LOGIN"May pinatay na."Tila may malamig na hangin na dumaan sa buong conference room. Hindi agad gumalaw si Ethan. Hawak pa rin niya ang cellphone na putol na ang linya at nanginginig ang kamay. Si Marco, si Anthony, at ang buong legal team ay nakatingin lang sa kanya at nag-aantay mg sasabihin niya.Si Marco ang unang nagsalita at lumapit kay Ethan."Ethan, huwag tayong magpadala sa emosyon. Huminga ka muna," sabi ni Marco na mahinahon pero seryoso.Si Ethan nakatingin pa rin sa cellphone na parang hindi makapaniwala sa narinig na putok."Kung si Vincent nga ang nasa likod nito at kung siya nga ang may hawak kay Ramon, gusto niyang padalos-dalos tayong kumilos. Gusto niyang sugurin natin agad ang warehouse nang walang plano. Doon tayo mamamatay," dagdag ni Marco.Napatingin si Ethan kay Marco at huminga nang malalim."Ano ang suggestion mo?" tanong ni Ethan."Humingi tayo ng tulong sa PNP at CIDG. Hindi na ito negosyo, Ethan. Kidnapping na ito. May baril na, may boses ng matandang humihin
"Boss... pakiusap... huwag siya..."Nakatitig lang si Vincent sa lalaking halos gumapang na sa sahig sa sobrang pagsusumamo. Nakaluhod si Sebastian sa malamig na semento ng warehouse at hawak pa rin ang brown envelope na may litrato ni Alyannah. Nanginginig ang buong katawan niya at basang-basa ng pawis ang likod."Sebastian," malamig na sabi ni Vincent habang nakatayo pa rin sa harap niya at nakatingin pababa na parang basura lang ang tingin sa kanya, "dalawampu't limang taon kitang binuhay. Binayaran ko ang lahat ng utang mo. Huwag mong sayangin ang natitira mong dignidad sa pagmamakaawa. Nakakahiya ka."Tumigil siya sandali at tumingin sa dalawang tauhan na nakatayo sa gilid ng bakal na pinto."Ipasok ninyo," utos ni Vincent na malamig.Dahan-dahang bumukas ang bakal na pinto ng warehouse na maingay at kinalawang. Malamig na hangin ang pumasok at may narinig na kaladkaran sa semento.Pumasok ang dalawang armadong lalaki habang may hinihilang isang matandang lalaki na nakaposas ang
"Lumuhod ka."Huminto si Sebastian sa mismong bungad ng warehouse. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay narinig na niya ang malamig na utos mula sa kadiliman. Amoy kalawang, alikabok at lumang langis ang buong paligid at tanging mahinang ilaw lang mula sa kisame ang bumubukas na parang kumukurap-kurap pa at mahina ang buga. Malaki ang warehouse pero halos walang laman, puro lumang kahon, bakal at isang lamesang may bote ng alak at ashtray na puno ng upos ng sigarilyo.Nanigas ang buong katawan ni Sebastian. Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin at nanginginig ang labi. May isang lalaking nakaupo sa malaking swivel chair sa gitna ng warehouse habang nakatalikod sa kanya. Hindi makita ang mukha dahil madilim at tanging usok ng sigarilyo ang umaangat sa hangin na parang mabagal na gumagalaw.Muling nagsalita ang lalaki, mas mabigat at mas malapit na parang nasa tenga na niya."Narinig mo ako, Sebastian. Lumuhod ka. Huwag mo akong paghintayin. Alam mong ayokong inuulit ang sinasabi k
Mabilis na nagsara ang pinto ng itim na SUV at hindi na nakalingon si Sebastian kay Alyannah. Naiwan siyang nakatayo sa labas ng café sa Ortigas habang unti-unting nawawala sa paningin niya ang sasakyan na mabilis na lumiko sa kanto. Hawak pa rin niya ang bag niya at nanginginig ang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit parang takot na takot ang ama niya na mahuli sa tawag na yun. Parang hindi yung ama niya na matapang dati ang nakita niya kanina, kundi isang taong takot na takot sa kung sino ang nasa kabilang linya.Bumalik si Alyannah sa loob ng café at umupo ulit sa mesa kung saan sila nag-usap. Mag-isa na lang siya at malamig na ang tasa ng hot chocolate na iniwan ng ama. Paulit-ulit niyang binabalikan sa isip ang usapan nila."Mapapakiusapan mo ba si Ethan na pakinggan ang Arlington Proposal? Limang minuto lang, anak. Pakinggan lang."Hindi niya maintindihan. Kung proposal lang iyon, kung simpleng project lang iyon sa De Vega Group, bakit parang buhay ang nakataya sa boses n
"Sino siya?"Walang masabi si Sebastian matapos tanungin ni Alyannah kung sino yung mabuting tao na tumulong sa kanya sa kulungan. Hindi niya agad sinagot ang tanong ng anak. Sa halip ay ngumiti lang siya nang mapait at ibinaba ang tingin sa tasa ng kape na lumalamig na sa mesa ng lumang café sa Ortigas. Amoy kape pa rin ang buong paligid at tahimik dahil konti lang ang tao. "Darating din tayo ro'n... pero hindi pa ngayon, anak," sabi niya nang mahina at pilit iniiwas ang mata. Napkunot ang noo ni Alyannah. Halatang naiinip na at naguguluhan. Hawak niya pa rin ang tasa ng hot chocolate na inorder ng ama niya, pero hindi niya na iniinom. "Dad, hanggang ngayon ba may mga sikreto ka pa rin sa akin? Akala ko ba wala ka nang itatago? Akala ko ba magsasabi ka na ng totoo? Bakit pakiramdam ko pinaghihintay mo na naman ako? Simula bata ako puro ganito na lang, laging may kulang sa kwento mo," sabi ni Alyannah at nanginginig na ang boses dahil sa inis at sakit. Tumingin si Sebastian sa ana
"Pasensya ka na, Sebastian... wala akong maipapahiram sa iyo ngayon." Hindi na nagsalita si Sebastian matapos marinig yun. Unti-unti siyang tumayo mula sa pagkakaluhod sa harap ng mesa ni Eduardo. Hindi siya sumigaw at hindi na rin siya nagmakaawa. Para siyang bata na pinagalitan sa harap ng maraming tao at hindi alam kung saan itatago ang mukha.Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng opisina. Hindi niya maalala kung paano bumukas ang pinto ng elevator ng De Vega Group na dati ay binubuksan para sa kanya ng guard nang may ngiti at tawag na Sir Sebastian. Isa lang ang malinaw sa isip niya habang naglalakad siya sa hallway.Wala na siyang malalapitan at nagsimula na ang pagbagsak ng buong buhay niya.Paglabas niya ng gusali ay akala niya ay makakahinga siya nang maluwag. Pero pagkasakay niya sa kotse ay sunod-sunod na ang tawag na dumating at lahat ay parang sinadyang sabay-sabay."Mr. Saavedra, hanggang alas singko lang ang palugit ng bank guarantee ninyo. Kapag hindi kayo nakap







