Beranda / Romance / STILL, LOVING YOU / Kabanata 1 Reunite

Share

STILL, LOVING YOU
STILL, LOVING YOU
Penulis: AKHIRAH MIAMOR

Kabanata 1 Reunite

Penulis: AKHIRAH MIAMOR
last update Terakhir Diperbarui: 2023-10-03 00:06:13

BHELLE:

KABADO AKO na naglalakad papasok ng trabaho ko sa TDM's Corporation. Ito ang unang araw na papasok ako sa kumpanya. Kaya naman hindi ko maiwasang kabahan.

Bagong secretary lang ako ng magiging boss ko doon. Ini-substitute lang kasi ako ng dati kong boss sa inaanak nitong nangangailangan ng bagong secretary na magaling at pulido magtrabaho.

Ayon kay Sir Dionne Di Caprio na dati kong boss ay masungit at maarte ang inaanak niya. Ayaw daw nito ng pakeme-keme sa trabaho. Laging mainitin ang ulo at gustong on time ka lagi sa trabaho.

Lalo tuloy akong kinakabahan. Kahit inagahan ko na ang pagpasok ay kinakabahan pa rin ako na baka mapagalitan ako sa unang araw ko sa trabaho! Hindi ko pa alam kung sino ang magiging boss ko pero sa pagsasalarawan ng dating boss ko ay masasabi kong kailangan kong galingan sa pagtatrabaho dito kung ayaw kong masabon lagi dito!

Napapahinga ako ng malalim. Pilit ngumiti na napapahid ng pawis kong namumuo sa aking noo. Kinalma ko muna ang puso kong sobrang bilis ng tibok bago nagpatuloy na pumasok sa building.

"Good morning, Ma'am" magalang bati ng dalawang guard na siyang nagbukas ng pinto.

"Good morning, Sir. Salamat po" napapayuko kong balik bati sa mga ito na ngumiti.

Naglakad ako ng lobby na napapagala ng paningin. Malawak ang lugar. Nagsusumigaw sa karangyaan at napakalinis lahat ng sulok.

Nagtungo ako ng front desk at ngumiti sa mga staff ditong may matamis ding ngiti sa mga labi na nakatitig sa akin. Tila hinihintay akong makalapit.

"Hi, good morning, Ma'am" bati ko na naglabas ng resume at I'd ko.

"Good morning too, Ma'am. How may I help you?" magalang tanong nito.

"Um, I'm your boss, new secretary. I'm Bhelle Alonte. Hindi ko kasi alam kung nasaan ang opisina ni Sir" saad ko.

"Ah, yes, Ma'am. Hinihintay po kayo ni Sir Del Mundo sa opisina niya. Ihahatid ko na lang po kayo" magiliw nitong saad na ikinangiti kong napatango-tango.

Nagtungo kami ng elevator. Napakadaldal nito na napaka-friendly makipag-usap. Natutuwa naman ako na kahit paano ay may bago na akong kaibigan sa kumpanya na ito. Kahit na nasa dalawang buwan lang naman akong magtatrabaho dito bilang substitute secretary.

"I'm Aubrey, nice to meet you, Bhelle. Sana maging kaibigan kita" nakangiting saad nitong naglahad ng kamay.

"Nice to meet you too, Aubrey. Salamat. Kailangan ko talaga ng magiging kaibigan dito dahil alam mo na, baguhan lang ako" nakangiting sagot ko na tinanggap ang kamay nito.

Bumukas ang elevator at iginiya ako sa hallway ng floor na hinintuan namin. Napapagala ako ng paningin. Wala na kasi kaming ibang pinto na nadaanan. Sa dulong bahagi may double door na may mga naka-uniporme pa ng tila bodyguard ang itsura nila. Tuwid na nakatayo at pare-parehong mga naka-all black suits.

"Um, Bhelle. Good luck. Pasok ka na. Kanina pa nasa loob si boss" ani Aubrey na sinenyasan ang isang lalakeng katabi ang pinto na binuksan iyon.

"Thank you, magkita tayo mamaya" pamamaalam ko dito.

Ngumiti at kumaway naman ito bago ako pumasok ng opisina. Nangangatog ang mga tuhod ko na naigala ang paningin sa paligid. Napakalawak ng opisina nito. Meron na rin itong kusina at sala na parang nasa isang magarang condo unit ka lang!

Napatitig ako sa lalakeng nasa sulok ang office table. Nakayuko ito na abala sa pagpirma. Kabado man ay naglakad ako palapit sa gawi nito. Mukhang naramdaman nito ang prehensya ko na natigilan bahagya sa ginagawa.

Malalim akong napahugot ng hininga bago tumuwid ng tayo sa harapan nito at napatikhim.

"Ahem! Good morning po, Sir" pagbati ko.

"Prepare me, black coffee" malamig nitong saad na hindi manlang nag-angat ng mukha.

"Yes, Sir" masiglang sagot ko na ngumiti kahit hindi ito nakatingin.

Nagtungo ako ng pantry nito at ginawan siya ng black coffee katulad ng utos nito. Napangiti ako habang tinitimpla ang kape nito na may maalalang tao na gustong-gusto noon ang timpla ko sa black coffee.

Kung dati ay ayaw niya non dahil mapait daw? Nung natikman na niya ang timpla ko ay halos 'yon na ang kinakape nito lagi. Palaging nagpapagawa na ito ng kape sa akin at sarap na sarap sa timpla ko.

Napailing akong pilit iwinaksi ang naglalaro sa isipan dahil sa pinatimpla ng amo ko sa aking black coffee na maalala ang lalakeng unang beses kong minahal pero, sinaktan niya lang ako.

Maingat kong inilapag sa harapan nito ang kape na tinimpla ko.

"Sir, your coffee"

"Sit on your table and check my schedule" walang emosyong saad nito na ikinatango-tango kong nagtungo sa katabi nitong mesa.

Napapanguso ako na binuksan ang notebook na nandidito. Tila sinadyang iwan para sa mga pagbabasehan ko sa pagiging secretary nito.

Nakaupo ako ng swivel chair ko na kinakabisa ang mga simpleng katangian at mga gusto nito.

Mukha ngang masungit ito na hindi manlang ako tinanong kung anong pangalan ko. Ultimo ang pinuri ang kapeng ginawa ko para dito.

Ilang minuto ko pang binasa ang mga schedule nitong nakalagay dito sa note bago tumayo na masulyapan ang wristwatch kong maga-alasdyes na ng umaga. May schedule kasi itong meeting sa labas ng bandang alas-onse at sa Taguig pa.

"Um, excuse me, Sir. May meeting ka sa Montefalco company mamayang eleven am sa Hera restaurant, Taguig" pagbibigay alam ko.

Natigilan naman ito sa pagpirma na tinulungan kong iligpit ang mga folder sa mesa nito. Nagkasagian ang aming kamay na kapwa namin ikinatigil.

Napapalunok ako. Para kasing bumilis ang tibok ng puso ko na sumagi ang balat nito sa balat ko. Na para akong nilukob ng libo-libong boltahe ng kuryente! Iisang tao pa lang naman sa tanang buhay ko ang nakakagawa non. Pero noon pa iyon. Matagal na.

"S-sorry, Sir" nauutal kong paumanhin.

Tumayo ito na dinampot ang ilang folder. Napapayuko tuloy ako. Iniabot niya ang mga iyon na ikinaangat ko ng mukha para lang magimbal na mabungaran ang kabuoan ng kanyang mukha!

Nanigas ako at parang binuhusan ng nagyeyelong tubig na mapatitig sa mga mata nitong walang emosyon at malamig pa sa yelo kung makatitig! Nanunuot sa buto ko ang tiim ng pagkakatitig nito. Hindi ko naman ito mabakasan ng pagkagulat na makita akong muli!

"T-Tyrone" nauutal at mahinang bigkas ko.

Napangisi ito.

"Sir Tyrone. I am your boss here, Mis Alonte. You should know your place. You're just my secretary here. Do you get that?" malamig nitong saad na may kadiinan ang pagkakabigkas.

Napalunok akong marahang tumango.

"Y-yes, S-sir Tyrone. P-pasensiya na po" nauutal kong paumanhin.

"Tsk. Let's go" turan nitong napakasungit ng tono at nagpatiuna ng lumabas na kaagad kong ikinasunod dito.

Nangangatog ang mga tuhod ko na nakasunod dito. Para akong nalulutang sa ere!

Nakakainis!

Bakit naman sa dinami-rami ng maaari kong maging boss ay ito pa.

Si Tyrone Del Mundo pa talaga! Ang lalakeng dumurog lang naman sa puso ko,

limang taon na ang nakakalipas!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Lady Ruth Cabanilla
nice story!
goodnovel comment avatar
Leslie agapito
subaybayan ko to..ganda sya umpisa pa lng
goodnovel comment avatar
Bhelle❤️
this is it bebs ...️...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 21

    ISABELLA:LUMIPAS ang mga araw na naging mas magaan ang bawat araw na magkasama kami ni Typhus. Naging mas kampante at komportable ako sa piling nito na malamang siya ang kababata ko. Kahit nasa trabaho kami nito ay nanliligaw pa rin siya na tipong dinaig pa ang isang paslit sa kakulitan nito. Minsan ay nati-temp na rin akong sagutin ko siya dahil aminado naman akong nahuhulog na rin ang puso ko sa kanya. Na hindi ko nga namamalayang nakakahiligan ko na ring makahalikan ito sa araw-araw at oras-oras ba naman niyang pangmamanyak sa akin. Wala pa naman akong kawala sa tuwing ito ang. gumalaw. Ni hindi ako makatanggi sa pagtitig pa lang nito.Nakagat ko ang ibabang labi na nakahalukipkip habang nakatayo dito sa harapan ng glass wall ng opisina nito. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Napalunok ako na maramdamang bumukas ang pinto at may pumasok doon. Napapikit ako na pinakiramdaman ito. Hindi siya si Typhus. Sa prehensya at pabango niya pa lang ay kaagad kong na

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 20

    ISABELLA:NAKAHALUKIPKIP ako na nakamata sa mga nagtataasang building na kaharap ng opisina ni Typhus. Lumabas kasi ito saglit para ihatid sa baba ang dalawang kaibigan. Napapailing na lamang ako. "Bakit ba ako kinakabahan sa mga 'yon?" piping usal ko na naipilig ang ulo.Pakiramdam ko ay iniiiwas ako ni Typhus sa kanila. Na ayaw niyang naglalalapit ako sa mga taong 'yon. Napanguso ako na malayo ang tanaw nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ko. Napangiti akong napakapit sa braso niyang nasa tapat ng dibdib ko pumulupot habang nakasubsob ang baba sa balikat ko. "Okay ka lang?" malambing tanong nito."Okay lang." Kiming sagot kong nilingon ito.Napatitig ako sa mga mata nito na tila may kinakatakutan. Mababakas mo sa mga mata niya na hindi siya palagay na parang may tinatago siya sa akin.Pumihit ako paharap dito na ikinayapos naman nito sa baywang ko. Matiim akong napatitig sa kanyang mga mata na sinusubukang basahin ang reaction nito."May problema ba?" tanong nito

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 19

    TYPHUS:PANAY ang lunok ko na tila pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang ina ng babaeng pinakamamahal kong nakaratay sa kama. May mga galos pa rin ito at kitang hindi pa maayos ang kondisyon. Gusto ko sanang mailipat sila sa hospital namin pero tumanggi naman si Isabella. "Um, Typhus, siya ang Nanay Isabelle at Tatay Ian ko. Um. . . Tay, si Typhus po, ang boss ko," ani Isabella na ikinabalik ng ulirat ko."Ahem! Good day po, Sir, I'm Typhus Del Mundo, your daughter's. . . boss," pormal kong pagpapakilala na naglahad ng kamay sa ama nito.Saglit itong napasulyap sa kamay kong nakalahad na halos hindi ko ikahinga. Akmang babawiin ko na ang kamay ko na nahihiya pero inabot nito iyon na mahigpit na hinawakan. "Magandang araw din sa'yo, Sir. Pasensiya na kayo at dito pa tayo nagkakilanlan," magalang saad nitong ikinangiti ko."Wala ho ito, uhm. . . k-kumusta na ho si. . . si Ma'am?" nahihiyang tanong ko na napasulyap sa asawa nito.Napahinga ito ng malalim na hinaplos pa sa ulo a

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 18

    ISABELLA:NANGINGITI akong nakayakap dito habang pinagkakasya namin ang sarili dito sa kama ko. Nakakainis naman kasi ang lalakeng ito. Sa laki niyang tao ay halos akupado na niya ang buong kama kong pang dalawahang tao ang kasya. Nakakahiya naman kasing sa sala ko siya patulugin o sa sahig. Kahit nanliligaw pa lang siya sa akin ay nahihiya naman ako lalo na't alam ko naman kung anong uring tao siya at anong kinalakihan niya. Nakaunan ako sa braso nitong kay tigas habang magkaharap kami sa isa't-isa na magkayakap. Dinig na dinig ko na nga ang tibok ng puso nito, maging ng bawat paglunok niya. Nakakakilig din pala na may ganto kang karanasan. Kabado ako dahil ito ang unang beses na may lalake akong pinatuloy dito sa bahay at pinatulog ko pa dito sa silid ko. Kapag naabutan kami ni Tatay dito ay tiyak na malaking gulo. Pero alam ko namang matatagalan pa sila ni Nanay sa hospital kaya malakas ang loob kong patulugin si Typhus dito. "Still awake, baby?" bulong nito."Uhmm," tanging ungo

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 17

    ISABELLA:PARA akong nagliliyab sa sobrang init ng nadarama ko. Saka ko lang kasi na-realize kung gaano ka-intimate ng position namin ni Typhus. Nakatayo siya sa gitna ng mga hita ko habang nakaupo pa rin ako dito sa countertop at nakalingkis sa kanyang baywang ang mga binti ko. Nakalitaw na rin ang legs ko dahil sa pagkakalihis no'n. Nakakapit naman ito sa baywang ko at nakakapit ako sa kanyang magkabilaang balikat.Hindi ako makatingin sa mga mata niyang nag-aalab. Para akong nanghihina na hindi makaangal sa kanya sa tuwing napapatitig ako sa mga matang 'yon. Na lagi na lang nagpapawala ng puso ko. "Baby," anas nito.Katulad ko ay mabibigat na rin ang kanyang paghinga. Na tila hirap na hirap na rin siyang magpigil ng nadarama. Ayoko namang bumigay sa kanya. Wala pa kaming label at natatakot din ako na ma-turn-off ko siya na hindi na ako birhen. Alam niya noong una namin na birhen pa ako. Kaya sigurado akong nagi-expect itong birhen pa rin ako hanggang ngayon. Ayoko lang na may maka

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 16

    ISABELLA:HINDI pa man ako nakakasagot dito ay tuluyan ng lumapat ang mga labi nito sa aking labi na ikinanghina ng mga tuhod kong napayapos sa batok nito. Mas humigpit naman ang pagkakayapos nito na masuyong inaangkin ang mga labi ko habang paakyat ang elevator na kinasasakyan namin.Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na parang nawalan ako ng lakas para itulak ito o kaya ay umalma sa kanyang kalapastanganan na inaangkin na naman ang mga labi ko!Napasabunot ako dito at kusang naiawang ang bibig ko sa marahan niyang pagkagat sa ibabang labi kong ikinaungol ko. Hindi ko namamalayan na napapasunod na rin ako ditong tinutugon ang kanyang halik, na ikinauungol din nito at mas pinalalalim ang aming halikan!"Uhm. . . teka, kiss lang. Ang manyak mo talaga. May palamas talaga, ha?" naghahabol hiningang asik ko dito na napabungisngis sa pagtabig ko sa kamay nitong nilalamas lang naman ang kanang dibdib ko."Sorry about that, baby. Nakakagigil ka eh, hmm? You're improving," nakangising a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status