Home / Mafia / STILL YOU (SPG) / I WILL KILL YOU!

Share

I WILL KILL YOU!

Author: Pansy
last update Last Updated: 2025-10-05 23:04:03

Lakad takbo ang ginawa namin marating lamang ang sasakyang sinasabi nito. Maingat ko naman itong ibinaba. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng sasakyan. Tumambad sa akin ang isang lalaking nakapiring ang mga mata. Nagtatakang napatingin ako sa batang babae na ngayon ay nasa pinakang back seat ng sasakyan kasama ng wari ko ay yaya nito. Nakangiting nakatingin ito sa akin.

"Miss. I think my daddy is having a hard time breathing." aniya

Dahil sa sinabi nito ay hinawakan ko ang pulsuhan nito upang icheck ang heart beat ng pasyente. Normal naman ang tibok ng puso nito. Ngunit kailangan kong makasigurado kaya naman hinawakan ko rin ang ibaba ng kanyang tenga upang macheck ang kanyang heart beat. Normal din.

Inilapit ko ang aking daliri sa kanyang nostrills at inilapat ang aking tenga sa dibdib nito. Parang ang ending tuloy ay nakayakap ako sa kanya.

Normal din. Ako ba ay pinagloloko ng batang ito. Akmang aalis na sana ako ng biglang diinan nito ang pagkakadikit ng aking tenga sa dibdib nito. Gulat na napaangat ako ng tingin dito.

"Stop!" turan ko dito. Ngunit ayaw tumigil ng taong ito. Dahil mas inilapit ako nito sa kanya.

"Stoooooopppp!!!!" napahiyaw ako ng bigla akong buhatin dahilan kaya tuluyan akong napunta sa ibabaw nito. Mas lalo akong nagwala ng mahigpit ako nitong yakapin. Hindi pwede ito.

Nababaliw na ba ang lalaking ito. Mas lalo akong hindi mapakali nang matamaan ko ang matigas na bagay na iyon na tumutusok ngayon sa aking pagkababae.

Oh no. This can't be real!

"Hey, kiddo! help me here!" hiyaw ko sa batang ngayon ay tumatawa. Parang natutuwa pa sa nakikita nitong eksena dito sa loob ng sasakyan. Masamang tingin ang ibinigay ko dito ngunit patuloy pa rin ito sa pagtawa.

"Mr. Piring! stop touching me or else I will kill you!" Mariing anas ko dito. Ako ay nagpupuyos na sa inis at galit dahil nababastos na ako ng taong ito.

"Daddy, let her go na. I think she doesn't like you" malungkot na anas ng babaeng kanina lamang ay tumatawa sa nasasaksihan nitong kaganapan. Ang bilis namang mashift ng mood nito.

"Alexa, cover your eyes-" pagkasabi niyon ay gulat na gulat ako sa boses ng nagsalita. Kilalang kilala ko ang boses nito. Mas naging matured na nga lang ang boses niya pero nakakaakit pakinggan. Hindi ako maaaring magkamali at hindi ito maaari. Hindi sa ganitong paraan ko makikita ang taong ito.

Mabilis na tumibok ang puso ko at mas lalo akong nagulat nang walang babala nitong kinabig ang ulo ko at hinalikan ang mga labi ko. Dahil sa gulat ko ay nagpumiglas ako dito ngunit ayaw nitong tantanan ang aking labi.

This is my first kiss. Hindi ko maimagine na sa ganitong paraan ko mararanasan ang aking first kiss. I always imagine my first kiss to be romantic not the other way around.

I was surprised and stunned when he finally removed his eye covering. Maang na napatitig ako sa mukha nito. Mas lalo yata itong naging gwapo sa aking paningin. Parang hindi tumatanda ang mukha nito. Napakabata pang tignan ng mukha nito at sadyang biniyayaan ng napaka gwapong mukha. Para lamang akong nakatingin sa isang modelo.

"Done checking on me?" he said while smirking. I rolled my eyes and tried to escape from his arms but I still can't seem to leave this place because of his arms gripping my body.

Nakaisip ako ng paraan upang makawala dito. Since ninakaw na niya ang aking first kiss ay lulubusin ko na.

Mabilis kong pinaglapat ang aming mga labi. Naramdaman ko pa ang gulat nito ngunit di kalaunan ay tinugon niya ang aking halik. Hindi ako ganun karunong humalik pero madali ko lamang natutunan sa paraan ng paghalik nito sa akin.

Nang lumalalim na ang halikan namin ay doon ako nakakuha ng pagkakataon upang umalis dito. Kinagat ko pa ang kanyang pang ibabang labi nago tuluyang nilisan ang sasakyang ito.

Lakad at takbo ang aking ginawa. Hinabol pa nga ako ng ilan sa wari ko'y mga tauhan nito. Peste! Mabilis akong sumakay sa aking sasakyan at mabilis ko itong pinaharurot palayo.

Hindi naman nagtagal ay nakarating ako agad sa aming tahanan. Nadatnan ko pa ngang busy sa panonood ng TV program ang aking nana. Mabilis akong lumapit dito at hinalikan ito sa kanyang pisngi.

"How's your day nana? Kumain kana ba?" tanong ko dito.

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan. Kumain kana ba" malambing na tanong nito.

"Nagluto na ako. Kumain ka muna" anas nito bago pumasok sa kusina upang ipaghanda ako ng pagkain. Masayang pinagmasdan ko ito. Isang buwan lang naman akong maglalagi sa Pinas. Dahil isang buwan lamang ang kontrata.

Nakatitiyak akong mamimiss ko ito.

"Nana, I'm going back to the Philippines tomorrow"

"Ano! Bakit parang ambilis naman yata niyan. May bago kana naman bang misyon?" Gulat na tanong nito. Halos kamuntikan pa nga nitong mahulog ang pinggan mabuti na lamang at nakalapit ako agad dito at nasalo ko.

"Kailangan e nana." malungkot kong anas dito.

"Huwag kang mag-alala nana Marie, andito naman ako!" Gulat na napabaling kami sa taong nagsalita. Walang iba kundi si Angie. Ang bilis naman nitong makarating dito.

"Nana marie, saan ang kwarto ko?" Walang prenong tanong nito. Pinanlakihan naman ako ng mata ng aking nana marie dahil hindi pa nito alam na dito muna pansamantalang maninirahan si Angie habang wala ako.

"Oo nga pala nana, pansamantala dito muna tutuloy si Angie habang wala pa ako. Siya na rin muna ang mamamahala sa ating flower shop. Mabuti na rin yun para may nakakasama ka dito habang wala ako. Huwag kang mag-alala hindi ka kukulitin nitong si Angie, diba Angie?"

"Ah...eh... Oo naman, best friend kaya kami niyan ni Nana Marie. Diba nana?" makulit na turan nito.

"Che!" pabirong tugon ni nana Marie. sinenyasan naman ako nito na waring nagtatanong kung may alam ba ito sa tunay kong trabaho. Pasimple akomg umiling dito upang hindi makahalata si Angie na ngayon ay may pasak pasak na sandwich sa bunganga nito.

"Nana ang sarap talaga ng sandwich mo!" halos mabulunan nang anas nito. Naiiling na iniwan ko na ang dalawa. Kapag talaga nagsama ang dalawa ay lagi silang nagbabangayan ngunit alam ko namang ganun ang way nila para mag usap. Magkasundo naman ang dalawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • STILL YOU (SPG)   KAKAMBAL???

    Naglagay lamang ako ng dalawang kutsaritang kape at konting asukal. Naglagay rin ako ng creamer sa isang maliit na shotting glass na nakita ko sa lagayan ng mga baso. Optional lang naman ang creamer. I prefer coffee without sugar. Dahil mas nanunoot ang tapang noon. Naisip ko ring mag toast ng bread dahil baka hindi pa siya nag-aalmusal. Para naman matuwa siya sa akin bilang secretary niya at makuha ko ang loob nito. Nang matapos akong magtimpla at magtoast ay inilagay ko ang mga ito sa si kalakihang tray at maingat na inihatid sa table nito. Napansin kong sobrang dami ng mga papeles na nasa ibabaw ng table nito. "Sir, here's your coffee" anas ko dito ni hindi man lamang ako nito tinapunan ng tingin kaya inilapag ko na lamang sa ibabaw ng table niya ang aking inihanda para sa kanya. "I also toasted bread for you. Call me when you need anything. I'll be outside" dagdag ko pa at akmang aalis na ako ng bigla niyang tinawag ang aking pangalan. "You'll be staying here in my office, Ms.

  • STILL YOU (SPG)   YOU'RE HIRED

    Manghang napatingin ako sa bahay na binili ni Galvin. Marunong talaga itong pumili ng bahay. Nagpahanap na rin ako ng ilang mga kasambahay na maaring makatulong sa akin sa pang araw araw. Marunong naman akong magluto. Iyon nga lang ay hindi ko mahaharap dahil sa busy akong tao."Magandang umaga ho, ma'am. Ako ho si Inday, ipinadala ho ako ng kumpanya bilang kasambahay ninyo at ito naman po si Diday" mukhang mapagkakatiwalaan naman ito kaya sinabi ko rito ang mga dapat nilang gawin kapag nandito at nasa labas ako. Mabilis naman nilang nakuha ang aking ipinag-uutos. Napansin kong maganda ang anak ni manang Inday na Diday. Dala ng kuryosidad ay napatanong ako dito. "Ilang taon kana Diday?" tanong ko dito. Nahihiya pa itong tumingin sa akin. Napakaputi ng batang ito. "Labing walong taon po, ma'am" nahihiyang sabi nito. "Nag-aaral ka pa ba?" tanong ko habang sumisimsim ng kapeng iniabot ni manang Inday. Nagpunta ito ng kusina ng kausapin ko ang anak nito upang ipagtimpla ako ng kape. N

  • STILL YOU (SPG)   PIZZA DELIVERY

    Laking pasasalamat ko nang makarating kami ng ligtas sa aming unit. Bukas na bukas din ay lilipat na ako sa ipinabili kong bahay kay Galvin dahil nasisikipan na ako dito sa unit. Habang lumalawak ang aking kaalaman sa kasong hawak ko ay mas lalo namang sumisikip ang aking lugar. Pakiramdam ko ay hindi ako makakilos ng maayos. Ibinaba ko ang aking mga armas sa ibabaw ng table at nagsalin ng alak sa aking kopita. Hindi ko lubos akalain na magkikita kaming muli ni Diego Montenegro sa ganoong sitwasyon. Kamuntikan na kaming mabulilyaso kanina. Mabuti na lamang at maagap akong nakaisip ng paraan upang linlangin ang aking mga kalaban. Ang ipinagtataka ko bakit kailangan akong tutukan ng baril ni Diego? Ah, oo nga pala. Malamang iniisip noon isa akong kalaban. Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-inom ng alak ng biglang tumunog ang aking cellphone ngunit pagtingin ko sa caller ay unknown number lamang ito. Hindi ko na lamang ito pinansin at patuloy na umiinom ng alak hanggang sa makaramdam

  • STILL YOU (SPG)   SUBUKAN NATIN!

    "Kailangan muna naming masuri ang mga armas na ito bago ko bayaran, Mr. Montenegro" anas ng governor. Napansin ko naman ang bahagyang pag protesta ng babaeng katabi nito. Tila hindi nito nagugustuhan ang mga ginagawa ng governor sa kanya. "Go ahead, governor" kalmadong sabi ng aking katabi sabay abot nito ng isang armalite. Mabilis namang inabot ng gobernador ang baril at mariing sinuri ang bawat anggulo ng baril na hawak nito. "Huwag kang mag-alala, governor. Ang mga ito ay de kalidad na mga armas. Tiyak na magagamit mo ang mga ito sa iyong mga kalakaran" Mariin kong ikinuyom ang aking kamao sa aking mga narinig. So, ito ang negosyo ni Deon Montenegro? Ang magbenta ng mga unregistered guns. Huwag ko lamang malaman na pati droga ay ibinebenta nito. Talagang ako ang magpapakulong dito. "Maganda nga ang mga baril mo, Mr. Montenegro. Ngunit sa tingin ko'y mas maganda kung subukan natin. Bakit hindi natin ipasubok diyan sa babaeng katabi mo? Mukhang ngayon ko lamang nakita ang mukhang

  • STILL YOU (SPG)   ANONG PAKAY MO!?

    KINAGABIHAN. Kasalukuyan kaming naghahanda ng aming gagamitin ng aking nga tauhan. Dahil malakas ang kutob kong maraming nga nagkalat na kalaban sa buong paligid ng underground. Kailangan rin namin nakahanap ng sapat na ebidensiya upang malaman kung anong ugnayan ni Diego sa telapia syndicate. Naglagay ako ng sapat na bala sa aking baril at isinuksok ko ang aking paboritong patalim sa aking likuran maging ang aking katana. Na kapag pinindot ang button ay kusang hahaba ito. "Handa na ba kayo?" tanong ko sa aking mga tauhan. Sabay sabay naman silang napangisi sa aking tinuran. "Yes, boss. Kating kati na ang aking mga daliring kumalabit ng gatilyo" nakangising anas sa akin ni Galvin na sinegundahan naman ni Dante at Herardo. Ito ang gusto ko sa mga ito, matatapang, walang sinasanto. Sumakay na kami sa aming mga sasakyan. Ako ay nakasakay sa aking ducati samantala ang tatlo ay magkakasama sa iisang sasakyan. Bale nagconvoy na lamang kami. Hindi naman nagatagal ay narating namin

  • STILL YOU (SPG)   SINO KA??

    "Boss, tama nga ang sinabi ni madam AA na may kinalaman ang governor ng lugar na ito sa mga nwawalang dalaga. Ayon sa aking nakalap na impormasyon base na rin sa aking pagmamanman sa buong kapaligiran at sa governor ay mayroon ngang nilulutong laboratoryo malapit sa dalampasigan kung saan itinuturing na ngayong private property." imporma sa akin ni Galvin. Mukhang mapapabilis ang aking misyon nito. "Nalaman mo ba kung sino sino sa mga sikat na businessmen sa bansa ang involved dito?" seryosong tanong ko dito habang pinag-aaralan ang mga papeles na dala-dala nito."Sa darating na transaksyon ng mga illegal na armas ay mukhang darating din ang kanyang mga kasosyo." marahas akong napangisi sa mga tinuran nito. Mamayang gabi na nga gaganapin ang bilihan ng mga armas kung saan darating doon si Diego Montenegro. Mukhang pagkakataon ko na ito upang matapos ang aking misyon mukhang lumalapit na sa akin ang mga kasagutan sa aking mga katanungan. "Herardo, kumusta ang paghahanap mo ng lead s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status