Share

Chapter 45 - promise

KINABUKASAN ay tuluyang bumababa na ang lagnat ni Safhire. Sabi ni Lyam ay nakatulong ng malaki ang pagpunta ni Athrun para mapanatag ang emosyon ng dalaga. Naniwala ang doctor na may kinalaman ang engagement kung bakit bumigay ang resistensiya nito at nagkasakit. Kapag maaayos na ang dis-charge papers ay maari ng lumabas ng hospital si Safhire.

Habang nasa banyo ito at nag-half bath natanggap ni Athrun ang tawag ni Ghaile. The Nephilims are asking for his presence to settle the matter pertaining with Phantom. Alam na raw ng mga miyembro ang ginawa ng hunter kagabi. Hinihintay ng lahat ang desisyon ng chairman para sa susunod na hakbang na kailangan.

"I understand. I'm on my way," pahayag niya at ibinaba ang cellphone. Saktong nagbukas ang pinto ng banyo at iniluwal si Safhire. Saglit na nahinto ito habang nakatitig sa kanya. Nababasa niya sa mga mata nito ang hindi pa rin pagkapaniwala na naroon siya.

"Finished already?" banayad niyang tanong at ngumiti.

Napakurap ito. Nahimasmasan.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ma. Teressa Bascones
thank you Sq update...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status