LOGINNaramdaman ko pa ang mga mumunting mga halik nila sa akin. I felt relieved. Siguro nga masyado pa akong bata kaya hindi pa ako ganoong napapansin ni Diego. Pasa saan ba't makikita niya din kung gaano ako kaseryoso sa kanya. Bata man ako pero matured na ang puso ko.
Mahigpit naman akong niyakap ng aking mga magulang. Nasa ganun kaming posisyon ng biglang tumalsik ang aming sinasakyan, Ilang beses pa itong nagpagulong gulong. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ng aking mga magulang. They were covering me. "I love you, anak" sabay na wika nila mommy and daddy. Hanggang sa muli na namang tumalsik ang aming sinasakyan. Nakaramdam na rin ako ng hilo dahil tumama ang aking ulo sa may bakal. I tried to move but I couldn't dahil parehong nakadagan sa akin ang aking mga magulang. I could feel wetness all over my body. Hanggang sa mawalan ako ng malay tao. -------------------------- Third person's POV Samantala hindi naman malaman ni Rex ang kanyang gagawin nang matanggap ang tawag galing sa mga pulis na naaksidente ang kanyang mga magulang kasama na ang kanyang kapatid. Natutulirong nakikipag-usap siya sa mga awtoridad upang malaman kung ano ba talaga ang sanhi ng nangyaring aksidente. Hindi nito lubos akalain na sa isang iglap mawawala ang kanyang mga magulang. Kasalukuyan namang nasa temporary comatose si Katrina dahil naging malakas ang impact sa ulo nito ng pagkakatalsik ng kanilang sasakyan. Tumama kasi ang kanyang ulo sa may bakal. "Gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo upang mapanagot ang taong may gawa nito. Handa akong magbayad ng mahal!" sigaw ni Rex sa mga imbestigador at iba pang kapulisan. Mabilis naman niyang tinungo ang morgue kung nasaan ang kanyang mga magulang. Hindi siya makapaniwalang maagang mawawala ang kanyang ama ata ina. Malakas siyang napahiyaw sa sobrang sakit na kanyang nadarama. "Magbabayad sila sa ginawa nila sa inyo, I will make sure they will rot in jail!" sigaw nito habang yakap yakap ang kanyang ina. "Pre, nakikiramay ako." anas no Diego rito at bahagyang tinapik ang kanyang balikat "Wala na sila, wala na sila mom and dad" mangiyak ngiyak na anas nito. Nakaramdam naman ng pagkahabag si Diego kung kaya't niyakap niya ito upang iparating ang kanyang pakikiramay at pag-aalala para rito. TATLONG araw na ang nakakalipas magmula nang manyari ang aksidente. Tuluyan na ring nagising si Katrina. Hindi siya halos makapaniwalang patay na ang kanyang mga magulang. Labis labis ang kanyang pagsisisi kung hindi sana niya inaya ang kanyang mga magulang na umuwi na agad ay hindi sana mangyayari ito sa kanila. Wala ng ibang ginawa si Katrina kundi ang umiyak ng umiyak. Walang pagsidlan ang pighati na kanyang nararamdaman. Mabuti na lamang at nandiyan ang kanyang tita Mabel at Tito Arthur na nagmamalasakit dito. Ganun din si Diego. Habang si Rex naman ay abala sa mga kakailanganin para sa pagpapalibing sa kanilang mga magulang. Matuling lumipas ang mga araw at ngayon nga ay araw ng libing ng kanilang mga magulang. Hindi na halos makilala pa ang kanyang hitsura dahil sa mugto nitong mga mata. "iha, huwag kang mag-alala ituring mo kaming pangalawang mga magulang mo na rin. Ikaw na ang magiging anak namin. Besides wala naman kaming anak na babae. Iha, alam kong hindi namin mapapalitan sa puso mo ang mga magulang mo. Pero sana bigyan mo kami ng pagkakataon upang maging mga magulang mo" mahabang litanya ni tita Melba habang yakap yakap nito. Napasinghot naman si Katrina dahil hindi na naman nito mapigilan ang umiyak ng umiyak dahil hindi nito matanggap ang sinapit ng kanyang mga magulang. "s-salamat po" anas nito sa pagitan ng mga hikbi. --------- KATRINA's POV Malungkot akong nakatingin sa dalawang kabaong na unti-unting ibinababa sa lupa. Oras na para ihulog ang mga bulaklak. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha sa pagbagsak. "mommmyyyyy!!!! why?!! why?!!" malakas kong hiyaw dahil hindi ko na kaya pa. Mabilis naman akong dinaluhan ni kuya Rex at Diego, maging ang kanyang mga magulang. "shhhh. I know it hurts, I know" bulong sa akin ni kuya Rex. Mahigpit naman ako nitong niyakap dahil babagsak na ako sa lupa. Paano na ako ngayon. Paano na kami? Wala nang magluluto ng breakfast ko. Wala nang mag aayos ng buhok ko. Wala na akong mapagsasabihan ng mga problema ko. Wala na ang mommy ko, wala na rin ang daddy ko. Kailangan kong magpakatatag dahil alam kong nariyan lamang sila sa tabi tabi. Hinihiling ko na sana mas gabayan pa nila ako. Sana kasama ko pa rin sila sa future ng buhay ko. Pero sa isang iglap nawala sila agad. Wala nang ibang maririnig pa kundi ang hikbi ng bawat isa. Napakarami nilang dumalo sa libing nila mommy and daddy. Patunay na maraming nagmamahal sa kanila. Isa iyon sa aking maipapamalaki kung paano sila makitungo sa kapwa nila. Hindi nila tinignan ang estado ng buhay ng bawat isa. Ang mahalaga sa kanila ay makatulong sa mga nangangailangan at maramdaman ang mga hinaing nila. Kaya mahal na mahal sila ng mga tao. ------ Pagkatapos ng libing ay dumiretso na ako sa aking silid. Wala akong lakas upang makipag-usap sa mga taong nakikiramay. Gusto ko na lamang magpahinga. Ngunit hindi pa rin mawala wala sa aking isipan ang nangyari sa amin. Pilit kong iwinawaksi ang insidenteng iyon. Ayoko nang maalala pa dahil labis lamang akong binabalot ng guilt at kalungkutan. Malungkot kong inangat ang aming larawan sa bedside table. "m-mommy, d-daddy, I love you so much" Pagkasabi ko niyon ay mabilis akong nahiga sa kama habang yakap yakap ang picture frame naming apat. Kailangan ko ng magpahinga dahil ilang araw na akong walang maayos na tulog. Kailangan kong makalikom ng sapat na lakas para bukas dahil babalik na ako agad sa aking pag-aaral. Oo, masakit ang mawalan ng mahal sa buhay sobrang sakit. Pero kailangan kong mag move forward dahil mas kailangan ako ng hinaharap. Kailangan ko pang maging doctor. Alam ko naman nandiyan lamang sila sa tabi, pinapanood kung anong ginagawa ko. Sana yakapin nila ako ng mahigpit. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.RICO's POV "Boss mukhang may sumusunod ho sa atin" anas ng aking tauhan. Mabilis akong tumingin sa side mirror ng sasakyan at sa rear view mirror. Kumpirmado nga may isang nakamotor na sumusunod sa amin. "Sige. Makipaglaro tayo sa kanya" utos ko sa aking tauhan na agad naman nilang sinang ayunan. Mabilis na kinabig ng aking driver ang sasakyan patungo sa kaliwa. Hanggang sa magpagewang gewang aking sasakyan. Bigla namang bumagal ang takbo ng motorsiklo sa aming likuran. Tinapik ko ang aking drayber upang bagalan din ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nakita ng dalawang mga mata ko na tumigil ito sa gitnang daan. Nakasuot ito ng itim na helmet ngunit ang ayos nito ay napaka elegante dahil sa suot nitong dress. "Iatras mo ang sasakyan at lumapit sa nakahimpil na motorsiklo. Ihanda ninyo ang inyong mga armas at timbrihan ang ilang mga tauhan" maawtoridad kong utos sa mga ito na agad naman nilang sinunod. Nang makalapit kami sa motorsiklong may sakay na babaeng rider ay agad kon
"Maraming salamat po sa inyong pagdalo sa napakahalagang gabing ito" malawak ang pagkakangiti ni madam AB habang binibigkas ang mga katagang iyon. Ano kayang mahalagang announcement ang kanyang sasabihin at halos lahat ng bisita niya ay mga naglalakihang tao sa business world. "As you can see, matagal na panahon rin ang iginugol ko upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama. Hindi ko man siya nakasama ng lubusan ngunit ama ko pa rin naman siya. Siguro kung nabubuhay lamang si Daddy Enrico, malamang matutuwa iyon" naikuyom ko na lamang ang aking kamao sa aking mga narinig. Nag ngingitngit ang kalooban ko sa galit dahil napakasinungaling ng taong ito. Napakahusay ring umarte dahil mas pinalamlam nito ang kanyang mga mata upang mas lalong mamangha at kaawaan siya ng mga taong nandito. Para bang naghahanap ng simpatya. "Ngunit hindi pa rin ako nasisiyahan at pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. Hindi ko pa rin kasi nahahanap ang aking mga half siblings, ang aking
Abala ang lahat ng mga tao dito sa bahay dahil nagsisidatingan na ang ilan sa mga bisita ni madam AB. Mayroon raw itong iaanunsiyong mahalagang impormasyon sa lahat ng panauhin. Halos mga bigatin ang narito. Napansin ko rin ang ilang mga investors sa sa kumpanya nila daddy. Nandito rin ang isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Abala ako ngayon sa paglalagay ng mga pagkain sa tray ng biglang may magsalita sa aking likuran. "Ah, miss. Magtatanong lang sana kung saan ang CR rito?" napalingon ako sa taong nagsalita. Nakasuot ito ng puting shirt habang mayroong dalawang strap na nasa ibabaw ng suot ng damit. Nakasukbit ang mga straps sa kanyang suot na black jeans. Ang kanyang mga mata ay may malabrown na kulay ngunit hindi kaguwapuhan. Bumaba ang aking tingin sa kamay niyang nakalapat sa aking balikat. Napansin ko ang tattoo na kaperahas ng mga naunang miyembro ng Telapia Syndicate. Napangisi ako sa aking isipan. Mukhang tama nga ang kutob ni Diego. Mabilis umandar ang aking isip
Matapos naming malinisan ang mga dapat linisan ay tinawag na kaming lahat upang humilera sa may living room. Nagtatakang napapatingin ako sa ibang mga kasambahay ng isa-isa silang kapkapakan ng babaeng tauhan ni madam AB. May nakasukbit ring baril sa kanyang beywang at tila ngumunguya pa ng bubble gum. Hindi ko rin gusto ang paraan ng pagkapkap nito dahil batid kong may kakaibang malisya ang kanyang ginagawa. Sa tingin ko ay hindi ito tunay na babae. Hindi naman ako kinakabahan o natatakot na baka makita nito ang itinago kong music box sa loob ng aking damit. Sinadya kong ilagay ito sa ilalim ng aking bra. Hindi naman kalakihan ang music box na iyon. Maliit lamang, paranh kahon lamang ng singsing, ngunit ang music box ko ay mas maliit pa sa kahon ng singsing. Ito ay napapalibutan ng iba't-ibang klase ng precious stones na sinadya pang ipagawa sa Africa. Dalawampu ang mga kasambahay na narito kasama kong nakatayo sa living room. Nasa ikatlong kasambahay pa lang ito. Rinig ko ang mal
Marahas akong napabuga ng hangin bago ininom ang alak sa aking baso. Hinahayaan ko lamang ang hangin na ilipad ang aking mumunting buhok na tumatabing sa aking mukha. "Ang lalim nun ah!" anas ni Tina habang papaupo sa bakanteng upuan dito sa veranda. Nandito kami ngayon sa Tagaytay dahil kailangan ko munang makapag-isip ng maayos. Mamaya maya ay babalik din ako sa isla Montefaldo. Tipid akong napangiti dito habang nilalaro ang bote ng alak sa aking kamay. Nakatayo ako ngayon sa may hand rail ng veranda habang ang aking mga kamay ay nakasandal dito. Napatingala ako sa kalangitan at ipinikit ang aking mga mata. "Bakit? Bakit hindi ko man lamang nalaman na mayroon pala kaming kapatid. Ang kapatid namin na siyang dahilan kung bakit namatay ang aking mga magulang at nawala ang lahat lahat ng sa amin" turan ko habang nakapikit ang aking mga mata. Hinayaan ko lamang ang aking mga luha na dumaloy sa aking mukha. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Tina. Doon ako lalong humik
Mabilis kong inayos ang aking sarili at itinuon ang atensiyon sa babaeng sumasayaw sa aming harapan. Ngunit ang magaling na lalaki ay panay ang halik sa aking batok. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. Inalis na rin nito ang suot nitong bonnet. Mamaya ko na tatanungin kung anong ginagawa nito sa silid ni madam AB. "Mommy! Huwag kang mag-alala malapit na nating maubos ang pamilya De Guzman!" napatigil ako sa aking kinatatayuan. Para akong nanigas at hindi makagalaw. Sinong De Guzman? Kami ba ang tinutukoy nito? "Ngunit patawarin mo ako, mommy dahil nakatakas ang hayop na Rex na iyon! Huwag kang mag-alala dahil makukuha ko rin siya ulit. At ang kanyang kapatid na si Katrina? Malapit ko na rin siyang maging bihag." napakunot ako ng aking noo. Anong kinalaman ko at ng pamilya ko sa kanya? Bakit ganoon na lamang ang galit nito sa aming pamilya? "Kung hindi dahil sa tarantadong Enrico na iyon hindi magkakaganito ang aking buhay! Ikaw naman kasi, bakit ka pa pumatol sa kanya? Alam