Início / Romance / Sa Haplos ng Kaaway / Chapter 1 : The Mission

Compartilhar

Chapter 1 : The Mission

last update Data de publicação: 2026-09-08 12:03:43

THREE MONTHS EARLIER - NAIA TERMINAL 1

"What the fu*_* is your problem!" napasigaw ako.

Halos mawalan ako ng balanse sa isang malakas na bangga. Tumilapon ang passport, cellphone, boarding pass, at sling bag ko sa makintab na sahig ng airport.

Labing-anim na oras akong nakakulong sa eroplano mula Los Angeles. Masakit ang likod, lutang sa jet lag, tuyot ang lalamunan — tapos ito ang welcome party ng Pilipinas?

Naglingunan ang mga tao. May napailing. May tumingin sa akin na parang ako pa ang may kasalanan.

Napakagat ako sa labi. Yumuko para pulutin isa-isa ang gamit ko.

"Welcome home, Alyannah," sarkastiko kong bulong sa sarili.

"Miss... I'm sorry." sabi ng estrangherong lalaki.

Malamig.

Walang emosyon.

Parang binasa lang sa script.

Dahan-dahan akong napatingala.

"Excuse me?" Tumayo ako, mahigpit ang hawak sa passport. "'I'm sorry' lang?"

Hindi siya sumagot. Hindi man lang nakatingin sa akin. Ang mga mata niya, abala sa paglibot sa buong arrival area — parang may hinahanap. O may iniiwasan.

Lalo akong nainis.

"Alam mo bang muntik na akong humalik sa sahig dahil sa'yo?"

Tahimik pa rin.

"Wow. Ikaw na yata ang unang taong nakabangga na hindi marunong tumingin sa kausap."

Humakbang pa siya pakaliwa. Balak na talaga akong iwan.

Ay hindi pwede.

"Huy! Teka lang!" Nahablot ko ang manggas ng itim niyang polo.

At doon lang siya tuluyang napalingon.

At doon parang huminto ang buong NAIA.

Matangos ang ilong. Makapal ang kilay. Matalim ang panga. Bahagyang magulo ang buhok na parang kagagaling lang sa biyahe. At yung mga mata, mapupungay pero mukhang sanay mag-utos.

Hindi siya yung tipo na kailangang ngumiti para mapansin. Yung presensya pa lang, sapat na para patahimikin ang buong silid.

Grabe... may ganito pala kaguwapo sa personal? Natigilan ako.

Teka, Alyannah! Hindi ka pwedeng malamon sa mukha!

"Huwag mo akong titigan," sabi niya, bahagyang tumaas ang kilay.

"Ikaw ang humawak sa manggas ko." he said flatly.

Napakurap ako. "Teka... ikaw na nga ang bumangga, ikaw pa ang may lakas ng loob mangatwiran?"

Tinitigan lang niya ako. Hindi nakasimangot, pero may bigat sa mata. Parang may mas malaking problema siya kaysa sa babaeng nakabangga niya.

"Bitawan mo ako," kalmado niyang utos. Yung boses na sanay sinusunod ng lahat.

"Bakit? May appointment ka ba kay Presidente?" Hindi ko napigilang mapairap. "Grabe naman ang attitude. Hindi porke guwapo ka, pwede ka nang mangbangga ng tao."

Sa unang pagkakataon, gumalaw ang sulok ng labi niya. Ewan ko kung ngiti ba yun o inis.

Bago pa ako makadagdag ng sermon, may lumapit na lalaking naka-Amerikana.

"Sir Ethan, nandito na po ang sasakyan" magalang na sabi nito.

Tumango lang siya. Tumingin ulit sa akin, mabilis, pero parang sinukat ako mula ulo hanggang paa.

"This won't happen again."

Yun lang. Wala nang dagdag. Tinalikuran niya ako at sumakay sa itim na Maybach.

"'This won't happen again'? Yun na yun? Wala man lang matinong apology?" Sigaw ko sa likod niya.

Deadma.

"May seminar ba rito para sa mga supladong guwapo?" Bulong ko sa guard.

"Ma'am? Wala po. Akala ko may nawawala kayong tao."

"Nawawala nga," napailing ako. "Yung manners niya."

Pero habang naglalakad ako palabas, hindi mawala sa isip ko — kanina pa siya pabalik-balik ng tingin. Hindi simpleng nagmamadali. Parang may hinihintay. O may iniiwasan.

"Hindi ko na problema yun," bulong ko.

Mainit ang hangin paglabas ko. Nanibago ako sa halumigmig. Ilang taon din akong nawala.

Hanggang sa natanaw ko siya.

Simpleng polo, slacks, pero tindig pa lang alam mong boss.

Nang magtama ang mata namin, ngumiti siya. Yung ngiting ilang buwan kong hinintay.

"Anak."

Parang nawala lahat ng pagod ko.

"Daddy!" Iniwan ko ang maleta at patakbong yumakap. Mahigpit. Amoy kape at pabango. Amoy ng tatay ko.

"Na-miss kita, baby girl."

"Mas na-miss kita, Daddy."

Hinalikan niya ang buhok ko. Napaatras para pagmasdan ako.

"Aba... yung batang ayaw pumasok sa preschool dahil gusto laging nakakapit sa Daddy niya... dalaga na ngayon."

"Daddy naman!"

"Twenty-two ka na pero baby girl pa rin kita."

"Wala na ba talagang balak tigilan ang pagtawag ng baby girl?" Natawa ako.

"Kahit mag-asawa ka pa," pinisil niya ang ilong ko.

"Naku, mukhang gusto n'yo na akong ipakasal."

"Hindi, sa ngayon... akin ka muna."

Ganito si Daddy. Sa harap ng negosyante, respetadong businessman. Pero pag kami lang, ordinaryong ama na bumabawi sa lahat ng panahong wala siya.

Hindi ko alam na ang pag-uwi kong ito ay hindi simpleng reunion lang. Ito ang simula ng lahat.

---

Tahimik na umandar ang SUV palabas ng NAIA. Nakatanaw lang ako sa bintana. Mas mataas na ang mga gusali, mas makulay ang ilaw, mas mabigat ang traffic. Pero may kakaibang sarap pa rin ang umuwi.

Palihim kong sinusulyapan si Daddy. Tahimik, isang kamay sa manibela. Maayos pa rin ang tindig pero may kakaiba — mas mabigat ang pagod.

"Hindi ka ba napagod sa biyahe?" tanong niya.

"Konti lang. Mas excited akong makauwi kaysa matulog," ngiti ko.

Bahagya siyang tumawa. "Hindi pa tayo uuwi."

"Bakit po?"

"May dadaanan muna tayo."

"Saan?"

Lumingon siya. "Sa paborito mong restaurant."

Napangiti ako. "Talaga? Akala ko nakalimutan n'yo na."

"Paano ko makakalimutan? Tuwing birthday mo, doon tayo kumakain."

"Akala ko busy na kayo masyado para maalala pa," kunwari nagtampo ako.

"Kahit makalimutan ko ang sarili kong birthday... hinding-hindi ko makakalimutan ang sa prinsesa ko."

Ganito siya. Kaya hindi ko naramdamang kulang ako kahit lumaki akong malayo.

Pagdating sa BGC, hindi pa rin nagbago ang restaurant. Malalaking chandelier, mahinang piano.

"Welcome back, Miss Alyannah," bati ng manager.

"Thank you."

Umupo kami sa may bintana.

"The usual, sir?" Tanong ng waiter.

Tumango si Daddy. "And for my daughter... the usual pa rin ba?"

"Grabe, naalala n'yo pa rin?"

"Tatay mo ako. Siyempre, the usual."

Habang hinihintay ang pagkain, nagkwento ako — apartment ko sa LA, pagtatapos, si Chloe na nakilala niya sa video call.

Hanggang sa bigla siyang nagtanong.

"May boyfriend ka na ba?"

Nabulunan ako sa tubig. "Daddy!"

"Ano? Normal na tanong lang."

"Wala."

"Sigurado?"

"Opo."

"Good."

"Bakit parang natutuwa pa kayo?" Nairap ako.

"Dahil wala pang lalaking sasakit ang ulo ko."

"Naku, kawawa naman ang future son-in-law n'yo."

"Kapag may lumapit sa'yo, interviewhin ko muna."

"Daddy!"

"Written exam."

"May exam pa?"

"May practical."

"Ano'ng practical?"

"Titingnan ko kung kaya niyang tiisin ang ugali mo."

"Aba!" Sabay kaming natawa.

Dumating ang pagkain. Pero habang masaya akong kumakain, napansin kong halos hindi nababawasan ang plato niya. Nakatingin lang siya sa kape.

Unti-unting nawala ang ngiti ko.

"Daddy..."

"Hm?"

"Bakit hindi kayo kumakain?"

"Busog na ako."

"Kakaupo pa lang natin."

Bumuntong-hininga siya. "May iniisip lang."

Kilala ko si Daddy. Pag ganito katahimik, hindi maliit na problema.

"Daddy... may nangyari ba?"

Matagal niya akong tinitigan.

"Minsan pala... nakakapagod din," mahina niyang sabi.

Lumambot ang puso ko. "Ano pong ibig n'yong sabihin?"

"Dalawampu't limang taon kong itinayo ang kumpanya. Dugo, puyat, sakripisyo. Pero may mga taong handang sirain lahat ng pinaghirapan mo."

"May kumukuha ng mga investor ko. May mga project na nawawala. At may mga taong binabayaran para traydurin ako."

"Sino po?" Kinabahan ako.

Mariin siyang nakatitig sa kape, parang mabigat banggitin.

"Daddy... sino sila?"

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

"Mga De Vega."

Parang may kumirot sa dibdib ko.

"Akala ko noon... itinuring niya akong kapatid," mapait siyang ngiti. "Si Eduardo."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Huwag n'yo pong sarilinin, andito ako."

Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mata. "Ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ko, anak."

May humarang sa lalamunan ko. Lahat ng pangarap ko siya ang tumupad. Hindi ko kayang makita siyang nawawalan ng pag-asa.

"Ano pong maitutulong ko?"

May inilabas siyang makapal na brown envelope.

"Nandiyan ang bago mong pagkakakilanlan. Inayos ko na, anak."

"B-Bagong pagkakakilanlan?"

"Nadine Buenavista. Iyan ang magiging bago mong pangalan, anak."

"Bakit po may ibang pangalan?"

"Kailangan. Para hindi nila malaman kung sino ka."

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Daddy... ano po ba talaga ang gusto n'yong ipagawa sa akin?"

Huminga siya nang malalim.

"Gusto kong pumasok ka sa De Vega Global Holdings," walang gatol niyang sabi.

Natigilan ako. "Mag-a-apply ka bilang bagong executive secretary. May kailangan tayong malaman."

"Ano po iyon?"

"Ang mga lihim nila. At ang magiging boss mo... ang tagapagmana ng De Vega Group. Si Ethan De Vega."

Humigpit ang hawak ko sa envelope habang binubuksan ko ito. Résumé. IDs. Certificates.

*NADINE BUENAVISTA*

"Daddy... kapag nalaman nila ang totoo, hindi ba delikado?"

Ngumiti siya nang bahagya. "Hindi nila malalaman. Kailangan mo lang tandaan ang isang bagay."

"Ano po 'yon?"

Isinara niya ang envelope. "Huwag kang magtitiwala sa kahit sino. Sino man ang makilala mo roon. Huwag mong kalilimutang ang mga De Vega ang dahilan kung bakit unti-unting nasisira ang lahat ng pinaghirapan natin."

Napayuko ako. Sa buong buhay ko, hindi ako humingi ng kahit ano sa kanya. Ngayon siya naman ang unang beses na humihingi.

Hindi ko siya kayang tanggihan.

Huminga ako nang malalim at isinilid ang envelope sa bag ko.

"Para sa inyo, Daddy. At para sa pamilya natin. Gagawin ko."

Hindi ko pa alam na ang misyon na tinanggap ko sa gabing iyon ang magpapabago sa lahat ng pinaniwalaan ko.

At higit sa lahat, hindi ko alam na ang taong una kong makikilala sa loob ng De Vega Global Holdings...

Ay ang lalaking nakabangga ko sa airport ilang oras pa lang ang nakalilipas — ang lalaking tinawag na Sir Ethan.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Sa Haplos ng Kaaway   Chapter 11 : The Jelous Guy

    Alas-siyete pa lang ng umaga pero bukas na ang ilaw sa executive floor ng De Vega Global Holdings. Tahimik pa ang buong palapag, amoy pa lang ng bagong floor wax at ng mamahaling kape na laging pinatitimpla ni Sir Ethan. Nasa mesa na ako, inaayos ang Batangas files, at sa totoo lang, kabado ako. Simula nung dinner sa Dasmariñas, parang may nagbago. Hindi ko alam kung ako ba yung nagbago o si Sir Ethan.Bumukas ang elevator. Hindi si Sir Ethan ang lumabas.Si Sir Marco. May dalang dalawang paper bag ng Jollibee at isang iced coffee na may nakasulat na "For Miss N" sa takip gamit ang pentel pen."Good morning, Nadine!" bati ni Sir Marco, parang estudyanteng may dalang assignment na gustong magpa-impress. "I brought you breakfast. I noticed you're always early and you skip breakfast. You need to eat." she said with a bit of concern.Napangiti ako kahit pinipigilan ko."Sir Marco, you didn't have to. Nakakahiya po," sabi ko ng may mahina ang boses."No, it's fine. I was on my way here an

  • Sa Haplos ng Kaaway   CHAPTER 10: Dinner At The Enemy's House

    6:30 pa lang ng gabi pero sa Dasmariñas Village, parang hatinggabi na sa katahimikan. Walang tricycle. Walang batang naglalaro sa kalsada. Walang tindahan na may videoke. Puro malalaking gate na mas mataas pa sa pangarap ko, puro punong nakatayo na parang gwardiya, at ilaw na dilaw na ayaw istorbohin ang gabi. Nakatayo ako sa tapat ng itim na gate ng mga De Vega. Suot ko ang pinakamagandang dress na meron ako na hindi mukhang nagpapanggap. Simpleng itim na dress hanggang tuhod, nabili ko sa Zara nung sale, 1999.00 pesos pero tatlong araw kong pinag-isipan kung bagay ba sa akin. Nakalugay ang buhok na pinilit kong plantsahin kahit pawis na ang kamay ko. Walang mamahaling bag. Luma lang na beige sling na nilabhan ko pa kagabi. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil nasa harap na ako ng bahay ng pamilyang kalaban ng pamilya ko sa negosyo ng dalawampu't limang taon. Pinindot ko ang doorbell. Isang pindot lang pero parang buong puso ko ang pumindot. Bumukas a

  • Sa Haplos ng Kaaway   Chapter 9 : How De Vega Steal

    Alas-onse y medya na ng gabi.Tulog na ang buong BGC. Patay na ang ilaw ng mga building na kanina ay kumikinang na parang mga bituin na bumaba sa lupa. Pero sa isang lumang condo sa labas ng BGC, sa ika-labing-apat na palapag, may isang bintanang gising pa. Isang babaeng gising pa.Ako.Si Alyannah. Si Nadine. Si Alyannah Saavedra na sa umaga ay Nadine Buenavista na gustong maging matalino at matapang, pero sa gabi ay si Alyannah lang na yakap ang tuhod sa sahig, gusot ang buhok, nakapambahay na may print na avocado na kupas na, at nakatingin sa laptop na mas maliwanag pa sa kinabukasan niya.Sa harap ko, bukas ang file.BATANGAS - 152 vs 151.Isang piso. Isang piso lang ang lamang ng De Vega Global Holdings sa Saavedra Holdings.Isang piso lang, pero sa isang pisong yun, talo na naman kami, talo na naman si Daddy.Tumunog ang phone ko. Naka-loudspeaker."Anak? Gising ka pa?" boses ni Daddy. Mahina. Malambing. Parang kagigising lang sa Amerika, pero pilit na gising para sa akin."Dad

  • Sa Haplos ng Kaaway   Chapter 8 : Night Shift

    Alas-sais y medya pa lang ng umaga.Madilim pa ang BGC. Tulog pa ang mga tao. Pero ako, gising na. Nasa De Vega Global Holdings na.Black coffee. No sugar. Dalawang kopya ng Singapore summary.Yan ang text ni Ethan De Vega kagabi. Walang good morning. Walang please. Diretso lang. Parang boss lang talaga na hindi marunong ngumiti.Pero bilang si Nadine Buenavista, bilang babaeng gustong patunayan na hindi siya basta-basta, kailangan kong mauna. Kailangan kong maging maagap. Kailangan kong ipakita na kaya ko.Pagbukas ng elevator sa executive floor, madilim pa. Patay lahat ng ilaw. Wala pa si Anthony na laging may dalang pandesal. Wala pa yung mga VP na laging maingay sa pantry.Tanging isang ilaw lang ang bukas. Sa opisina ni Ethan.Nakabukas ang pinto.Sumilip ako.Nandoon siya.Nakaupo. Naka-white long sleeves na nakatupi hanggang siko, kita ang ugat sa braso, walang coat, gusot na ang buhok na parang hindi umuwi. Tatlong monitor ang bukas. Hawak ang ballpen na umiikot sa daliri niya

  • Sa Haplos ng Kaaway   Chapter 7 : The Real File

    Alas-tres y medya ng hapon nang muli akong sumakay sa company car pabalik sa Montenegro Financial Center. Parehong building. Parehong elevator. Parehong 12th floor. Pero ibang folder na ang hawak ko. Kung kanina magaan at blanko, ngayon mabigat. Ramdam ko ang kapal ng papel sa loob, ang lamig ng seal, at ang bigat ng responsibilidad. Four billion pesos daw ang laman nito. Hindi ko alam kung totoo o sinasabi lang ni Ethan para takutin ako, pero isang bagay lang ang sigurado — hindi ko pwedeng sirain ulit. Nakatingin ako sa bintana habang bumabagtas kami sa McKinley. Ang dami nang ilaw ng BGC kahit hapon pa lang. Sa isip ko, paulit-ulit kong nire-replay ang sinabi ni Ethan sa madilim na opisina. "I test all my secretaries this way." Standard pala. Hindi ako special. Hindi niya ako pinag-iinitan. Lahat pala ng sekretarya niya dumadaan sa ganung klaseng patibong. Yung iba bumubukas ng file sa taxi, kumukuha ng picture, tapos magsisinungaling. Bagsak. Ako hindi. Hindi ko binuksan. Ka

  • Sa Haplos ng Kaaway   Chapter 6 : The Interrogation

    Ang phone ay nasa tenga ko pa rin.Sa kabilang linya, si Ethan De Vega. Sa kalmadong boses "...did you open the folder?" he asked.Apat na salita lang pero parang huminto ang aircon ng Montenegro Financial Center.Hawak ko pa rin ang asul na folder na puro blank templates lang ang laman. Sa harap ko, si Mr. Tan nakatingin sa akin na parang ako ang nagkamali."Sir, nandito po ako sa Montenegro," pilit kong inayos ang boses ko kahit nanginginig. "Sabi po ni Mr. Tan, templates lang daw po ang laman. Walang proposal—""I know," putol ni Ethan. Hindi malakas. Pero final.Isang segundo. Dalawang segundo. Naririnig ko lang ang mahinang tunog ng aircon ng opisina niya."Come back to the office now," sabi niya. Bago patayin ang tawag.Walang paliwanag. Isang utos lang.Paglingon ko kay Mr. Tan, halos hindi ako makatingin."I'm really sorry, Sir. There must have been a mix-up. Babalik po ako agad with the correct file," I said in professional manner."It's okay, Miss Buenavista," ngumiti si

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status