Share

002

Author: Miss Briannah
last update Last Updated: 2025-07-31 14:21:58

SLNL ➭ 002 ENDEARMENT

QUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲

“W-wala n-naman, sir.” Nauutal kong sagot. Yumuko ako dahil hindi ko kayang tagalan ang lalim ng titig niya sa akin. 

“Sir?” Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin na parang nauubusan na ng pasensya. 

“Mag-asawa na tayo, Asha. Hindi na dapat sir ang tawag mo sa akin lalo na dito sa bahay at sa harap ng ama ko.” Muli siyang nag buntong-hininga. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Nahihiya naman kasi akong tawagin siya ng endearment. Hindi naman kami totoong nagmamahalan. 

“Pasensya na po, Sir. Hindi kasi ako sanay at hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong itawag sa ‘yo.” I said honestly.

“Ganito na lang. Starting today, you will call me your husband or hubby and I will call you my wife. Paano naman maniniwala ang pamilya natin na mag-asawa tayo kung Sir pa rin ang tawag mo sa ‘kin?” Binaba na niya ang mga kamay ko. Tumayo siya ng tuwid at nag pamaywang sa harap ko. 

Kamot-ulo naman ako. Sobrang hiya talaga ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa naman kasi ako nagkakaroon ng nobyo kaya hindi ko alam paano magdala ng relasyon. 

“S-sige, Sir.” Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso at nakataas ang isang kilay. 

“Ahmm… H-hubby pala.” Nag-aalangan kong sabi. Nagulat ako ng bigla niya akong ikulong muli sa mga bisig niya. Napakalapit din ng mukha niya sa ‘kin.

“Kaya mo naman pala bigkasin. From now on, ‘yan ang dapat marinig ko sa ‘yo… Every single day.” Nag-aalangan naman akong tumingin sa kanya. 

“Ahm… pwede ba na kapag nasa trabaho tayo at may mga employees na nakakarinig, sir muna ang itawag ko sa ‘yo?” May pakiusap sa mga mata kong tanong. Hindi s'ya nagsalita. 

“H-hubby?” Tawag ko. 

“Why? Nahihiya ka ba maging asawa ako?” Ramdam ko ang bigat sa mga salita niya. 

“H-hindi naman sa ganun.” Nag buntong-hininga muna ako. Napansin ko na nakalihis ang kwelyo ng polo niya kaya inaayos ko muna ito. 

“Alam mo naman ang pag-iisip ng mga tao. Kapag nalaman nila na pinakasalan mo ako, lalo nila ako pag-iisipan ng hindi maganda. Ngayon pa nga lang grabe na nila ako kung pag-usapan at husgahan. Paano pa kaya kapag nalaman na nila na kinasal tayo?” Huminto ako saglit para ibuga ang hangin sa aking dibdib. 

“Gusto ko naman na magkaroon ng sarili kong pangalan dahil sa pagsisikap ko, hindi dahil asawa ako ng isang business tycoon. Kahit iyon man lang.” I said honestly. 

Tinitigan niya ako ng mariin sa aking mga mata na tila inaaral ang totoong saloobin ko. Sinalubong ko naman ang tingin niya. Seryoso ako sa sinabi ko. Gusto ko pa rin ituloy ang pangarap ko na maging Architect at tutuparin ko ‘yun sa pamamaraan ko.

“Who are they?” Natakot ako sa uri ng tingin niya. Para siyang mananakit.

“H-huh? Sino ang tinutukoy mo?”

“Ang mga taong pinag-uusapan at hinuhusgahan ka?” Napansin ko ang pagkuyom ng kamay niya kaya lalo akong kinabahan.

“H-hindi mo na kailangan malaman pa, hubby. Ang importante mapatunayan ko sa sarili ko at sa mga tao na ‘yun na kaya ko gumawa ng sarili kong pangalan.”

Nag buntong-hininga si Zaqueo tsaka tumango-tango na tila nauunawaan na niya. “Naiintindihan ko. Just make sure lang na walang ibang lalaki ang aaligid sa ‘yo. Baka makalimot ako.” Seryoso niyang saad. 

“Tatandaan ko ‘yan.” Mukhang wala naman talaga problema sa asawa ko, assurance lang talaga ang hinihingi niya. Wala naman akong balak na magloko. Magiging tapat ako sa kanya hanggat kasal kami.

Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung ano ba ang inaasta niya pero tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Tama nga naman siya, hindi ako dapat pumayag na may ibang lalaki na umaaligid sa akin dahil may asawa na ko ngayon. Kahit maghiwalay kami after 3 years, bata pa naman ako no'n. I'm just 26 years old by that time kaya maaari pa naman akong umibig at magkaroon ng sariling pamilya. Sa ngayon, ang asawa ko ang mahalaga. 

“Swear it to me, wife. I need an assurance or else kalimutan mo na lang ang pinag-usapan natin kanina.”

“I swear po kahit hindi ko naman sigurado kung may aaligid ba. Sa dami ng magaganda at seksing babae sa paligid, I'm sure wala naman magtatangka na ligawan ako.” Ngumiti ako sa kanya pero ang asawa ko, lalong nagsalubong ang mga kilay. 

“Who told you you're not pretty and sexy?” Seryoso nitong tanong. Kumurap-kurap naman ako. 

“Ahm…  ako? Halata naman 'di ba?” Alanganing ngiti ang binigay ko sa kanya at nag kamot ng batok. Si Zaqueo ay lumalim ang titig sa akin na tila tagos sa aking kaluluwa. 

Hinaplos niya ang pisngi ko ng marahan. "You're beautiful, my wife. More than you'll ever know." Hindi ako nakapagsalita. Nakipagtitigan ako sa kanya. Ito ang unang beses may nagsabi sa akin ng ganung mga salita ng seryoso. Mayroon nagsabi dati na kaibigan kong lalaki pero pabiro lang ‘yun.

I’m just a simple woman. Hindi ako naglalagay ng kolorete sa mukha. Simple lang manamit. Kahit pabango ay bihira lang ako maglagay. Compared to my classmates way back, I'm just plain. 

Dahan-dahan lumapit ang mukha ng asawa ko sa mukha habang natatakam na nakatingin sa labi ko. Naipikit ko ang nga mata ko ng tuluyan ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at mas pinalalim pa ang halik. 

"Move your lips, wife. Gayahin mo ko." He said hoarsely. 

Muli niya akong hinalikan and this time, sinabayan ko na ang galaw niya. Hindi ako marunong humalik pero madali lang naman matutunan. Ang kaninang banayad na halik ngayon ay naging mapaghanap na. Gumapang na rin papunta sa maliit kong baywang ang mga palad niya at sinandal ako ng madiin sa malamig na pader. Automatiko naman na pinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya. 

Malaki ang height difference namin ng asawa ko, 6 footer siya, 5'0 lang ako kaya nakayuko siya ng husto mag-abot lang ang mga labi namin. Kahit tumingkayad ako ay hindi pa rin sapat. 

Nadadala na ako sa halikan namin at ganun din ang nakikita ko sa mukha ni Zaqueo. Hindi na nga nakatiis ang asawa ko, binuhat na niya ako ng hindi pinuputol ang halikan namin. Pumulupot ang nga binti ko sa baywang niya. Dinala niya ako sa ibabaw ng malambot na kama. Dama ko na ang bigat ng katawan ni Zaqueo sa ibabaw ko maging ang napaka tigas na bagay sa bandang puson ko. 

"Ready ka na ba?" May pang-aakit niyang tanong ng bitawan ang labi ko. Ang leeg ko naman ang sunod niyang punteria. Hindi ko maiwasan makagat ang ibabang labi ko dahil sa kakaibang kiliti na dulot ng labi niya sa balat ko. 

"H-hindi pero a-ayos lang naman k-kung gusto mo na. Karapatan mo naman 'yan." Kinakabahan kong sabi. 

Wala naman mali sa gagawin namin dahil legal kaming mag-asawa. 

"Are you sure you want me to claim you now, wife?" May mapaglarong ngiti sa labi niyang sabi. 

Tumango ako kahit kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Sa laki ng nararamdaman ko sa bandang puson ko, expected ko na hindi ako palalakarin nito ng maayos sa loob ng ilang araw. 

Pinikit ko ang mga mata ko ng hahalikan na naman ako ng asawa ko. 

Nakakakaba… 

Pero sa hindi ko rin malaman na dahilan, nakakaramdam ako ng sobrang excitement… 

Ng kagustuhan na gawin ang bagay na ‘yun kasama ang lalaking pinakasalan ko kani-kanina lang, si Spade Zaqueo Andrich. 

I think I am ready to surrender myself to him, to my husband.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    015

    SLNL ➭ 015 ꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa opisina ng walang nakakakita sa amin ni Zaqueo. Hindi ko alam na mayroon pa lang secret passage sa building na ito. Bago kami tuluyan naghiwalay ng landas ni Zaqueo, humalik muna ako sa pisngi niya kanina pero wala pa rin siyang reaksyon. Masama talaga siguro ang loob niya sa mga sinabi ko.“Good morning, Ash. Akala ko mali-late ka na eh. Kanina pa kaya ako na tawag sa ‘yo, hindi mo sinasagot.” Bati sa akin ni Enzo. Narito na sila pareho ni Mia.“Ay hala, sorry. Naka-silent kasi ang cellphone ko kaya hindi ko narinig. Medyo na traffic lang ako kanina.” Pinakilala kami ni Engineer Howard Anderson, ang head ng Engineering and Architectural Department. Sa tingin ko ay kasing edad niya lang ang asawa ko. Matapos kami ipakilala, sandali niya din kami nilibot sa bawat department. Dahil unang araw pa lang manin, pina-familiarize ni Engr. Anderson sa amin ang process flow, kung ano ang job description nam

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    014

    SLNL ➭ 014 ꕤꕤꕤTHIRD PERSON’S P O V –“How about I’ll get you pregnant?”Umangat ang ulo ni Zaqueo mula sa pagkakabaon sa leeg ni Asha ng wala siyang narinig na kahit anong sagot mula sa asawa. Blangko lang itong nakatingin sa kisame.“Wife?”“No.”“What do you mean by no, my wife?” Salubong na kilay na tanong ni Zaqueo. Bahagyang inangat ni Zaqueo ang katawan sa pamamagitan ng pagtukod ng isang palad sa kama. “No, hindi tayo maaaring magkaanak.” Walang emosyon na sabi ni Asha. Kumirot ang puso ni Zaqueo sa tinuran ng asawa pero hindi niya ito pinahalata.“Bakit naman hindi? What’s the problem, wife?”Nasasaktan na tanong ni Zaqueo. Kung siya lang ang papipiliin, gusto niya na buntisin ang asawa. “May kinalaman ba dito ang nangyari kanina? I told you napagkamalan ko lang si Devy na ikaw, walang nangyari sa ‘min.”Malalim ang naging buntong hininga ni Asha bago tumitig sa mga mata ng asawa na kasalukuyang gulong gulo sa inaasta niya.“Wala iyon kinalaman. Alam naman natin pareho na

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    013

    SLNL ➭ 013 ꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲“What the fuck! Lasing lang ako kaya napagkamalan kita na asawa ko!” Humilot sa nose bridge ang asawa ko habanag nakapamaywang. Tumayo si Devy ng nakangiti pa.“Pwede namin natin ituloy ang ginagawa natin kanina. Mas magaling naman ako sa asawa mo. Hindi naman masama tumikim ng ibang putahe. Aminin mo nasarapan ka rin ginawa ko.” Dito ko na tinakpan ang tenga ko. Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Naiisip ko pa lang na gagawin ni Zaqueo ang bagay na ‘yon, sobra na akong nasasaktan. Sumisikip na ang dibdib ko.“Fuck yourself, bitch! Wala ka pa sa kalingkingan ng asawa ko. Leave now kung ayaw mong ako pa mismo ang kumaladkad sa ‘yo palabas.” Nagngangalit na sabi ni Zaqueo.Sumama saglit ang tingin ni Devy sa asawa ko pero mabilis niya rin itong binawa. Tumingin siya sa akin, “Ok, fine! Aalis na ko ng kusa. Ikaw na lang ang bahala magpaliwanag sa asawa mo kung gaano kasarap ang ginawa kong paggiling sa ‘yo kanina.” Tumawa si Devy na parang n

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    012

    SLNL ➭ 012 ꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Napangiti ako sa naisip. “Hoy, bakit ka ganyan ka makatingin sa ‘kin?” Tila natatakot na tanong ni Enzo sa ‘kin. “Wala naman. Naisip ko lang kung meron ka ba natitipuhan na babae sa mga classmates natin. Meron ba?” May halo na panunukso kong tanong. “W-wag mo na alamin.” Umiwas sa akin ng tingin si Enzo. Tumingin din sa malayo si Mia.Inubos ko muna ang kinakain kong fishball bago muling nagsalita. “Eh itong si kumareng Mia, maganda siya ‘di ba? Bakit hindi mo ligawan?” Sabay na nasamid ang dalawa at naubo. Natawa ako sa reaksyon nila, pareho na silang namumula. Si Mia ay ginawa pang pamaypay ang kamay na tila init na init.“Don’t say bad words, Ash.” Wika ni Mia.“Don’t talk when your mouth is full!” Tunog depensa na sabi naman ni Enzo.Nagkatinginan ang dalawa pero agad din nag-iwas ng tingin na tila nahihiya. “Tsaka ngayon ko lang na realized, bagay pala kayo. Hashtag #EnzoMia” Natatawa ko na sabi. Muli na naman sila nabilaukan.“Stop i

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    011

    SLNL ➭ 011 ꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Nakagat ko ang ibabang labi ko ng gumapang pababa sa hita ko ang palad ni Zaqueo. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil baka makita nila ang ginagawa ng asawa ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang palad niya ng palapit na ito sa paka babae ko. Manipis na slacks lang ang suot ko kaya talagang masasalat niya ang sensitive part ko kahit may damit pa ko. Hindi nagtagal ang pagpigil ko sa kamay ni Zaqueo, mas malakas siya kumpara sa akin kaya nagtagumpay siya na masalat ang pagka babae ko. Hinaplos niya ito ng paulit-ulit na sobra talagang nakakakiliti. Tinakpan ko na lang ang bibig ko para hindi ako makalikha ng ungol dulot ng kiliti ng ginagawa ng asawa ko. Lalo pa ako na kiliti ng dumampi ang mainit niyang hininga sa tenga ko. He is sniffing me!“H-hubby!” Mahinang sita ko kay Zaqueo pero parang wala siyang narinig. Bigla ko natulak si Zaqueo ng lumingon sa ‘kin si Enzo. “Ano ‘yon, Ash? Tawag mo ba ko?” Alanganin akong ngumiti kay Enzo. “Ahm… Hi

  • Sa Likod Ng Lagda (SPG)    010

    SLNL ➭ 010 ꕤꕤꕤQUINN ASHA MONTEMAYOR 𖢲Maaga kami pumunta ni Enzo at Mia sa kumpanya ng asawa ko. Dumiretso kami agad sa Architectural and Engineering Department para magpasa ng application form namin for internship. Naging magaan at mabilis lang ang naging proseso. Hindi na ko nagtaka dahil nagbilin na ang asawa ko sa kanila. “Grabe natanggap agad tayo? Totoo ba ‘to? Parang ang dali?” Umiwas ako ng tingin kay Enzo sa sinabi niya. “Oo nga. Hindi man lang tayo nahirapan. Konting interview lang, approved na agad.” Segunda ni Mia. “Ah eh.. Ayaw niyo ba ng ganun? Mabuti nga ‘yun hindi ba? Nakapasok agad tayo sa isang napakalaki at kilalang company.” Pinagpapawisan ang noo ko habang nagsasalita. “Sa bagay tama ka naman diyan, Ash.” Tumatango-tangong wika ni Enzo na umakbay pa sa ‘kin. Nakita ko naman ang pagsunod ng mata ni Mia sa braso ni Enzo na nakaakbay sa akin. Kumabog nama ang dibdib ko dahil baka makita kami ng asawa ko. Pasimple ko inalis ang braso ni Enzo. Luminga-linga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status