Share

4- MARGO

Author: Sweety Elle
last update publish date: 2026-05-06 21:33:11

"Mabuti na rin at narinig muna Margo ng sa gayon hindi na kami mahihirapan pa ng ina mong ipaalam sa iyo, hindi ba Salve?" baling nito sa ina niya.

"Totoo ba inay? Pumapayag kayo na gawin akong pambayad utang ni Tiyo Manuel?" naiiyak niyang pagkukumpirma sa ina.

"Ah..ehhhh.. Margo, makukulong ang tiyong Manuel mo kung hindi tayo makapagbayad sa boss niya, paano na ang mga kapatid mo anak? sinong magtataguyod sa pag-aaral nila at sa pamilya natin," pahayag pa ng ina niya na tila sumasang-ayon din sa hangal na desisyon ng amain niya palibhasa'y sunod-sunuran ito palagi sa asawa nito.

"Nay, tiyo, marami pong paraan upang makapagbayad tayo ng utang sa boss ninyo, isa pa gagradweyt na ako sa susunod na linggo, makakahanap na ako ng trabaho at makakabayad na tayo ng utang, hindi naman siguro kalakihan ang utang ninyo tiyong," positibo niyang sabi sa mga ito.

"Three hundred thousand ang utang ko sa boss ko Margo, kaya mo ba iyon bayaran ngayon din dahil sa susunod na araw na ang binigay na palugit ng boss ko, kung hindi ko kayang bayaran ang halagang iyon ay sa kulungan ang bagsak ko," siwalat pa ng tiyo Manuel niya na ikinagulat niya.

"Saan mo naman ako papahagilapin ng ganyan kalaking halaga tiyo? Diyos ko, saan ninyo nawaldas ang perang iyan at paanong nakahiram kayo ng ganyan kalaking halaga sa boss ninyo?" usisa niya.

"Inutusan kasi ako ni boss na ideposito ang pera sa bangko dahil absent ang sekretarya niya pero hindi ko iyon naggawa dahil nasilaw ako sa pera at dahil na rin sa suhestiyon ni pareng Fred na ipusta ang pera sa sugal baka kasing domoble ang halaga at magkakapera tayo, ayon sunod sunod ang talo ko at hindi ko na nabawi ang three hundred thousand," malungkot na paliwanag ng tiyuhin niya sa kanya.

"Pati nga ang konti kong natabi para sa graduation mo anak ay naipusta ko rin sa sugal dahil gusto ko rin manalo para makatulong man lang sa tiyo Manuel mo anak pero bigo pa rin kami," pag-amin ng ina niya.

"Bakit ngayon n'yo lang sinabi sa akin ang lahat ng ito, sana sa umpisa pa lang upang masugpo ko iyang pagkalulong n'yo sa sugal, kahit kailan walang maidudulot na maganda sa ating buhay iyang bisyo n'yong ganyan!" ganting bulyaw niya sa mga ito dahil sa pagkabigla at pagkainis sa sitwasyon kinasasangkutan ng pamilya niya ngayon.

"Kahit pa magalit ka sa amin Margo, wala ng silbi kahit sisihin mo pa kami ang mabuti mong gawin ay tulungan mo ang tiyuhin mong malagpasan ang unos na ito, parang awa muna anak pagbigyan muna ang tiyo Manuel mo na ikaw ang gagawin naming pambayad utang," pakiusap pa ng inay Salve niya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Inay, hindi ka ba naaawa sa akin at paano naman kayong nasisiguro na papayag ang boss mo tiyo na ako ang magiging pambayad utang ninyo sa kanya," angal niya pa na gusto niya na lang mawala na parang bula sa mga ito upang matakasan ang ginagawang pambubugaw ng mga ito sa kanya.

"Tiyak kong magugustuhan ka ng boss ko Margo dahil mahilig iyon sa mga chicks na tulad mo," malisyosong tugon pa sa kanya ng tiyo Manuel niya.

"Nahihibang ka na talaga tiyong, inay, huwag naman kayong pumayag, maawa naman kayo sa akin, magtatapos na ako ng pag-aaral, hindi ko inaasahan na dahil din sa inyo mayuyurakan ang aking pagkatao na kayo pa sana ang taong magtatanggol at magproprotekta sa akin laban sa kapamahakan," hindi niya na talaga napigilan umiyak at ipakita ang kanyang pagkadismaya sa desisyon ng mga ito.

"Anak, patawarin mo kami ng tiyo Manuel mo pero iyon lang ang naiisip naming paraan upang hindi tuluyang makulong ang tiyo mo, sana pumayag kana anak," umiiyak na rin sabi ng inay Salve niya.

"Pag-iisipan ko nay dahil mahirap ito para sa akin sana naiintindihan n'yo rin ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   36- MARCO

    Siya naman ay abala rin sa pagpalago ng kanyang negosyo. As the only heir of his family real estate and condominuem businesses kayang-kaya niyang buhayin si Andrea at ibigay dito ang karangyaan. He can make her a queen basta't nasa tabi niya lang ang syota. Maraming beses na rin may nangyayari sa kanila ni Andrea ngunit aaminin niya sa sarili hindi na ito birhen ng makuha niya ito.Inamin din ng dalaga na ikatatlo na siyang lalakeng dumaan sa dalaga. Tanggap niya naman lahat sa dalaga dahil mahal na mahal niya si Andrea ngunit may kumalat na larawan ni Andrea na may kasamang lalake na nagpaahon ng kinukubling pagdududa sa nobya. Kaya't pinaimbestigahan niya ito at nakumpirma nga niya ang totoo na niloloko siya ng fiancee niya. May iba nga itong karelasyon na modelo rin na British national sa New York. Kaya niyang tanggapin ang nakaraang karanasan nito sa mga lalake pero ang lokohin siya habang sila pa ay iba ng usapan. Doon na siya magsimulang magloko rin at eenjoy ang kanyang bac

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   35- MARGO

    "Ting," biglang tunog ng evelator hudyat na dumating na sila sa palapag kung nasaan ang sinasabing boss ng tiyuhin niya. Mabilis ang mga kilos ng katulong na lumabas sa pinto ng elevator ng lumabas ito. Ilang metros pa ang kanilang binagtas bago napahinto ang katulong sa tapat ng sa isang tinted glass door. Hindi na ito kumatok pa at derederetsong pumasok sa loob kaya't nangangatog man siya sa nerbiyos ay kailangan niya ng lakasan ang loob. "Bahala na," sa loob-loob niya, hindi niya alam kung anong hitsura ng boss ng tiyuhin niya, kung matanda at panot na, hughugin, kulubot o bungi ba.Ang panalangin niya ay kahit ano pa ang hitsura nito ay kaya niyang pakisamahan basta't hindi lang maniakis at masama ang ugali. Nauna ng nakapasok ang kanyang inay Salve.Nakasunod lamang siya dito at pilit na ikinukubli ang sarili sa likod nito.Ang akala niya'y pansamantala pa siyang makakatago ngunit biglang tumabi sa gilid ang inay Salve niya at naiwan siya sa gitna ng silid at sabay na nag

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   34- MARGO

    "Dito muna kayo, ako muna kakausap kay boss," sabi pa ng tiyo Berting niya ng makapasok sila sa loob at inuwestra sila paupo sa malapad na couch sa magarbong sala ng villa. "Sige po," saad niya bagamat may kaakibat na kabang nadarama, ang inay Salve niya naman ay panay ang ngisi na tumango at parang nananabik ring makapasok sa napakaengrandeng villa. "Inay, pumirmi nga kayo, mamaya niyan makasira at makabasag pa kayo ng gamit, eh, dagdag bayarin na naman natin," saway niya sa ina na panay pa rin ang pakikialam at hawak sa mga bagay sa loob ng sala na bago sa mga mata nito. "Naku, Margo, napakayaman pala ng boss ng tiyong Berting mo, ako pa sa iyo pikutin muna ng makatikim naman tayo ng ginhawa sa buhay," wala sa loob na saad ng inay Salve niya na parang napakadali lang ng pinapaggawa nito sa kanya. "Inay, ano po ba iyahang pinagsasabi mo? Baka may makarinig sa inyo, nakakahiya!!," awat niya sa ina. "Sus, huwag ka ng mag-inarte diyan, saan pa ba patungo itong ginagawa natin

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   33- MARGO

    "Manong, heto po ang bayad," abot niya ng bayad sa drayber ng huminto ang traysikel sa tapat mismo ng matayog na gate ng isang magarbong tahanan sa loob ng pribadong subdibisyon. Napailing-iling na lang siya talaga sa mga magulang sa pagiging palaasa nito sa kanya.Ultimo pasahe sa jeep kanina at ngayon siya pa ang nagbayad. Mabuti na lang ay may natira pa siyang perang binigay sa kanya ni Ate Bebang. Huling pera na lang niya ang ipinangbayad niya sa drayber ng traysikel.Sa isip isip niya papaano mamayang pag-uwi nila sino kaya ang magbabayad ng pasahe nila?Kakapalan niya na lang talaga ang pagmumukha niya sa amo ng tiyuhin niya mamaya na manghihiram siya ng pera at idagdag na lang sa pagkakautang nila. Total magtratrabaho rin naman siya sa amo ng tiyuhin ay lulubos lubusin niya na rin. Hindi lang pasahe ang pinoproblema niya sa ngayon pati ang pangkain at pangbaon ng mga kapatid niya sa eskuwela. Hindi niya mawari sa inay at tiyuhin niya kung kailan pa tumanda ay nagiging batu

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   32-MARGO

    HER BRAVEST POV "Oi Angel, saan ka nanggaling? Kababaeng tao gabi nasa kalsada pa rin!" saway ng inay Salve niya. "Ang nanay naman, bumili lang po ako ng colored paper at paste sa tindahan para sa proyekto namin," katwiran pa nito. "Si Jerry asan pala?" tanong ng tiyuhin niya. "Nandito po ako itay!" agap ni Jerry na mula sa pinto ng likuran ng bahay nanggaling na pawisan mukhang nanggaling sa paglalaro ng basketball. "Mabuti at nandito na kayo, aalis muna kami ng inay at ate Margo ninyo, ipapasok ko lang si Margo sa pinagtratrabuhaan kong opisina, ngayon oras lang kasi libre si boss, kaya umayos kayo dito habang wala kami," pahayag pa ng tiyong Manuel niya. "Talaga ate, magtratrabaho ka na! Yehey! Mabibilhan na ako ni ate ng bagong cellphone....neeh! Luge ka sa akin kuya, magkakaroon na ako ng bagong cellphone," pagmamayabang pa ni Angel. "Hoy,bunso, mag-aaply pa ng trabaho si ate Margo, hindi pa magsusuweldo, kaya tumigil ka muna sa pagmamayabang, excited?" kontra ni Je

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   31-MARGO

    HER BRAVEST POV "Tiyong, nay, handa na po ako!" ang sabi niya pagkalabas ng kanyang maliit na silid. Nagsuot lang siya ng mahabang tokong na itim at maluwag na puting blusa na karaniwan niya ng sinusuot. Hindi na kailangan pang magpaganda at magbihis ng bonggang-bongga dahil makikipagkita lang naman siya sa amo ng tiyuhin niya upang ilako ang sarili upang maging pambayad utang sa perang pinusta at itinalo nito sa sugal. "Bakit ganyan naman ang ayos mo Margo, paano ka magugustuhan ng boss ko niyan para kang manang sa damit mo!" angal pa sa kanya ng tiyo Manuel niya. "Oo nga anak, palitan mo naman ng medyo kita ang konting balat mo," suhestiyon pa ng inay Salve niya. "Nay, hindi naman sa kabaret ang punta natin, makikipagkita at makikipag-usap po tayo sa opisina ng boss ni tiyo Manuel, hindi pa nga tayo sigurado kung tatanggapin ako nito bilang kabayaran sa perang winaldas ni tiyong Manuel," katwiran niya. "Kaya nga Margo, kailangan mong magpaganda at magsuot ng sexy para na

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   6- MARGO

    "Oi graveh ka naman, ano naman ang mali sa damit ko? kailan ka pa naging concern sa hitsura ko? Hindi na bale Don na hindi ako nakakasunod sa mga usong damit ang importante ay nakakatulong ako sa mga kapatid ko, alam muna naman na sila ang priority ko sa buhay," ganti niya rin. "Malaking mali n

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   5- MARGO

    HER POV "Bibigyan ka namin ng panahon upang makapagdesisyon Margo, kailangan sa susunod na araw ay sana buo na ang desisyon mo dahil iyon ang araw na ang bigay na palugit sa akin ni boss, hindi nagbibiro si boss sa banta niya Margo sa katunayan ay naisampa niya na ang kaso sa akin sa pulisya pero

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   3- MARGO

    "Naku, gel, pinaiyak muna na naman si ate niyan!Pero ate Margo baka gusto lang magpadqgdag ng baon niyan si Angel kaya't nagpapalakas sa iyon!" hirit naman ni Jerry. "Hindi ah! Baka ikaw diyan!" tanggi naman ni Angel. "O siya tigil na at baka mahuli pa kayo sa klase ninyo, hayaan n'yo na akon

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   2- MARGO

    Bilang masinop at matulungin anak na panganay ay siya ang madalas na umaasikaso sa mga bunsong kapatid sa mga pangangailangan ng mga ito.Gusto niy naman ang kanyang ginagawa dahil mahal na mahal niya ang mga kapatid kahit pa hindi siya tunay na anak ng tiyuhin niya.Tinuring naman siya nitong anak a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status