FAZER LOGIN
“Come hell or high water... I'll make you fall in love with me.”
Hindi malakas. Hindi lasing. Determinado. Natigilan si Alyannah — ang babaeng kilala ng buong De Vega Global Holdings bilang si Nadine Buenavista. Ilang minuto lang ang nakalipas, si Ethan De Vega — ang lalaking nasa boardroom kanina lang na malamig, propesyonal, at walang emosyon habang binabasura ang multi-million proposal na parang papel lang. Pero ang Ethan na nasa harap niya ngayon sa 35th floor, mag-isa, alas-onse ng gabi ay ibang tao. Tahimik. Seryoso. Mapanganib. “S-Sir Ethan,” halos pabulong niyang tawag. Hindi ito sumagot. Isang hakbang. Isa pa. Hanggang sa naamoy na niya ang pabango nito, mamahalin, malinis, nakakalunod. Hanggang sa wala nang hangin sa pagitan nila. Narinig ni Alyannah ang sariling puso. Malakas. Traydor. Pilit niyang iniwas ang tingin. “Sir Ethan Hindi po kayo lasing, di ba?” Bahagyang ngumiti si Ethan. Yung ngiti na bihira niyang makita. Yung ngiti na delikado. “No,” anito, mababa ang boses. “Mas malinaw pa ang isip ko ngayon kaysa sa kahit kailan, Nadine.” Kinabahan siya lalo sa paraan ng pagbigkas nito sa pekeng pangalan niya. Parang alam. Parang nilalaro siya. “Eh bakit po kayo —” Hindi na niya natapos. Marahang inangat ni Ethan ang kamay at isinukbit sa likod ng tenga niya ang hiblang buhok na tumabing sa mukha niya. Isang simpleng galaw lang. Pero napasinghap si Alyannah. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa dulo ng daliri nito hanggang sa buong katawan niya. “Huwag niyo po akong tinitingnan ng ganyan,” mahina niyang sabi. “Bakit?” Lumapit pa ito ng isang pulgada. Amused. “Kinakabahan ka?” “Oo.” At doon ngumiti nang tuluyan si Ethan. “That’s the first honest thing you’ve ever told me.” Nakakunot-noo siya. “Ha?” Tinitigan siya nito — hindi bilang boss, hindi bilang CEO. Kundi bilang isang lalaking matagal nang nagpipigil. “Alam mo ba kung ano ang pinakamahirap?” tanong nito. Napailing siya. “Ang magmahal ng isang taong nagsisinungaling sa’yo araw-araw... at hintayin na siya mismo ang magsabi ng totoo.” Parang may bumagsak na malaking bato sa dibdib ni Alyannah. He knows? Bago pa siya makahinga, marahang hinawakan ni Ethan ang magkabilang balikat niya. Hindi mahigpit. Pero sapat para hindi siya makatakas. “Sir... mali ito—” “Don’t ” bulong nito, noo sa noo. “Not tonight, Alyannah.” Nanlamig ang buong katawan niya nang marinig ang totoo niyang pangalan sa bibig nito. Walang halik. Walang pilit. Noo lang sa noo. Hininga sa hininga. Pero sapat na para makalimutan niya kung sino siya at kung bakit siya naroon. “Come hell or high water...” ulit nito, bawat salita ay pangako, bawat salita ay banta. “I’ll make you fall in love with me.” At sa pagkakataong iyon, siya na ang unang lumapit. Isang segundo lang ng pag-aalinlangan at sinakop niya ang labi ng dalaga. Mainit. Marahas sa simula, pero puno ng lahat ng salitang hindi nila masabi. At sa isang iglap, nagpaubaya siya. Hindi dahil hindi siya makatanggi. Kundi dahil sa unang pagkakataon, ayaw na niyang magsinungaling. Hanggang sa biglang umalingangaw sa isip niya ang boses ng kanyang ama “Kailangang makuha mo ang tiwala niya... pero huwag na huwag kang mahuhulog sa lalaking iyon, Alyannah. Siya ang sisira sa atin.” Ang rason kung bakit siya nandito. Parang binuhusan siya ng yelo. Mabilis siyang kumawala, hingal, nanginginig ang labi. “Sir... mali ito. Hindi dapat ganito.” Hindi siya sinundan ni Ethan. Nanatili lang itong nakatayo roon, madilim ang mata, pinapanood siyang tumatakbo palayo. Hindi alam ni Alyannah kung ano ang mas kinatatakutan niya. Ang lalaking unti-unti nang bumabasag sa pader ng puso niya... O ang katotohanang kapag nalaman ni Ethan De Vega kung gaano kalaki ang kasinungalingang dala niya — ang pag-ibig na nagsisimula pa lan ang siya ring wawasak sa kanilang dalawa?Alas-siyete pa lang ng umaga pero bukas na ang ilaw sa executive floor ng De Vega Global Holdings. Tahimik pa ang buong palapag, amoy pa lang ng bagong floor wax at ng mamahaling kape na laging pinatitimpla ni Sir Ethan. Nasa mesa na ako, inaayos ang Batangas files, at sa totoo lang, kabado ako. Simula nung dinner sa Dasmariñas, parang may nagbago. Hindi ko alam kung ako ba yung nagbago o si Sir Ethan.Bumukas ang elevator. Hindi si Sir Ethan ang lumabas.Si Sir Marco. May dalang dalawang paper bag ng Jollibee at isang iced coffee na may nakasulat na "For Miss N" sa takip gamit ang pentel pen."Good morning, Nadine!" bati ni Sir Marco, parang estudyanteng may dalang assignment na gustong magpa-impress. "I brought you breakfast. I noticed you're always early and you skip breakfast. You need to eat." she said with a bit of concern.Napangiti ako kahit pinipigilan ko."Sir Marco, you didn't have to. Nakakahiya po," sabi ko ng may mahina ang boses."No, it's fine. I was on my way here an
6:30 pa lang ng gabi pero sa Dasmariñas Village, parang hatinggabi na sa katahimikan. Walang tricycle. Walang batang naglalaro sa kalsada. Walang tindahan na may videoke. Puro malalaking gate na mas mataas pa sa pangarap ko, puro punong nakatayo na parang gwardiya, at ilaw na dilaw na ayaw istorbohin ang gabi. Nakatayo ako sa tapat ng itim na gate ng mga De Vega. Suot ko ang pinakamagandang dress na meron ako na hindi mukhang nagpapanggap. Simpleng itim na dress hanggang tuhod, nabili ko sa Zara nung sale, 1999.00 pesos pero tatlong araw kong pinag-isipan kung bagay ba sa akin. Nakalugay ang buhok na pinilit kong plantsahin kahit pawis na ang kamay ko. Walang mamahaling bag. Luma lang na beige sling na nilabhan ko pa kagabi. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil nasa harap na ako ng bahay ng pamilyang kalaban ng pamilya ko sa negosyo ng dalawampu't limang taon. Pinindot ko ang doorbell. Isang pindot lang pero parang buong puso ko ang pumindot. Bumukas a
Alas-onse y medya na ng gabi.Tulog na ang buong BGC. Patay na ang ilaw ng mga building na kanina ay kumikinang na parang mga bituin na bumaba sa lupa. Pero sa isang lumang condo sa labas ng BGC, sa ika-labing-apat na palapag, may isang bintanang gising pa. Isang babaeng gising pa.Ako.Si Alyannah. Si Nadine. Si Alyannah Saavedra na sa umaga ay Nadine Buenavista na gustong maging matalino at matapang, pero sa gabi ay si Alyannah lang na yakap ang tuhod sa sahig, gusot ang buhok, nakapambahay na may print na avocado na kupas na, at nakatingin sa laptop na mas maliwanag pa sa kinabukasan niya.Sa harap ko, bukas ang file.BATANGAS - 152 vs 151.Isang piso. Isang piso lang ang lamang ng De Vega Global Holdings sa Saavedra Holdings.Isang piso lang, pero sa isang pisong yun, talo na naman kami, talo na naman si Daddy.Tumunog ang phone ko. Naka-loudspeaker."Anak? Gising ka pa?" boses ni Daddy. Mahina. Malambing. Parang kagigising lang sa Amerika, pero pilit na gising para sa akin."Dad
Alas-sais y medya pa lang ng umaga.Madilim pa ang BGC. Tulog pa ang mga tao. Pero ako, gising na. Nasa De Vega Global Holdings na.Black coffee. No sugar. Dalawang kopya ng Singapore summary.Yan ang text ni Ethan De Vega kagabi. Walang good morning. Walang please. Diretso lang. Parang boss lang talaga na hindi marunong ngumiti.Pero bilang si Nadine Buenavista, bilang babaeng gustong patunayan na hindi siya basta-basta, kailangan kong mauna. Kailangan kong maging maagap. Kailangan kong ipakita na kaya ko.Pagbukas ng elevator sa executive floor, madilim pa. Patay lahat ng ilaw. Wala pa si Anthony na laging may dalang pandesal. Wala pa yung mga VP na laging maingay sa pantry.Tanging isang ilaw lang ang bukas. Sa opisina ni Ethan.Nakabukas ang pinto.Sumilip ako.Nandoon siya.Nakaupo. Naka-white long sleeves na nakatupi hanggang siko, kita ang ugat sa braso, walang coat, gusot na ang buhok na parang hindi umuwi. Tatlong monitor ang bukas. Hawak ang ballpen na umiikot sa daliri niya
Alas-tres y medya ng hapon nang muli akong sumakay sa company car pabalik sa Montenegro Financial Center. Parehong building. Parehong elevator. Parehong 12th floor. Pero ibang folder na ang hawak ko. Kung kanina magaan at blanko, ngayon mabigat. Ramdam ko ang kapal ng papel sa loob, ang lamig ng seal, at ang bigat ng responsibilidad. Four billion pesos daw ang laman nito. Hindi ko alam kung totoo o sinasabi lang ni Ethan para takutin ako, pero isang bagay lang ang sigurado — hindi ko pwedeng sirain ulit. Nakatingin ako sa bintana habang bumabagtas kami sa McKinley. Ang dami nang ilaw ng BGC kahit hapon pa lang. Sa isip ko, paulit-ulit kong nire-replay ang sinabi ni Ethan sa madilim na opisina. "I test all my secretaries this way." Standard pala. Hindi ako special. Hindi niya ako pinag-iinitan. Lahat pala ng sekretarya niya dumadaan sa ganung klaseng patibong. Yung iba bumubukas ng file sa taxi, kumukuha ng picture, tapos magsisinungaling. Bagsak. Ako hindi. Hindi ko binuksan. Ka
Ang phone ay nasa tenga ko pa rin.Sa kabilang linya, si Ethan De Vega. Sa kalmadong boses "...did you open the folder?" he asked.Apat na salita lang pero parang huminto ang aircon ng Montenegro Financial Center.Hawak ko pa rin ang asul na folder na puro blank templates lang ang laman. Sa harap ko, si Mr. Tan nakatingin sa akin na parang ako ang nagkamali."Sir, nandito po ako sa Montenegro," pilit kong inayos ang boses ko kahit nanginginig. "Sabi po ni Mr. Tan, templates lang daw po ang laman. Walang proposal—""I know," putol ni Ethan. Hindi malakas. Pero final.Isang segundo. Dalawang segundo. Naririnig ko lang ang mahinang tunog ng aircon ng opisina niya."Come back to the office now," sabi niya. Bago patayin ang tawag.Walang paliwanag. Isang utos lang.Paglingon ko kay Mr. Tan, halos hindi ako makatingin."I'm really sorry, Sir. There must have been a mix-up. Babalik po ako agad with the correct file," I said in professional manner."It's okay, Miss Buenavista," ngumiti si







