alam kung dahil ba tigang na ako kaya ayaw ko siyang patigilin nang lubos, o baka dahil gusto ko lang din? Simula nang mamatay ang kapatid niya, ngayon pa lang ako nakaranas ng ganito. Magsisinungaling ako sa sarili kung sasabihin kong hindi ko hinahanap-hanap ang ganitong kiliti. Buwisit! Tuloy-tuloy lang siya sa paghalik sa ilalim ng panga ko. Lumuwag na rin ang pagkakagapos niya sa dalawang kamay ko kaya kusa na akong napakapit sa magkabilang balikat niya. Oh my god. His kisses feel like a storm, reckless and unstoppable. Bahagya ko pang naamoy ang panlalaki niyang pabango. Para itong dumagdag sa eksena namin kaya mas lalo akong napakapit sa kaniya. I hate him! I hate that he can affect me this way, that his kisses can pull me into chaos. Napapikit na ako. Ganoon na lang ang pagtigil ng paghinga ko nang dakmain niya ang puwet ko. Mabilis akong napadilat at taranta ko siyang naitulak. Sa hindi malamang dahilan, biglang sumalida sa utak ko ang mukha ni Niko. Kung paano niya ako hawakan. Kung paano niya halik-halikan ang iba’t ibang parte ng katawan ko. At kung paano niya sa akin iparamdam ang kasiyahan ng isang simpleng halik lang niya. Lahat ng iyon, basta ko na lang naisip sa loob lamang ng ilang segundo. “Kanina ko pa sinasabi na tumigil ka na!” tiim-bagang kong sigaw kay Zale. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko habang inayos ko na sa dati ang strap ng damit ko. Tumikhim siya at umayos ng tayo, saka ako pinakatitigan nang mariin. “I just tried to erase our kisses,” he said calmly. “Anong erase? Sa pamamagitan ng pagsipsip sa leeg ko, gano’n?” hindi makapaniwala kong tanong. Walang alinlangan siyang tumango. “That kiss wasn’t part of my plan. Don’t worry, it won’t happen again.” Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ang sinabi niya o maiinsulto na lang ako. Kung makapagsalita siya nang gano’n, akala mo talaga ako ang nag-initiate ng halik. Sino ba sa’ming dalawa ang bigla na lang nanghahalik? Hindi ba siya? Ang kapal! “Eh ’di mabuti!” singhal ko. “Talagang last mo na ’yon! My answer is still no, kaya goodbye!” Tinalikuran ko na siya at lumabas na. Badtrip! Gusto kong magmura sa sobrang badtrip, kainis!Kabanata 12: HateNagpatuloy na ako sa paglabas at piniling magkulong sa kuwartong pinanggalingan kanina. Wala pang ilang minutong nakakalipas ay nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan.May hinala na akong baka si Sha iyon, at dahil inis pa ako sa kaniya ay hindi ko na siya pinagbuksan.Si Niko... siya ang naiisip ko ngayon.Ano na kaya ang naiisip niya tungkol sa nangyayari sa akin ngayon?Galit ba siya, o ‘di kaya ay nalulungkot kasi wala siyang magawa para iligtas ako rito?Siyempre, nalulungkot siya ngayon... ganoon ako kaimportante sa kaniya, e.Siguro kung buhay pa siya, malabong mangyari ito sa akin.Hindi sana ako magkakaproblema sa pera. Bukod doon, baka wala akong kontratang pinirmahan kanina.O kung gawin man ‘to sa akin ng kapatid niya kahit buhay pa siya, panigurado magagalit siya nang matindi sa satanas niyang kuya kahit hinahangaan niya iyon.Para kasi sa kaniya, ako ang nangunguna sa priority niya bago ang lahat. Iyon lang, at hindi niya maiwan-iwan ang kinalakhan na nil
Kabanata 11: First LadyInagaw ko na lang pabalik ang papel kay Sha at diretsong pinermahan iyon. Pumalakpak naman ang bruha sabay yakap sa akin nang mahigpit."I'm so proud of you na talaga! Sa wakas, madidiligan ka na!"Tinulak ko siya at sinamaan ng tingin. Pero ang loka, tiningnan lang ako nang inosente na para bang mali pa na ganito ang naging reaksyon ko sa bulalas niya.Ano ba’ng ini-expect niya? Na papalakpak din ako sa tuwa dahil magiging parausan na ako ng dati niyang kaklase?! Kalokohan.Paano ako maniniwalang dati siyang alagad ng batas kung itong mismong sitwasyon ko ay pinapalakpakan pa niya?"Uy, anong problema?" nag-aalala niyang tanong nang mas lalo pang tumalim ang tingin ko sa kaniya. "Sobrang happy ko lang para sa’yo, kasi sa totoo lang... naaawa na ako sa’yo. Alam ko kasi ang pakiramdam ’pag walang dilig—""Ano?!" Napatayo na ako. "'Yan talaga ang nasa utak mo?!"Napahawak na siya sa dibdib, waring nagulat sa pagtaas ng boses ko."Eh, ano ba dapat?" she replied, c
Kabanata 10: ClassmateParty A: Zale GallardoParty B: Chayo WangTerms and Conditions:1. Party B agrees to comply with all personal requests of Party A, at any time and in any place.2. Party B shall not engage in intimate relations with anyone other than Party A.3. Any refusal to comply will result in Party B paying Party A a penalty of ₱50,000,000 (Fifty Million Pesos) immediately.4. Party A guarantees the safety and financial support of Party B’s family as long as this contract is honored.5. Party B acknowledges that signing this contract is voluntary and binding, with no exceptions.Effective immediately upon signature.Signature – Party B: _______________________Signature – Party A: _______________________Paulit-ulit kong binabasa ang nakasulat sa hawak kong papel. From the terms, the language, and everything, I understood it, but I still tried to find a loophole so I wouldn’t have to sign.Napapabuntong-hininga na lang ako at napapahigpit ng hawak sa gagamiting ballpen."
Kabanata 9: AgreementNalipat ang atensyon namin ni Sha sa mga armadong guwardya nang may isa sa kanila na naglakad palapit sa gawi namin. Inabutan nito ng dalawang pistol si Zale, na tinanggap naman agad ng satanas. Umalis din agad ang guwardya at bumalik sa mga kasama.Nakasunod lang ang tingin namin ni Sha kay Zale nang balingan niya ulit kami.“You can use these to kill them all,” kaswal niyang sabi, sabay abot sa amin ng dalawang pistol."Hoy, brod. Aanhin namin 'yan?" komento agad ni Sha.Katulad ko, gulat din siya at nakatingin sa baril na nakalahad sa harap namin. Ang pinagkaiba lang namin ay hindi ko nagawang makapagsalita.What the hell is he thinking?!“In order for you to leave this place, you can use them to shoot. I’ll give you a one-minute head start before I let my men shoot back,” he explained as if it were the most natural thing in the world."Huh? Bakit kailangan may ganyan?" usisa ni Sha, nilingon pa ako.Mula sa dalawang baril, umangat ang tingin ko sa mukha ni Za
Kabanata 8: KillHuminga ako nang napakalalim saka ko pinakatitigan ng mariin si Sha. Katulad kanina, bakas na bakas pa rin ang tuwa sa kaniyang mukha."Baliw ka ba?!" sigaw ko na sa mukha niya.Nawala ang abot-hanggang-tainga niyang ngiti at napalitan ng pagkakatikom ng bibig."Tuwang-tuwa ka pa na kinidnap tayo?! Really, Shanchi?!" dugtong kong sigaw na mas lalong ikinatahimik niya.Minsan ko lang siya tawagin sa buong pangalan kaya alam kong alam na niyang naiinis na naman ako sa kaniya.Bahagya kong nalingunan ang pagsenyas ni Zale sa mga katulong na lumabas na. Agad naman silang sumunod."M-May ganito palang pag-kidnap?" nauutal na tugon ni Sha. "Huwag ka namang KJ d’yan, oh."Pikon ko siyang tiningnan."I can’t believe you!" singhal ko pa. "’Di porket pinasuot ka na ng mamahaling damit ay hindi na kidnapping ito. Wala tayong malay noong dinala nila tayo rito!"Nangunot ang noo niya, saka nilingon ang tahimik na nakatingin sa aming lalaki."Totoo ’yon, Brod Zale?" tanong niya sa
Kabanata 7: Golden CagePagmulat ko ng mga mata, unang bumungad sa akin ay isang hindi pamilyar na kisame.Imbes na ang may kalumaan na naming kisame ni Sha, bagong-bago at puting-puting kisame ang nakikita ko ngayon. It was also framed with gold linings that glimmered under the soft light of the chandelier above me.Ilang beses akong kumurap-kurap, inaakalang baka nananaginip lang ako. Pero totoo nga ang nakikita ko ngayon.Ang huli kong naaalala ay may naramdaman akong itinusok na parang karayom sa leeg ko, dahilan upang mawalan ako ng malay.Nilibot ko ang paningin sa hinihigaang kama. It was a king-sized bed with silk sheets that smelled faintly of lavender and money. Ang ganitong klaseng kama ay tanging ubod ng yaman lang ang may kakayahang magkaroon.Seryoso, nasaan ako?Sunod kong ginawa ay pinakiramdaman ko ang sarili. Bukod sa nalilito ko pa ring utak kakaisip tungkol sa kinaroroonan ko, wala naman akong maramdamang kakaiba sa buong katawan ko. Walang masakit sa akin, at wala







