SLNL ➭ 003 AALIGID-ALIGID
ꕤ
ꕤ
ꕤ
QUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲
“I'd love to do that, wife but I don't think you're ready now.”
Nagmulat ako ng mga mata. I feel a little bit of disappointment. Bagay na hindi ko naman dapat maramdaman.
“Please don’t be upset. Marami pa naman tayong panahon na magkasama. Baka ikaw pa mismo ang sumuko kapag hindi na kita tinigilan.” Namula ang pisngi ko sinabi ng asawa ko. Nakakahiya!
“H-hindi naman. N-naiintindihan ko naman. Salamat sa konsiderasyon mo.” Ngumiti ng matamis sa akin si Zaqueo. Mas bagay naman pala sa kanya ang nakangiti kaysa sa malamig niyang emosyon na nakasanayan ko sa office sa araw-araw na kasama ko siya. Sa trabaho kasi kahit minsan ay hindi siya ngumiti kahit kanino. I guess I’m lucky to see him smiling.
❥ ❥ ❥
MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN
❥ ❥ ❥
THIRD P. O. V ♥︎
“Ma, please lang. Tama na kahihingi ng pera sa asawa ko. Nakakahiya po. Binibigay ko naman sa inyo halos lahat ng sinasahod ko. ‘Wag na pati kay Zaqueo.” Pakiusap ni Asha sa madrasta na sinadya pa na magtungo sa opisina ni Zaqueo pero agad siyang pinigilan ng dalaga.
“Eh sa palagi nga kasi kulang ang mga binibigay mo sa akin? Fifty thousand kada buwan? Kakasya ba ‘yun? At tsaka bakit ba pinipigilan mo ako makausap ang asawa mo? Napakarami naman pera ni Zaqueo, barya lang naman sa kanya ang hihingiin ko. Tumabi ka nga diyan. Nag-asawa ka lang ng bilyonaryo naging madamot ka na.”
Napangiwi na lang si Asha ng tumama ang balakang niya sa dulo ng lamesa ng itulak siya ng madrasta. Tuloy-tuloy na pumasok ang matandang babae sa loob kung nasaan si Zaqueo. Nag buntong hininga si Asha bago sumunod sa madrasta.
“Natalo na naman siguro sa sugal si mama.” Naiiling na kausap ni Asha sa sarili.
“Ubos na kasi ang allowance namin ng anak kong si Devy. Ito kasing si Asha napakaliit magbigay, masama pa ang loob. Hindi man lang niya na isip na ako ang nagpalaki at nag-alaga sa kanya noon dahil iniwan siya ng walang kwenta niyang ina.” Ito ang mga salitang naabutan ni Asha pagpasok niya sa opisina ng asawa. Nag buga ng hangin mula sa dibdib si Asha bago lumapit sa madrasta. Bumigat ang loob niya sa mga salitang paulit-ulit na naririnig niya mula pagkabata niya.
“Ma…” Malumanay na tawag niya sa madrasta.
“Oh, hayan. Kita mo na ang asawa mong ‘yan? Gusto na naman ako paalisin ng babae na ‘yan dito.” Madramang sabi ni Dylin. May munting luha pa sa mga mata.
“Hindi naman sa ganun, ma. Eh kasi naman po…” Sinamaan ng tingin ni Dylin si Asha.
“Zaqueo, anak.” Muling tinabig ni Dylin si Asha at mas lumapit pa kay Zaqueo. “Baka pwede mo din ipasok dito sa company mo ang isa ko pa na anak? Ang laki naman nitong company mo, sigurado na marami pa na bakanti diyan. Kilala mo naman si Devy ‘di ba? ‘Yung mas maganda kong anak at maalindog din. Walang binatbat si Asha doon. Dapat kasi siya na lang ang una mong nakilala, edi sana kayo ang naging mag-asawa. Hindi ang walang utang na loob na babaeng ito. Walang kwenta.” Mahabang sabi ni Dylin.
Napayuko ng ulo si Asha sa labis na hiya na naramdaman. Naluluha siya pero pinipigilan niya. Nahihiya siya sa asawa. Malamig naman ang tingin ni Zaqueo sa madrasta ng asawa niya habang mahigoit ang kuyom ng mga kamay. Hindi siya natutuwa sa pamamahiya at pang-alipusta ng matandang babae sa asawa niya.
“Hindi ako interesado sa sinasabi niyong anak. Wala akong ibang pagbibigyan ng pangalan ko kundi si Asha lang. Sa susunod na pagsalitaan niyo pa ng hindi maganda ang asawa ko, puputulin ko kung ano man ang natitirang ugnayan natin. At kapag ginawa ko ‘yun, I assure you, pupulutin ka sa kangkungan. Kahit isang sentimo wala kayong makukuhang sustento mula sa aming mag-asawa.”
Nakakatakot na sabi ni Zaqueo. Bakas sa mukha ni Dylin ang takot. Bigla itong nataranta at mabilis na nag-isip ng paraan.
“Wag ka naman ganyan sa isang matandang katulad ko, hijo. Isa pa, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Ako pa rin ang ina ng asawa mo kahit hindi ako ang nagluwal sa kanya.” May hinanakit na sabi ni Dylin.
“Kung gusto mo na ituring pa kita bilang ina ng asawa ko, matuto ka na irespeto ang asawa ko. I will not tolerate anyone who will disrespect my wife kahit pamilya niya pa ito.” Bukas-sara ang bibig ni Dylin, hindi malaman kung ano ang isasagot sa binata.
“Hubby…” Malambing na tawag ni Asha sa asawa. Hinaplos niya ito sa balikat para pakalmahin.
Nakita ni Dylin ang mabilis na pagbabago ng awra ni Zaqueo ng ang asawa na ang nagsalita. Mula sa malamig na tingin, napalitan ito ng malamlam na mga mata at tila umaapaw ang pagmamahal sa asawa. Nakaramdam siya ng inggit dahil hindi niya ito naranasan sa mga lalaking nakasama niya.
“Ayos lang ako, asawa ko. Ganyan lang talaga magsalita si mama. Ako na lang ang kakausap sa kanya.”
Hinawakan ni Zaqueo ang kamay ni Asha at hinalikan ang likod ng palad nito. Kinabig niya rin ito sa baywang. Lahat ito ay nasundan ng paningin ni Dylin. Lihim naman itong nag-ismid dahil sa inggit at selos. Nasa isip ng ginang na napaka swerte ni Asha dahil naka bingwit ang dalaga ng gwapo, bata at ubod ng yaman na asawa. Naghangad siya na sana ganun din ang maging kapalaran ng tunay niyang anak na si Devy. Si Devy ay anak niya sa dati niyang asawa. Mas matanda ito ng dalawang taon kay Asha.
“Ma, ipapadala ko na lang po sa bank account mo ang pera na hinihingi mo. Please, umuwi na kayo. Marami pa kaming trabaho na kailangan tapusin.”
“Hmp! Oh, siya! I-send mo na ngayon din. Kailangan ko na ng pera. Aalis na ko.” Arogante na wika ni Dylin.
Nang makalabas ang matanda, nahihiyang tumingin si Asha sa asawa. “Pasensya ka na kay mama. Hindi mo naman siya kailangan bigyan ng pera. Sapat na ang mga natanggap niya noong kasal natin.”
“It’s okay, my wife. Sabi ko naman sa ‘yo ang lahat ng pag-aari ko ay sa ‘yo na rin. You can use it for your personal needs. Hindi mo kailangan mag paalam pa sa ‘kin.”
Sunod-sunod na umiling ang dalaga. “Hindi, hubby. Hindi ko gagawin ‘yan. May sahod naman ako sa pagtatrabaho ko dito. Ako na ang bahala sa pamilya ko. Gusto ko din maitaguyod ang pangarap at pag-aaral ko sa pagsisikap ko. Kung papayagan mo ko, gusto ko na sana mag-aral ulit ngayong taon. Isang taon na lang naman ang kailangan ko para matapos na ako sa kurso kong Architect.” Malumanay na pakiusap ni Asha sa asawa.
“Walang problema sa akin, wife. Kahit tumigil ka na sa pagiging secretary ko, ayos lang sa ‘kin para makapag-focus ka sa pag-aaral mo. Isa lang naman ang ipapaalala ko sa ‘yo palagi, just make sure lang na walang lalaki ang aaligid-aligid sa ‘yo.”
SLNL ➭ 010 ꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Maaga kami pumunta ni Enzo at Mia sa kumpanya ng asawa ko. Dumiretso kami agad sa Architectural and Engineering Department para magpasa ng application form namin for internship. Naging magaan at mabilis lang ang naging proseso. Hindi na ko nagtaka dahil nagbilin na ang asawa ko sa kanila. “Grabe natanggap agad tayo? Totoo ba ‘to? Parang ang dali?” Umiwas ako ng tingin kay Enzo sa sinabi niya. “Oo nga. Hindi man lang tayo nahirapan. Konting interview lang, approved na agad.” Segunda ni Mia. “Ah eh.. Ayaw niyo ba ng ganun? Mabuti nga ‘yun hindi ba? Nakapasok agad tayo sa isang napakalaki at kilalang company.” Pinagpapawisan ang noo ko habang nagsasalita. “Sa bagay tama ka naman diyan, Ash.” Tumatango-tangong wika ni Enzo na umakbay pa sa ‘kin. Nakita ko naman ang pagsunod ng mata ni Mia sa braso ni Enzo na nakaakbay sa akin. Kumabog nama ang dibdib ko dahil baka makita kami ng asawa ko. Pasimple ko inalis ang braso ni Enzo. Luminga-linga
SLNL ➭ 009ꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲"No other woman is allowed to hug me except my wife. And you are not my wife, Devy.""S-sorry." Kapansin-pansin ang pangingilid ng luha sa mata nita. Sinenyasan ni Zaqueo sila Julie at ang ibang kasambahay na umalis na. Agad nama sumunod ang mga ito. "Zaqueo, hijo, hayaan mo na ang anak ko si Devy. Yakap lang naman at hindi naman niya sinasadya ‘yun. Maliit na bagay lang 'yan para palakihin pa. Hindi naman siguro magagalit si Asha. 'Di ba?" Wika ni mama. Tumingin siya sa akin ng mariin na tila may pagbabanta. Hindi ako agad ako nakasagot. Tumingin din si akin si Zaqueo bago pumunta sa likuran ko at niyakap ako mula sa likod ko. Nailang ako sa posisyon namin ngayon lalo at nasa harap lang namin si mama at Devy. Nababasa ko sa mga mata ni Devy ang labis na pagkainggit at inis naman sa mukha ni mama. "Kahit pa ayos lang sa asawa ko ang ginawa ni Devy, sa akin hindi. Matuto kayo irespeto ang bagay na 'yun. Hindi pwedeng mangyayakap na lang bas
SLNL ➭ 008ꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Napatitig ako sa mukha ni Zaqueo. Wala akong makita at maramdaman na pagpapanggap sa lahat ng mga sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo o seryoso ba siya sa mga sinabi niya pero naantig ang puso ko. Kay Zaqueo ko lang talaga nararamdaman na may gusto din mag protekta sa akin. Sana nga totoo na lang. Lumingon sa akin si Zaqueo, nakipag titigan din siya sa akin. Puno ng damdamin ang pinapahiwatig nito.“Ako na po ang bahala sa anak niyo, daddy.” Seryoso na sabi ni Zaqueo habang sa akin nakatingin ng taimtim, walang halong pagbibiro. Walang pagkukunwari. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Inipit niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko tsaka ngumiti sa akin. “In love ka na ba sa akin? Bakit ganyan ka makatingin sa asawa mo?” Nakangiting tanong ni Zaqueo na may halong panunukso. Napanguso naman ako. Pwede ba? Pwede ko ba mahalin ang isang Spade Zaqueo Andrich? “Ang gwapo mo po kasi. Hmp!” Tinalikuran ko siya at muling humarap sa puntod ni daddy. T
SLNL ➭ 007ꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲“Hindi ako nilalagnat, Enzo. May kakilala lang kasi ako doon na tutulong sa akin makapasok.”“Talaga? Mukhang bigatin ang kakilala mo ah? Pwede ba kami ni Mia Khalifa diyan?... Ouch!”“Tabasin ko talaga ‘yang dila mo.” Pagbanta ni Mia kay Enzo. Muli na naman napadaing si Enzo ng hampasin siya ni Mia ng libro sa ulo. Ewan ko ba naman kasi dito kay Enzo, alam na nga niya na nagagalit si Mia kapag dinudugtungan ng Khalifa ang pangalan ni Mia, paulit-ulit pa rin siya. Lagi tuloy siya nakakatikim ng batok, hampas o suntok. Hindi ko rin alam bakit Mia Khalifa ang tawag niya sa kaibigan namin. Ano bang meron? “Buti nga sa ‘yo. Ang kulit mo kasi.” Natatawa kong pang-aasar. “Itatanong ko kung pwede pa. Gusto mo rin ba, Mia?” Hindi nagsalita si Mia, tumango lang siya tsaka nag kalkal sa bag niya. ☆ ☆ ☆Matapos ang klase namin sa hapon, nakita ko na rin agad ang kotse ni Zaqueo na naghihintay sa labas ng gate. Excited akong lumapit dito. “Hi, hubby
SLNL ➭ 006 ANDRICH STRUXIONꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲 “Hubby, baka ma-late na po ako sa first subject ko. Kailangan ko na bumangon.” Inaantok ko pang sabi habang magaan na tinutulak si Zaqueo mula sa pagkadagan sa ‘kin. “One more round pa, wife. Please?” Sinimulan na niya halikan ang leeg ko. I can feel his hardness. Sanay naman na ako dahil ganyan talaga siya tuwing umaga pati bago matulog. Yes, we consumed our marriage kahit 3 taon lang naman ang kontrata nito. 3 months na rin ang nakaraan. Hindi ko naman siya pwedeng tanggihan dahil mag-asawa kami. Dala-dala ko na ang apelyido niya. Lahat ng karapatan para angkinin ako ay nasa asawa ko. Para siguradong hindi ako mabuntis, nagpa-Depo-Provera injectable ako. Ini-inject kada 3 buwan. And speaking of, kailangan ko na ulit magpa-inject next week. “Ugh… Nakarami ka na kagabi ‘di ba?” Sa mga sandaling ito, napaghiwalay na niya ang mga hita ko. “Last na lang. Promise.” Binaba niya ngayon ang sando ko. Wala akong bra kaya lumanta
SLNL ➭ 005 PROTECTORꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Bumaling sa magkabilang gilid ang ulo ko sa dalawang malakas at magkasunod na sampal na binigay sa ‘kin ni mama Dylin pagpasok ko pa lang sa pinto ng bahay ng mga magulang ko. “Napaka walang hiya mo talagang bata ka! Bakit mo pinahiya ang ate Devy mo kay Zaqueo? Nagmamalaki ka na? Mayabang ka na ngayon?” Galit na galit na sigaw sa akin ni mama Dylin habang dinuduro pa ako sa aking mukha. Hinawakan ko isang pisngi ko para haplusin ito. Hindi pa ko nakakalingon kay mama, sinabunutan na niya naman ako. Pakiramdam ko mabubunot na lahat ng buhok ko sa lakas ng paghila niya. Sanay na sanay na ko sa ganitong gawain nila sa akin sa bawat araw. Latay sa katawan at masasakit na salita na ang kasama ko mula pagkabata. Hindi na ito bago sa ‘kin, may mas malala pa nga. Kaya pala ako pinapunta ni mama dito sa bahay para lang saktan. Exaggerated na naman siguro ang sumbong ni Devy. Ano pa bang bago? “Kala mo naman kung sino na. ‘Yan ang napapal