LOGIN"Lumuhod ka."Huminto si Sebastian sa mismong bungad ng warehouse. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay narinig na niya ang malamig na utos mula sa kadiliman. Amoy kalawang, alikabok at lumang langis ang buong paligid at tanging mahinang ilaw lang mula sa kisame ang bumubukas na parang kumukurap-kurap pa at mahina ang buga. Malaki ang warehouse pero halos walang laman, puro lumang kahon, bakal at isang lamesang may bote ng alak at ashtray na puno ng upos ng sigarilyo.Nanigas ang buong katawan ni Sebastian. Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin at nanginginig ang labi. May isang lalaking nakaupo sa malaking swivel chair sa gitna ng warehouse habang nakatalikod sa kanya. Hindi makita ang mukha dahil madilim at tanging usok ng sigarilyo ang umaangat sa hangin na parang mabagal na gumagalaw.Muling nagsalita ang lalaki, mas mabigat at mas malapit na parang nasa tenga na niya."Narinig mo ako, Sebastian. Lumuhod ka. Huwag mo akong paghintayin. Alam mong ayokong inuulit ang sinasabi k
Mabilis na nagsara ang pinto ng itim na SUV at hindi na nakalingon si Sebastian kay Alyannah. Naiwan siyang nakatayo sa labas ng café sa Ortigas habang unti-unting nawawala sa paningin niya ang sasakyan na mabilis na lumiko sa kanto. Hawak pa rin niya ang bag niya at nanginginig ang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit parang takot na takot ang ama niya na mahuli sa tawag na yun. Parang hindi yung ama niya na matapang dati ang nakita niya kanina, kundi isang taong takot na takot sa kung sino ang nasa kabilang linya.Bumalik si Alyannah sa loob ng café at umupo ulit sa mesa kung saan sila nag-usap. Mag-isa na lang siya at malamig na ang tasa ng hot chocolate na iniwan ng ama. Paulit-ulit niyang binabalikan sa isip ang usapan nila."Mapapakiusapan mo ba si Ethan na pakinggan ang Arlington Proposal? Limang minuto lang, anak. Pakinggan lang."Hindi niya maintindihan. Kung proposal lang iyon, kung simpleng project lang iyon sa De Vega Group, bakit parang buhay ang nakataya sa boses n
"Sino siya?"Walang masabi si Sebastian matapos tanungin ni Alyannah kung sino yung mabuting tao na tumulong sa kanya sa kulungan. Hindi niya agad sinagot ang tanong ng anak. Sa halip ay ngumiti lang siya nang mapait at ibinaba ang tingin sa tasa ng kape na lumalamig na sa mesa ng lumang café sa Ortigas. Amoy kape pa rin ang buong paligid at tahimik dahil konti lang ang tao. "Darating din tayo ro'n... pero hindi pa ngayon, anak," sabi niya nang mahina at pilit iniiwas ang mata. Napkunot ang noo ni Alyannah. Halatang naiinip na at naguguluhan. Hawak niya pa rin ang tasa ng hot chocolate na inorder ng ama niya, pero hindi niya na iniinom. "Dad, hanggang ngayon ba may mga sikreto ka pa rin sa akin? Akala ko ba wala ka nang itatago? Akala ko ba magsasabi ka na ng totoo? Bakit pakiramdam ko pinaghihintay mo na naman ako? Simula bata ako puro ganito na lang, laging may kulang sa kwento mo," sabi ni Alyannah at nanginginig na ang boses dahil sa inis at sakit. Tumingin si Sebastian sa ana
"Pasensya ka na, Sebastian... wala akong maipapahiram sa iyo ngayon." Hindi na nagsalita si Sebastian matapos marinig yun. Unti-unti siyang tumayo mula sa pagkakaluhod sa harap ng mesa ni Eduardo. Hindi siya sumigaw at hindi na rin siya nagmakaawa. Para siyang bata na pinagalitan sa harap ng maraming tao at hindi alam kung saan itatago ang mukha.Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng opisina. Hindi niya maalala kung paano bumukas ang pinto ng elevator ng De Vega Group na dati ay binubuksan para sa kanya ng guard nang may ngiti at tawag na Sir Sebastian. Isa lang ang malinaw sa isip niya habang naglalakad siya sa hallway.Wala na siyang malalapitan at nagsimula na ang pagbagsak ng buong buhay niya.Paglabas niya ng gusali ay akala niya ay makakahinga siya nang maluwag. Pero pagkasakay niya sa kotse ay sunod-sunod na ang tawag na dumating at lahat ay parang sinadyang sabay-sabay."Mr. Saavedra, hanggang alas singko lang ang palugit ng bank guarantee ninyo. Kapag hindi kayo nakap
"Kapag hindi ka dumating bukas... baka hindi mo na marinig ang totoo habang buhay."Iyon ang huling narinig ni Alyannah bago naputol ang tawag. Nakatitig pa rin siya sa cellphone kahit wala nang tao sa kabilang linya. Nanginginig ang kamay niya at hindi niya alam kung dahil ba sa galit o sa kaba.Hindi siya nakatulog nang gabing iyon. Paulit-ulit niyang iniisip ang sinabi ni Sebastian at kung ano ang ibig sabihin ng huling linya nito. Lumipas ang ilang oras na nakahiga lang siya at nakatingin sa kisame ng guest room. Nasa pulso pa rin niya ang bracelet na bigay ni Ethan.May kumatok sa pinto at pumasok si Ethan para kamustahin siya. May dala itong baso ng tubig."Hindi ka pa tulog?" tanong ni Ethan at umupo sa gilid ng kama.Umiling si Alyannah. "Hindi ako makatulog. Ang dami lang iniisip."Hindi niya sinabi ang tungkol sa tawag ni Sebastian. Hindi pa niya alam kung paano sasabihin at natatakot siyang pigilan siya ni Ethan.Tumingin si Ethan sa kanya at napansin ang bracelet na hawak
"Ethan... kailangan na ninyong bumalik."Napatigil si Ethan nang marinig ang boses ni Marco sa telepono. Kanina lang ay hawak pa niya ang kamay ni Alyannah habang naglalakad sila sa dalampasigan ng Zambales at pinag-uusapan kung puwede pa nilang i-extend ang bakasyon ng isang araw, ngayon ay biglang nanlamig ang mukha niya habang nakikinig.Tumingin si Alyannah sa kanya. Kahit hindi niya naririnig ang sinasabi sa kabilang dulo ay alam niyang may nangyari at tapos na ang bakasyon nila."Anong nangyari?" tanong ni Ethan."Hindi puwedeng sa telepono. Nandito na kami sa Tower. May nag-iwan ng folder sa lobby kaninang alas singko. Walang pangalan ng nagpadala at walang sulat. Hindi namin ginalaw. Kailangan ikaw mismo ang unang makakita," sabi ni Marco."Sino nag-iwan?" tanong ni Ethan."Lalaking naka-cap. Iniwan lang sa front desk at umalis agad. Sira ang CCTV sa lobby kaninang umaga kaya walang kuha," sagot ni Marco.Natahimik si Ethan at tumingin kay Alyannah. "Sige, babalik na kami ngay







