Share

KABANATA 39 “SHADOWS 2”

ANG tuluyang paglalapat na iyon ng mga labi nila ang naging parang mitsa para sa isang maulan pero mainit at nakakapasong gabi sa pagitan nilang dalawa ng binata.

At para kay Mia, kung noo nagawa niyang ibigay kay Bernie ang sarili niya dahil lang sa katotohanang ibinahay siya nito, ano pa kaya kay Erik? Ang lalaking binigyan siya ng singsing at inalok siya ng kasal?

Si Erik na tinanggap siya habang ito narin mismo ang pumulot ng bawat piraso ng puso at sarili niya na parang gusto na niyang isuko at itapon noon.

Nang pakawalan ni Erik ang mga labi niya ay noon nagkaroon siya Mia ng pagkakataon para sumagap ng hangin. Pakiramdam kasi niya kahit pa sabihing lumalakas ang ulan sa labas ay nilalamon ng malaking apoy ang kabuuan ng kanilang silid. Isa pa ang katotohanan na pareho na silang walang saplot sa katawan kaya naman ramdam na ramdam niya ang init hindi lang ng inilalabas ng balat niya kundi pati narin ng kay Erik.

“Mia,” a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status