แชร์

5- MARGO

ผู้เขียน: Sweety Elle
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-06 21:34:09

HER POV

"Bibigyan ka namin ng panahon upang makapagdesisyon Margo, kailangan sa susunod na araw ay sana buo na ang desisyon mo dahil iyon ang araw na ang bigay na palugit sa akin ni boss, hindi nagbibiro si boss sa banta niya Margo sa katunayan ay naisampa niya na ang kaso sa akin sa pulisya pero napigilan ko at nakahingi pa ako ng huling palugit, sana pag-isipan mong mabuti ana," mahabang sabi ng tiyo Manuel niya na hindi niya tinapos pakinggan dahil dali-dali na siyang tumakbo sa kanyang silid upang doon ibuhos lahat ng hinanakit at desperasyon sa kinasasadlakang sitwasyon.

"Beshie, wala talaga din akong maitulong sa iyo, alam mo naman poorness din itong beshywapz mo, pero may alam akong paraan upang gumaan iyang pakiramdam mo," mungkahi pa sa kanya ni Donna ang kanyang kababatang kaibigan.

"May igagaan pa ba sa nararamdaman ko ngayon,Don, sa tingin ko wala hangga't hindi ako makakahanap ng ibang paraan upang hindi ako tuluyang maging pambayad utang ng tiyuhin ko," palatak niya.

"Beshie, naiintindihan kita, naku, kasi iyang tiyuhin mo may tinatago din palang masamang ugali, biruin mo ikaw pa itong naisipang gawing pangtapal sa utang niya, eh, hayaan muna lang kayang mabulok sa kulungan ng magtanda," suhestiyon pa ni Donna.

"Kung puwede lang sana, beshie, pero paano naman ang kinabukasan ng mga kapatid ko?paano na si inay at pamilya namin kung makukulong si tiyo Manuel," sabi niya pa.

"Haler, beshie, naririnig mo ba iyang sarili mo, so ibig sabihin pala niyan ay pumapayag ka na sa gusto nilang mangyari sa iyo, tandaan mo beshie, wala ng atrasan iyan kapag pumayag ka ay magiging pag-aari ka na ng boss ng tiyuhin mo, ang sabi mo pa ay mahilig daw iyon sa mga birheng mga babae, naku, beshie, lagot na iyang iniingatang mong perlas pihadong wasak iyan," mahaba pa nitong sabi.

"Iyang bunganga mo talaga Donna napakahalay, at sa tingin mo hahayaan ko iyong mangyari, mamatay muna ako bago ko ipagkanunulo ang aking sarili, ngayon pa talaga na abot kamay ko na ang tagumpay ito nangyari, basta't hahanap ako ng paraan para mabayaran ang utang ni tiyo Manuel," mariin niyang sabi.

"Aber, sige nga saan ka hahanap ng three hundred thousand pesos ngayon mismo? eh, kahit singkwenta pesos nga wala ka if I know yon kita mo sa paglalabada at pagtitinda ayon inubos munang pabaon sa mga kapatid mo," parang sinong marites na nagtatalak ang kanyang kababata na kung hindi lang niya kilala at kaclose ay kanina niya pa gustong lapirutin ang pisngi dahil sa inis niya dito kung kampi ba ito sa kanya o gusto na nitong mapurnada ang kanyang perlas.

"Kasi naman Don, ayaw ko naman magutom iyong mga kapatid ko, alam mo na man ang buhay estudyante kain lang ang panglaban hindi ba?" ganti niya pa.

"Oo na alam ko na, mahal mo lang kasi ang mga kapatid mo kaya pati sarili mo pinapabayaan mo na, tingnan mo nga iyan sarili mo,kadalaga mong tao wala ka man lang kaalam alam ng bagong fashion trend, ewwww... iyang damit mo, ang chaka beshie, pinaglumaan pa yata iyan ng inay Salve mo iyang palda mong pangmanang," hindi magkamayaw na untag ng kababata sa kanya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   16- MARGO

    HER POV“More drinks?" anas pa nito. "Yeah," simpleng tugon niya. Ilang lagok at pagsalang ng alak pa ng estranghero sa kanyang kopita ay natunghayan niya na lang ang sarili na hindi na niya maawat ang sarili na tumatawa at nakikisabay na sa paghaharutan sa estranghero na bagama't hindi siya kandong nito ay magkadikit naman ang kanilang mga binti sa isa't isa at halos yakap na siya nito dahil ang isang kamay nito ay nakalingkis sa kanyang balikat. "Let's go somewhere quiet and peaceful!" bulong pa nito sa kanya na nakapanindig balahibo sa kanya. She is sober pero kinakaya niya pa.Ang gaan gaan na ng pakiramdam niya sa katawan niya. Napakasarap ng pakiramdam pala ang mawala ka sa sarili mo, ang walang ini-indang agam-agam at problema.Kumbaga sabay lang siya sa tama at agos tulad ng ngayon. Saan man siya tangayin ng napakagwapong estrangherong lalake ngayon ay hindi niya na alintana dahil tangay na tangay na siya ng espiritu ng alak at masarap na pakiramdam na makasama ito.

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   15- MARGO

    "Ooops Mister Stranger nakakarami ka na po, hindi tayo close,huh!" natatawa niyang pigil dahil tatangkain na naman sana siyang halikan nito sa kanyang taenga. Hindi niya mapigilang makadama ng kilig sa turan ng estrangherong nasa kanyang tabi na sa tingin niya'y tulad niya rin na may tama na ng espiritu ng alak sa sistema nito dahil mapupungay na ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "I can't help it babe, ang bango bango mo kasi, you smells so fresh and like a baby, ano ba iyang pabango mo?" deretsang turan pa nito na tila inaamoy amoy pa siya nito. "Ano ka ba Mister, umayos ka nga, mumurahin lang iyan sa palengke nabili ko!" matapat niyang saad dahil totoo naman dahil ibibigay nga sana niya ito kay Angel ngunit nakalimutan niyang iabot sa kapatid kaninag umaga. Nakita niya ang cologne sa loob ng luma niyang sling bag na pinaglumaan na ng kanyang ina kanina ng naroon siya sa bahay ng kababatang si Donna kaya't ginamit niya na lang dahil bukod sa naghilamos at naghugas lang

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   14- MARGO

    "Ooopps.... careful babe, hindi ka mauubusan, there's more, heheehe," nakangising sabi pa nito na kinuha ang kopita sa kanyang kamay na nakalapat pa sa kanyang bibig. Natawa na rin siya sa sinabi pa nito. Kung kanina ay nagdadalawang-isip pa siya dahil sa pangambang panganib sa pagkakalapit niya sa estranghero ngunit tila ngayon ay wala na siyang pakialam pa. Marahil siguro ay naagaw nito ang atensiyon niya dahil tila tumalab na agad ang espiritu ng alak sa sistema niya. Buong buhay niya ay laging ang pamilya niya ang sentro ng kanyang atensiyon. Kahit ang pag-aayos ng sarili at kahit sarili niyang kaligayahan ay tinikis niya upang paluguran ang kinagisnang pamilya lalo na ang mga nakakabatang kapatid niya. "Ayieeeh... oo nga heheheh...," malapad na ngisi niya rin habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng alak ng estranghero sa kopita niya. "Cheers!" turan pa nito na iniabot na ang kopitang may bagong salang na alak sa kanya. "Cheers!" agad niya ring turan sabay abot ng kopita

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   13- MARGO

    WARNING SUPER RATED SPG!!! READ AT YOUR OWN RISK!!! HER WILDEST POV "Urghmnn...," hiyaw niya ng pinadaosdos ng estranghero ang dila nito sa kanyang leeg habang hinimas himas ng isang kamay nito ang kanyang binting nakapatong sa kandungan nito. "Say you want to be with me, babe, right?" bulong nito na nakapagdulot ng kilabot sa kanyang buong katawan. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Tila hinihipnotismo siya sa simpleng pagdidikit ng balat nila ng estrangherong lalakeng ito. Ni hindi niya ngang maggawang tumanggi o pumalag man lang sa ginagawa nito sa kanya at tila nagugustuhan pa nga niya. "I am waiting, babe, what now?" demandang sabi nito na nilapit pa nito ang mukha sa kanya at mariin siyang tinitigan sa kanyang mga mata. "Uh..amm...," isang tango ang kanyang sinukli dahil para na siyang dinuduyan sa masarap na sensasyon na hatid ng pagkakandong at pagkakalapit niya sa estrangherong lalake. "Good!" isang malapad na ngisi ang pinakawalan nito na nagpadagundong lalo s

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   12-MARGO

    HER POVNagpakawala siya ng buntong- hininga at pinasadahan ang kanyang hitsura sa salamin. Halos hindi niya makilala ang babaeng nasa harapan niya.Hindi siya makapaniwala na may itinatago pala siyang ganda. Hindi totoong hindi niya gustong mag-ayos at magpakadalaga ng gawi. Sadya lang talagang hindi niya na binigyan ng pansin pa ang kanyang pisikal na hitsura sa araw-araw na ginawa ng Maykapal. Mas mahalaga sa kanya kasi ang malagyan ng laman ang sikmura ng kanyang mga mahal sa buhay lalo na ang kanyang mga kapatid. Kahit malakas minsan ang kita niya sa kanyang mga raket ay mas pinipili niyang ibigay na lang sa mga pangangailangan ng mga kapatid kaysa sa kanya. Sapat na sa kanya ang makapagligo at makapagbihis ng malinis na damit.Basta ba desente at hindi nakakatawag ng pansin, mumurahin man o pinaglumaan na ang disenyo na galing sa ukay-ukay ay okay na okay na sa kanya. Kahit pulbos o lipstick ay wala siya. Kaya nga sa kanilang on the job training sa kanyang kurso ay madalas

  • SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE   12- MARGO

    HER POVBiglang bumukas ang isa sa mga pinto at iniluwa doon ang kaibigan niya.Ganoon na lang ang galak niya ng makita si Donna at least may rason na siya ngayon upang makawala sa estrangherong lalake. "Beshywapz, oi, saan ka ba nanggaling? kanina pa ako hanap ng hanap sa iyo," turan pa nito. "Ehhhh kasi iniwan mo, hinanap din kita," ganti niya. "Di bale, mabuti at nakita na kita dito, ito oh," abot nito sa kanya ng pera. "Ano ito?" taka niyang sabi. "Siyempre pera, pasahe mo! Maauna na ako sa iyo, besh! si boyfie nasa labas, naku, hindi nakatiis umuwi agad, magdedate daw kami, haist madidiligan na naman ang kempay ko nito!" maarte nitong sabi na humarap na sa salamin at pinasadahan ng retouch ang make-up nito. "Ano? Iiwan mo ako dito?" reklamo niya. "Besh, kaya nga binigyan na kita ng pasahe pauwi, carry mo naman sigurong umuwi mag-isa? Hindi ba?" may diin na sabi pa nito. "Pe-ro besh, puwede naman sigurong sumabay na lang ako sa inyo ng boyfriend mo?" agad niyang ag

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status