Home / Mafia / STILL YOU (SPG) / I NEED YOUR HELP!!!

Share

I NEED YOUR HELP!!!

Author: Pansy
last update publish date: 2025-10-05 23:03:22

"Ano? Bukas ka na agad-agad aalis?" Gulat na anas ni Angie. Nakilala ko si Angie dito sa UK noong freshman ko sa aming university. Parehas ko din itong hindi natapos sa medisina dahil kinapos sa budget.

"ibaba mo muna kaya yung order ko bago mo ako usisain" anas ko dito.

"ay oo nga pala,. Oh, here's your order ma'am" sarkastikonh anas nito. Pagkalapag ng order ko ay naupo ito sa tabi ko kahit may suot pa itong apron. Si Angie ay isang waitress dito sa isang sikat na restaurant dito sa UK.

"now, spill the tea. Bakit agad agad kang babalik sa pinas?" she curiously asked. Tumitig ako dito dieretso sa mata habang siya ay nakatunghay sa akin na animo'y parang batang nag-aantay ng kendi.

"Diba nga nalugi yung kumpanya namin? so, naisip ko umuwi muna baka sakaling makita ko yung kapatid ko. Hindi ko pa siya nakakausap. It's been 5 years since we last talked." malungkot kong wika dito. Hindi ko na sinabi dito ang tunay na dahilan kung bakit akong uuwi talaga. Hindi pa kasi nito alam ang tunay kong trabaho. Ang alam nito ay isa akong florist. Sinadya ko talagang magpatayo ng sarili kong flower shop for a facade para walang makakilala sa tunay kong pagkatao. I am not really into flowers pero pinag-aralan ko kung paano mag ayos ng mga bulaklak upang mas kapani-paniwala ang aking pagpapanggap.

"so, paano na yung negosyo mo? iiwan mo na lang? eh si nana Marie?"

Napangiti ako sa mga tanong niya dahil may naisip akong ideya. Dahil wala namang titingin sa aking shop at kay nana marie. I-aalok ko na lamang dito na siya na ang mag manage at magbantay kay nana marie. Dahil hanggang ngayon ay nangungupahan pa rin ito dito sa UK. May pinapaaral kasi ito sa kolehiyo at siya ang bread winner ng kanilang pamilya.

Mabuti na lamang at may sarili kaming bahay dito. Mabuti n lang at nakabili ng property ang aking kuya bago pa kamu malugi. Hindi naman kalakihan ang aming tahanan. Sapat para sa aming dalawa ni nana Marie.

"Bakit ko pa poproblemahin iyon kung nanjan ka naman?" nakita ko kung paanong lumuwa ang mga mata nito sa aking mga tinuran. Napatawa na lamang ako sa kanyang naging reaksyon. Paano ba naman nakabuka ang bunganga nito na korteng 'O'.

Natatawang isinara ko ang bunganga nito sabay lahad ng susi ng aking flower shop at bahay. Pinaduplicate ko ang mga ito para may sarili siyang susi. Hindi pa kasi ito nakakapagsalita dahil hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ito. Gulat na gulat yata sa aking mga sinabi.

"Oh ikaw na ang bahala" pagkasabi ko niyon ay iniwan ko na itong nakatulala. Mas lalo pa akong napatawa ng bahagya ng makita kong may tumulo na konting luha sa mga mata nito. Mamaya ko pang maririnig ang kanyang reaksiyon dahil sigurado akong mangungulit ito.

Hindi naman ako nagtagal dito dahil umalis din ako kaagad. Ngunit habang palakad ako palabas ng restaurant ay natanaw ng aking mga mata ang isang itim na sasakyan na nakaparada sa di kalayuan. Mukhang bago lamang ang sasakyang ito dito. Dahil lagi naman akong nagpupunta dito upang kamustahin ang aking kaibigan at para na rin kumain.

Baka naman bagong customer nila. Dahil ang restaurant na ito ay talagang pinipilahan at halos wala ng maupuan dahil sa masasarap nilang pagkain. Magagalang din ang kanilang mga staff lalo at puro mga pinoy ang mga empleyado.

Nagkibit balikat na lamang ako dahil hindi naman ako chismosa para alamin pa kung sino ang nasa loob ng sasakyan.

Patungo na sana ako sa aking nakapark na sasakyan nang biglang harangan ako ng isang tao. Sa tantiya ko ay nasa mid-60's na ito at may inaabot ito sa akin.

"Hi, darling. Do you happen to know where this place is?" Malambing na tanong sa akin ng matandang babae. She's wearing typical European clothing with a big tote bag on her arm.

Nakangiting inabot ko ang papel na ipinapakita nito sa akin. Mabilis akong bumaling dito ngunit napansin kong may tinitignan ito sa di kalayuan kaya naman sinundan ko ng tingin ang tinitignan nito ngunit wala naman akong makita. Ipinagsawalang bahala ko na lamang.

"Yes, ma'am. You are actually standing in front of it. That is the D.M restaurant" sabay turo ko sa lugar na hinahanap nito.

"oh. Forgive me for being too old to not spot the place. Thank you, darling" anas nito. kapagkuwan ay naglakad na ito patungo sa restaurant.

Nginitian ko na lamang ito at nag patuloy na sa paglakad patungo sa aking sasakyan. Ngunit may pumigil na naman sa akin. Parang ang dami naman yatang gustong magtanong ngayon. Ang dami namang taong pwede nilang mapagtanungan at bakit ako pa.

Nakangiting binalingan ko ang taong nakaharang sa aking daraanan. Isang batang paslit. Siguro ay nasa 10 years old lamang ito. Ngunit biglang nangunot ang aking noo ng makita ko ang hitsura ng batang ito. Parang may kamukha siya. Hindi ko lang masabi kung sino. Pero ang pares ng mga mata nito ay may kamukha. Matangos ang ilong nito at napakagandang bata. Siguro nagmana ang kagandahan nito sa kanyang ina.

"Hi, miss. I'm sorry to bother you. But, I think I need your help" malambing na anas nito habang pinasasalikop ang mga kamay. Nakataas pa ang isang paa nito habang nagpapa cute sa akin. Grabe naman sa kagandahan ang batang ito.

"Hello. Sure. What kind of help do you need?" nakangiting naupo ako upang magpantay kami.

"Do you see that car nearby?" turo nito sa sasakyang nakita ko kanina. Sa kanila pala yun.

"Uh-huh" I responded nicely.

"My dad is inside. He's having a hard time breathing. Can you help him?" Gulat na nagpalipat lipat ang aking tingin sa bata at sa sasakyang itinuro nito. Hindi ako makapaniwalang may hihingin ng tulong sa akin. Mabuti na lamang at may alam ako sa first aid. Kahit hindi naman ako nakapagtapos sa medisina ay may alam naman ako pagdating sa pag gagamot at mga first aid para sa emergencies na tulad nito.

Wala na kaming sinayang na oras. Binuhat ko na lamang ang bata dahil kung sasabayan ko ito sa paglalakad ay baka matigok na ang pasyente.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • STILL YOU (SPG)   SINO KA NAMAN?

    Nagising ako sa init ng sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Teka nasaan ako? At bakit parang dumuduyan ang kwartong ito. Napatingin ako sa paligid at gulat na gulat sa aking nakikita. Narito ako sa isang silid. Sa aking pagkakaalala ay nawalan ako ng malay matapos kong makaligtas sa pagsabog. Tama. Pagsabog. Teka! Anong araw na ngayon?!Dali dali akong tumayo mula sa aking kinahihigaan nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong ito. Awang ang aking mga labi sa taong pumasok sa kwartong ito dahil nakatapis lamang ito ng tuwalya. Wari ko ay bagong paligo lamang ito. Ikiniling ko na lamang ang aking ulo at masamang tumingin dito. Galit pa rin ako dito. "Bakit ako nandito?!" galit na turan ko dito. Ngunit ang wala man lang itong reaksyon sa galit ko. Bagkus ay para pa itong estatwa na nakatayo lamang at nakatitig sa akin. "Iyan ba ang iyong paraan ng pasasalamat? ang bulyawan ako?" nakangising anas nito at dahan dahang naglakad palapit sa akin.Ako naman ay mabilis na umatra

  • STILL YOU (SPG)   HINDI KANA SISIKATAN NG ARAW

    Nagpalipas muna ako ng isang sandali. Tamang tama pasado alas tres na rin ng madaling araw. Ang ibang mga tauhan ay nagkanya kanya na ng gawain. Ang iba ay abala sa pagsusugal habang ang iba naman ay abala sa pagmamasid sa buong kapaligiran. Lahat sila ay armado. Ganun din ang underground. Ang bukana niyon ay napalilibutan ng mga armadong kalalakihan. "Boss! May problema." napakunot noo ako sa sinabi ng ang aking tauhan. Bigla rin akong kinabahan dito. "Boss. Nawawala ho ang inyong kapatid" Gulat na gulat ako sa ibinalita nito. Nanginginig rin ang aking mga kamay. "Paanong nawawala?! Hindi ba't protektado ang hospital na pagmamay-ari ni Diego?!" galit na galit kong turan dito. Ngunit hindi ako maaaring sumigaw dahil baka marinig ako ng mga kalaban. Gayong narito lamang sila sa ibaba ng puno kung saan ako nagkukubli. "Boss, mayroon hong traydor sa mga tauhan ni Lord Diego" "Kasalukuyan hong nakikipaglaban sina Lord Diego ngayon dito ho sa hospital. Sa aking pagkakaalam ay

  • STILL YOU (SPG)   TAMA NA PLEASE!

    ANABELLE's POVKuyom ang aking mga kamao sa aking narinig. Hindi ko mapapalampas ang sinabi nito. Inilibing niya ng buhay ang aking ina?? Ang aking ina? Ang sarili naming ina?"Tama ka ng iyong narinig, Anabelle. Ina mo lang. Dahil hindi tayo tunay na magkapatid" nakangising anas nito. Nag uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib. Kahit nahihirapan at nanghihina ay pinilit kong tumayo. Nararamdaman ko pa ang pagkahilo at pamamaga ng aking mga pisngi dahil sa mga sampal na natamo ko mula dito. Kahit nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luha ay naglakas loob akong lapitan ito. Isang malakas na sampal ang aking ipinakaloob dito. Waring hindi niya inasahan ang aking ginawa. "Walang hiya ka! Pagkatapos ka naming kupkupin ganito lamang ang gagawin mo sa amin! Wala kang silbi!Itong tandaan mo, AB. Kung hindi dahil sa amin wala ka sa posisyon mo ngayon! Hindi mo matatamasa ang karangyaan gamit ang pera ng mga De Guzman!" nanlilisik ang mga matang turan nito. Ang paraan ng pagtawa

  • STILL YOU (SPG)   HINDI MAAARI

    ANABELLE's POV "Hindi mo ba alam na isa sa mga investors mo ay si Katrna De Guzman?" may galit sa tono nito. Gulat na gulat ako sa aking narinig nang sabihin nitong isa si Katrina De Guzman sa mga investors ko. Alam ko namang kinuha ko lamang ang mga negosyo nila dahil sa galit sa aking puso. "Wala ka talagang silbi! Nasa harap mo na hindi mo pa binihag!" halos mawalan ako ng hininga sa takot ko sa aking kapatid. Kilala ko kung paano ito magalit. Dahil minsan na rin naman akong nakatikim ng galit nito. Hindi ko malilimutan ang paglatay ng latigo sa aking likuran mula sa kanyang mga kamay. "P-patawad. Hin...hindi ko alam" nauutal na anas ko dito. "Hindi mo talaga malalaman dahil puro ka kalandian." mapang-uyam na anas nito. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang kanyang kakaibang ngisi. "Tama na iyan!" galit na turan ng babae sa likod ng gold na maskara. Nakasuot ito ng itim na dress. Mahahalata na rin ang mga wrinkles sa kanyang balat. Tanda ng katandaan. Ngayon pa

  • STILL YOU (SPG)   SI KAMATAYAN

    Kuyom ang mga kamao ko sa aking narinig. Peste! Wala palang silbi ang aking pagpapanggap dahil kilala na pala ako ng hayop na Rico na yun. Masasabi kong mahusay siya sa kanyang pag acting. Ngunit hindi ako papayag na maisakatuparan niya ang kanyang mga plano. Sino kaya ang babaenh kausap ng lalaking iyon? Kailangan kong malaman iyon sa lalong madaling panahon. Nang maramdaman kong wala ng tao sa paligid ay agad na akong umalis sa aking pinagtataguan upang magtungo sa mga bata. Kailangan na nilang mai-alis sa lugar na ito bago pa sumabog ang bomba. Mabuti na lamang at nakapaglagay na ako ng time bomb habang papasok sa loob ng bahay. "Sino ka?!" galit na turan ng isang babae. Nararamdaman ko mula sa aking likuran ang hawak nitong baril. Kaya walang pagdadalawang isip na bumaling ako dito at mabilis na itinutok ang aking baril sa mismong ulo nito. "Si kamatayan!" sabay kalabit ng gatilyo ng aking baril. Sapul na sapul ito sa kanyang ulo. Ngunit hindi rin nakaligtas ang a

  • STILL YOU (SPG)   PAGSASAWAAN KO MUNA SIYA

    Inihinto ko ang aking ducati sa likuran ng malaking puno at agad na isinuot ang aking ninja suit ganun rin ang aking mask. Hindi nila ako maaring makilala dahil malaking gulo iyon kapag nagkataon. Tama nga ako ng hinala. Magkakasama at magkakakilala sina Rico at ang nakaengkwentro ko kanina. Malakas ang kutob kong may itinatagong kademonyohan ang lalaking iyon parehas sila ng kanyang kapatid. Medyo may kataasan ang pader na aakyatin ko. Mabuti na lamang at naensayo akong mabuti kung paano akyatin ang mga nagtataasang pader. Gamit ang aking grappling hook ay mabilis akong nakaakyat sa pader. Walang katunog tunog ang aking paang dumapo sa damuhan. Tama lamang ang aking binabaan dahil walang tao at madilim ang lugar. Sa tingin ko ito ang likuran ng kanilang bahay dahil puro mga halaman ang nandito. Marami rin akong nakikitang mga talbos ng kamote na naririto. Salamat na rin sa liwanag ng buwan kung kaya't nakikita ko pa rin ang aking dinadaanan. Dahan dahan akong naglakad patungo sa

  • STILL YOU (SPG)   I WILL KILL YOU!

    Lakad takbo ang ginawa namin marating lamang ang sasakyang sinasabi nito. Maingat ko naman itong ibinaba. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng sasakyan. Tumambad sa akin ang isang lalaking nakapiring ang mga mata. Nagtatakang napatingin ako sa batang babae na ngayon ay nasa pinakang back se

  • STILL YOU (SPG)   ANG MISYON

    Ilang taon na rin ang nakalilipas magmula nang mamalagi kami dito sa UK. Marami ng nagbago. Marami na akong ipinagbago. After 10 long years, masasabi kong, I'm living the life I wanted.Tuluyan ko na ring naibaon sa limot ang mga masasamang ala-ala ng kahapon. Kahit sobrang hirap ng pinagdaanan ko,

  • STILL YOU (SPG)   I HATE YOU!

    "Diego-" hindi ko natapos ang aking sasabihin sana dahil mas nagimbal ako nang makita ko ang ginagawa nila na tanging ginagawa lamang ng mag-asawa. "oh, shit!" malutong na mura nito nang makita akong nakatayo sa may pinto. Nakita ko pa kung papaano nitong itinulak ang babae kaya nahulog ito sa kam

  • STILL YOU (SPG)   ANONG NANGYAYARI???

    "Katrina, ipapadala kita sa ibang bansa. I just can't look after you while I am managing the business. Alam mo naman siguro kung paano magpatakbo ng negosyo?" I looked at my brother in confusion. Bakit kailangan pa akong ipadala sa ibang bansa. Wala naman akong kakilala doon. Besides nandito naman

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status