Share

KABANATA 38 “SHADOWS 1”

HINDI alam o matiyak ni Mia kung saan niya kinuha ang lakas ng loob na ginamit niya upang tugunin si Erik sa paraan na katulad ng ginagawa nito sa kanya. Mabilis siyang iwinala sa sarili niyang katinuan ng halik na iyon pero sa kabila niyon ay napaigtad parin siya nang magsimulang malikot ang kamay nito.

“I love you, so much,” ang binata nang pakawalan nito ang mga labi niya saka sinuyod ng humahangang tingin ang kanyang mukha.

Noon buong pagsuyo na hinaplos ni Mia ang gwapong mukha ni Erik. Pagkatapos ay nag-iinit ang sulok ng mga mata siyang nagsalita.

“Mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita. Mula noon hanggang ngayon at hanggang sa kailanman, wala na akong ibang lalaking mamahalin at pag-aalayan ng puso ko kundi ikaw lang,” ang madamdaming hayag ni Mia.

Nang ngumiti si Erik ay parang hinipo ng mainit na kamay ang puso ni Mia. At iyon ang dahilan kaya tuluyang humulagpos ang emosyon na kanina pa niya kinokontrol.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status